You are on page 1of 4

Ang Pinagmuln ng mga Wik ng Filipinas

Sinu-sino ang mga dayuhang nagdal ng ibt ibng wik sa Filipinas? Iyn angkatanungan ng
isng panauhin dito sa Sarisari etc.Maraming lah ang nagdal ng kan-kanilng salit sa Filipinas nong
unangpanahn, ngunit ang mga wikang dinatnn nil sa Filipinas ay tal na Filipino.Dati'y may teoryang
ang tawag ay wave theory.
Ayon sa wave theory, ang mganinun ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang ilng ulit
o waves ngpandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuly na lup na nalantd dahil mas mababawang mga
dagat noong panahn ng kalamigang pandaigdg (Ice Age). Nanggaling dawsil sa Indonesia, Malaysia at
ib pang lugr. Libu-libong tan daw ang pagitan ng bawatpanahn ng pandarayuhan. Diumany it raw
ang sanh kung bakit may mga Ita, Ifugwat modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayn ay hind na
tintanggp ang teoryangit.Ayon sa mga bagong pananaliksk sa larangan ng wik (comparative
linguistics,lexicostatistics), ang mga wik ng ib't ibng grupo sa Filipinas ay masyadongmagkakahawig
kay hind maaring may ilng libong tan ang pagitan ng kan-kanilngpagdatng. Makikita rin sa mga
bagong ebidensy sa larangan ng arkeolohiya na tuly-tuly at hind paulit-ulit ang nagng pandarayuhan sa
Filipinas.May relasyn sa bawat is ang mga wik sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ngmga wikang it
ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian aymga wik mula sa mga pul ng
Southeast Asia hanggng sa Easter Island na malapit saSouth America.
Malamng na ang unang mga taong nagsasalit ng isng wikang Austronesian aydumatng sa
Filipinas mula sa hilag (north) limng libong tan na ang nakalipas.Nagkahiw-hiwaly sil at nagsikalat
sa bung kapulun. Dahil sa hab ng panahn nanagkahiwaly sil, unt-untng nagbago ang kanilang
pagsasalit. Dumatng angpanahn na ang mga grupong it ay hind na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin
aynagng bago na ang mga wik at pagsasalit ng ibt ibng grupo. Ito ang mga wikangkilala natin sa
Filipinas ngayn tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ib.Ganit rin ang nangyari sa ibng
mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia atIndonesia. Nang simuln nil ang pangangalakal sa
mga pul, nadal rin nil angkanilng mga bagong salit sa Filipinas - pat yang mga salitng natutuhan
nil sa ibpang mas malalayong bans tulad ng India.Mula noon hanggng ngayn, ang mga Filipino, tulad
ng laht ng lah sa daigdg, aynanghhirm ng mga salit mul sa maraming dayuhang lah. Masasabi nating
patuloyna nagbabago ang mga wik sa mund dahil laht tayo ay patuloy ang panghhirm atpaggamit ng
mga bagong salit sa ating pangungusap.
Bagamt may mga wikang dayuhan na nagkaron ng impluwensiy sa paglag ngmga wikang
Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga tal na wik bago pa man itnpuntahn ng mga dayuhan.

WIKA
Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa
iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon
at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na
gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng
pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito.
Ito ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas
kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Isang pamamaraang ginagamit sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Itoy masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
na ginagamit ng taong kabilang sa iisang kultura upang makipagtalastasan. - Henry Gleason
KATANGIAN NG WIKA
Ang WIKA ay SISTEMATIKO
Ang WIKA ay SINASALITANG TUNOG
Ang WIKA ay pinili at isinaayos sa paraang ARBITRARYO
Ang WIKA ay nakabuhol sa KULTURA
Ang WIKA ay PANTAO
Ang WIKA ay NAGBABAGO
Ang WIKA ay ginagamit sa pakikipagtalastasan
Ang WIKA ay MALIKHAIN
DAYALEKTO
Homogenious ang wika, na ang ibig sabihin ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salitaang lahat
ng taong gumagamit ng wika.
IDYOLEK
Kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May ibatibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito
nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.
SOSYOLEK
Sinasalita ng isang tao sa lipunan. May barayting wika ayon sa kinabibilangan nito sa lipunan.
REGISTER
Tinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isang tao ay maaaring gumagamit ng ibatibang istilo sa kanyang
pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kanyang nadarama.
Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika
Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran aymay sariling tunog na
siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog angnagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana,
relo, tren, at iba pa.
Halimbawa: tunog ng eroplano; tunog ng doorbell; tunog ng basong nag uumpugan
Bow Wow kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman angpinagmulan ay ginagad ng tao.
Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.
Halimbawa: tunog ng ahas; tunog ng tubig na dumadaloy
Pooh Pooh tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ringnagbibigay ng
kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.
Hlimbawa: lahat ng tunog na sa tao nanggaling
Kahariang Ehipto Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyangnatutuhan kahit walang
nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo.Unconsciously learning the language.
Halimbawa: Wika ng mga aeta - wlang nagturo sa kanila; ngunit may sistema sila ng pagsasalita.
Charles Darwin Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat naOn the Origin of
Language, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao paramabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
malikha ng ibat ibang wika. Wika natutunantungkol sa mga pakikipagsapalaran.
Halimbawa: tsaa nakuha sa pakikipagsalimuot sa mga tsina.Kobyertos nakuha sa pakikipagsapalaran
sa mga Espanyol.
Genesis 11: 1-9 Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.
Wikang Aramean Believes that all languages originated from their language,Aramean or Aramaic.
Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sadaigdig ay ang lenggwahe ng mga
Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahansa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic
ang kanilang wika.
TEORYANG YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikhang taong
magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unangnasapantaha ni NOIRE, isang iskolar
noong ika-19 na dantaon.
Halimbawa: Haha o tawa ; Pag galit ng isang tao
TEORYANG MUSIKA. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON.sinasaad dito na
ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sakomunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat
taglay nito ang kakulangan sa mgadetalye at impormasyon.
TEORYA NG PAKIKISALAMUHA. ayon kay G. Revesz, isang propesor saAmsterdam Germany, ang
tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang maymagamit sa kaniyang pakikisalamuha. Naniniwala
ito na ang wika sa likas napangangailangan ng tao upang makipagsalamuha sa kaniyang kapwa.
Halimbawa: ang dialektong illonggo at bisaya
TEORYANG MUESTRA. pinaniniwalaan sa teoryang iyo na nuuna ang pagsasalita sapamumuestra.
Magkaugnay ang pagsasalita at pagmumuestra at ang sentro sa utak nakumokontrol sa paggalaw at
pagsasalita ay magkalapit at magkaugnay.
Halimbawa: ang pagtuto ng Braille at sign language ng mga bulag o bingi o pipe.

Mga katangian ng wika:
1. may balangkas - Ako ay nag aaral sa de la sale college of saint benilde.(may masistemang ayos ang mga
salita sa isangpangungusap)
2. binubuo ng makahulugang tunog - Gumagamit ang mga tao ng piling tunog upang magkaroon
ngkahulugan ang wika.
3. pinipili at isinasa-ayos - Madali ang pag aaral kung ikaw ay matiyaga.
4. arbitraryo - Laging nagbabago ang wika ayon sa panahon.
5. nakabatay sa kultura - Tagalog ang isa sa pinaka ginagamit na wika ditto sa Pilipinas.
6. ginagamit - Ang wika ay parte ng pang araw-araw na buhay natin.
7. kagila-gilagis - Ang wika ay may kakayahan na umakit ng mga tao.
8.makapangyarihan - Ang wika ay nakaka-kontrol ng pagiisip ng isang indibidual.
9. may antas - Ang wika ay nahahati sa apat na uri.
10.may pulitika - Nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita.
11.Ginagamit araw-araw- lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahay natin ang atinmga layunin
araw-araw.

Katangian ng wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog
(fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita
(morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap.
Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit
ng wika.
a. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa
makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang
/l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang
salitang [lumipat].
b. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit
na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang
salitang-ugat, panlapi at fonema.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a *tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa
isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree. o Tall the tree.)
d. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang
maging malinaw ang nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-
sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga
Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais
tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi
naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya
bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may
katangian namang natatangi sa bawat wika.
Halimbawa
Wikang Filipino Opo, po
Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French Francois (pangngalan /fransh-wa/)
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na
ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo
at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-
kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles
naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug
naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa
French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kayat
itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ka na hiniram sa Visaya bilang
kapalit ng tu at bo. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus
at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaion].
7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin
sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng
salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan.
Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga
Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang
paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.
8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi
wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito
taglay ang katangian ng isang ganap na wika.
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na bi ay
sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay sumasagisag sa tunog na em.
10. May level o antas ang wika.

Tungkulin At Gamit Ng Wika
Pang interaksyunal
Katangian : nakakapagpanatili o nakakapagpatatag ng relasyong sosyal halimbawa: pasalita- pormulasyong
panlipunan pangungumusta pagpapalitan ng biro pasulat- liham pangkaibigan
Pang -instrumental
Katangian : tumutugon sa pangangailangan halimbawa: pasalita - pakikitungo pangangalakal pag-uutos
pasulat - liham pangangalakal
Pang-regulatori
Katangian: kumokontrol gumagabay sa kilos at asal ng iba halimbawa : pasalita pagbibigay ng panuto
direksyon paalala pasulat recipe
Pampersonal
Katangian: nakakapagpahayag ng sariling damdamin o opinyon halimbawa: pasalita- pormal o di-pormal na
talakayan pasulat - editoryal liham patnugot talaarawan/dyornal
Pang-imahinasyon
Katangian : nakakapagpahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan halimbawa: pasalita :
pagsasalaysay paglalarawan pasulat : akdang pampanitikan
Pangheuristiko
Katangian : naghahanap ng mga impormasyon o datos halimbawa : pasalita - pagtatanong pananaliksik
pakikipanayam o interbyu pasulat - sarbey
Pang-impormatibo
Katangian: nagbibigay ng impormasyon o mga datos halimbawa pasalita pag-uulat pagtuturo pasulat
pamanahong papel tesis






































Mga Barayti ng Wika: Isang Panimulang Pagtalakay
Bahagi ng metalinggwistik na pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito. Ang pagkakaroon ng
barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging
heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaibaiba ng mga
indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatwid,
may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal
(Constantino, 2006).
Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang
aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Ayon sa pagaaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit
sa kapuluan ng ating bansa. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan,
Ilocano ng llocos, Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng Kabikulan. Sa
Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aldan, Kiniray-a ng Iloilo, Antique at Kanlurang Panay, Capiznon
ng Hilaga-Silangang Panay at ang Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa. Samantala, ilan sa mga
dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng Zamboanga,
Davaoeo ng Davao at Tboli ng Cotabato.
Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo
kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog
ng mga naninirahan sa ibat ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-
Maynila sa taga-Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal. Katulad ng sa Tagalog, may barayti rin ang Ifugao
ng Amganad, Batad at Kianan; ang Subanon ng Tuboy-Salog, Siocon, Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng
Koronadal at Sarangani; at ng marami pa pang ibang dayalekto.
Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal
na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga
estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang
pangkat. Makikilala ang ibat ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat
na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang
pinagmulan ng mga ito:
a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
b. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
c. Kosa, pupuga na tayo mamaya.
d. Girl, bukas na lang tayo maglayb . Mag-malling muna tayo ngayon.
e. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.
Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na termino. Kung
maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong iisiping trabaho niya?
hearing, exhibit, court, pleading, fiscal, justice,
Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang mga tanging bokabularyo ng isang
partikular na pangkat ng gawain.
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na disiplina:
account, balance, net income, debit, revenue, asset,
Sa disiplinang Medisina at Nursing naman ay gamitin ang mga sumusunod:
diagnosis, therapy, prognosis, symptom, emergency, patient
Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang
larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa isports na tennis at kung paano naiiba ang
kahulugan ng mga ito sa karaniwan:
ace, fault, love, breakpoint, deuce, rally,
Pansinin naman na ang mga sumusunod na terminolohiya ay may magkaibang kahulugan o rehistro sa
larangang nasa boob ng panaklong:
mouse (Computer, Zoology) stress (Language, Psychology)
strike (Sports, Labor Law) race (Sports, Sociology)
nursery (Agriculture, Education) operation (Medicine, Military)
Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa dimensyong
heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang
pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa
paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may
kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba
ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang
sa isang larangan at naninirahan marahil lahat sa Metro Manila: a. Mike Enriquez. b. Noli de Castro, c.
Mon Tulfo,
d. Rey Langit at e. Gus Abelgas. Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi ba?
Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang gayahin ng mga
impersonators: a. Kris Aquino, b. Gloria Macapagal-Arroyo, c. Mel Tiangco d. Anabelle Rama, e. Ruffa
Mae Quinto at f. Mirriam Defensor-Santiago.
May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidginay tinatawag sa Ingles na
nobodys native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyongmakeshift.
Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang istraktura naman ay mula sa isa
pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng
mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang istraktura ng kanilang pangungusap
ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda, mura.
Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized).
Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang
wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing purong Kastila dahil sa
impluwensya ng ating katutubong wika sa istraktura nito. Creole din ang tawag sa wika ng mga taga-
Mauritius na magkahalong Pranses at kanilang unang wika.
"Sinuman ang walang may pagkakakilanlan sa ibang wika ay wala ring pagkakakilanlan sa kanyang
sarili."
-Goethe-

You might also like