You are on page 1of 2

FIL 102

KONSEPTONG PAPEL

I. Mga Mananaliksik

Chua, Nicolette Eunice T. - Editor - 3

Cobangco, Margarita Jai B. - Dokumentasyon - 4

De Guzman, Denise DG. - Enkoder - 1

De Guzman, Mellanie Claire C. - Tagapag-ayos ng teksto - 2

II. Tesis: Ang Epekto ng Pagkain ng Mani sa Pag-function ng Utak ng mga Mag-aaral sa
Pakultad ng Parmasya- Medical Technology sa Unibersidad ng Santo Tomas na may Edad 16
Hanggang 20

III. Pangkalahatang Suliranin: Anu-ano nga ba Ang Epekto ng Pagkain ng Mani sa Utak ng mga
Mag-aaral sa Kolehiyo?

Mga Tiyak na Suliranin:

1. Bakit sinasabing may Magandang Dulot ang Mani sa Utak ng Tao?

2. Anu-ano ang mga Negatibong Epekto ng Mani sa Utak ng Mag-aaral sa Kolehiyo?

3. Anu-ano ang mga Positibong Epekto ng Mani sa Utak ng Mag-aaral sa Kolehiyo?

4. Anu-ano ang mga Kemikal na Sangkap o Nilalaman ng Mani na may kinalaman sa


pagtakbo ng Utak? Paano at Bakit ito Nakakaapekto?

5. Gaano karaming Mani ang kailangang kainin na nagreresulta sa Positibong Epekto sa


Utak?

6. Gaano karaming Mani ang kailangang kainin na nagreresulta sa Negatibong Epekto sa


Utak?

7. Anong Uri ng Mani ang nagdudulot ng pinakapositibo, epektibo at mabuti sa Utak ng Mag-
aaral sa Kolehiyo?

8. Anong Uri ng Mani ang nagdudulot ng negatibo at masamang epekto sa Utak ng Mag-aaral
sa Kolehiyo?
IV. Kahalagahan ng Pag-aaral

1. Maging sapat na mapanuri sa mga kinakain, gaano ito nakakaapekto sa pag-isip, gaano
karami ang kulang, sapat at sobra.

2. Malaman kung paano agapan ang maidudulot na masamang epekto ng mani sa


pagtakbo ng utak.

3. Maraming mga mani na nabebenta sa mababang halaga kaya kahit sinong tao ay
makakabili nito.

4. Buong taon ay makakatanim ang Pilipinas ng mani.

5. Makakayang bilhin ang mani ng lahat ng klase ng tao sa bansa – mahirap o mayaman.

6. Magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga tao sa kung ano nga ba ang nagiging
epekto ng pakain ng mani sa utak ng tao.

V. Layunin

Ang Layunin ng Pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

1. Magbigay ng sapat na kaalaman sa positibong epekto ng mani sa utak.

2. Magbigay ng sapat na kaalaman sa negatibong epekto ng mani sa utak.

3. Mailahad ang benepisyong maaring maibigay ng mani sa utak ng estudyante sa kolehiyo.

4. Upang makatulong sa mga mag-aaral na nagnanais na mas patalasin ang memorya sa


murang halaga.

5. Padamihin ang mga salik ng pag-aaral tungkol sa mani para makahanap ng mga
mapapakinabangan nito.

6. Ipagbigay-alam sa nakararami ang kapakinabangan ng mani sa utak ng mga tao.

You might also like