You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao

Grade 9

Ikatlong Markahan

Modyul 9 : Katarungang Panlipunan

Kung kawalang-katarungan ang pagpatay, ang buhay ay katarungan.


Kung kawalang-katarungan ang pang-aagaw ng lupa, katarungan ang gumalang sa pagmamayari(ng lupa).
Kung kawalang-katarungan ang pang-aapi, katarungan ang pagkalinga at paggalang sa dignidad ng
tao.
Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili.
Kung nais makakilos namg may direksyon sa aking buhay ay kinakailangang timbangin,ayawan,
at/o panindigan ang maraming bagay na inihahain sa aking harapan. Ang wastong pagpiling ito ang
masasabi nating pinakapundamental na prinsipyo ng katarungan sa sarili.
Ang dahilan kung bakit ko kailangang ayusin ang aking sarili ay dahil mahalaga ako.
Ang dahilan kung bakit ko pagsisikapanng gawin ang isang bagay ay dahil makakapagpapayabong
ito at makapagtataguyod ng aking sarili.
Kaya ko iingatan ang aking sarili ay dahil hindi ko maaaring bitiwan ang halaga ko bilang isang tao.
Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa, makabuo,
at makalikha.Ang pinakasentro ng lahat ay ang mga malalalim na ugnayan ng tao sa loob ng
komunidad.
Kung hindi magiging maayos ang tao, ang komunidad na kanyang gagalawan ay mawawasak din.
Ang hamon ay Makita ang katarungan na isang pagpapahalagang kailangang pagsikapang
panatilihin sa bawat sandali.
Halimbawa: Katarungan ang tumawid sa tamang tawiran.
Katarungan ang maging malinis sa itinitindang pagkain.
Modyul 10 : Kagalingan sa Paggawa
Ayon kay Pope John Paul II sa kanyang isinulat na Laborem Exercens noong taong
1981, ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatupara nito ang
kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang
layuning ito ang nagtutulak sa kanya upang magkaroon nang Kagalingan sa Paggawa.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang mga sumusunod na
katangian: (1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga,
(2) pagtataglay ng positibong kakayahan, at (3) nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos.
1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga. Ang isang matagumpay na tao ay may tiyak na
pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anomang pagsubok na
pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang
gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad. Ang produktong kanyang lilikhain ay
bunga ng kasipagan, tiyaga, pagiging malikhain at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
2. Nagtataglay ng Kakailanganing Kakayahan. Upang maisakatuparan ang mga mithiin sa
buhay at magtagumpay sa anomang larangan, kailangang pag-aralan at linangin ang mga
kakailanganing kakayahan at katangian tulad ng: kakayahang magbasa, magsulat, magkwenta, makinig
at magsalita, at ang pagkakaroon ng mayamang kaisipan na gagabay sa iyo upang maging
sistematiko at malinang ang tatlong yugto ng pagkatuto: pagkatuto bagoang paggawa, pagkatuto
habanggumagawa, at pagkatuto pagkataposgawin ang isang gawain.
Ang mga sumusunod na kakayahan ay makatutulong din upang magkaroon ng
matalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa
(How to Think like Leonardo da Vinci ni Michael J. Gelb):
1. Mausisa(Curiosita). Ang taong mausisa ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan.
2. Demonstrasyon (Dimostrazione). Ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga di malilimutang
karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang maulit ang ano mang pagkakamali. Sa
karanasang ito natututo ang isang tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.
3. Pandama (Sansazione).Ito ang tamang paggamit ng mga pandama, sa pamamaraang kapakipakinabang sa tao. Ang kakulangan ng bahagi nang katawan ay hindi hadlang upang isakatuparan ang
tunguhin.
4. Misteryo (Sfumato). Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay,
kabaligtaran ng inaasahang pangyayari. May mga pagkakataon sa buhay nang tao na nangyayari ang
hindi inasahan at ang hindi inaasahan na ito ay ang siyang magbibigay nang pagbabago sa buhay
niya bilang tao.
5. Sining at Agham (Arte/Scienza). Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng agham, sining
katuwiran at imahinasyon. Binibigyang diin nito ang kaalamang magpapatibay upang lalo pang
magingmalikhain ang pag-iisip.
6. Ang kalusugan ng pisikal na pangangatwan (Corporalita).Ito ang tamang pangangalaga ng pisikal na
pangangatawan ng tao upang maging malusog upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.
Kasama dito ang pag-iwas sa anomang bisyo na pwedeng makasama sa katawan.
7. Ang pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione). Ito ang pagkilala at pagbibigay
pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at mga pangyayari ay may kaugnayan sa isat-isa.
3. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos. Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na
ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan kung ito ay ayon sa kalooban ng Diyos.
Kung ang paggawa o produkto ay ginawa bilang paraan ng pagpuri at pasasalamat sa Kanya. Kapag
ganito ang natatak sa iyong isipan, pagbubutihan at paghuhusayan mo ang lahat ng iyong gawain at
ang balik nito ay pagpapala mula sa Diyos.

Modyul 11: KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA


NAIMPOK
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong
kalidad. Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa
sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan na kung saan malaki ang
maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa at sa kaniyang
lipunan.
Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang
pagkatao.
Ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan.
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay
pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy
na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin.
Ang Pagtitipid ay ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang
mamuhay ng masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na makapagbigay sa iba. Ang
pagtitipid ay hindi ubos-ubos sa pera o bagay na walang saysay. Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga
ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.
Ayon sa isang financial expert na si Francisco Colayco, mayroong tatlong dahilan kung bakit
kailangan na mag-impok ang tao.
1. Para sa proteksyon sa buhay. 2. Para sa mga hangarin sa buhay.
3. Para sa pagreretiro
MODYUL 12: PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS
Sa kultura nating Pilipino may tinatawag na maana habit. Ito ay ang pagpapabukas ng gawain.
Ang oras ay tumutukoy sa panahon, pagkakataon, saglit, araw, at sa gaano katagal
ang iginugol sa isang paggawa. Ito ay isang mahalaga at kakarampot na yaman.
Ang taong marunong magpahalaga sa oras ay siyang may mahusay na nagagawa. Hindi
siya naaantala o nahuhuli. Nakatatapos siya ng gawain sa takdang oras. Ang pagiging
maagap ng tao ay nagpapahiwatig na may pagpapahalaga siya sa oras ng ibang tao. Hindi
niya nanaisin na masayang ang sariling oras pati na rin ang oras ng kanyang kapuwa. Ang
ganitong uri ng tao ay itinuturing ang panahon o oras bilang isang kayamanan.
Ang pagpaprioritize at pagpaplano ng gawain sa takdang panahon ay makatutulong
upang ikaw ay maging mapanagutan, kapaki-pakinabang at
matagumpay na magaaral, gayon na rin bilang kasapi sa isang pamilya, lipunan at bansa.
Pangangasiwa o Pamamahala ng Oras
Isa sa nabanggit na dahilan kung bakit mayroong nasasayang na oras ay sanhi ng maana
habitsa mga Filipino. Narito ang ilang mungkahi upang maiwaksi ang pagpapaliban sa
paggawa:
1. Pagtukoy sa iyong layunin na magbibigay ng direksiyon sa nais mong matupad.
Magplano para sa iyong buhay.
2. Pagtukoy sa kung ano ang iyong pangangailangan sa kinahaharap na gawain.
3. Pagtasa sa mga gawain. Kung ito ay malawak, simulan sa pinakamaliit na gawain
hanggang sa mabuo at matapos ang gawain. Ang pagsisimula sa pinakapayak at
madaling gawain ay makapagdudulot ng kasiyahan o sense of achievement.
4. Pag-aayos ng mga kongkretong hakbang o plano ng pagkilos upang matapos nang
maayos. Magtakda ng araw kung kailan tatapusin ang gawain. Iwasang malihis sa ibang
gawain. Mag-focus.
5. Gumawa. Itakda ang oras. Gantimpalaan ang sarili sa tuwing may natatapos na
gawain.
6. Tasahin kung nagawa ang nararapat gawin. Maging matiyaga at kapaki-pakinabang.
Huwag susuko.
Pagpaplano ng Oras
Upang magabayan ka sa pagpaplano ng oras, narito ang ilang maaari mong gawin:
a. Timbangin ang iyong oras para sa pag-aaral, trabahong bahay, pagtulog, pagtulong at
pananalangin.
b. Planuhin ang kinakaharap na grading period.
c. Gumawa ng layunin sa bawat asignatura.
d. Alamin kung gaano kahaba ang kinakailangang gugulin para sa pag-aaral sa mga asignatura.
e. Mag-aral sa tamang lugar. Humanap ng isang lugar sa loob ng tahanan kung saan maaaring mag-aral.
f. Planuhin kung paano kinakailangang humingi ng tulong sa mga guro at kamag-aral sa mga araling hindi
naunawaan nang lubos.
g. I-prioritizeang mga asignaturang pag-aaralan.
h. Alamin ang mga epektibong paraan ng pagbabalik-aral at pagsusuri sa mga babasahin.
i. Alamin ang sining sa pagtatanong. Maraming matututuhan kung nagtatanong.
j. Gamitin nang kapaki-pakinabang ang oras.
Maging ang oras o panahon ay nakaraan na, pangkasalukuyan at panghinaharap, may hamon
dala ito na gamitin nang wasto at pahalagahan.

MODYUL 13: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o TeknikalBokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay
Sa pananaw ng isang Alemang pilosoper na si Jrgen Habermas tungkol sa pagiging indibidwal
ng tao na tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-samundo (lifeworld), at
itong buhay-na-mundo ay nabubuo naman sa pagkomunikasyon ng kanyang mga kasapi. Dagdag pa
niya, nahuhubog lamang ng tao ang kanyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kanyang
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ito ay pananaw na etikal sapagkat may kinalaman ito sa magandang
buhay para sa akin, para sa atin at sa ating lipunan (Good life for me for us in community) at moral dahil
ibinibigay nito kung ano ang mabuti para sa lahat (what is just for all).
Sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa
iyong:
1. Talento
3. Hilig
5. Katayuang pinansiyal
2. Kasanayan (skills)
4. Pagpapahalaga
6. Mithiin
Ang mga Talino o Talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983):
1.Visual Spatial
3.Mathematical/ Logical
5. Musical/ Rhythmic 7.
Interpersonal
2.Verbal/ Linguistic 4.Bodily/ Kinesthetic
6. Intrapersonal
8. Existential

You might also like