You are on page 1of 5

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

AGUSAN CAMPUS

KONSEPTONG

PAPEL
sa Filipino-II
Ipinasa ni:
Naranjo, Ma. Alyssa Antoniette
Batohinay, Herna
Mejias, Zachary
Lucino, Algane
(GROUP 1 OF I-6)
Ipinasa kay:
Prof. Fe S. Bermiso
(PROFESSOR)

Larangan: Edukasyon

Paksa: Mga Dahilan at Epekto ng Pagkahumaling ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Normal ng


Pilipinas-Agusan Campus sa mga Social Networking Sites (SNSs) sa Taong-Panuruan:
2013-2014

Rasyunal:
Sa panahon ngayon ay posible na ang lahat. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya,
unti-unti nang napapadali ang paraan ng komunikasyon at pakikipag-ugnayan. Dito nakikilala
ang pagkakaroon ng internet. Ang internet ay isa sa pinakapopular na naimbento sa panahon
ngayon na naglalayong mas palawakin pa ang komunikasyon. At gamit ang internet, sa isang
pindot lang ay maari nang maabot ang ibat ibang panig ng mundo sa pinakamalapit o
pinakamalayo man dahil sa mga social networking sites.
Ang mga social networking sites ay maraming naidudulot na kabutihan subalit maari ring
magdulot ng kasamaan kung pagmamalabisan. Ang mga halimbawa dito ay ang Facebook,
Twitter, Tumblr at Instagram. Marami ang hindi makakaiwas ng pagkahumaling dito lalong lalo
na sa mga kabataan dahil ito ang trend ngayon, kaya minsan ay naapektuhan na ang mas
importanteng gawain. Ang malupit pa ay mas nabibigyan pa ito ng pansin at napapahalagahan
kaya marami sa mga mag-aaral ang nakakaranas ng pag baba ng marka.
Kaya napapanahon lamang na aalamin ang mga dahilan at mga bagay na nakakaapekto sa
pagdami ng bilang ng mga mag-aaral sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus na
nahuhumaling sa mga Social Networking Sites (SNSs) sa taung panuruan: 2013-2014 para
mabigyan ng karampatang solusyon ang ganitong uri ng suliranin. Kapag ito ay masosolusyonan,
malaki ang maitutulong nito sa mga mag-aaral ng Pamantasang Normal Pilipinas-Agusan
Campus sapagkat ito ay magiging daan sa mas maunlad na mga mag-aaral at mas maayos na
kinabukasan nito. Maging daan rin ito sa matalinong paggamit ng mga SNSs, hindi lamang sa
mga mag-aaral kundi pati na rin sa susunod na henerasyon.

Layunin:
A. Pangkalahatan
Naglalayon ang pananaliksik na ito ang mapag-aralan at mailahad ang mga
dahilan at epekto sa mga mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus sa
mga Social Networking Sites (SNSs) sa taong-panuruan 2013-2014.
B. Tiyak
1. Mailalahad at matutukoy ang mga dahilan at epekto sa pagkahumaling ng mga mag-aaral
sa mga Social Networking Sites (SNSs) sa taong panuruan 2013-2014.

2. Mapapangkat ang mga dahilan at mga bagay na nakakaapekto sa pagkahumaling ng mga


mag-aaral sa mga Social Networking Sites (SNSs) ayon sa katayuang ekonomiko at
edad ng mag-aaral.
3. Makapaghayag at makapagbigay ng impormasyon sa kinauukulan o sa nasabing
institusyon upang makabuo ng garantisadong hakbang at makagawa ng mabisang
solusyon at agarang aksyon upang maagapan ang mga naitalang di mabuting bunga nito
sa mga mag-aaral.

Panimulang Haka:
1. Dahilan sa pag-uso ng mga Social Networking Sites (SNSs), ang mga mag-aaral ng
Pamantasang Normal ng PIilipinas ay nagkakaroon ng problema sa pagkahumaling dito
na nagdudulot sa pagwawalang bahala sa mas importanteng gawain, pag-aaksaya ng oras
at pagka-adik dito. Ang pananaliksik na ito ay magiging daan upang mailahad ang mga
dahilan at mga bagay na nakakaapekto sa pagkahumaling dito sa mga mag-aaral at
mabigyan ng solusyon o pababain ang pagdami ng bilang ng mag-aaral na nahuhumaling
dito.
a) Nahuhumaling ang mga mag-aaral dahil: sa koryusidad o presyur sa barkada, sa
pagkakaroon ng maraming kaibigan at makilala ito, pampalipas oras at
nagbibigay ng kaunting kasiyahan, nalilibang sa marami at bagong mga laro,
makapaglathala ng pangyayari o iyong post status, makapagdala ng personal na
mensahe, makapaglathala ng mga litrato at video, makapagbigay ng komento at
higit sa lahat nabibigyan ng pagkakataong makita ang mga kamag-anak sa
malalayong lugar.
b) Ang mga epekto naman nito ay ang sumusunod: pagbaba ng marka ng mag-aaral,
pagtaas ng stress, nakakasira sa oras ng pagtulog, pag-aaksaya ng pera, oras at
enerhiya, naging daan rin ito sa talamak na krimen tulad ng nakawan ng panirang
uri, murahan ng mga litrato puro kalaswaan o yung mga nude photos,
panlolokong mga negosyante ngunit scam pala ito at marami pang iba.
2. Sa ngayon, dumarami ang mga dahilan sa pagkahumaling ng SNSs at mga bagay na
nakakaapekto dito. Isa sa mga dahilan ay kuryosidad at presyur sa mga taong nakapaligid
sa mag-aaral at ang magiging epekto nito ay ang pagkahumaling ditto. Dahil ito ang trend
ngayon, sumasali at gumagawa din sila ng kanilang account. Dito, mas nabibigyan pa ito
nila ng pansin kaysa sa dapat gawin na riserts. Ito ay nagbubunga ng hindi pagtapos sa
ginawang proyekto at maging resulta ang pagbagsak ng marka.
3. Ang nasabing institusyon ay makakagawa ng mga hakbang, solusyon at agarang aksyon
na makakatulong sa mga mag-aaral ng Pamantsang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus
na bababa ang bilang ng nahuhumaling sa mga SNSs at para rin maiwasan ang hindi
mabuting dulot nito.

Sarbey ng Sanggunian:
A. Aklat

Bookshear, Glenn. (1994). Computer Science: An Overview. The Benjamin/Cumming


Publishing Company, Inc.
Corrigan, Dan. (1996). The Internet University, College Course. Cape Software Press.
Lee, Tim (1999). Weaving the Web. The Orion Publishing Group Ltd.
Long, Larry. (1991). Introduction to Computers and Information Processing. New
Jersey : Prentice Hall, Inc.
Stallings, William (2001). Business Data Communication. Prentice Hall, Inc.

B. Magazine

Gargantiel, D. (December 2012). A cerebral Take on Cyber-Socializing. Healthy


Lifestyle and Living, Enrich Volume 5, pages 66-69.
Ladrona, C. (Second Semester 2011-2012) Friends on the Line.The Torch. Philippine
Normal University-Agusan Campus, page 5.
(October-December 2010) Social Networking Donts .Vertical Thought, Information
Mundation, page 23.

C. Tesis
Balsado, Emma M.A. (Oct. 2001). Study on the Computer Literacy of 4th year Home
Economics Students.PNU-AC.
Cruz, Annaliza S. (March 2012) Interpersonal Relationship and Comunication Style of
School Heads in the Norzagaray District and Its Implication to the Job
Performance.
Donato, Marita O. (March 2009) Assessment of the Computer Literacy of Grade Two
Pupils of Colegio San Agustin-Makati Input To Syllabus Refinement.

D. Internet Site

http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=pdf [02/23/14]
http://www.fastweb.com/student-life/articles/3094-students-becoming-addicted-tosocial-media [02/23/14]
https://www.newsdesk.umd.edu/sociss/release.cfm?ArticleID=2144 [02/23/14]

METODOLOHIYA

Deskriptib ang pananaliksik na ito. Sa pangangalap ng mga datos, ang questionnaire,


interbyu at sarbey ang mga paraan upang matukoy ang mga dahilan at epekto kung bakit laganap
ang pagkahumaling dito sa mga kabataan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus.
Gagawin ang buong pag-aaral sa Pamantsang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus, sa taong
2014, sa lungsod ng Prosperidad, Agusan del Sur.

INSTRUMENTO

Questionnaire at Interview:

Bubuo ng questionnaire at gagawin ang interview guide, ito ang mga pangunahing
gagawin ng mananaliksik upang makakalap at mapag-isa ang mga datos, impormasyon at mga
facts na magpapaliwanag patungkol sa laganap na pagdami ng bilang ng mga mag-aaral sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan Campus na nahuhumaling sa SNSs. Ito rin ang
instrumentong gagamitin upang mapabilis ang pagtala sa mga nakalap na mga datos at upang
mailahad ang mga sariling pananaw at opinion ng respondent hinggil sa nasabing paksa.

Hakbang:
1. Bubuo ng mga tanong para sa kwestyoner at sa gagawin na interview guide at gagamitin
sa pangangalap sa mga datos.
2. Hihingi ng pahintulot sa mga namamahala sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Agusan
Campus (PNU-AC) para sa gagawing pananaliksik.
3. Sa bawat pangkat ay pipili ng respondent sa pamamagitan ng Random Sampling.
4. Sa mga napiling mag-aaral, ibibigay ang mga sarbey-kwestyoner at iinterbyuhin.
5. Gabayan at turuan ang mga mag-aaral na nakatanggap ng sarbey-kwestyoner kung paano
sasagutan at isa-isang itiong iinterbyuhin.
6. Kukulektahin ang mga sarbey-kwestyoner matapos sagutan at iinterbyuhin agad sila.
7. Pagkatapos kulektahin ang mga instrument, kukunan ng opinyon ang guro hinggil sa
nasabing paksa at veverify naman ng guro ang mga sagot ng mga mag-aaral kung ito ba
ay kapani-paniwala o may validity.
8. Agad itatala ang mga naipong datos para sa pananaliksik.

You might also like