You are on page 1of 6

KONSEPTONG

PAPEL
SA FILIPINO:
SUICIDE o PAGPAPAKAMATAY

Inihanda ni: Caryl Mitzi Balmes


Inihanda para kay: Gng. Pelita Panganiban

I.

Paksa
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Suicide o pagpapakamatay.

II.

Rasyunal/Layunin
Mahalaga ang paksang ito sapagkat isa ito sa mga pangunahing isyu at
suliranin hindi lang ng ating bansa kung hindi sa buong mundo. Isang isyu na
sinasabing hindi masyadong napapagtuunan ng pansin ng nakararami.
Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
a.
b.
c.
d.

III.

Ano ang Suicide o pagpapakamatay?


Ano ang mga dahilan ng pagkatalamak ng Suicide o pagpapakamatay?
Bakit marami sa ating mga mamamayan ang gumagawa nito?
Ano ano ang mga solusyon para mapagilin ang Suicide o pagpapakamatay?
Pamamaraan
Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pangangalap ng

impormasyon at mga datos sa internet.


IV.

Panimula
Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: bakit ka
mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan? - Ecclesiastes 7:17

Ang suicide o pagpapakamatay ay isa sa pinakamabigat na kasalanan


na ating pwedeng magawa sapagkat ito ay laban sa utos ng Diyos.

Ang pagpapakamatay o pagpatay sa sarili, para sa isang Kristiyano na


tulad ko ay isang napakalungkot na bagay o usapin sa kadahilanang ito ay isang
pag-aaksaya sa buhay na ibinigay sa atin ng Diyos na syang kanyang sinadya
upang gamitin sa Kanyang paraan. Ito ay isang kasalanan, Dahil ito ay isang
pagkuha ng buhay ng isang tao o sa mas payak na salita, Ito ay pagpatay.
Malinaw na ipinapahayag ng Bibliya ang kabanalan ng buhay ng tao (Exodo

20:13). "Ang Diyos ay ang may-akda ng buhay, sa gayon, ang pagbibigay at


pagkuha ng buhay ay dapat na manatili sa kanyang mga kamay."
Sa kasalalukuyan, tila ang pagpapakamatay ay isang ordinaryong salita
na lamang sa sinuman. Isang bagay na hindi mahalaga, isang bagay na kulang
sa pansin sa kabila ng mga malalaki at laganap na mga kaso nito. Bagay na
ginagawang permanenteng solusyon sa isang pansamantalang problema at isang
paraan ng pagtakas sa iniisip nilang isang malupit na mundo.
Ang pagpapakamatay ay isang bagay na hindi kaaya-aya ngunit bakit
maraming mga tao na nilalayong gumawa nito? Bakit may mga taong gusto ng
kamatayan sa kabila ng mga tao naglalayong magkaroon ng buhay. Ano ang
maaaring sanhi ng hindi makatwiran at masamang gawain na ito? Paano ito
nagsimula? Maaari pa ba itong matigil?
V.

Pagtalakay
Ang pagpapakamatay, pagtatangkang magpakamatay o saloobing paggawa ng pagpapakamatay ay isa sa lumalaking problema o suliranin sa ating
bansa maging sa ibang bansa lalo na sa mga kabataan simula pa nong taong
2000.
Ayon sa Laong Gresya, Ang pagpapakamatay ay hindi itinuturing na mali;
sila ay naniniwala na may isang magandang dahilan sa kabila ng mga taong
gumagawa nito.
Ilan sa mga halimbawa ni Plato: kapag ito ay legal na inayos ayon sa
Estado; para sa may sakit at wala nang lunas na sakit; at kapag ang isa ay
napilitang gawin ito dahil sa mapait na karanasan sa kanyang buhay.
Ayon naman sa mga Laong Romano, ang mga mamamayan ay hindi
ipinagbabawal na magpakamatay. Gayunpaman, ang pagpapakamatay ay
ipinagbabawal para sa mga alipin at mga sundalo: ang una ay para sa
pagsasaalang-alang sa katayuang pang-ekonomiya, at ang pangalawa ay para
sa makabayang dahilan. Hindi nila isinasaalang-alang ang buhay bilang isang

kaloob ng diyos, karamihan sa nga Romano ay suportado sa ideya ng


pagpapakamatay para sa mga partikular na sitwasyon, tulad ng mga indibidwal
na naniniwalang mas mabuti ang kamatayan kesa sa kahihiyan, o yaong ninais
na maiwasan ang karampatang gulang.
Ang Pagpapakamatay ay nagsimulang magbago ng dahan-dahan sa
panahon ng Renaissance.
Ayon kay Thomas Moore, isang manunulat, isinaad niya na ang isang tao
na mayroong isang walang lunas na sakit o wala nang paggaling na sakit ay
maaaring ilaya ang kanyang sarili mula sa mapait na buhay, dahil sa
pamamagitan ng kamatayan ay naglalagay siya ng isang pangwakas na
solusyon hindi sa kasiyahan ngunit sa labis na paghihirap.
Nang dumating ang ika-19 na siglo, sinasabing ang isang indibidwal ay
may sira ng bait sa aktwal na sandali ng pagpapakamatay. Sa siglong ito, ang
parusa sa pagpapakamatay ay inabanduna na. Dito ay sinabi ang ilan sa mga
karaniwang dahilan para sa ng mga bata at kabataan. Kasangkot dito ang
personal na salungatan o pagkawala kalimitan ng magulang o opposite partner.
Hindi pagkakasundo ng pamilya, pisikal o sekswal na pang-aabuso na
nagsasanhi ng mga depresyon na nagdudulot ng kawalan ng tamang pagiisip ng
isnag tao.

VI.

Lagom
Ang pagpapakamatay ay may ibat ibang depinisyon mula sa ibat
ibang tao. Mayroong ibat ibang pananaw at pagtingin ang mga tao sa isyung ito.
Mayroong nakikita ito bilang mabuti at meron din namang nakikita ito bilang
masama o kasalanan. Bagamat sa kabila ng ibat ibang depinisyon na natalakay
ay iisa ang pinatutunguhan nito, ito ay kapwa kawalan. Kawalan na maari pang
masolusyunan. Kawalan na dapat natitigil at napaguukulan ng pansin. Saan
mang dako natin ito tingnan ay isa itong nakakalungkot na bagay. Kagaya ng

nakasaad sa laong bahagi, ito ay nakikitang isang permanenteng solusyon sa


temporaryang problema.
VII.

Kongklusyon
Ang pagpapakamatay ay naging napakalaking isyu sa paghaba ng
panahon at ito ay dahil sa napakalaking pagkawala ng isang indibidwal sa isang
pamilya, karelasyon at kahit mahal sa buhay na nagreresulta sa isang
napakalaking depresyon na kalaunan ay humahantong ang isang tao sa ideya ng
pagkuha ng kanyang sariling buhay. Hindi natin maaaring maiwasan ang
pagkawala ng isang tao dahil ang ating buhay o katapusan ay nasa kamay ng
Diyos ngunit pwede nating gawin ang pagpigil sa mga taong nagpapakamatay
sa pamamagitan ng pagtalo sa matinding depresyon.
Hindi lamang sa ating mga sarili ngunit sa iba.Tandaan na ang
pagpapakamatay ay hindi kailanman solusyon. Walang problema ang di
maaaring malutas sa oras at pag-aalaga. Tandaan, hindi mahalaga kung gaano
kasama ang maging karanasan ng isang tao, ang mahalaga ay hindi mawawalan
ng isang tao na magagawang makinig sa iyo at makakatulong sa iyo. Ang
kawalan ay masakit kaya't huwag mong pabayaan ang iyong sarili na maging isa
pang kawalan.

VIII.

Rekomendasyon
1. Ang Suicide o pagpapakamatay ay dapat gawing isa sa
pangunahing isyu ng isang bansa lalo na sa mga bansa na may
pinakamataas na rate ng mga kaso ng pagpapakamatay.
2. Ang mga paaralan at tahanan ay dapat na gabayan ang kanilang
mga mag-aaral/anak sa mga problemang emosyonal. Ang bata ay dapat
ilayo mula sa matinding depresyon.
3. Bawasan ang pampublikong access sa mga mapanganib na
mga materyales tulad ng mga baril at alak.

IX.

Talaan ng mga sangunian


Suicide and Suicidal

http://www.healthofchildren.com/S/Suicide-and-Suicidal
Suicidal Behavior
Behavior Site: Suicidal-Behavior.html#ixzz3FJCTOeTkI
Suicide Definition/Types
http://wikipedia.com/suicide
Suicide Infos (2014)
http://www.healthofchildren.com/S/Suicide-and-Suicidal-Behavior.html

You might also like