You are on page 1of 12

EL FILIBUSTERISMO

UNANG TAGPO
Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ng ibat ibang uri ng
tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa. Ang bapor ay
patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay ang mga
prayle/reverendos, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya
Victorina, isang mag aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng
kubyerta ng bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio.

Kap. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiago?


Basilio: Tulad ng dati, ayaw pa ring magpagamot ni Kapitan Tiago.
Kapt. Basilio: (Pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago,
wala pa ang droga na yan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang
masamang gamut na iyan.
Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito
ay hindi isang gaot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo
pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba Basilio?
Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (Palihim na napangiti sa sinabi ng
kasama)
Kapt. Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga!
Ngunit itoy hindi gaanong napapansin dahil abala ang marami sa pag aaral. Maiba
ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?
Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang
mga mag aaral.
Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sanay magtagumpay kayo sa inyong plano.
Paano, mauna na ako sa inyo. Kailangan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na
kayo.
(Pag alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdating ng mag aalahas na si Simoun.)
Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at
magbabakasyon?
Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun.
Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?
Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapigt lamang ang aming bayan. Bakit
Ginoon, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao dooy
hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang
mga tao doon.
Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman
naming kailangan.
Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kamiy mauuna na sa inyo. Ang tiyo
ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.
IKALAWANG TAGPO

Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa


bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego. Inabutan nila sa daanan ang
prusisyon ng ibat ibang santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang
makapagaral ng medisina. Sa tuwing uuwi si Basilio sa San Diego, lagi niyang
binibista ang libingan ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang
sikreto ang nalaman ni Basilio.
(Basilio, nasa gilid, nagmamasaid habang hawak ang lampara)
(Simoun, naghuhukay sa isang parte ng libingan)
(Basilio, lalapit kay Simoun)
Basilio: Si Ginoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya ditto sa libingan ng aking
ina? (Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio sa paghabol niya sa kanyang
ina noon, may labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking nagngangalang
Crisostomo Ibarra ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Ditoy pinakiusapan siya
nito na tulungang sunugin ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki)
Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun?
(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig)
Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?
Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito nagtagpo may
labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang
pakikiramay, at kung hindi ako nagkamali, kayi si Crisostomo Ibarra, na sa
pagkakaalam ng lahat ay patay na!
(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio)
Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari
mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa
aking kamay?
Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo G. Simoun.
Simoun: Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa
akin. Ang maaaring pagkakab unyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong
paghihiganti! Sa plano kong matagal ko ng pinaghandaan!
Basilio: G. Simoun! Nooy hinatulan kayong filibuster at dahil dooy kayoy
napakulong, muli ba ninyo itong hahayaang mangyari?
Simoun: Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung
mawawala ka sa aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin
na napatay ka ng mga tulisan sa loob ng gubat na ito.
Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.
Simoun: Totoong akoy naparito may labing tatlong taon na ang nakaraan, upang
dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng
mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayony nagbalik ako upang ipagpatuloy
ang kanyang nasimulan.Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng
kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpaalipin! Hindi pinapakinggan!
Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag aaral ng mga kabataan ng wikang
Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang
magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa!
Aanhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga
karapatan! An gating mga pagkatao!

Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip.


Simoun: Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga
kabataang naghahangad na itatatg ang Akademya. Ilang beses ko na ring
tinangkang lapitan si Macaraig, o si Isagani, upang ihayag sa inyo ang mga
pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong hindi kayo makikinig at inyo
lamang iisipin na akoy nasisiraan ng bait. Ngunit, narito na sa akin ang
pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabay nating
isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api!
Basilio: Salamat sa pagtitiwala G. Simoun, ngunit ako man ay mga pangarap din.
Gusto kong makapagtapos. Gusto ko maging isang ganap na doktor.
Simoun: At ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makapagtapos? Makikita mo
bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang Malaya ang mga tao? At ano, iyo
na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na
tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila?
Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kaya ko bang ipaglaban gayong
ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi
maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyang bangkay at
pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.
Simoun: At kung ibibigay ko sayo ang aking tulong?
Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na silang
magagawa. Hindi na kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina
at kapatid. Hayaan na natin silang matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa
aking paghihiganti.
Simoun: Pareho lamang tayo ng karanasan Basilio. Ganyan din ako noon.
Ipinagwalang bahala ko ang lahat. Ngunit, sa pagwawalang bahala na ito, ikaw pa
ang masama! Ikaw pa ang kanilang kamumuhian!
Basilio: Ako pa ng kanilang kamumuhian sa kabila ng mga ginawa nila sa akin?
Simoun: Natural lamang sa tao na magalit sa kanyang nasaktan. Lumalalim na ang
gabi. Bumalik ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking
lihim, dahil kahit ihayag mo itoy tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon man,
kung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may
Escolta.
(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang
kinatatayuan.)
Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay ang mahihina at
matira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong
magtagumpay. Kaunting taas na lang.

IKATLONG TAGPO
Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon tipon ang mga estudyanteng kasa sa
grupo na naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito
ay si Sandoval, ang estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si
Pecson, na puro pag aalinlangan, at si Pelaez, ang anak ng isang Kastilang
mangangalakal. Hinihintay na lamang nila ang pagdating ni Macaraig upang ibalita
sa kanila ang tungkol sa akademya. Nag uusap ang mga mag aaral kung sa palagay
ba nila ay papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi. Tanging si Pecson
lamang nag nag iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng pag uusap ang mga mag
aaral ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita.
Macaraig: Kaninang umaga aya nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya
sa akin na sa Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit

hinayaan na nila na ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag


desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!
Macaraig: Yan dina nag aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niyay si Don
Custodio, isang sangguni ng lupon ang magdedesisyon.
Pecson: Paano kung laban sa atin ang desisyon?
Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganito,
Malaki na ang aking tinamo, nagawa na natin na ang ating kahilingan ay
maiumang sa isang kapasyahan. Sinabi ni Padre Irene na kung tayoy
makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa nating hilingin ang kanyang
pagsang-ayon.
Sandoval: Sa papaanong paraan naman tayo makikipagkilala sa kanya?
Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Padre Irene.
Pecson: Ang intsik na si Quiroga!
Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!
Isagani: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari din nating lapitan si G. Pasta.
Sandoval: Ang abugadong hinhingian ng payo ni Don Custodio?
Macaraig: Hindi bat si G. Pasta ay may kalaguyong isang mananahi?
Pelaez: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang
magagawa noon. Kilala ko ang babae, si Matea.
Isagani: Hindi naman siguro masama kung atin munang susubukan ang mga
paraang hindi mahalay tignan. Kakausapin ko si G. Pasta. Kung akoy hindi
magtatagumpay, tsaka natin gawin ang ibang paraan.
Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayon, hintayin natin ang resulta ng
pakikipag-usap niya kay G. Pasta.

IKAAPAT NA TAGPO
Tagpuan: Nagpakitang muli si Simoun kay Basilio upang anyayahan itong sumama
sa binabalak nitong paghihimagsik.
Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?
Basilio: Mahina ang pulso, wlang ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason
sa kanyang katawan.
Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi
mo binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahala sa bayan. Sa
loob lamang ng isang oras, magsisimula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang
mga unibersidad, wala ng mga mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako dahil sa
dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi
sa iyo o sa panig ng iyong bayan?
Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.
Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo ng mag desisyon, dahil ako ang namumuno
sa pagkakagulo. Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon.
Pamahalaan mo ang isang hukbo at lusubin ninyo ang Sta. Clara. Kukunin mo ang
isang taong tanging ikaw lamang ang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si
Maria Clara.

Basilio: Huli na kayo!


Simoun: Anong ibig mong sabihin?
Basilio: Si Maria Clara ay patay na!
Simoun: Patay? Hindi! Papaanng nangyari ito?
Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento
upang makibalita nang sabihin nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang lihim
mula kay Padre Salvi na ipinaabot kay Kapitan Tiago ang dala ni Padre Irene. At
dahil na rin sa sulat na ito kung kayat nanangis ang Kapitan.
Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buhay pa si Maria Clara! Ililigtas ko
siya ngayon!
Basilio: G. Simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin
ang katotohanan.
Simoun: Namatay siya nang hindi lamang nalalamanh akoy buhay! Namatay siya
nang hindi nalalaman na akoy nagbalik para sa kanya!
(At si Simoun ay umalis nang parang wala sa kanyang sarili.)

IKALIMANG TAGPO
Tagpuan: Sa isang pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen
Gusto. Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang
masasama ang loob pagkat silay nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag
ng Akademya ng Wikang Kastila. Lahat ng mga estudyante: Luwalhati kay Don
Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa sa mga binatang may magagandang
kalooban!
Estudyante 1: Bakit hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?
Macaraig: Walang nakakaalam niyan.
Estudyante 2: Dibat marami na siyang tagumpay? Bakit tayoy di man lamang
niya hinayaang magtagumpay? Mabuti naman ang ating layunin.
(Nang biglang dumating si Tadeo; si Sandoval ay kumakain.)
Tadeo: Alam niyo na ba? Ang mag aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di
nakilalang mga yao. Ay ayaw daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak
maghiganti. Sabi ng ilan sa bayan, mga prayle daw ang may kagagawan.
Sandoval: Sino ba naman sa atin ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na
walang ibang nais kundi samsamin ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang
sarap ng mga pagkain.
(Hindi pa nagtatagala dumating si Isagani.)
Macaraig: Mabuti at nakarating ka. Si Juanito na lang pala ang wala.
Tadeo: Sanay si Basilio na lang an gating inanyayahan sa halip na si Juanito.
Mukhang wala itong balak pumunta.
Sandoval: Oo nga naman. Bakit nga ba hindi na lamang si Basilio ang ating
inanyayahan?
Tadeo: Isa pa, kapag nalasing natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang
ilang detalye tungkol sa isang bata at isang mongha na nawawala.

(Lumipas ang ilang minute nang kanilang paghihintay kay Juanito ay wala pa ito.
Kaya minabuti na nilang kumain. Habang nagkakainan ay nagkatuwaan ang mga
mag-aaral.)
Tadeo: Para kay Don Custodio ang panukalang sopas.
Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango
ay sa mga prayle.
Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga
intsik, tayo ang tumatangkilik pero sila ng nakikinabang. Tulad ng ating pamahalaan
ngayon.
Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas!
Estudyante 1: Dapat ay Eminencia Negra, kay Simoun!
(Nagpatuloy ang kasiyahan nila ng biglang)
Tadeo: Tignan ninyo! Hindi bat iyon ang paboritong estudyante ng Vice Rector?
Isagani: Masdan ninyot sa karwahe ni Simoun ito sumakay!
Macaraig: Ang busabos ng Vice Rector na pinaglilingkurang panginoon ang
Heneral!

IKA-ANIM NA TAGPO
Tagpuan: Maagang gumising si Basilio upang dalawin ang mga pasyente niya sa
ospital at upang asikasuhin ang mga papeles na kanyang kakailanganin sa kanyang
pagtatapos sa Unibersidad. Pinaplano niyang lapitan si Macaraig upang humiram ng
kaunting halaga na kanyang gagamitin sa kanyang pagtatapos. Ang lahat kasi ng
kanyang naipon ay nagugul niya sa pagtubos kay Huli at sa kanilang titirhan ng
kanyang lolo, si Tandang Selo. Naglalakad si Basilio patungon unibersidad.
BAsilio: Bakit kaya sarado ang mga paaralan? Ano kaya ang nangyari?
(Nagpatuloy si Basilio sa kanyang paglalakad nang kanyang makasalubong ang isa
sa kanyang mga propesor.)
Propesor 1: Basilio, anong ginagawa mo dito?
Basilio: Akin po sanang dadalawin ang mga pasyente ko at aasikasuhin ko rin po
ang mga papeles ko para sa aking pagtatapos.
Propesor 1: Matanong lang kita, kasama k aba ng mga mag-aaral kagabi sa
piging?
Basilio: Hindi po. Akoy inanyayahan ngunit hindi ako nakapunta dahil po kailangan
kong bantayan si Kapitan Tiago.
Propesor 1: Mabuti kung ganon. Pero inanyayahan ka kamo? Kasapi ka ba sa
kanilang organisasyon?
Basilio: Akoy nagbayad lamang po ng para sa kasapian.
Propesor 1: Ganoon ba? Kung ako sa iyo ay uuwi na lang ako at sunugin o sirain
ang anumang kasulatan o katibayan na maaaring magdawit sa iyo.
Basilio: Saglit lang po! May kinalaman po ba ang mag-aalahas na si Simoun sa mga
nangyayari?

Propesor 1: Wala. Panay estudyante lamang. Makikita mo sa unibersidad ang mga


paskil na puro paghihimagsik ang laman.
Basilio: Ganoon po ba? Maraming salamat po. Mag iingat po kayo,
Propesor 1: Ikaw din.
(Pinagpatuloy ni Basilio ang kanyang paglalakad ng kanyang makasalubong ang
propesor niya sa Patolohiya.)
Basilio: Magandang umaga po Propesor!
Propesor 2: Magandang umaga din. Ay! Kay sama ng mga paskil sa loob! Iyo na
bang nakita?
Basilio: Hindi pa po.
Propesor 2: Siya nga pala, si Kapitan Tiago ay matanda na. Nariyan na at
nilalapitan na siya ng uwak at buwitre. Iyo siyang bantayan mabuti.
Basilio: Makaka-asa po kayo.
(Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Naisip niya bigla ang sinabi ni Simoun sa
kanyang nang huli silang magkita.)
Basilio: Natitiyak ko! Winika niyang kapag kamiy tumiwalag ay hindi kami
makakatapos! Marahil ay may kinalaman siya dito!
(Habang patuloy na naglalakad ay kanyang nakita si Sandoval.)
Basilio: Teka! Si Sandoval iyon. Sandoval! Sandoval! Dito! Sandoval!
(Ngunit hindi siya pinapansin ni Sandoval at tila bingi ito. Nakasalubong naman niya
si Tadeo.)
Tadeo: Basilio! Nabalitaan mo na ba?
Basilio: Ang alin? Ang tungkol ba sa mga paskil?
Tadeo: Hindi! Matagal daw mawawalan ng pasok! Akalain mo iyon! Sige ha, mauna
na ako sa iyo.
Basilio: Akala ko naman kung bakit siya masaya. Juanito! Mabuti at nakita kita. May
itatanong lang sana ako sayo tungkol sa mga paskil na sinasabi nila.
Juanito: Wala! Wala akong kinalaman Basilio! Alam mo iyon!
Basilio: Teka, huminahon ka. Namumutla ka na o.
Juanito Palaez: Wala akong kinalaman Basilio! Alam mo iyon! Wala akong
kinalaman! Isang sibil! Paalam Basilio, may kailangan pa akong puntahan.
Basilio: Ano ba ang nangyayari? Wala naman akong mapagtanungan. Isagani!
Mabuti naman ay nakita kita. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang
nangyayari?
Isagani: Bakit ganoon? Dahil lang sa isang maliit na pangyayari ay masisira ang
samahan nating lahat? Ganoon ba kababaw ang lahat ng atin pinagsamahan?
Ngayon lang ba may makukulong nang dahil sa kanyang pagtatanggol sa kalayaan?
Basilio: Sino ba ang may kagagawan ng mga paskil? Bakit ganoon kasasama ang
nakalagay?
Isagani: Hayaan nating sila ang umalam. Kung nasaan ang panganib, doon tayo!
Naroon ang karangalan ng isang Pilipino. Kung ang sinasabi ng mga paskil ay
tungkol sa karangalan, hayaan natin ito at pasalamatan.

(Iniwan ni Basilio si Isagani. Alam niyang mali ang sinasabi nang kanyang kaibigan.
Patuloy siyang pumunta sa bahay ni Macaraig. Sa labas pa lamang ay hinarang na
siya ng dalawang tanod.)
Basilio: Naparito po ako upang makipagkita sa aking kaibigan na si Macaraig.
(Ilang sandali ay lumabas na si Macaraig kasama ng kabo.)
Macaraig: Marangal na pagkatao! Sa opras nang kaginhawaan ay wala ka ngunit
nagyong kayoy kailangan naming ay narito kayo at handing sumuporta.
Kabo: Ano ang pangalan mo binata?
Basilio: Basilio po.
Guardia Civil: Narito ang kanyang pangalan sa listahan.
Kabo: Dakpin rin siya at isama sa himpilan.
Basilio: Saglit lang, bakit pati ako?
Macaraig: Huwag kang mag-alala. Ibabalita ko na lang sayo ang nangyari sa
hapunan kagabi habang nasa sasakyan tayo.
Basilio: Ako ay napadaan lang dahil ako sana ay manghihiram ng kaunting halaga
sa iyo.
Macaraig: Huwag kang mag-alala. Kapag tayoy nanumpa, aanyayahan natin ang
kabong ito.

IKA-PITONG TAGPO
Tagpuan: Tuluyang nakulong ang mga estudyante na kasapi sa grupong
naghahangad na matatag ang Akademya ng Wikang Kastila, ngunit nakalaya din sa
nalakad ang mga kaukulang papel maliban kay Basilio, dahil walang maglalakad ng
kanyang papel dahil si Kapitan Tiago ay namayapa na. Katamihan sa mga
estudyante ay hindi pumasa sa eng serbisyo sibil. Si Tadeo naman ay tuwang tuwa
dahil sinunog ang lahat nang mga aklat at sila ay pinauwi para sa mahabang
bakasyon. Si Juanito naman ay tinuruan na lamang ng kanyang ama kung paano
mangalakal. Si Macaraig naman ay nagtungo sa Europa. Si Isagani ay nakapasa sa
asignaturang pangmadlang pagpapahayag ngunit bagsak sa iba. Dinaan naman ni
Sandoval sa pagtatalumpati kung kaya siya ay nakapasa. Sinubukan ni Huli, ang
kasintahan ni Basilio na pakiusapan si Padre Camorra na palayain ang kanyang
kasintahan ngunit ito pa ang nagging dahilan ng kanyang kamatayan. Hindi rin
nagtagal ay pinasya ni Paulita, ang maganda at mayamang kasintahan ni Isagani,
na magpakasal. Ngunit hindi sa binate kundi kay Juanito Pelaez. Buwan na ng Abril
at laganap na ang balitang kasalan. Si Simoun naman ay nais magdaos ng isang
piging dahil siya ay lilipad na pabalik ng Espanya.
Ben Zayb: Natitiyak kong isang magarbong handa ang iyong ihahandog G. Simoun.
Simoun: Iyon nga sana ang aking balak ngunit wala naman akong malaking lugar
upang pagdausan ng isang malaking piging.
Ben Zayb: Sayang naman pala. Di sanay kayo na lang ang nakabili ng bahay ni
Kapitan Tiago. At hindi sana napaunta kay Don Timoteo Pelaez ng libre. At ngayon!
Ikakasal ang kanyang anak sa mayamang si Paulita Gomez!
Simoun: Ganoon talaga, may mga tao talagang swerte.
Ben Zayb: Kung sa bagay. Mabuti na rin at si Juanito ang kanyang pakakasalan
kaysa naman sa isang hamak na makatang si Isagani! Marunong din mag-isip ang
babae. Alam niyang hindi niya kaya ang buhay mahirap.

(Mabilis na lumipas ang oras. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Nakalaya na
rin si Basilio. Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun.)
Basilio: Isa akong masamang anak at kapatid G. Simoun. Nakalimutan kong piata
ang aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Nagyoy pinaparusahan ako ng
Diyos. Wala na akong nararamdaman kundi galit at paghihiganti.
(Hindi kumibo si Simoun.)
Basilio: Kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at akoy
nakulang kahit wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas
nang dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga
desisyon, dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng
dahilan para umatras. Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo akoy
magtatagumpayy. Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya,
ikaw namay gigising sa mga kabataan sa gitna ng dugo.
(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratoryo. Ipinakita niya dito ang
kanyang mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratory ay makikita
ang isang lampara na may kakaibang hugis.)
Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?
Simoun: Hintayin mo.
(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na
nitrigliserina, isang pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamit.)
Basilio: Dinamita!
Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta basta dinamita. Ito ang mga kasawiang
naimbak, mga kagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngayong gabi,
makakarinig ng pagsabog angPilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang
hindi magawang parusahan!
(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)
Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa
gitna ng handaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit
pansamantala lang. Pagkaraan ng dalawampung minute, mawawala ang ilaw ng
lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang bomba!
Basilio: Kung gayon hindi na pala ninyo ako kailanga.
Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero
at iba pang kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni
Kabesang Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo ang
mga mamamayan at nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin
mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami
naman ni Kabesang Tales ay susubukang gawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng
mahihina. Ang lahat ng hindi handa!
Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?
Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang
magsimula muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang
bagong lipunan na kahit kalian ay hindi na magpapa-api.
Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?
Simoun: Pupurihin tayo ng daigdig!

Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung
pupurihin nila ito o hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kailanman ay
hindi lumingap sa akin!
Simoun: Tama ka!
(Inabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio.)
Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simabahn ng San Agustin, ika-10 ng gabi.
Lumayo kayo sa Daang Analoague sa alas-nuwebe.
Basilio: Kung gayoy magkita na lamang tayo mamaya.
(At tuluyan nang umalis si Basilio.)
IKA-WALONG TAGPO
Tagpuan: Alas-siyete nan g gabi/ Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang
bahay ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang
pagdating ng Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang
pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.
Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa
naman sila. Payuhan ko na laman kaya ang ilan upang hindi madamay.
(Papalapit na siya sa bahay.)
Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat
sirain ang pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob
ng pumatay! Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay
may hangganan din!
(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara. Pagdating ng Kapitan
Heneral ay isa si Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang
pinaligiran ng mga taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)
Basilio: Hindi sila dapat madamay!
(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)
Basilio: Papasukin niyo ako! Ililigtas ko sila!
Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyang suot mo!
Basilio: Papasukin ninyo ako!
(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)
Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!
(At tuluyan nang umalis si Simoun.)
Basilio: Ililigtas na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan,
patungo sa pista.)
Isagani: Anong ginagawa mo dito?
Basilio: Isagani! Tara na! Umalis na tayo dito!
Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang
makita.
Basilio: Gusto mo na bang mamatay?
Isagani: Hindi ko alam.

Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon
ano mang oras ngayon! Tara na!
Isagani: Bukas ay iba na siya
Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.
(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay
nagkakainan na ang mga bisita nang may nagkita silang papel.)
Bisita 1: Nakasulat dito, Mane thecel, pares Crisostomo Ibarra.
Bisita 2: Isang biro lang iyan!
Bisita 3: Hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal
nang namayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)
Padre Salvi: Si Ibaraa! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!
Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta
ang ganyang biro.
Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?
(Hindi kumibi ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)
Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.
Padre Irene: Isang saglit lamang.
(Bago pa man maktayo si Padre Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa
lampara.)
Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!
(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilon kasama ang
lampara. Ilang saglit pa ay isang nakakagimbal na pagsabog ang narinig.)
IKA-SIYAM NA TAGPO
Tagpuan: Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat.
Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang armas at pulbura. Pinaghahanap
na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng lason
at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal
Padre Florentino: Masama ba ang iyong pakiramdma?
Simoun: Wala ito Padre, mawawal din ang lahat pagkaraan ng ilang sandal.
Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nasi kong ilahad sa inyo
ang aking lihim. Maaari mo bang sabihin sa skin kung totoong may Diyos?
Padre Florentino: Kahit saan tayo magtungo ay nariyan ang Diyos.
Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan!
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang
lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan niyang lahat
ang nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa kanya. Sapagkata
alam niyang hindit ito tama. Igalang natin ang kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man


ay hindi siya naghangad ng masama para sa atin.
Simoun: Kung gayon, bakit hindi niya ako tinulungan?
Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang
nakakagawa ng dakila.
Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala
na walang dulot kundi kasamaan?
Padre Florentino: Kailangan alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil
ni Simoun ang kamay ng pari.)
Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na aking kalooban.
(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tulyan itong nawala sa
pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungo
sa talampas. Inihagis ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun sa karagatan.
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat.. ngunit kung
kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos
na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi
makababaluktot ng katwiran, hindi mag uudyok ng kasakiman.

WAKAS.

You might also like