You are on page 1of 7

Salamat Oh Ina

Salamat Oh Ina saiyong patnubay


Nang dahil sa iyo ako ay nahubog
Aking natanto Realidad sa mundo
O kay sarap mabuhay sa piling mo inay.

Simula pagkabata ikaw ang nag-aruga


GInawa mong lahat ng iyong makakaya
Upang sa paglaki akoy maihanda

Sa aking paglaki, lubos kong naisip


Kung gano kahirap ang hamon ng buhay
Pagpapakatatag lubos na kailangan
Salamat Oh Ina sa iyong suporta.

Sa bawat paglakad, aking natatanto


Sakripisyo mo ina hindi isang biro
Kay bigat na responsibilad
Nakaatang sa balikat mo.

Sa pangaral mo Ina,
Akoy lubos na natuto
At ngayoy handa na tuparin pangarap ko.
Na syang regalo ko sa iyo Ina ko.

Ang Guro

Ikaw ang nagsilbing pangalawang ina ko


Isip koy nahubog nang dahil sa mga turo mo
Isa kang huwaran ng bawat Kabataan
Upang magsumikap sa kinabukasan.

Pano ang mag-aaral kung wala ang guro


Na syang instrumento, gabay sa pagkatuto
Aming isipan ay iyong nilinang
Upang kaalaman mapaunlad, madagdagan.

Sa araw araw na ikay kasama ko


Kay dami kong katanungan
Na nasagot mo
Para kang si Ina, mapang-unawa.

Sa galing mo magturo
Ikay iniidolo ko
Pagkat mahihikayat mo
Ang lahat na matuto.

Ang kaalamang binahagi mo


Nagsilbing sandata ko
Para sa hamon ng buhay
Hubog at handa ako.

Inang Kalikasan

Ang Inang kalikasan


Ay ating kayamanan
Biyaya ng Maykapal
Na dapat Pag-ingatan

Mga punot Halaman


Sariwang hangin ang dala
Mga ibon na tila kumakanta
Masarap pakinggan sa tuwina

Kalikasan linangin
Mga puno wag putulin
Upang mga bagyot baha
Maiwasan naman natin

Magandang kalikasan
Sa dayuhan atraksyon
Tunay na kamangha-mangha
Maykapal ang iyong likha.

Wag sanang abusuhin itong kalaikasan


Bagkus ay pagyamin at pangalagaan
Nang sa ganun ay masilayan pa
Mga bagong henerasyon ay Mamangha.

Kabataan

Tayong mga Kabataan


Ay pag-asa ng bahay
Na kailangan magpakabuti
Maging dangal ng Magulang

Sa bawat hakbangin
Isaisip palagi
Dun ka lagi sa tama
Iwasan ang mali.

Mga Bisyot droga


Iwasa nat iwaglit
Na walang Magandang dulot
Kundi kapahamakat pasakit.

Ugaliin lagi ang maging magulang


Sa nakatatanda at mga magulang
Sapagkat ito ay pagpapakita
Na ikaw ay isang Magandang huwaran

Kabataan magsikap ka
Maging masigasig pa
Sapagkat kinabukasan mo
Ikaw ang gagawa.

Mamamayan

Mamamayan tayo
Parte ng lipuanan
May responsibilidad
Na dapat gampanan

Sa mga sakuna
Na hindi maiwasan
Nandyan ang pagkakaisa
At pagdadamayan

Kapaligiran natin
Sikaping pangalagaan
Kalikasan panatilihing
Sakit at puksain

Sa problema sa lipunan
Mamayan may pananagutan
Subukang ang solusyon
Ay maisip maisakatuparan

Nang sa ganun ang kipuanan


Mapaunlad, mapayaman
Upang sa kinabukasan
Mapalapit matagpuan

Proyekto sa
Filipino I
(5 TULA)

Ipinasa ni:

Ipinasa kay:

NANETTE B. CERTEZA
DAYAP
Block 3

DR. MYRLA B.
Filipino Professor

You might also like