You are on page 1of 2

Gitara

Napatigil sa pagbibilang ng mga bayarin si Aling Seika


dahil sa naririnig niyang hindi kaaya-ayang tunog mula sa
kwarto ng pamangkin niyang si Haruhi. Pinuntahan niya ito at
naging dahilan ang pagpasok niya sa kwarto para mapatigil sa
pagtugtog ng gitara ang dalaga. Pinagalitan niya ito at
sinabihan na ipagbili na lamang ang instrumento dahil wala
siyang makukuha sa pagtugtog nito at ikinalungkot naman ito
ng dalaga. Pinaghirapan niya ang pinambili niya ng gitara dahil
sa hindi naman sila mayaman at isa siyang working student.
Ngunit sa kabila nito, hindi niya ipinagbili ang gitara at
napagdesisyunang itigil na lamang ang pagtugtog kung
nakakasagabal rin lang sa kaniyang tiyahin.

Makalipas ang ilang araw, natagpuan na lamang ni HAruhi ang


kanyang sarili sa parke. Umupo siya sa damuhan at nagulat
dahil may biglang kumulbit sa kanya. Isa itong babae na
humihingi ng pabor na siya raw ang mag-gigitara sa
kakantahin niya sa isang paligsahan. Nalaman pala nito na
may gitara ang dalaga kayat naisip na lamang na magiging
maganda kung silang dalawa ang mag-kapareha. Sinabi
naman ni Haruhi na hindi pa siya ganoong marunong
tumugtog ngunit sinabi naman ng babae na limang buwan pa
ang nabibilang bago ang paligsahan.

Dumating ang araw ng paligsahan at marami ang nagbago.


Naging positibo na sa buhay si Haruhi at matalik na silang
mag-kaibigan ni Misaki Ayuzawa, ang babaeng kumulbit sa
kanya. Natapos ang paligsahan at hindi nila naiuwi ang
kampeonato subalit masaya naman sa naging resulta nito.
Marami ang dumating na oportunidad sa kanilang dalawa at
ang dating kumokontra sa dalaga ay tila naging numero uno sa
pag-suporta sa kaniya. Sobrang saya ni Haruhi, kung hindi

niya binili ang gitara, hindi sana sila mag-kakaayos ng


kanyang Tita at hindi sana niya makikilala ang kanyang
matalik na kaibigan na si Misaki Ayuzawa.

You might also like