You are on page 1of 5

1.

Ekwador - ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at
timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0. Ito ang tinuturing na
pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw
kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.

2. Latitud - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na
ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang
lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.

3. Longhitud - ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog.
Kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar
pasilangan at pakanluran mula sa Prime Meridian.

4. Prime Meridian - matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0. Tinatawag din itong
Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich,South Villa Catalunan Grande

5. International Date Line - matatagpuan sa 180 meridyano. Sa bahaging ito nangyayari


ang pagpalit ng petsa at oras.

6. Tropic of Cancer ay isa sa limang pangunahing panukat ng digri o pangunahing mga


bilog ng latitud na minamarkahan ang mga mapa ng Daigdig. Ito ang pinakahilagang
latitud kung saan maaaring magpakita ang Araw ng diretso sa ibabaw sa tanghali.

7. Tropic of Capricorn ay isa sa limang pangunahing mga bilog ng latitud na nagmamarka


sa mga mapa ng Daigdig. Kasalukuyan (Epoka 2010) itong nakahimlay sa 23 26 17
timog ng ekuwador.

8. Artic Circle Ang - Arctic circle o Kabilugang Arktiko ay isang espesyal na


guhit sa 66 1/2digri hilaga ng ekwador.

9. Antartic Cirlcle - isang linya ng latitude ngunit malapit sa timog at


hilaga

10. Ang grid sa globo o mapa ay mga pinagtagpu-tagpong mga guhit na


nakatutulong upang matukoy ang lokasyon ng iba-ibang lugar sa globo.

You might also like