You are on page 1of 4

Inang Wika

Amando Hernandez
Akoy ikakasal, sa aming tahanay
masayang-masaya; may piging,
tutugan, awitan, sayawan.
Ang aking magiging kabiyak ng
buhay ay isang binatang puti,
binatang
sibol
sa
kanluran:
magandat
makisig,
marunong,
mayaman tila pulot-gata sa bibig ng
isang mundong kaibigan.
Sa tanging sasakyan, nang kamiy
lumulan, may natanaw ako sa tapat
ng bahay na isang matandang
babaing luhaan, waring tinatawag
ang aking pangalan tila humihingi ng
kaunting pagdamay; subalit sa gitna
ng kaligayahan siya ay hindi ko

binati man lamang, siya ay hindi ko


pinansin man lamang, habang ang
sasakyan ay nagtutumulin hangang
sa simbahan.
Maligaya kaming nagsiluhod kapwa
sa harap ng Birhen, sa gintong
dambana; pagksaya-sayat ang mga
kampana ay di-magkamayaw sa
pagbabalita
ng aming kasalan na
pangmaharlika; ngunit ang larawan
ng kaawa-awang matanday hindi ko
matanggal
sa
diwa,
mandiy
malikmata; ang nag-uunahang luha
ng kandila ay tila kanya ring
tumotulong luha; gayon man sa
piling ng kahanga-hangang kaisang
puso koy niwalang-bahala, sa gitna
ng tuway nilimot kong pilit ang
gayong hiwaga gaya ng liwanag ng
buwang palaba na di masisira sa
bahid ng ulap sa gabing payapa.

Natapos ang kasal, batian, kamayan,


ngiting
matatamis,
birong
maaanghang at saboy ng bigas sa
amiy salubong pagbaba sa altar . . .
ngunit sino yaong aking natatanaw,
matandang babaing nalugmok na
biglat nawalan ng malay at lingid sa
taong hindi magkamayaw. Ah! Siya
rin yaong kaingay hindi ko pinansin
man lamang .
Nang saklolohan kot patakbong
lapitan, nang kaundugin ko na sa
aking kandugan, gnumiting magiliw
sa hapis ng kanyang pag-aagawbuhay at saka nagwikang tigibkapaitan: Anak ko, bunso ko . . .
salamat . . . paalam . . . Ako ang in
among sawing kapalaran!

At
ang
kulang-palad
ay
nagpalungayngay. Sa bisig na ko rin
namatay . . . namatay!
Noon ko natanong ang ina kong
mahal, ang Inang wika kong sa akiy
nagbigay ng lahat ng dangal, ang
wikang tagalong na naiwang limot
nang akoy matanghal, at itinakwil
ko sa pagtatagumpay, ay isang
babaing nabuhay sa dusat sa
lungkot namatay, nang akoy pakasal
sa Wikang Dayuhan.

You might also like