You are on page 1of 2

Apendise A: Ang Sikolohiya sa Kalagitnaang Pilipinas

Naunang itinatag ang Unibersidad ng San Carlos kaysa Unibrsidad ng San


Tomas bilang institusyon ng pa tuturo. Maaring lumitaw sa pananaliksik na
ang kauna-unahang departamnto ng sikolohya ay sa Pilipinas ay itinatag sa
San arlos at hindi sa UP o UST.
Noong 1954, dumating si Padre Joseph Goertz sa Pilipins. Galing sya ng
Peking kung saan siyay nanirahan ng halos 18 na taon at namahala sa isang
departamnto ng sikolohiya bagamat kulang sa mga aparato at kagamitan.
Nang maging komunista ang Pking siyay nag tungo sa Europa isa o
dalawang taon lamang sya doon bago sya ipinadala sa Unibersidad ng San
Carlos.
Halos walang dinatnan si Goertz nang siyay madestino sa Unibersidad ng
San Carlos. Ang sikolohiya ay itinuro bilang panimulang kurso lamang ayon
sa hinihingi ng Kawaniaang ng Paaralang Pribado.
Nag sumikap si Goertz na matatag ng departamento ng sikolohiya dahil
walang departamentong namamahala sa mga kurso ng sikolohiya para sa
mga mag-aaral ng arts liberals at edukasyon.
Noong 1920-1940, nanguna si Lindwursky sa sikolohiya sa Europa, lalot higit
sa sikolohiya ng Aleman. Estudyante siya ni Kulp, isa sa mga katulong ni
Wundt. Madalas maipagmalaki ni Goertz ang kanyang genalohiya ng
sikolohiya.
Pinaunlad ni Goertz ang tradisyong aleman (Europeano) sa San Carlos.
Ginamit nyang teksbuk ay ang Experimental Psychology ni Lindwusrsky. Ang
libro mismong ito ang ginamit nya sa pagtuturo ng sikolohiya sa Tsina noong
1954.
Kaugnay ng paniulang kurso, itinuro ddin ni Goertz ang sikolohiyang
eksperimental. Tinuruan nya gumamit ng aparato ang mga estudyant nya.
Ang mga bagong guro ay inatasan ni Goertz na tumulong sa kanyang pag
tuturo sa mga klaseng tulad nito upang sila man ay matutong magmuwestra
at palakad ng klase.
Pagdating noong 1954, nagging pinuno din si Goertz ng Eskuwelahan sa
Artes Liberals. Dahil ditto, nasa posisyon siya upang maisakatuparan ang
kurikulum na inihanda. Ang mga yunit sa sikolohiya ay dinagdagan at ang
mga estudyante sa artes liberales ay pinakuha ng pangkalahatang
sikolohiya. Ang sikolohiyang Eksperimental ay kinukuha ng mgaa medyor sa
sikolohiya at ng mga estudyante sa Artes Liberales bilang pag tupad sa
kanilang pangangailangan sa limang yunit ng agham eksperimental bukod sa
sampung yunit ng agham.

Ang sikolohiyang eksperimental ay unang pormal na inituro sa Unibersidad


ng San Carlos noong 1954. Ang laboratoryo ng sikolohiya ay natatag sa pag
susumikap ni Goertz. May dala siyang mga kagamitan at aparato noong taon
ng kanyang pag dating sa Unibersidad ng San Carlos. Bago siya nag bitiw sa
kanyang pagkapinuno ng departamento noong 1970, Ang mga kagamitan ng
laboratoryo ay halos kumpleto na rin para sa mga karaniwang
pangangailangan.
Pinalitan ni Padre Skerry si Padre Goertz sa pagkapinuno ng sikolohiya mula
1970-1972.
Ang kasalukuyang pinuno ng Departamnto ng Sikolohiya sa Unibersidad ng
San Carlos ay si Padre Fertal na pumalit kay Skrry na siyang humalili kay
Goertz.
Nag araal si Fertal para sa kanyang M.A. sa sikolohiya sa pag papatnubay sa
Loyola University sa Chicago. Nasa Pilipinas siya noong 1966. Siyay
namalagi ng pinaka matagal sa Dagupan, Loag, at Maynila. Nasa Unibersidad
ng San Carlos siya ng isang taon at isang Semestre.
Si Fertal ay pansamantalang pinun hanggang sa may mahirang na mas
kwalipikado. At hindi nya naasikaso nang husto ang pamamahala sa
departamnto (tatlong oras lamang bawat linggo.)
Umaasa siya na kapag may nahirang na mas kwalipikadong pinuno sa
dpartamnto ang programa sa BS Sikolohiya ay maisasakatuparan. Ang mga
pinunong sinundan niya ay naniwalang hindi sapat ang 36 yunit ng sikolohiya
sa A.B. Ang bagong programa sa BS ay limang taong kurikuluum na may 70
yunnit ng sikolohiya, ang 50 yunit ay para sa interno, praktikum, at pag
sasanay sa larangan.
Tinapos ni Fertal ang mga detalye ng kurikulum vita t mga record ng mga
guro sa sikolohya tungo sa pag kakaron ng mga kwalipikadong guro sa
sikolohiya. Umaasa siya na pag babalik ni Quijano, isang guro nilang nag
tatapos ng pagkadokotorado sa sikolohiyang pagklinika sa East-West Center
sa Hawaii, makakatulong ito sa kurso sa pag mamastr sa kanilang
eskuwelahan. Sa ngayon sina Fertl at Skerry lamang ang may M.A. si Fertal
ay may M.S. sa sikolohiya sa pag papatnubay at si Skrry ay may M.S. Bukod
sa kanila, isang amerikanong may master sa sikolohiya mula sa kolehiya ng
Sta. Teresa, Si Anne Timmes ay hiniram ng University of San Carlos nna
mag turo para sa AB o BS pero hindid nila kayang mag turo ng M.A. at Ph. D.
Umaasa siya na si Marilyn Nuevo na kasalukuyang nag aaral ng sikolohiyang
eksperimental sa Unibersidad ng Pilipinas Sa ngayon, wala silang gurong
talagang kwalipikadong mag turo ng sikolohiyang eksperimental.

You might also like