You are on page 1of 4

Republic ofthe Philippines)

City of Muntinlupa
) S.S.
ALAYSAY
___MMPAANG
Ako, si FROILAN POYPOY LACSON TRESTIZA, Pilipino, nasa
wastong gulang, may asawa, kasalukuyang nakapiit sa ng New Bilibid
Prisons, Bureau of Corrections, Muntinlupa City, nang matapos
makapanumpa ng naaayon sa batas ay nagsasaad ng mga sumusunod:
01. Ako p0 ay nakulong sa Makati City Jail mula taong 2002 hanggang 2007
sa salang Kidnapping. Noong taong 2007 nalipat na po ako sa New
Bilibid Prisons o NBP sa Muntinlupa City at, noon namang Pebrero
taong 2013, ay inilipat ako sa San Ramon Prison and Penal Farm sa
Zamboanga City. Sa kasalukuyan ay naibalik na ako sa Medium
Security Compound ng NBP.
02. Noong ako p0 ay sa NBP pa nakapiit, nagsilbi p0 akong pinuno o
"bosyo" ng Batang City Jail 0 "BC]", isa sa mga malalaking pangkat dito
sa loob ng Bilibid. Mula Abril 29 taong 2011 p0 ako sa katungkulan na
ito, hanggang sa ako ay itinapon sa Zamboanga City noong taong 2013.
. Nakilala ko si DANILO RICO MARTINEZ bilang isang Religious
Volunteer Organization pastor noong panahon pa ni former Bureau of
Corrections Director OSCAR CALDERON. Si MARTINEZ ay naging
kasangkapan sa pagkakatanggal sa dating Director ERN ESTO DIO KN O.
Matapos ang pagkatanggal ni Director DIOKNO, si MARTINEZ ay nag
umpisa nang magpapakilalang "consultant" ni dating DO] Secretary at
kasalukuyang Senadora LEILA M. DE LIMA. Si MARTINEZ ay
nakakasama minsan ni DE LIMA sa pagbisita sa Maximum Security
Compound.
04. Dalawang beses po sinabi ni MARTINEZ sa akin na dadating sa NBP 51'
Secretary DE LIMA at dalawang beses din ito nangyari, kung kaya't
naniwala ako na talagang malapit siya kay Secretary.

05. Bago umupo bilang BuCor Director 51' GAUDENCIO PANGILINAN,


nakausap kong personal ng dalawang beses 51' Secretary DE LIMA sa
loob ng Maximum Security Compound at inilapit ko sa kanya ang mga
hinanaing ng mga kapwa ko preso at ang tungkol sa aming
representative sa KAKOSA Party List.
06. Nang matapos na 31' MARTINEZ ay magpakilalang consultant ni DE
LIMA, nagsimula na siyang manghingi sa akin ng halagang Sampung

(Page one offour)

Libong Piso (P1000000) hanggang Dalawampung Libong Piso


(P20,000.00) para daw sa "opisina". Humingi po ako ng tulong sa mga
kasama kong miyembro ng Batang City Jail upang makalikom ng
nasabing halaga. Itoy aking ginawa upang hindi sumama ang tingin ni
MARTINEZ sa aming pangkat at para din hindi niya kami mapag-initan.
Ang halagang ito ay ipinadeposito niya sa ilang Banco de Oro bank
account. Bukod pa po dito ang mga personal na patawag at bisita ni
MARTINEZ sa NBP kung saan ay tumatanggap siya ng Tatlumpung
Libong Piso [P30,000.00) hanggang Limampung Libong Piso
(P5000000) mula kay RUSSEL MURILLO na Secretary ng BC] na
inuutusan niya na manghingi sa mga mapeperang myembro.
07. Naging sunod-sunod na ang paghihinging ito at dumalas ng dalawa
hanggang tatlong beses na sa isang buwan niya ito ginagawa mula
noong Mayo taong 20 1 1 hanggang Nobyembre taong 201 1. Mas malala
pa, hindi Iang po ako bilang bosyo ng BC] ang hinihingan niya.
Humihingi pa rin siya sa ibang mga kasamahan ko sa pangkat.
Magmula noong Nobyembre 2011, hindi na po namin nakayanang
magbigay pa sa kanya kung kaya't sumama na ang tingin ni MARTINEZ
sa akin.
08. Bandang Hunyo o Hulyo po ng taong 2011 nang maitalagang BuCor
Director 51' GAUDENCIO PANGILINAN. Maganda po ang pagpapatakbo
niya sa NBP noong siya'y nanungkulan. Napalitan po siya ni Director
MANUEL CO, na patas at maayos din po ang pamamalakad. Ngunit
noong Nobyembre taong 2012, 31' Director CO ay napalitan ni RAFAEL
MARCOS RAGOS bilang OIC Director. Sa panahong ito po lumutang ulit
si DANILO MARTINEZ.
09. Habang ine-escortan ng mga opisyal ng BuCor noong unang linggo ng
Nobyembre taong 2012, pinagbantaan ako ni MARTINEZ. Ang sabi niya
sa akin, "ANO NA NGAYON, POY, WALA NA ANG DIRECTOR MO PERO
AKO CONSULTANT PA RIN NI SO]. SAAN M0 BA GUSTONG IPATAPON?"
Wala naman po akong magawa at wala rin po akong laban sa kanya
sapagka't ako'y preso Iang, kaya't minabuti kong makipag-ayos sa
kanya. Dito niya na po ako hiningan ng Sampung Libong Piso
(P10,000.00). Upang hindi naman p0 ako mapatapon at malayo sa aking
pamilya, sinikap ko pong makalikom ng halagang ito at ibinigay kay
MARTINEZ. Ang problema nga Iang po ay makalipas ang ilang araw ay
ulit na namang humingi si MARTINEZ sa akin ng sampung libong piso
(P10,000.00). Hinanapan ko na naman po ng paraan upang makabigay
sa kanya nito dahil na rin sa takot na mapalayo sa aking pamilya,

10. Matapos ang grenade throwing incident, ako at kasama ang lahat ng
bosyo ng pangkat ay inilipat 53 Medium Security Compound at isa(Page two offour)

isang inimbestigahan ng mga taga-N BI. Ang lubos na pinagtatakahan at


ikinasasama ng loob ko ay ako ang idinidiin ni DANILO MARTINEZ na
umanoy may kinalaman sa nasabing pangyayari. Noong Siya ay aking
nakita malapit sa Director's Ofce, ako po ay kanyang pinagsalitaan ng
TAPOS KA NA NGAYON AT MAY PAGLALAGYAN KA SA'KIN. ANG
KAPATID MO AT 51 RUSSEL MURILLO AY IPINABARTOLINA K0 NA
DIN. Ako ay nabigla sa kanyang sinabi dahil parang sa tono ng kanyang
pananaIita na ako ay talagang may kinalaman sa insidente. Siya din ay
nakikialam sa pag-iimbestiga na isinasagawa ng NBI sa pamamagitan
ng pagdidikta at pagkakalap ng mga pekeng testigo para ako ay idiin sa
nasabing kaso.
11. Matapos ang nasabing imbestigasyon, ako ay nakipag ugnayan sa aking
kaibigan na isang dating NBI agent na 51' JOHN HERRA. Nagpatulong po
ako sa kanya na kung maaari, magpapunta ng NBI Agent dito sa Bilibid
upang maisiwaIat ko ang mga iligal na pinanggagawa ni MARTINEZ at
mapaabot ito sa kaalaman ni Secretary DE LIMA.
12. Noong ikatlong linggo ng Disyembre taong 2012 matapos na mailipat
na sa Maximum Security Compound ang ilan naming kasamahan na
nabartolina sa Medium Security Compound, ako ay binalitaan ni HERRA
at nagsabing nakausap daw niya 51' JUN ABLEN. Si ABLEN ay malapit kay
noo'y OIC BuCor Director RAFAEL MARCOS RAGOS. Ang sabi ni ABLEN
sa akin ay pinagbibigay daw ako ni OIC RAGOS ng Dalawandaang Libong
Piso (P200,000.00) kung gusto ko na mailipat ako sa Maximum Security
Compound. Ayon din daw kay ABLEN, sinabi daw ni RAGOS na ang
magdedesisyon ng aking painpat ay 51' DE LIMA.
13. Ako p0 ay humingi ng tulong sa aking magulang at mga kapatid para
maibigay ang hinihinging halaga ni RAGOS sa akin. Sa pamamagitan ng
aking kapatid at ni HERRA ay naiabot ang nasabing halaga kay JUN
ABLEN noong Disyembre 19 taong 2012. Dagdag ni HERRA, sabi daw ni
JUN ABLEN na ayon kay RAGOS, susunduin daw ako mula sa Medium
Security Compound at ihahatid sa Maximum Security Compound bilang
patunay na natanggap na niya ang pera. Noong Disyembre 22 taong
2012, nangyari nga po ang pangakong pagsundo sa akin ni RAGOS at
ABLEN, kung kaya't siguradong natanggap na ni RAGOS ang
Dalawandaang Libong Piso (P200,000.00) na hiningi niya.
14. Noong unang linggo ng Enero taong 2013, pinatawag po ako sa
Directors Ofce ng NBP ngunit ako ay inihatid ng BuCor escort sa
conference room. Pagkadau'ng k0 p0 doon ay nagulat nalang po ako
nang makita k0 ang higit-kumulang sa dalawampung high-prole
inmates sa loob. Kami po ay isa-isang ipinatawag papuntang Director's

(Page three offour)

Office kung saan ay nakita kong nandoon po sa loob ng opisina 51' JUN
ABLEN at 51' DIR. RAFAEL RAGOS, OIC ng Bureau of Corrections. Ang
sabi p0 ni RAGOS sa akin ay POY, LINGGUHAN MAGBIGAY KA NG
P100,000.00 KAY JUN. KUNIN MO ANG NUMBER NI JUN KAPAG READY
NA ANG PERA AT PWEDE NANG KUNIN PARA MAIHABOL SA QUOTA".
15. Biyernes kada linggo itinakda ang pagbibigay kay ABLEN ng halagang
Isandaang Libong Piso (P100,000.00J. Nakapagbayad pa p0 ako ng
halagang ito kay ABLEN noong unang dalawang linggo, ngunit hindi na
po ako makapagbayad noong pangatlo dahil ang mga nilalapitan kong
mga miyembro ng aking pangkat ay ipinatatawag niya na rin at
hinihingian. Doon na po ako pinatapon sa Zamboanga City. [pinatapon
din ang kapatid kong si MARK ANTHONY TRESTIZA, at pati na rin si
RUSSELL MURILLO na kasama kong pilit idiniin ni MARTINEZ sa
grenade-throwing incident
16. Ang salaysay na ito ay aking ginawa upang patotohanan ang mga
nakasaad dito. Hindi po ako tinakot, pinilit o pinangakuan ng kahit
anumang pabuya para gawin ang salaysay na ito.
BILANG PATUNAY NG LAHAT ng ito, ako ay lumagda sa ibaba nito,
ngayong ika-15 ng Setyembre taong 2016 dito sa lungsod ng Muntiniupa.

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong 9'


Setyembre taong 2016.
Public Attorney
(Pursuant to RA. 9406)

(Pagefour offour)

You might also like