Professional Documents
Culture Documents
Laoag City
PANINIGARILYO
Ipinasa ni:
Johanna Mae Gabur
KABANATA I
ANG SULIRANIN
A. INTRODUKSYON
Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang
paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa ng mga tribo upang
kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang
pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng
panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso.
Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang
5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithit at
ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga halamang
medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang
parte ng mundo, nagdal sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga
taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay naisipang gumawa ng
planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo
ng tabako sa Espanya.
Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog ang sangkap, karaniwang
tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit ng usok na inilalabas nito. Ayon sa
Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming
epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone,
chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao
ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.
B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7)
taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Ang
paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of
Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil
sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes,
osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.
Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, laging
bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Ang
paninigarilyo ay maaari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat,
makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.
Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong
nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay
tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na
rin dahil sa mga kemikal na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa
naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha
ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang
taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay
makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may
mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser.
Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na
magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon.
C. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng
paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang
huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.
1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyo ang kabataan.
2. Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na
naninigarilyo.
3. Tukuyin ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga naninigarilyo.
D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang
sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa
kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang
paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila
subukan ang masamang bisyo na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng
pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at
mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo
ng kabataan.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng
kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng
paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na
maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang
humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na
nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga
darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa
Pilipinas.
Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act
of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang
epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng
pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na
rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na
pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa
ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula
2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa ibat ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang
Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ng
World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong
may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na
resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa
pangunguna hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa
kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang
antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon sa mga pagaaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng
dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth
weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay
namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa
kanilang kalusugan. Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at
sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng
lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming
plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa usok. Kapag itinuloy
pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin bronchitis,
pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng
emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng
mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa
paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema.
May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11 hanggang 19 ang
naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health (DoH) at
World Health Organization (WHO). Batay sa pag-aaral na pinamagatang Global Youth
Tobacco Survey," mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang
naninigarilyo ay pawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa
pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakita ng mga
patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala si Dr Maricar Limpin,
executive director ng Framework on Tobacco Control of the Philippines Alliance, na patuloy
na darami ang mga kabataang naninigarilyo hanggat hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa
paggamit ng tabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17 hanggang
18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo samantalang umakyat ang bilang sa
23 porsyento noong 2007.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ko na gamitin ang
Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire)
para makalikom ng mga datos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang
ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.
B. MGA RESPONDENTE
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong naninigarilyo o mga
smokers sa aming subdibisyon. Pinili ko ang mga respondente sapagkat sila ang
pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng impormasyon.
C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive Survey Research
Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos
upang malaman ang mga opinyon ng mga respondent. Kumuha rin ako ng impormasyon sa
mga artikulo sa dyaryo at sa internet.
D. TRITMENT NG MGA DATOS
Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kayat wala akong
ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng
matataas at kompleks na istatikal na pamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga
respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa survey questionnaire.
KABANATA IV
Personal na Buhay ; 7%
Pamilya ; 40%
Barkada; 53%
Kalagayan ng buhay
Paninigarilyo ng magulang, kapatid, at iba
pang mga kamag-anak
Kakulangan sa patnubay ng magulang
BARKADA
Ipinagbawal na ni Dr. Maricar Limpin ang mga patalatastas sa sigarilyo noong pang Hulyo 1,
2007 alinsunod sa Sec. 22 ng Tobacco Control Act. Subalit tanging ang Davao City at
Legazpi City pa lamang ang tumatalima dito, ayon sa kanya.
ASPEKTONG NAKAKAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG MGA MAG-AARAL
Kalusugan ; 50%
Sa mga aspektong naaapektuhan ng paninigarilyo ng mga mag-aaral, tatlumputsiyam na bahagdan ang nagsasabing naaapektuhan ng paninigarilyo ang kanilang pag-aaral,
habang limampung bahagdan ang nagsasabing ang kalusugan ang naaapektuhan ng kanilang
paninigarilyo. Labing-isang bahagdan naman ang nagsasabing pamilya at kaibigan ang
naaapektuhan nito.
20% ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 10 pababa. (MiguelBaquilod, M., NEC, 2001)
Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (Global Youth Tobacco Survey
ng WHO at CDC, 2007)
Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (WHO, 2002)
Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyo na. (CDCMMWR, 2003)
Isa sa walong estudyante ng may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago ang
edad na 10. (CDC_MMWR, 2003)
Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na
manigarilyo rin pagtanda. (FCAP)
62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan. (CDCMMWR, 2005)
PARAAN KUNG PAPAANO IWASAN ANG PANINIGARILYO NG MGA
KABATAAN
Sales
Pinagkakaabalahan; 20%
Pang-agaw pansin
Nagiging masaya
Makakabuti sa kalusugan
May mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag itinigil ang paninigarilyo.
Subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itnigil na ang paninigarilyo. Huwag
hayaang ang inyong paninigarilyo ay mapalitan ng panibagong bisyo. Kung kayo gustotunggusto kumain nang matatamis, mas mabuting kumain ng prutas.
Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo. Kapag ginawa ninyo ito ngayon,
natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang bukas. Hindi lamang kayo ang
makikinabang kundi pati ang pamilya. Alalahanin ang pinsalang dinudulot ng paninigarilyo
sa katawan.
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM
Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming kabataan ang naninigarilyo ay pamilya
(40%), barkada (53%), at personal na buhay (7%).
Mga aspektong nakakaapekto sa pannigarilyo ng mga mag-aaral ay kalusugan (50%),
pag-aaral (39%), pamilya at kaibigan (11%).
Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mag-aaral upang maiwasan ang paninigarilyo ay
pagdisiplina sa sarili (67%), pinagkakaabalahan (20%), gawaing pangkalikasan (13%).
B. KONKLUSYON
Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan.
Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit
tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating
katawan. Ito rin ay nakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating
mga kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran
dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.
C. REKOMENDASYON
Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga
naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo.
Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa
inyo sa tukso at magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng
pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-
BIBLIOGRAPIYA
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sigarilyo
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=434490
http://tl.articlestreet.com/Article/The-Many-Perils-Of-Smoking-Tobacco/671975
http://bisyonatoh.blogspot.com/
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211