You are on page 1of 7

ST.

PETERS COLLEGE OF ORMOC


COLLEGE UNIT
6541 ORMOC CITY, LEYTE, PHILIPPINES

__________________________________________________
______
Filipino 17:
Dula at Nobela: uri ng nobela

Pag-uulat sa Nobelang makabanghay

______________________________________________________
____

IPINASA NI:
IPINASA KAY: GNG.

Balangkas ng Pagsususri

I.
II.

A. Pamagat ng Katha: ANG KUWINTAS ni Guy De Maupassant


B. Sanggunian: modyul ng mag-aaral sa filipino 10
Buod:
Si Mathilde ay isa sa magagandat mapanghalinang babae na sa
pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
Pumayag siyang pakasal sa isang abang tagasulat sa Kagawaran ng
Instruksyon Publiko sapagkat walang paraan upang siyay makilala,
panuyuan, bigyan ng dote, at pakasalan ng isang mayaman at tanyag na
lalaki. Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa
hindi niya kayang magsuot ng magagara. Hindi siya maligaya. Sa pakiwari
niyay alangan sa kaniya ang lalaking nakaisang-dibdib sapagkat sa mga
babae ay walang pagkakaiba- iba ng katayuan sa buhay. Ang gandat
alindog ay sapat na upang maging kapantay ng sinumang hamak na
babae ang isang babaing nagmula sa pinakadakilang angkan.
Ang isang babaing nagbuhat sa karaniwang angkan ay magiging
kasinghalaga ng mga maharlika sa pamamagitan ng pinong asal at paguugali, pagkakaroon ng pang- unawa sa tunay na kahulugan ng magara at
makisig at kakaibang kislap ng diwa. Labis ang kaniyang pagdurusa at
paghihinagpis dahil may paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi.
May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang
kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang
tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa
paningin niya ay napakapangit.
Malimit na sa pagmamasid niya sa babaing Briton na siyang gumaganap
ng ilang abang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama siya ng
panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso kapag naiisip
ang mga pangarap niya sa buhay na hindi yata magkakaroon ng
katuparan. Naglalaro sa kaniyang balintataw ang anyo ng tahimik na
tanggapang nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng
matatangkad na kandilerong bronse at may nagtatanod na dalawang
naglalakihang bantay na dahil sa init ng pugon ay nakatulog na sa
dalawang malaking silyon. Naiisip niya ang mahahabang bulwagang
nagagayakan ng mga sedang tela ng unang panahon na nagsisilbing
palamuti, mga mamahaling kasangkapan na ang mga hiwaga at
kababalaghan ay walang kapantay na halaga, mga silid-bihisang
marangya at humahalimuyak sa bango, mga taong tanyag na
pinagmimithing makilala ng balana at makikisig na ginoong
pinananabikang karinggan ng papuri at pinaglulunggatian ng kababaihan.

Sa hapunan,binigyan siya ng isang liham paanyaya para sa kasiyahan sa


kagawaran. Malungkot niya itong tinanggap sapagkat wala siyang
maisusuot na magandang kamisita o damit. Ngunit kinabukasan binigyan
si Mathilde ng pera ng kayang asawa upang makabili siya ng kanyang
isusuot sa kasiyahan. Nakabili siya ng damit ngunit hindi siya nasisiyahan
sapagkat kulang ang kanyang isusuot dahil wala itong kapares na mga
hiyas. Kaya, naisip niya na manghiram ng kwintas sa kanyang matalik na
kaibigan na si Madame Forestier. Pinahiram siya ng napakagandang
kwintas ni Madame Forestier. Masaya na si Mathilde dahil kompleto na ang
kanyang isusuot. Sabik na siyang sumali sa kasiyahan dahil alam niyang
siya ang magiging pangimbuluhan ng ibang kababaihan na dadalo sa
kasiyahan.
Sa gabi ng kasiyahan, siya ang pinakamaganda sa lahat at gusto siyang
maisayaw ng mga kalalakihan dahil sa taglay niyang kagandahan.
Madaling araw na nang sila ay makauwi. Hindi agad nagbihis si Mathilde
dahil gusto pa niyang masisilayan ang kanyang kagandahan sa salamin.
Ngunit pagtingin niya sa salamin,nawala na sa kaniyang leeg ang
kuwintas na kanyang hiniram. Hinanap nila ito agad ngunit hindi na nila
ito nakita. Hindi muna nila ipinaalam kay Madame Forestier ang nangyari.
Naghanap sila ng pwedeng ipalit sa kwintas na kamukhang-kamukha sa
nawalang kwintas ngunit napakamahal ito. Lumapit sila ng mga
manghuhuthot upang mabili ang kwintas na may halagang 36,000 na
prangko at binigay agad ni Mathilde ang. Dahil sa pagkakautang,sila ay
nalugmok sa kahirapan ng sampong taon.
Pagkatapos ng sampong taon, nagkitang muli sina Mathilde at Madame
Forestier. Sinabihan ni Mathilde ang kaibigan na naghihirap sila dahil sa
nawawalang kuwintas na kanyang hiniram. Sa unang pagkakataon,
nalaman ni Madame Forestier na nawala pala ang kwintas na hiniram ni
Mathilde. At tinapatan naman ni Madame Forestier si Mathilde na ang
kwintas ay puwit ng baso lamang na may halagang 500 na prangko.
III.

PAGSUSURI
A. Uri ng Panitikan: Maikling Kwento
B. Istilo ng paglalahad: Simula-Gitna-Wakas.
C. Teoryang Pampanitikan at Pagpapatunay:

Teoryang Realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid,
ang panitikan ay hango sa totoong buhay.

Katulad sa pangunahing tauhan na si Mathilde na hindi


nakuntinto kung anong mayroon siya, madaling mainggit
at materyalistik.

Teoryang sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan
ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng
naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa
akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o
mabuo ito.
Nagdesisyon agad si Mathilde na huwag ipaalam ky
Madame Forestier na nawala ang hiniram niyang kwentas.
Naghanap sila ng kaparihas nito ngunit ang nakita nila ay
umabot sa halagang 36,000.00 . Nagdesisyon din siya na
manghiram ng pera para mabili ang kwentas bilang
kapalit sa nawalang kwentas.

Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ang
pamantayan ng tama at mali.
Dahil sa isang pagkakamali ni Mathilde na hindi agad
ipinaalam sa kaibigan niya na nawala ang kwentas na
hiniram niya. Kung sinabi pa agad niya ito maaaring
malaman niya na 500 prangko lang pala ang halaga ng
kwentas na iyon. Hindi sana maging ganito ang
sitwasyon, hindi sana sila maghihirap sa loob ng 10 taon
dahil lang sa murang kwentas.

D. Mga Tayutay:
TAYUTAY NA
MATATAGPUAN SA
AKDA
1. pagkakamali ng
tadhana
2.
Naglalaro
sa
kaniyang balintataw

URI NG TAYUTAY

KAHULUGAN/PAGPAPALIW
ANAG

Pagbibigay
-katauhan
Pagbibigay
katauhan

Hindi inaasahan na buhay


-

Naibalik
sa
imahinasyon

alaala

3. nalunod siya sa
kaligayahan
4.. Tila siya lumulutang
sa ulap
5.. isang ngiting puspos
ng kawalang- malay
katulad ng ngiti ng
isang paslit
6. sa pagkagat ng dilim

pagmamalabis

Labis ang kaligayahan

pagtutulad

Nag-uumapaw ang saya

pagtutulad

Ngiti nang may pagmamalaki

Pagbibigay
katauhan

Pagsapit ng gabi

E. Sariling Reaksyon:
1.)Mga pansin at Puna:

Mga Tauhan:
Mathilde- isang mahirap at isa sa magagandat
mapanghalinang babae. Ngunit isa siyang materyalistik.
Hindi makuntinto kung anong mayroon siya. Labis ang
kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil may
paniniwala siyang isinilang siya sa daigdig upang
magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na
maidudulot ng salapi.

Madame Forestier- matalik na kaibigan ni Mathilde. Siya


ang nagpahiram ng kwentas kay Mathilde. Ang kwentas
na iyon ang dahilan sa lubosang paghihirap sa pamilya
nina Mathilde sa luob ng 10 taon.

Ginoong Loisel- asawa ni Mathilde na sumuporta sa mga


kagustuhan ni Mathilde.

Galaw ng Pangyayari:
Bisa sa isip
Si Mathilde ang halimbawa ng mga taong hindi
makuntinto kung anong mayroon sila. Isang bisa sa isip na
gustong ihatid ng may akda sa kanyang mambabasa na
dapat tayoy maging matapat at makuntinto sa mga
bagay na binigay sa atin ng Dios. Sabi nga nila, libre lang
mangarap. Ngunit upang makamit natin ang ating mga
pangarap kailangan natin itong paghirapan. Pag

manghiram din tau ng mga bagay tapos may pagkakaton


na mawala ang bagay na yon, kailangang ipaalam agad
natin ito sa may-ari upang madali itong masolusyonan at
maiwasan ang paglaki ng problema.
Bisa sa damdamin
Hindi agad ipalam ni Mathilde sa kaibigan niya na nawala
ang kwentas. Ito ang naging dahilan sa paglaki ng
problema. Masakit ang mga pangyayari dahil nalugmok sa
kahirapan sa loob ng 10 taon. Naging mabisa parin ito sa
damdamin sapagkat nalampasan nila iyon. Malungkot ang
damdamin ng akda.

Bisa sa kaasalan
Ang suporta ng asawa ni Mathilde ay nagpapakita ito ng
magandang asal. At ipinapakita rin dito ang kahalagahan
ng pagsabi sa katotohanan at makontento sa bagay na
mayroon tayo upang tayo ay hindi mapahamak at
maghirap sa buhay.
Bisa sa lipunan
Ang kwentong ito ay makakatulong ng malaki sa lipunan
magbibigay aral ito sa mga taong mahilig sa material na
bagay at hindi makontento kung ano ang ibinigay ng
Diyos sa kanila. Dahil sa panahon ngayon marami ang
taong sakim sa bagay na hindi gaanong mahalaga at
hindi marunong tumanggap sa katotohanan at sa totoong
kalagayan ng buhay nila.
Ito ay nagbibigay mensahe sa atin na kung may pangarap
tayo sa buhay na gustong makamit,dapat nating
pagtiyagaan at gawan ng paraan. Huwag nating ipaubaya
sa ibang tao.

You might also like