You are on page 1of 23

Banghay-aralin sa Filipino 7

Pamantayang pangnilalaman: pagsasalita


l. LAYUNIN
A. natutukoy ang mga kaantasan ng pang-uri sa nailahad na pangungusap
B. nakakagawa ng isang maikling diyalogo tungkol sa kanilang bayan gamit ang
kaantasan ng pang-uri
C. nailalarawan ang kahalagahan ng kanilang bayan gamit ang kaantasan ng pang-uri.
ll. PAKSANG ARALIN
A. Paksa
-kaantasan ng pang-uri
B. Sanggunian
-hiyas ng lahi 7
C. Kagamitan
-tsart, aklat, nakarolyong papel
lll PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL
Pagtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod:
- Ano ang ating tinalakay noong nakaraang tagpo?
- Ipaliwanag ang kahulugan ang ng pag-uri?
- Magbigay ka ng halimbawa at gamitin sa pangungusap
- Ano ang apat na kayarian ng pang-uri?
- Ipaliwanag ang bawat isa
B. PAGGANYAK
Pagtawag ng dalawang mag-aaral sa klase upang basahin ang nakasulat na
diyalogo
PEDRO: Pitik! Napakalayo naman ng tribo nyo!
PITIK: Sanay na kami kahit malayo ang aming lugar mula sa
bayan.
PEDRO: Saan mas madali ang daan, ditto sa kaliwa o sa kanan?
PITIK: Dito tayo sa gilid dumaan. Ito ang pinakamabilis at
pinakamadaling daan.

Pagtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod:

-Naranasan naba ninyo ang pumunta sa lugar ng inyung


kaibigan?
-Malayo ba ito o malapit?
Ano ang inyong nakikita mula sa tsart?
Anong mga salitang ang mayroong kulay?
Ilan naman ang inilalarawan ng salitang nakasalungguhit?
Ilan naman kaya ang inihahambing sa nakahilig na salita?
C. PAGLALAHAD
Iilalahad ng guro kung ano ang kaugnayan ng mga diyalogong nabasa sa
paksang tatalakayin ngayong tagpo.
D. PAGTATALAKAY
Tatalakayin ng guro ang paksa at magtatanong sa mga mag-aaral.
A.
Lantay
Ano ang lantay?

Ito ay lantay kung ang tuon ng


paglalarawan ay nakapokus sa
iisang bagay lamang.

Kailan nasa kaantasang


lantay ang pang-uri?

Kapag ang paglalarawan ay


nakatuon
sa
iisang
bagay
lamang.

Halimbawa:
Ang mga Pilipino ay tapat
at mabuti.
Magbigay ng halimbawa

B.
Pahambing
Ano ang pahambing?

Ito ay pahambing kung ito ay


naglalarawan ng dalawang tao,
bagay, lugar, hayop, Gawain, o
pangyayari.

Kailan nasa kaantasang


Kapag
pahambing ang pang-uri?

ang

paglalarawan

ay

nakatuon sa dalawa.
1.

Pahambing

na

Magkatulad
Ano ang pahambing
magkatulad?

na Ito ay pahambing na magkatulad


kung magkatulad ang katangian ng
paghahambing. Gumagamit ito ng
mga
panlaping
magka,
sim,
Halimbawa:
magsing, magsin, ga, o salitang
Magsinsipag ang misyonero at ang
pareho o kapwa.
padre.

Magbigay ng halimbawa.

2. Pahambing
magkatulad

na

Di-

a. Palamang
Ano an palamang?

Ito ay palamang kung nakahihigit


sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Gumagamit ito
ng higit, lalo, mas, di-hamak.

Halimbawa:
Higit na maaga ang padre
kaysa sa misyonero.

Magbigay ng halimbawa.

b. Pasahol
Ano ba ang pasahol?

Ito ay pasahol kung ang kulang sa


katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambingan. Gumagamit ito

Halimbawa:
Di-gaanong malinis sa bayan
kaysa sa tribo.

ng di-gaano,
masyado.

di-gasino,

at

di

Magbigay ng halimbawa.

A. Pasukdol
Ano ang pasukdol?

Halimbawa:
Pinakamasipag si Pitik
sa lahat.

Magbigay
halimbawa.

Ito ay pasukdol kapag ang


paghahambing ay nakatuon
sa higit sa dalawang bagay,
lugar, pangyayari, o tao. Ang
paglalarawan ay maaaring
pinakamababa
o
pinakamataas. Ito ay masidhi
kaya kaya gumagamit ng
mga katagang sobra, ubod,
tunay, talaga, saksakan,
hari ng ______, napaka,
pinaka, o pag-uulit ng panguri.

ng
1.

Pagkatapos ng talakayan ay magbibigay ng halimbawa ang guro at tutukuyin


ng mga mag-aaral kung anong kaantasan ng pang-uri ang mga ito
1.
2.
3.
4.
5.

Napakapalad ng mga anak ng mga manggagawang Pilipino.


Ang mga tao rito ay abala sa bukid.
Ang magkapatid na Maria at Carla ay magsinsipag.
Higit na payapa ang buhay sa probinsya , kaysa sa siyudad.
Ang pabangong gamit ni Annie ay di masyadong mabango.

E. PAGLALAPAT
PANGKATANG GAWAIN
Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa limang pangkat.
Tatawag ng mga kinatawan sa bawat pangkat uoang bumunot ng paksa sa
nakarolyong papel.
Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang maikling diyalogo tungkol sa mga
kultura ng bawat tribo o pangkat sa pilipinas.
Ang mga paksangn kanilang gagawan ng diyalogo ay ang mga sumusunod:

1 efugao
2 ita 3 bisaya 4 tagalog 5 muslim
Sila ay mamarkahan basi sa mga kraytirya nan ito:
-masasalalim sa diyalogo ang katotohanan ng
pangyayari--- 25%
-naipakita ang pagiging orihinal ng akda o diyalogo--20%
-angkop at wasto ang gamit ng kaantasan ng pang-uri sa
diyalogo---25%
-partisipasyon ng bawat memebro10%
-maayos na pagkakalahad ng diyalogo---20%
KABUUAN NG 100%
Pagkatapos nilang magdiyalogo sa harapan ng klase ay ang mga mag-aaral
ang susuri sa ginawang presentasyon ng bawat pangkat.

F. PAGLALAHAT
Pagtatanong sa mga sumusunod:
-mayroon ba kayong mga katanungan hinggil sa paksang
ating tinalakay?
-ano-anu ang mga kaantasan ng pang-uri?
-magbigay ng halimbawa
-paano mo matutukoy ang pagkakaiba ng pahambing na
palamang sa pasahol?
-magbigay ng halimbawa ng pasahol
-sino ang makapagbibigay ng buod sa paksang tinalakay?
-bakit mahalagang malaman natin ang kaantasan ng
pang-uri? Ipaliwanag.
IV PAGTATAYA
PANUTO:
Gumawa ng isang maikling diyalogo tungkol sa iyong bayan. Gamitin ang kaantasan ng
pang-uri.

Kratiya
Orinahilidad --- 30%
Kaantasan ng pang-uring ginamit--- 25%
Deliberasyon sa diyalogo ---25%
Masasalamin ang makatotohan ng pangyayari---20%
Kabuuan ng 100%
IV TAKDANG ARALIN
PANUTO:
Isulat ang iyong sagot sa buong papel.
1.nauunawaan mo ang kulturang Pilipino. Sumulat ng pangungusap na may lantay na
kaantasan ng pang-uri.
2. ihambing ang mga tao at kultura sa cebu at sa Ormoc ayon sa iyong nalalaman.
Gumamit ng pahambing na magkatulad at di-magkatulad.

Banghay aralin sa Filipino 10


Pamantayang pangnilalaman: pag-unawa sa napakinggan
I LAYUNIN
A. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng kwento sa teoryang realismo
B. Nakapagbibigay ng buod sa kwentong napakinggan
C. Nakapagpapaliwanag ng sariling saloobin tungkol sa kahalagan ng
pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA
-teoryang realismo ang ama ni M.R. Avena
B. SANGGUNIAN
-yaman ng pamana wika at panitikan
C. MGA KAGAMITAN
-aklat, tsart at nakarolyong papel
III PAMAMARAAN
A. BALIK ARAL
Pagtatanong sa mga sumusunod:
-ano ang nakaraan nating tinalakay?
-anong pamagat ng kwento?
-sino ang sumulat ng kwento?
-sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento?
-anong mga pangyayaring naganap sa kwento?
-anong teorya ng panitikan saklaw ang kwento?
-anong aral ang iyong napulot sa kwento?
B. PAGGANYAK

Pagtawag ng ilang mga mag-aaral sa klase upang basahin ang mga


sumusunod na pahayag at tanungin kung anong imahe ang kanilang
nalalarawan sa mga pahayag.

1. Magtatapos ka ng pag-aaral kahit anong mangyari. Ayokong matulad ka


sa akin, habambuhay na magbubukid.
2. Kaunting hinahon, anak. Ituring mo na lamang na lumaki ang kaanak ng
buwaya sa ilog.
3. Magsikap ka, tumayo ka sa sarili mong paa. Hwag kang aasa sa kahit na
kanino.
4. Umalis ka sa harapan ko! Nasan na ang kinita mo? Ibigay mo sa kin
bilisan mo! Kundi tatamaan ka sa kin.
5. Pagsinabi kong hindi, hindi! Hwag ka nang magpumilit pa. sumunod ka
sa pasya ko.
C.PAGLALAHAD
Ilalahad ng guro kung ano ang kaugnayan ng mga pahayag na yon at ang
imaheng nakapaloob sa bawat pahayag sa paksang tatalakayin.
Bago ang talakayan ay magkakaroon mula ng pag-alis ng sagabal sa
kwentong kanilang mababasa.
Tatawag ng mga mag-aaral ang guro upang sagutin ang mga salitang
malalalim at gamitin iyon sa isang pangungusap.
D. PAGTATALAKAY
Bago simulan ng guro ang pagtatalakay ay maglalahad muna siya ng
kaligirang kasaysayan ng may akda sa kwento at ang akda.
Tatawag ang guro ng limang pag-aaral na syang magbabasa sa kwento na
mayroon buhay.
Bago babasa ang mga mag-aaral ay babasahin muna ito ng guro upang
kanilang malaman kong paano ang pagbasa ng tama.
Pagkatapos mabasa ang kwento ay tatanungin ng guro ang ,mga mag-aaral
ng mga sumusunod:
-ilarawan kung ano ang katangian ng ama sa nabasang kwento
-bakit ganoon na lamang ang takot ng mmga bata sa kanilang ama?
-ano ang maidudulot ng isang lasenggong ama sa kanyang pamilya?
-sino ang naging dahilan ng pagkamatay ni mui-mui?
-nagbago ba ang pag=uugali ng kanilang ama?
-ano naming pangyayari ang nagpabago sa kanilang ama?
-may ganito bang ama sa lipunan?
-batay sa mga ginawa niya sa kanyang mga anak karapat dapat ba
siyang tawaging ama?
-anong uri kaya ng teorya saklaw ang kwentong ito?
-ano ba ang realismo?
Tatalakayin ng guro ang realismo
E. PAGLALAPAT

PANGKATANG GAWAIN
Hahatiin sa limang apat na pangkat ang klase, bawat pangkat ay pipili ng
kinatawan na syang bubunot ng kanilang paksa sa nakarolyong papel.
Sasagutan nila ang mga katangunan sa nakarolyong papel:
1. Ano-ano ang mga pangyayari sa kwento ang makatotohanan
at hindi? Patunayan
2. Batay sa inyong napakinggan sa kwento at sa inyong
pagmamasid sa ating lipunan mayroon bang ganitong
karakter? Patunayan
3. Sa inyong sa sariling palagay, bakit mahalaga ang
pagmamahal ng ama sa kanyang anak? Ipaliwanag
4. Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa kwento ano ang
iyong gusting wakas? Dugtungan ito ng 3 o 4 na talata.
Ilalagay nila ang kanilang sagot sa tsart
Sila ay mamarkahan basis a krayterya na ito:
Kalinisan10%
Koorperasyon20%
Akmang sagot---40%
Maayos na pagkakalahad30%
KABUUAN 100%
Pagkatapos nilang maipresenta ang nakaatas sa kanila na mga katanungan ay ang
mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang sariling opinion hinggil sa kanilang mga
sagot.
F. PAGLALAHAT
Pagtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod:
-mayroon ba kayong katanungan?
-sino ang mga tauhan sa kwento?
-ano ang pag-uugali ng ama sa kwento?
-sino ang batang namatay?
-bakit siya namatay?
-ilang taong gulang si mui mui?
-anong sakit niya?
-ilarawan ang katangian ng kanilang ina?
-anong pangyayari ang nagpabago sa kanilang ama?
-bakit ang kwentong ito ay saklaw sa teoryang realismo?
-anong kahulugan ng realismo?
-anong aral ang inyung napulot sa kwento?

VI PAGTATAYA
PANUTO:

Sa isang buong papel isulat ang buod ng kwentong inyong napakinggan.

Krayterya sa pagmamarka:
Orinalihidad20%
Kalinisan10%
Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari50%
Bahagi ng kwento---20%

V. TAKDANG ARALIN
PANUTO:
Sa isang buong papel sumulat ng 5 talata na naglalarawan sa iyong ama. Isaalangalang ang mga sumusunod:
a. Angkupan ito ng pamagat
b. Binubuo ito ng tatlong bahagi1. Panimula
2. Panggitnang talata
3. Pangwakas
c. Gumamit ng mga angkop na apang-uri sa paglalarawan
d. Isaalang-alang ang mga bantas at pagbabaybay ng mga salita
e. Panatilihing malinis ang papel

Banghay aralin sa Filipino 8


Pamantayang pangnilalaman: pagsulat

I LAYUNIN:
A. Naipapaliwanag ang uri ng tayutay at ang kahulugan nito mula sa tulang
nabasa
B. Nakagagawa ng isang tula na ginagamitan ng mga tayutay
C. Napapahalagahan ang mga tayutay at ang gamit nito sa ibat ibang
larangan gaya ng
pasulat at pasalita
II PAKSANG ARALIN
A. PAKSA
-TAYUTAY
B. SANGGUNIAN
-YAMAN NG PAMANA ATB WIKA NG PANITIKAN
C. MGA KAGAMITAN
-TSART, NAKAROLYONG PAPEL at PLASKARD
III. PAMAMARAAN
A.BALIK ARAL
Pagtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod:
-ano ang paksa natin noong nakaraan tagpo?
-ano ang kahulugan ng idyoma?
-magbigay ng halimbawa
B. PAGGANYAK
Noon hanggang ngayon, kilalang mangingibig ang mga Pilipino at kadalasang
umuusbong ang pagliligawan sa edad ninyo ngayon. Napapansin nyo na ang
kagandahan at kagwapuhan ng kapwa binatat dalaga. Saksi sa inyong mga ligawtingin at pagsusuyuan ang lugar ng inyong tagpuan.
Saan ba kadalasang nagliligawan ang mga binatat dalaga?
SA TABI NG DAGAT
Isa sa mga itinuturing na pinakamagandang tula ng pag-ibig sa
panulaang Filipino ay ang Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos.

Babasahin ng guro ang tula sa harap ng klase na sasaliwan ng isang awit ng pag-ibig
at pagkatapos mabasa ang tula ay magtatanong ito ng mga sumusunod:
Sino ang nagsasalita sa tula? Sino ang kanyang kinakausap?
Ano ang nangingibabaw na damdamin sa tula?
Sa palagay mo bay tapat ang lalaki sa kanyang pag-ibig?
Paano inilalarawan ng may akda ang pagsusuyuan ng dalawa?
Bakit mahalagang mangibabaw sa mundo ang tapat at wagas na pag-ibig?
Sa makabagong panahon, ano ba ang uri ng ligawan ngayon ng mga kabataan?

C. PAGLALAHAD
Magkaiba man ang pamamaraan ng ligawan noon at ngayon, ang
mahalaga ay ang wagas na pagmamahalan na namamayani sa kaibuturan ng
bawat pusong umiibig. Mula sa tulang binigkas, may mga paglalarawang sinipi
upang bigyan ng ibayong pansin.
at sakong na wariy kinuyom na rosas
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas
sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin
patiyad na tayoy
Maghahabulang simbilis ng hangin
D. PAGTATALAKAY
Ang mga paglalarawang ito ang naging daan upang maging masining at
mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng binatang sumusuyo sa kanyang
nakabibighaning dalaga. Ito ay nakapupukaw din ng unawa dahil kailangan
maintindihang mabuti ang di-tuwirang diwa na ipinahihiwatig nito. Hindi
lubhang mahirap unawain ang mga ito kung taglay na ng mambabasa ang
kaalaman tungkol sa ganitong paglalarawan.
Suriin naitn ang unang pahayag na sinipi mula sa tula.
at sakong na wariy kinuyom na rosas

Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod:


-Anu-anong mga bagay ang pinaghahambing? Sakong at rosas
Anong salita ang ginamit sa paghahambing? Wariy (wari ay)
Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag? Mamulamula ang kanyang sakong
Ano ang tawag sa paglalarawan na kung saan itoy paghahambing na ginagamitan
ng mga salitang wari, gaya, parang? PAGTUTULAD (SIMILE)
1.

PAGTUTULAD (SIMLE) nagpapakit ng isang taasang paghahambing o


pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari, kaisipan at iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salitang gaya ng, para (kapara), wangis, wari, animo,
tila at mistulan at tulad (katulad).
Mga Halimbawa:

Pisnging tila makopa sa kapulahan.


Bilis-bilisan mo, para kang pagong kung kumilos.
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalat-sibuyas

Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod:


-Anong mga bagay ang inihahambing sa pahayag na ito? Paa at binalat-sibuyas
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang binalat-sibuyas? Maputi at makinis
May ginamit bang salita o parirala upang paghambingin ang paa at binalat-sibuyas?
Wala
Ano ang ibig sabihin ng pahayag? Ang paang makinis at maputi ay di na kailangan
sapinan pa.
Kung gayon, ano ang tawag sa paglalarawan na kung saan tuwirang inihahambing ang
dalawang magkaibang bagay na walang ginagamit na salita o parirala upang
paghambingin ang mga ito? PAGWAWANGIS (METAPHOR)
2.

PAGWAWANGIS (METAPHOR) ito ay tuwiran o tahasang pagkukumpara o


pagtutulad. Hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad ng nasa
pagtutulad.
Mga Halimbawa:
Buwaya ang mga sakim sa kapangyarihan.
Isa siyang maamong tupa.
sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin

Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod:


Anong katangian ng isang tao ang matatagpuan sa linyang ito ng tula? Pagluha
Anong bagay ang PAGSASATAO (PERSONIFICATION)
-binibigyang buhay sa linyang ito? Bituin
Lumuluha ba ang mga bituin? Bakit? Hindi, dahil tao o bagay na may buhay
lamang ang lumuluha.
Ano ang ibig sa ipahiwatig ng pahayag? May mga patak ng hamog ang dahon.
Anong uri ng paglalarawan kapag nagbibigay buhay sa mga bagay gamit ag kilos o
galaw ng tao?
3.

PAGSASATAO (PERSONIFICATION) ito ay pagbibigay katauhan sa mga bagay na


walang buhay o sa mga abstraktong kaisipan.
Mga Halimbawa:
Lumuha ang langita at ang mundo ay nanliit.
Kumakaway ang mga dahon sa paghihip ng hangin.

patiyad na tayoy
Maghahabulang simbilis ng hangin

Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod:


-Anong bahagi ng pananalita ang maghahabulan? Pandiwa
-Nasa anong aspekto? Kontemplatibo o panghinaharap
-Anong parirala ang naglalarawan sa pandiwa? Simbilis ng hangin
- Anong bahagi ng pananalita ito? Pang-uri
-Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito mula sa tula? Maghahabulan sila ng
napakabilis
- Anong uri ng paglalarawan na kung saan lumalagpas sa katotohanan
ang ipinahihiwatig? PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)
4.

PAGMAMALABIS (HYPERBOLE) ito ay ginagamit kapag pinasisidhi ang


paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaisipan o damdamin.
Mga Halimbawa:
Kumukulo ang dugo ng dalagang inagawan ng cellphone.
Nadurog ang puso ko dahil sa pagsisinungaling mo.

oh, Tukso! Layuan mo ako.


Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod:
-Anong bahagi ng pananalita ang salitang Tukso? Anong uri ng pangalan?
Pangngalan, abstrak o di-konkreto isang kaisipang hindi nakikita,
nalalasahan, naririnig at nahihipo ngunit nadaram at pawing nasa isip
lamang ng tao.
-Paano kinakausap ang tukso sa pangungusap? Parang isang taong kaharap
na kinakausap gayong wala naman.
-Anong gawi ang namamayani sa pangungusap? Tila tumatawag.
-Nasa anong uri ng paglalarawan ang pahayag na ito? PAGTAWAG
(APOSTROPHE)
5.

PAGTAWAG (APOSTROPHE) ito ay pagpapahayag ng isang karaniwang bagay o


isang di nadaramang kaisipan na para ng isang buhay na tao o isang taong
kaharap na kinakausap gayong wala naman.
Mga Halimbawa:
Pag-asa! Pag-asa! Ako ay lapitan nang maging mabulaklak ang aking landas.
Kamatayay nahan ang dating bangis mo nang di damdamin ang hirap na ito!
E. PAGLALAPAT
PANGKATANG GAWAIN

Hahatiin sa limang pangkat ang klase, ang bawat pangkat ay magtutulungan


nasagotan kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga tanong sa plaskard. Kung
sino ang may pinakamaraming puntos ay siyang panalo.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Siyay uminom ng isang balding gatas. PAGMAMALABIS


Animoy isang paruparo kung lumigaw si Basti sa dalaga. PAGTUTULAD
Sumasayaw ang mga alon sa dalampasigan ng Bataan. PAGSASATAO
Ang kanyang balat ay parang kaliskis ng isda kung hihipuin. PAGTUTULAD
Mga basang sisiw ang mga batang sa kalye naninirahan. PAGWAWANGIS
O, pagtulog! Dalawin mo ako nang akoy mahimbing na. PAGTAWAG
Gabundok ang labahin niya kaya siya nakasimangot. PAGMAMALABIS
O, dagat! Iduyan mo ako sa iyong mga alon. PAGTAWAG
Ang puso moy bato dahil hindi marunong magmahal. PAGWAWANGIS
Ibinulong ng hangin sa akin ang walang maliw niyang pagsinta. PAGSASATAO

F. PAGLALAHAT
Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral ng ,gas u,usunod:
-ano ang tayutay?
-ano ang mga uri ng tayutay?
-ipaliwanag ang bawat uri ng tayutay
-bakit mahalagang malaman natin ang ibat-ibang uri ng tayutay?
VI PAGTATAYA
PANUTO:
Tukuyin ang tayutay na makikita sa bawat pahayag. Pagkatapos, kilalanin ang uri
ng tayutay at ibigay ang kahulugan nito.
1. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Dahoy nalanta munting di madilig,
Ikinalulunoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuway manaig.
(Florante at Laura)
a.Tayutay
b.Uri ng Tayutay
C.Kahulugan
2. Lumuha ang langit
at ang mundo ay nanliit
kumakaway sa bakod
ang anghel na nakatanod.
(Saranggola ni Pepe)

a.Tayutay
b.Uri ng Tayutay
C.Kahulugan
3. Nang isilang ka sa mundong ito,
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw.
(Anak ni Freddie Aguilar)
a.Tayutay
b.Uri ng Tayutay
V TAKDANG ARALIN
PANUTO: Sa isang kalahating papel gumawa ng isang malayang tula na binubuo ng
dalawang saknong at ginagamitan ng mga uri ng tayutay.

Banghay aralin sa Filipino 9


Pamantayang pangnilalaman: pag-unawa sa binasa
I LAYUNIN:

1. Naiaantas ang magkasingkahulugan salita mula sa pinakamababaw


hanggang sa pinakamalalim;
2. Nakabubuo ng story grammar ng kuwento matapos itong basahin;
3. Nakapagmamalas ng sariling saloobin sa mga pangyayari sa kwento.
II PAMAMARAAN
A.PAKSA
-Impeng negro ni Rogelio Sikat
B. SANGGUNIAN
- Pluma III
D. MGA KAGAMITAN
-larawan,nakarolyong papel at tsart
III PAMAMARAAN

A. BALIK ARAL
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral ng mga sumusunod:
-ano ang ating tinalakay noong nakaraan tagpo?
-anong pamagat ng kwento?
-sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
-anong aral ang napulot sa kwento?
B. PAGGANYAK
Magpapaskil ng larawan ng isang maitim at maputing lalaki sa pisara at
magtatanong sa mga mag-aaral
-Ano ang mapapansin ninyo sa katangian ng dalawang nasa larawan?
- Mayroon bang diskriminasyon sa mga maiitim sa ating lipunan?
C. PAGLALAHAD
Ilalahad ng guro kung ano ang kaugnayan ng mga larawan sa paksang tatalakayin at
mag-aalis muna ang guro ng sagabal na makikita sa kwento upang madaling
maunawan ng mga mag-aaral.

Panuto:
Ibigay ang kasing kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit at muling gamitin sa
pangungusap.
1. SINIPAT

Sinipat siya ni Ogor at tumama ang pisngi niya sa nabitiwang baldeng tubig.
2. ISINAWAK
Isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde.
3. BATALAN
Naghugas ng kamay sa batlan si Impen
4. NAKABULAGTA
Si Ogor ay bulagta matapos ang away nila ni Impen
5. NABUWAL
Siya ay nabuwal dahil sa paa ni Ogor na nakahrang
6. MARURUSI
Ilan sa mga damit ni Impen ay marurusi na.
(Pipili ang mga estudyante ng salita at gagamitin nila ito sa pangungusap)

D. PAGTATALAKAY
Pipili ng ilang mag-aaral ang guro upang basahin ang kwento, pagkatapos mabasa
ang kwento ay magtatanong ang ito:
-sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
-anong kulay ng kanyang balat?
-ano ang kanyang kabuhayan?
-ilang magkakapatid sila? Pang ilan naman siya?
-sino ang lalaking kanyang kalaban sa kwento?
-bakit lagi si imping kinukutya ng mga tao?
-paano na labanan ni imping si agor?
-ano ang mensaheng nais epahayag ng may akda sa kwento?
-Ano ang story grammar?
-Ano ang maitutulong nito?

E. PAGLALAPAT
PANGKATANG GAWAIN
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa 4 na pangkat, ang bawat pangkat ay pipili ng
kanilangt representanti na siyang bubunot sa kanilang katanungan na: Pagtuunan
natin ng pansin ang mga sumusunod na nasa pisara.
1. Tagpuan

2. Mga Tauhan
3. Mahahalagang Pangyayari
4. Mensahe ng kwento
Sila ay bibigyan ng tsart at kanila iyon pupunan.

UNANG PANGKAT
PAMAGAT
.
T
A
U
H
A
N

T
A
G
P
U
A
N

S
U
L
I
R
A
N
I
N

K
A
S
U
K
D
U
L
A
N

W
A
K
A
S

IKALAWANG PANGKAT
PAMAGAT

TAUHAN

TAGPUAN

SULIRANI
N

WAKAS

IKATLONG PANGKAT
PAMAGAT

TAUHAN

TAGPUAN

SULIRANIN

WAKAS

IKAAPAT NA PANGKAT
TAUHAN

TAGPUAN

PAMAGAT

SULIRANIN

WAKAS

Sila ay mamarkahan sa krayteya na ito:


Orinalihidad20%
Kalinisan10%
Akmang sagot50%
Pagkakasunod-sunod ng pangyayari20%
Kabuuan ng 100%

F.PAGLALAHAT

Pagtatanong sa mga sumusunod:

-sino si imping?
-ano ang kanyang ginagampanan na karakter sa kwento?
-sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
-saan ang tagpuan?
-anong aral ang iyong na pulot sa kwento?
-ano ang story grammar?
-bakit mahalaga ang story grammar? Ipaliwanag

IV PAGTATAYA
PANUTO:
Sa isang buong papel gumawa ng iyong sariling story grammar sa kwentong nabasa.
Krayterya:
Kalinisan---15%
Orinalihidad20%
Maayos na pagkakagawa20%
Akmang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari45%
Kabuuan ng 100%
V TAKDANG ARALIN
PANUTO:
gawan ng Komik Istrip ang kwentong Impeng Negro ayon sa wastong pagkasunodsunod nito. Saliksikin rin ang tulang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus para sa
susunod nating liksyon.

St. Peters College of Ormoc


College Unit

Filipino 9:
ANG KURI NG FILIPINO SA
BATAYANG ANTAS NG
EDUCKASYONBANGHAY ARALIN

Ipinasa kay:
Gng. Myriam Deno

Ipinasa ni:
Ma. Aicel kristy A. Avila

You might also like