You are on page 1of 4

Epekto ng Social Media sa Paglinang ng Personalidad ng mga Kabataan

Isinumite sa Departamento ng Filipino


Bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang
Filipino

Isinumite ni
Alyana M. Alipio
Grade 11 Tech-voc (HE)

Isinumite Kay:
G. Roman Marcial D. Gallego

2016

I.

Kahalagahan
Sa panahon ngayon, hindi maipagkakaila na ang internet ay isa sa mga pangunahing
pamamaraan upang mabilisang maksasagap at makapagbigay ng impormasyon.
Ginagawa nitong possible ang komunikasyon at interaksyon ng mga tao saan mang panig
ng mundo. Dahil dito, labis na popular ngayon ang mga social networking sites katulad
ng Facebook, Twitter, Instagram at Snapchat, lalo na sa mga kabataan. Sa katunayan,
masasabing bihira na lamang ang mga kabataan na hindi aktibo sa mga nabanggit na
social networking sites.
Maituturing na malaking bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng mga kabataan ang
paggamit ng Social Media. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng organisasyon na Common
Sense Media sa Estados Unidos noong 2015, pangkaraniwang umaabot sa isat kalahating
(1.5) oras kada araw ang inilalalaan ng mga kabataan sa mga social networking sites.
Dito sila kadalasang naglalahad ng kanilang mga saloobin, kumakalap ng mga balita at
nakikipag-ugnayan sa ibat ibang tao.
Isa sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan ay ang pagkahumaling ng mg kabataan sa
internet. Ang pagtutuunan ng konseptong papel na ito ay ang implikasyon ng paggamit ng
social media sa paglinang ng personalidad ng mga kabataan. Mahalagang maunawaan
kung anu-ano ang mga positibo at negatibong dulot ng pagamit ng social media sa
emosyunal at sosyal na pag-unlad ng mga kabataan upang magkaroon tayo ng konkretong
ideya kung paano higit na mapapalaganap ang wasto at responsableng paggamit ng mga

II.

naturang teknolohiya.
Layunin

Matukoy ang mga implikasyon ng paggamit ng social media sa paglinang ng

personalidad ng mga kabataan


Mailahad ang mga dahilan ng pagkahumaling sa paggamit ng mga social networking

sites ng mga kabataan


Maisa-isa ang mga positibo at negatibong dulot ng pagamit ng social networking sites

sa mga kabataan
Makapagmungkahi ng mga pamamaraan upang maitaguyod ang wasto at
responsableng paggamit ng internet

III.

Metodolohiya
Magpapakalat ng mga questionnaire tungkol sa paggamit ng social networking sites sa
mga
mag-aaral sa Angelicum College na may edad labin apat hanggang labin walong (14-18)
taong gulang. Magkakaroon din ng mga panayam sa mga awtoridad tungkol sa nasabing
usapin. Sa pamamagitan ng mga talakayang ito, makakalikom ng sapat na impormasyon
ang mga mananaliksik ukol sa paksang tinatalakay.

IV.

Inaasahang Bunga
Ang konseptong papel na ito ay inaasahang makapagbigay impormasyon sa mga
posibleng epekto ng paggamit ng social media sa mga kabataan. Ito ay naglalaman ng
mga datos na tumatalakay kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa paggamit ng
ganitong teknolohiya at kung paano ito nakakakapekto sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay. Inaasahan din na batay sa mga datos na nakalap, makakapagmungkahi ang
mga mananaliksik ng mga paraan upang maitaguyod ang wasto at responsableng
paggamit ng internet.

V.

Mga Sanggunian
Teenagers in the US Spend about Nine Hours in a day in front of a screen,
http://www.forbes.com/sites/jordanshapiro/2015/11/03/teenagers-in-the-u-s-spend-aboutnine-hours-a-day-in-front-of-a-screen/#3f489d747c34
The Impact of Social Media on Children, Adolescents, and Families, http:// pediatrics.
aappublications .org/content /127/4/800
How Using Social Media Affects Teenagers, http://childmind.org/article/teens-and-socialmedia/

You might also like