You are on page 1of 2

Biyayang Walang Katumbas

Biyaya kung tawagin

Patawad sa mga pagkukulang

Magulang na aking kapiling

Kung ako ay batang suwail paminsan-minsan

Sa kanilang magkatuwang na bisig

Bayaan akoy makabawi

Ako ay isang masayang supling

Sa huling diploma na aking bibitbitin kung


sakali

Tila hindi ko ata kakayanin


Kung sila ay mawala sa aking piling
Kaya ama at ina ko, sana ay loobin
Pag-aaruga niyo ay tanging hiling

Kumulubot man at tuluyang tumanda


Asahan ako ay di lilisan, hindi kayo
tatalikuran
Pagkat ang inyong pagmamahal
Ay aking lubos na susuklian

Salamat sa mga sakripisyong


Kung bansagin ay walang katumbas
Kahit salapi at panadaliang bisyong
Maaaring dulot ay pagkawala ng landas

Muli, hindi ko kayo pababayaan


Hindli lilimutin ang lahat ng pangaral
Pagkat kayo ay natatangi
Biyayang lubos lubos sa akin ng Maykapal

Kaya amat ina, muli salamat sa lahat


Dahil sa inyo, ako ay buhay at pinagpala
Nawa ay maibigay ko ang nararapat
Hanggang sa duloy hindi mawawala

Erica Flor C. Caliuag


BSA 5-1

You might also like