You are on page 1of 32

1

KABANATA I
Ang Suliranin at Kaligitan Nito

INTRODUKSYON

LAYUNIN NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman at pag-aralan ang ibat-ibang


pananaw ng mga mag-aaral sa Business Department ng National College of Science and
Technology kaugnay sa paksang waste segregation and recycling. Ito ay naglalayong
sagutin ang mga sumusunod:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10

Ano ang ibig sabihin ng waste segregation at pag rerecycle?


Mahalaga ba ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa paksang ito?
Ano ang mga epekto ng hindi pagsasagawa ng recycling at waste segregation?
Naisasagawa pa ba ang aktibidad na ito sa paaralan ng NCST?
Kanino dapat magsimula ang kalinisan ng paaralan?
Paano makakatulong sa ating kalikasan ang pag rerecycle?
Ano-ano ang mga paraan ng pag rerecycle at paghihiwalay ng basura?
Pamilyar pa ba ang mga estudyante sa inirerepresentang kulay ng mga basurahan?
Nagtatapon pa ba ang mga estudyante sa wastong tapunan?
Mahalaga pa ba ang pag rerecycle at paghihiwalay ng basura sa panahon ngayon?

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pag aaral hinggil sa pag tapon ng basura at pag recycle ng mga bagay na
pwede pang magamit ay isa sa mahalagang bigyan ng pansin sa panahon ngayun.
Mahalagang malaman ng bawat mag aaral na syang magsisimula sa pagbabago
ang nilalaman ng pananaliksik, dahil ito ay magbibigay impormasyon hinggil sa mga
masasama at mabubuting naidudulot ng pagrerecycle at pagtapon ng basura sa tama
nitong paglagyan.
Ang pananaliksik na ito ay mag bibigay kaalaman sa bawat mambabasa ng
tamang paraan at lugar sa pagtatapon ng basura para magkaroon ito ng mabuting epekto
at maiwasan ang pag kasira ng ating kapaligiran.
Ang pananaliksik na ito ay ipinaparating na dapat mabahala at gumawa ng aksyon
ang bawat isa dahil sa simpleng pagtapon lang ng basura sa mali nitong lugar ay madame
ang pwedeng maapektuhan tulad na lang ng mga hayop at halaman sa kapaligiran. Maaari
din itong magdulot ng problema sa kasalukuyan at sa mga darating pang panahon pag
hindi naagapan.
Mahalagang mapaintindi sa mga mag aaral ang nilalaman nito upang sila ay
magkaroon ng sapat na kaalaman na maaring magamit sa pang araw araw na pamumuhay
at sa mga susunod pang henerasyon.

SAKLAW AT LIMITASYON

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Waste Segregation - paghihiwalay o pag-uuri ng mga basura ayon sa nabubulok at dinabubulok.

Recycle - ang paggawa ng bagong materyal gamit ang mga luma o patapong bagay na.

Reduce pagbabawas sa pag gamit at pag bili ng mga bagay na nakakaapekto sa


kalikasan tulad na lamang ng kuryente at tubig.

Reuse pag gamit ulit ng mga bagay na pwede pang gamitin tulad na lamang ng mga
plastic bag.

Ecosystem - ang nagdidikta sa kaayusan o pagiging balance ng ating kapaligiran at


nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating
planeta.

Climate Change o pagbabago ng klima ay ang pagbabago sa karaniwang panahon na


dapat sana ay mangyari sa isang lugar. Maaaring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng

pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar. O maaaring ito ay isang pagbabago sa


karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season.

Global Warming - Ito ay ang unti-unting pagtaas sa ang pangkalahatang temperatura ng


atmospera ng mundo at maiuugnay ito sa greenhouse effect na dulot ng paglaki ng mga
antas ng carbon dioxide, chlorofluorocarbons, at iba pang pollutants.

Dry-run ito ay pag sasanay, na ginagawa para makatulong na maiwasan ang pag kasira
ng kalikasan, isa na rito ang pagbubukod-bukod ng mga nabubulok at di-nabubulok na
basura sa buong lungsod.

Materials Recovery Facility (MRF) - ay isang gusali na dapat ipatayo ng bawat lokal na
pamahalaan ayon sa batas. Layon nito na mas maging maayos ang segregation o ang
pahihiwa-hiwalay ng mga nabubulok, hindi nabubulok at mga pwede pang i-recycle na
basura.

KABANATA II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanata na ito ay nag-lalaman ng mga karanasan, teorya, pag-aaral at


eksperimento na nauugnay sa pagtatapos ng basura, waste segregation at recycling.
Ang paghihiwalay ng mga basura ay isa sa mga isyu ng mga tao lalo na sa mga
istudyante. Karamihan sa kanila ay kulang pa sa kaalaman hinggil dito.
Recycling
Ayon kay Binibining Bernadette Biko, Ang ating mundo ay nangangailangan ng
balance upang mapanatili nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang
nagdidikta sa kaayusan o pagiging balance ng ating kapaligiran at nagiging dahilan ng
balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta. Hindi
lamang ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga
hayop at halaman na kasama nating namumuhay dito ay nangangailangan din ng
mabuting pamumuhay. Kung hindi mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring
magdulot ito ng mga problema hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa mga
panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at magdusa ang lahat . Gusto
nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong lahat na
nabubuhay dito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Sanaysay sa
Filipino.
Sa mga basurang itinatapon ng walang control sa araw-araw, dahan-dahan nating
sinisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may
panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng solusyon
ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa mga
products na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang recycle upan g

10

mapababa ang basura na likha ng mga ito. Ang mga produktong gawa sa papel
halimbawa ay maaari pang irecycle upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari
nitong malikha sa ating mundo. Kung hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang
lahat. Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang problem natin sa basura at maging
maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang pamumuhay ng mga darating na
henerasyon.
Ang process ng recycling ay paraan upang mabawasan kung hindi man matanggal
ang problema natin sa waste disposal . Maraming paraan upang magawa natin ito at ang
pinakasimpleng paraan ay magsimula na ngayon. Maaaring kaunti lamang sa atin ang
nakaaalam ang mga paraan na aking binabanggit, kaya nga ako nagdesisyon na gumawa
ng ganitong sulatin upang maibahagi ang aking mga natutunan sa paaralan na aking
pinapasukan. Maging halimbawa sana ito upang ma-encourage ang bawat tao na gawin
din ang aking nasimulan.
Ang mga tao ay gusto na maging maayos ang kanyang kapaligiran at gagawin ang
lahat upang maging maganda ang lugar at community na kanyang kinabibilangan.
Ngunit, marami ring tao ang hindi nakaaalam kung paano at kung ano ang maaari nilang
maibahagi upang maging maayos ang kapaligiran. Hindi nila alam kung paano at saan
magsisimula upang maging bahagi ng mga katagang reuse, reduce and recycle. Isang
hakbang na maaaring gawin ng isang tao ay ang pagbisita sa isang recycling center na
malapit sa kanyang lugar. Maaari silang magpadala ng mga lalagyan ng mga basura na
maaari pang mai-recycle upang mabawasan ang basura sa mga landfills. Ang mga
lalagyang ito na tinatawag ding recycle bins ay maaaring pagtapunan at paglagyan ng
mga papel, basyo ng bote at mga plastics upang mairecycle na muli. Kung araw-araw

11

natin itong gagawin, ihihiwalay ang mga basurang maaari pang pakinabangan,
mababawasan ang problema sa basura at magiging maayos ang sistema ng ating
kapaligiran.
Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay nag nanais na bigyang linaw ang
tunay ma kahalagahan ng pag rerecycle sapagkat ito ay makakatulong sa pag bawas ng
mga polusyon sa mundo. Polusyon ang isa sa pinaka mabigat na problema, hindi lamang
ng bansa, kundi ng buong mundo at isa sa mga dahilan nito ay ang hindi pag tatapon ng
maayos ng mga basura. Nangangailangan isabuhay ng mga tao ang reduce, re-use and
recycle upang makatulong sa pag babawas ng polusyon.
Sa estado ng National College of Science and Technology (NCST), ang mga
mananaliksik ay nag nanais na kuhanin ang persepsyon at opinyon ng mga istudyante ng
Business Department upang masukat kung sapat ba ang kaalaman nila hinggil sa paksa na
ito.
Pag-hihiwalay ng basura Waste Segregation
Hinggil sa kaalaman ng mga tao, importante ang pag-hihiwalay ng basura. Hindi
lamang dahil mapapadali ang trabaho ng mga taga-linis at taga-tapon ng basura , kung
hindi, nababawasan din ang mga natitira o nabubuong kemikal dahil hindi natutunaw ang
karamihan sa mga plastik na basura na nag sasanhi ng pag-iipon nito sa lupa at dagat na
pinagmumulan ng pag-babaha.
Isinagawa ng mga taga Calapan ang Green Calapan Program upang tumulong
sa pag bawas ng polusyon sa kanilang komunidad.

12

Dahil sa mas tumitinding epekto ng climate change at global warming hindi


lamang sa bansa ngunit sa buong mundo, mas mahigpit nang ipatutupad ng Pamahalaang
Lungsod ng Calapan ang Republic Act 9003 na tututok sa wastong pagtatapon at
pagbubukod-bukod o segregation ng mga basura sa buong lungsod.
Ngayong buwan ng Hunyo ay nagsisimula na ang dry-run para sa wastong
pagtatapon at pagbubukod-bukod ng mga nabubulok at di-nabubulok basura sa buong
lungsod. Ang nabanggit na mahigpit na implementasyon ng proyekto ay ayon din sa
inilunsad na Green Calapan Program sa pangunguna ni City Vice Mayor Jojo S. Perez
kasama si City Environment and Natural Resources Officer Wilfredo G. Landicho.
Layunin ng Green Calapan Program at Republic Act 9003 na mapanatili ang kalinisan at
mapangalagaan ang kalikasan sa Discipline City. Sakop ng alituntuning ito ang 62
barangay ng Lungsod ng Calapan kabilang ang mga tahanan, mga subdibisyon at mga
pribado at pampublikong opisina at establisimiyento.
Kaugnay nito, magkakaroon ng Barangay Waste Management Committee na
kabibilangan ng Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson; Sangguniang Barangay
Chairman ng Committee on Environment; Environmental NGO Representative; Church
Organization Representative; Principal of School; Recycling Movement Representative;
PTA Representative at Presidente ng Vendors Association. Ang komite ang naatasang
manguna sa pagpapatupad ng mga alituntunin ng waste management program sa syudad.
Nakapaloob din sa Rule 11, Section 6 ng Republic Act 9003 ang pagbabawal sa
pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri ng basura sa mga pampublikong lugar gaya ng
mga daan; sidewalks; bakanteng lote; kanal; estero at parke; harapan ng establisyemento;

13

maging sa baybay ilog at coastal areas. Bahagi din nito ang pagbibigay ng citation
ticket sa sinumang lalabag sa mga probisyon. Sasailalim sa isanglecture sa pamamagitan
ng City Environment and Natural Resources Department (CENRO) at magbayad ng
dalawang-daang piso (P 200.00) sa City Treasury Department (CTD) ang sinumang
mahuhuli sa unang paglabag.
May kaukulang P 1, 000.00 multa naman para sa ikalawang paglabag at
pagkakakulong ng hindi lalampas sa 15 araw. May multang P 2, 500.00 o pagkakakulong
ng 30 araw o parehong kaparusahan sa ikatlo at susunod pang mga paglabag depende sa
pagpapasya ng korte.
Sa kasalukuyan ay matamang pinaplano at pinag-uusapan pa din ang mga
mahahalagang detalye ng pagpapatupad ng bagong sistema ng pagtatapon ng basura sa
Calapan mula sa mga tahanan at sa mga business establishments.
Inaasahang sa buwan ng Agosto ay tuluyan nang ipapatupad ng mahigpit
ang waste segregation at source sa buong Lungsod ng Calapan. (Island Sentinel News)
Sa paraang ito, nag kaisa ang mga mamamayan ng Calapan sa pag papaganda at
pag papanatiling malinis ng kanilang komunidad. At ninananis rin ng mga mananaliksik
ng pag-aarl na ito na maisagawa rin ng mga istudyante ng NCST ang naturang programa.
Pag tatapon ng Basura
Hindi na bago sa mga Pilipino ang ideya na ang kaunlaran ay nagdudulot ng
pagkasira ng kapaligiran.

14

Ayon sa popular na kanta ng Asin, hindi masama ang pag-unlad kung hindi
nakakasira ng kalikasan. Ngunit kung ikaw na ordinaryong tao ang tatanungin, gaano ba
kalaki ang kontribusyon mo sa pagkasirang ito? Karaniwan na sa kanayunan ang
pagsusunog ng basura sa paligid ng bahay pagkatapos silang walisin at ipunin sa isang
tabi. Imbes na sunugin, ano naman ang maaari nilang gawin dito? Ibaon sa likod ng
bahay para maging pataba? Paano naman ang mga basurang hindi nabubulok kaagad sa
ilalim ng lupa? Saan sila itatambak? Ang suliranin sa pagtatapon ng basura ay isa lamang
sa maraming usaping pangkalikasan, at ito ang totoong kaakibat ng pag-unlad ng lipunan.
Sa pag-unlad ng lipunan, dumarami ang mga produktong nalilikha ng tao: mga
produktong nakakatulong sa pagpapagaan sa proseso ng pagtatanim ng palay at iba pang
pinagkukunan ng pagkain; mga produktong nakakapagpadali sa pagdadala ng mga
produktong agrikultural; mga produktong nakakapagpaginhawa sa pamumuhay at sa mga
gawain sa loob ng tahana; mga produktong nagbibigay saya o mga produktong pangsining; mga produktong nagluluwal ng iba pang produkto; at marami pang klase ng
produkto na nalilikha sa sangkatauhan.
Kahit ang mga hayop ay nagtatapon din ng basura. Pero huwag na natin silang
sisihin sa problemang hindi nila kayang lutasin. Masisisi ba natin ang mga ibon na kung
saan-saan na lang binabato ang mga buto ng prutas pagkatapos itong kainin? Ang mga
unggoy sa gubat na kung saan-saan lang tinatapon ang balat ng saging? Ang mga baboy
ramo na kung saan-saan lang tumatae (pasensya na sa mga kumakain)?
Bumalik tayo sa mga tao. Ano nga ba ang solusyon sa suliranin sa basura?
Masasagot natin ito kung maiintindihan natin kung paano umusbong ang parami nang

15

paraming basura na nalilikha natin. Kung mga hayop ay hindi natin masasangkot sa
problemang ito, mayroon ding pagtatanggi sa laki o liit ng ambag ng bawat tao sa
problemang ito.
Ang ordinaryong mamamayan na nagtatapon ng balat ng kendi sa daan ay hindi
hamak na mas maliit ang ambag kaysa sa may-ari ng pabrika ng kendi na napakalaki ang
kinikita sa paglikha ng kendi. Kung walang kendi na nalikha sa pabrika, wala ding basura
na maitatapon sa daan. Sino ngayon ang dapat singilin para malutas ang ang problemang
ito? Si Mr. Candyman ba na limpak-limpak ang tubo sa pagluluto at pagbebenta ng kendi
o si Juan na pagkatapos ilabas ang kendi ay itatapon lang sa labas ng jeep ang balat?
Si Lucio Tan ba na milyun-milyon ang kinikita araw-araw sa paglilikha ng
sigarilyong di-maubos o si Pedro na pagkatapos ubusin ang sigarilyo ay itatapon lang
upos sa kalsada? Si Henry Sy ba na maliban sa kita niya sa kanyang tindahan ay tubonglugaw na rin sa mga plastic bag na pambalot ng binili ni Maria o si Maria na tinatapon
ang bag sa kalye kapag ito ay sira na?
Ang pananagutan sa problemang basura ay nakatuon sa kung sino ang lumilikha
at nakikinabang sa paglikha nito. Kahit sa basura sa hangin na nagdudulot ng pagbabago
ng klima (climate change), ang may pananagutan ay ang mga mayayamang bansa na
siyang may pinakamalaking volume na ibinuga at patuloy na ibinubugang greenhouse
gas, hindi ang Pilipinas na mas maliit pa sa 1% ang ambag nito. Ang lumilikha at
yumayaman ang may pananagutan at sila ang dapat singilin para sa pagbubuo ng mga
imprastruktura para ayusin ang pagtatapon ng basura. At bago natin makalimutan,
mayroong gobyerno para gawin ang lahat nang ito.

16

Totoong nakakatakot naa ang lumalawak na pag baha at polusyon sa bansa.


Nguniy kakaunti lamang ang nag nanais nna kumilos para maiwasan ang mga kahindikhindik na maaaring mangyari kung hindi ito sisimulan.
Ang gustong iparating ng mga mananaliksik at masukat ang kaalaman ng mga
estudyante ng NCST tungkol sa pag tatapon, pag hihiwalay at pag rerecycle ng basura.
Kung sa pag-aaral na ito ay malaman ng mga mananaliksik na kulang ang kaalaman ng
mga estudyante, handa silang tumulong mapalawak ang kaalaman ng mga istudyante
upang makatulong sila sa pag-papanatili ng kalinisan at kaayusan ng paaralan. Ayon nga
sa NCST mantra, tutulungan ko ang aking sarili at tutulungan ko rin ang aking kapwa.
Hindi lamang ito sa ikabubuti ng paaralan ngunit para na rin sa ikabubuti ng bansa at ng
mundo.

17

KABANATA III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

18

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamaraang impormatib at deskriptib. Ito
ay nalalayong magbigay impormasyon tungkol sa paraan at kahalagahan ng pag recycle
kasama na rito ang pag diskubre kung may sapat na kaalaman ang mga mag aaral sa
Business Department sa proseso ng pag recycle.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga katanungan at mga kaugnay na
literatura na inihanda ng mga mananaliksik.

Ang mga katanungan na inihanda ay

naglalayong malaman kung may sapat na kaalaman ang mga piling mag-aaral ng
Business Department.
Ang mananaliksik ay nangalap ng datos sa pamamagitan ng sarbey at mga
kaugnay na literatura.
TRITMENT NG MGA DATOS
Ang pamanahong papel na ito ay hindi lamang isinagawa upang maibigay ang
nais ng aming guro o para makakuha ng mataas na grado sa asignaturang Filipino. Ito ay
isang pag-aaral na maaaring malaman ng mga mananaliksik kung may sapat nga bang
kaalaman sa pagtatapon ng basura at tamang proseso sa pag recycle. Mabubuksan ang
kaisipan ng mag-aaral kung bakit mahalaga ang gawaing ito hindi lamang sa paaralan,
maging sa kani-kanilang tahanan at sa buong bansa.

19

KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

20

Kasarian

Lalaki; 40%; 40%

Lalaki
Babae

Babae; 60%; 60%

Ayon sa isinagawang survey 60% na sumagot sa katanungan ay Babae at 40%


naman ay Lalaki.

Pag lagay ng Basura sa Tamang Tapunan

12%

Oo
Hindi
Maari

4%

84%

Ayon sa isinagawang pag aaral, 84% ang sumagot na nag lalagay sila ng kanilang
basura sa tamang tapunan ay Oo, samantalang 4% naman ang sumagot ng Hindi at ang
natitirang 12% ay sumagot ng Maaari.

21

Ideya tungkol sa pag-hihiwalay ng basura

2% 2%

Oo
Hindi
Maari

96%

Ayon sa isinagawang pag aaral, 96% ang sumagot na may ideya sila sa paghihiwalay ng basura ay Oo, 2% naman ang sumagot ng Hindi at ang natitirang 2% ay
sumagot ng Maaari.

Patakaran ng Paaralan Tungkol saWaste Segregation

24%

14%

Oo
Hindi
Maari
62%

22

Sa katanungang sumusunod ka ba sa patakaran ng paaralan tungkol sa paghihiwalay ng basura, 62% ang sumagot ng Oo, 14% naman ang sumagot ng Hindi at ang
natitirang 24% ay sumagot ng Maaari.

Pag-rerecycle ng Basura

10%

Oo
Hindi
Maari

20%

70%

Ayon sa isinagawang pag aaral, 70% ang sumagot ng Oo sa katanungang


naranasan mu na bang mag recycle ng basura, 20% naman ang sumagot ng Hindi at ang
natitirang 10% ay sumagot ng Maaari.

23

Inererepresentang Kulay ng mga Basurahan

Oo
Hindi
Maari

26%
38%

36%

Ayon sa isinagawang pag aaral, 38% ang sumagot ng Oo sa katanungang pamilyar


ka ba sa mga inererepresentang kulay ng mga basurahan, 36% naman ang sumagot ng
Hindi at ang natitirang 26% ay sumagot ng Maaari.

Kaalaman sa Epektong Dulot ng hindi Paglagay ng Basura sa Tamang Tapunan

21%

Oo
Hindi
Maari

3%

75%

Ayon sa isinagawang pag aaral, 88% ang sumagot ng Oo sa katanungang may


alam ka ba sa epektong nadudulot ng hindi pag lalagay ng basura sa tama nitong tapunan,
4% naman ang sumagot ng Hindi at ang natitirang 8% ay sumagot ng Maaari.

24

Pakikiisa sa Pagsunod sa Waste Segregation Management

12%
2%

Oo
Hindi
Maari

86%

Ayon sa isinagawang pag aaral, 86% ang sumagot ng Oo sa katanungang handa


ka bang makiisa sa pagsunod sa waste segregation management, 2% naman ang sumagot
ng Hindi at ang natitirang 12% ay sumagot ng Maaari.

Pag Pulot ng Basurang Hindi sayo at Pag tapon nito sa Tamang Lalagyan

32%

38%

30%

Oo
Hindi
Maari

25

Ayon sa isinagawang pag aaral, 32% ang sumagot ng Oo sa katanungang


pinupulot mu ba at itinatapon ang basurang nakita mu kahit hindi ito sayo, 30% naman
ang sumagot ng Hindi at ang natitirang 38% ay sumagot ng Maaari.

Ibang Lugar na Pinagtatapunan ng Basura

20%
Kalsada

Kanal

Loob ng Silid-aralan

Wala sa Pagpipilian

12%
68%

Ayon sa isinagawang pag aaral, 20% ang sumagot na kung hindi sila sa basurahan
nag tatapon ng kanilang basura ay sa Kalsada, samantalang wala o 0% ang sumagot sa
pag pipiliang, sa Kanal, 12% ay sa Loob ng Silid-aralan at ang natitirang 68% ay Kung
saan saan nalang.

26

Kanino dapat Mag simula ang Kalinisan ng Paaralan?


4%
2%

Sarili

Kapwa Estudyante

Mga Guro

Maintenance Staff

94%
Ayon sa isinagawang pag aaral, 94% ang naniniwala na dapat nag sisimula ang
kalinisan ng paaralan ay sa Sarili, wala o 0% naman ang sumagot sa Kapwa Estudyante,
4% naman na dapat ay sa Mga Guro at ang natitirang 2% ay sa Maintenance staff.

27

KABANATA V
Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

28

LAGOM

Ang mga mananaliksik ay nag sagawa ng survey para sa layuning makakalap ng


impormasyon sa kanilang mga respondante. Kanilang inihanda ang mga survey forms na
naglalaman ng sampung (10) katanungan at ipinamahagi ito sa kanilang respondante na
limampung (50) estudyante ng Business Department ng National College of Science and
Technology.
Sa kabuuan ng pananaliksik, lumalabas na mas malaki ang porsyento ng bilang ng
mga respondanteng may kasarian na babae kumpara sa lalaki. Sa unang (1) tanong sa
isinagawang survey, mas lamang ang bilang ng mga nagsagot ng oo na kung saan nag
papakita na mas marami pa rin ang mga estudyanteng may disiplina pagdating sa
pagtatapon ng basura, dahil karamihan sa kanila ay nakakaalam ng maaaring maging
bunga ng pagkakalat. Ngunit gayun pa man, naging hati ang porsyento ng mga
respondanteng nagsagot sa ika-walong (8) katanungan na pumapatungkol sa pagpulot ng
basura na hindi nila pagmamay-ari. Pinapakita lamang niyon na hindi lahat ay nagiging
responsable sa pagpulot ng kalat ng iba.

29

KONGKLUSYON
Batay sa mga nailahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa kongklusyong
ang mga estudyate ng Business Department ay may ideya tungkol sa paghihiwalay ng
basura at sa mga kulay na inererepresenta ng mga basurahan. Ang mga estuyanteng
sangkot sa pananaliksik na ginawa ay na niniwalang dapat magsimula sa sarili ang
kalinisan ng kanilang paaralan o kapaligiran at silay handang makiisa sa Waste
Segregation Management sa kanilang paaralang National College of Science and
Technology.

30

REKOMENDASYON

31

LISTAHAN NG SANGGUNIAN
http://islamdsentinel.com/2011/06/01/tamang-paraan-ng-pagtatapon-at-paghihiwalay-ngbasura-mas-mahigpit-na-ipatutupad-sa-capan/
http://pinoyweekly.org/new/2014/01/problema-ng-basura/
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ang-kahalagahan-ng-recycle.html
https://www.scribd.com/doc/43058010/6-Na-Paraan-Ng-Tamang-Pagtatapon-Ng-Basura
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=MgaBatasUkolsaPangangalagangKalikasan
https://prezi.com/tbdxt9tr6-dl/waste-segragation/
https://brainly.ph/question/50292
https://brainly.ph/question/50292
https://brainly.ph/question/50292
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ang-kahalagahan-ng-recycle.html
http://www.gabaykaalaman.com/ano-ang-climate-change-o-pagbabago-ng-klima/
http://www.gabaykaalaman.com/ano-ang-global-warming/
http://www.gmanetwork.com/news/story/290975/publicaffairs/reportersnotebook/reporter
-s-notebook-misteryosong-karamdaman-at-m-r-f

32

APENDIKS
Persepsyon ukol sa Waste Segregation and Recycling ng mga Mag-aaral ng
Business Department sa National College of Science and Technology.

Pangalan:
Edad (Opsyonal):

Kurso/Seksyon:
Kasarian: ( ) Babae

( ) Lalaki

1.) Inilalagay mo ba ang iyong basura sa tamang tapunan?


2.) May ideya ka ba tungkol sa pag-hihiwalay ng basura? (Nabubulok, Di-nabubulok,
Recyclable)
3.) Sumusunod ka ba sa patakaran ng paaralan tungkol sa pag-hihiwalay ng basura?
4.) Naranasan mo na bang mag recycle ng basura?
5.) Pamilyar ka ba sa mga inirerepresentang kulay ng mga basurahan?
6.) May alam ka ba sa epektong naidudulot ng hindi pag-lalagay ng basura sa tama
nitong tapunan?
7.) (Kaugnay sa bilang 6) Kung oo, bilang estudyante handa ka bang makiisa sa pagsunod sa waste segregation management?
8.) Kung nakakita ka ng basura na hindi sa iyo, pinupulot mu ba at tinatapon ito sa
tamang lalagyan?
9.) Kung hindi ka nagtatapon ng basura sa tamang lalagyan, saan ka nagtatapon?
a.) ( ) Sa kalsada
c.) ( ) Sa loob ng silid-aralan
b.) ( ) Sa kanal
d.) ( ) (Kung wala sa pag pipilian)
10.) Sa iyong pananaw, kanino dapat magsimula ang kalinisan ng paaralan?
a.) ( ) Sa sarili
b.) ( ) Sa aking kapwa estudyante
Lagda:

c.) ( ) Sa mga guro


d.) ( ) Sa maintenance staff

You might also like