You are on page 1of 3

Sa Huling Silahis

ni: Avon Adarna

Katarungan
ni: Nene Cristobal

1
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

Magagasgas lamang - mga lalamunan,


Nitong mga lobong lipad sa ulapan,
Marami man itong kanilang mga
bilang,
Hinding-hindi naman tiyak
pakikinggan.

2
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mot yakap,
Sa bahaw na simoy ng
pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong
paglingap.
3
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwat dibdib pati
puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
4
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
5
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na akoy lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.

Kahit na sa buwan itong hinanakit,


Ilipad ang daing, hinagpis at sakit,
Papuputukin lang ang pintog na ganid,
Matulis ang kuko ng hayok sa langit .
Sa paghahanap ko nitong katarungan,
Baka makarating sa kinabibilangan,
Nitong mga pigtas ang hingang
nilalang,
Na naghihintay doon sa krus na daan.
Kung sa lupay kinang ay sadyang
mailap,
Nitong katarungang ibig na malasap,
Hayaang lumuha't dugo ay pumatak,
Pagkat nasa langit ang tunay na galak.
Mabuti-buti pa na ipasaitaas,
Ang ibig makamit na ngiti at gilas,
Ang katarungang libing na at agnas
Makakatalik kung dating na ang
wakas!

You might also like