You are on page 1of 1

Ang Parabula ng Nawalang Anak (Parable of the Prodigal Son)

May isang mayaman na may dalawang anak nal alaki. Ang pinakabata ay lumapit sa
ama at hiningi ang kanyang mana.
Kaya ang ginawa ng matanda ay hinati niya ang kaniyang kayamanan sa dalawa. Ilang
araw ang nakalipas, umalis ang bunsong anak at nangibang bayan. Inubos niya ang
lahat ng ibinigay sakaniya ng ama.
Nagkaroon ng matinding taggutom sa bansang iyon kaya napilitan siyang mamasukan
sa isang mamamayan na nagpadala sa kaniya sa bukid bilang tagapagpakain ng baboy.
Habang nagtitiis siyang kumain ng kaning baboy dahil wala naming ibinibigay
sakanyang pagkain, naalala niya ang kaniyang ama at ang mga katulong nito sa
kanilang sariling pataniman.
Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga katulong ng
kaniyang ama ay sagana sa pagkain.
Minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit na
bilang katulong lang. Malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama na
tumakbo at siya ay niyakap at hinalikan.
Tinawag nito ang kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak ng
magarang kasuotan, bigyan ng sapatos at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din niya
ang magpatay ng baka upang ipadiwang ang pagbalik ng kaniyang anak.
Ang panganay niyang anak na nasa pataniman ay narinig ang musika at ang pagsasaya
habang siya ay papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa mga utusan kung ano ang
kasayahang yaon. Nalaman niya na nadiriwang ang kaniyang ama sa pagbalik ng
kaniyang anak.
Nagalit ang panganay na anak at ayae niyang pumasok para sumali sa pagdiriwang.
Sinumbatan niya ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang pagsisilbi ditto na parang
alipin subalit niminsan ay hindi siya binigyan ng kahit maliit na kambing para magsaya
kasama ang kaniyang mga kaibigan. PEro no ang dumating ang kaniyang kapatid na
nilustay ang kaniyang mana sa mga masasamang babae, ito ay binigyan pa ng
pagsalubong.
Sinagot siya ng kaniyang ama na siya ay naroong kasama niya at lahat ng kasagana
ang tinatamasa niya ay kasama siya samantalang ang kapatid niya ay nawala at
bumalik. Tila siya namatay na nabuhay ulit. (Luke 15:11-3)

You might also like