Professional Documents
Culture Documents
Isang marangyang salusalo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na populr sa
taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kaniyang bahay na nasa Kalye Anloague (na
ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog Binundok.
Ang paayaya ay madalng kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo
sapagkat ang mayamang Kapitn ay kilal blang isang mabuting tao, mapagbigay at laging buks
ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at
sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabng iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Pun ang bulwagan. Ang
nag-iistima sa mga bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng maybahay.
Kablang sa mga bisita sina tenyente ng guardia civil, Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si
Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay
kararating lmang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kaniyang
paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng
tabako. Nailabas ni Padre Damaso ang kaniyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo.
Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mabab. Lumitaw rin sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Padre Damaso.
Kung kayat iniba ni Padre Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng dalawampung taon blang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na
ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng tenyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan
Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tenyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre Damaso. Ito umano ang nag-utos
na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalki na napagbintangang isang erehe ng
pari dahil lmang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kay inutos nito ang
paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano blang parusa. Nagpupuyos sa glit ang pari
kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni tenyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Padre
Sibyla na pakalmahin ang loob ni Padre Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan
pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaa at Donya
Victorina.
2: Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan (nakasuot ng itim). Binating
lahat ni kapitn ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay
bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Padre Damaso ay namutla nang makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kaniyang kaibigang namatay at
kararating lmang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni
Ibarra, sa kaniyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagama't siya ay
kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng
kaniyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero,
ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa
tenyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tenyente at Ibarra.
Nagpapasalamat ang tenyente sapagkat dumating ang binata nang walang anumang masamng
nangyari. Basag ang tinig ng tenyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging
mapalad sa kaniyang ama. Ayon sa tenyente ang ama ni Ibarra ay isang tong mabait. Ang ganitong
papuri ay pumawi sa masamng hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kaniyang
ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tenyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang
mag-isa si Ibarra sa bulwagan nang walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Alemn na natutuhan ni Ibarra buhat sa kaniyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kaniyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae
ay hindi umimik sa kaniya. Ang mga lalaki lmang ang nagpapakilala rin sa kaniya. Nakilala niya ang
isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Malpit nang tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay
Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
3: Ang Hapunan
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha,
mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Padre Sibyla samantalang banas na banas
naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang
isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap
at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente
sapagkat natapakan ang kola ng kaniyang sya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kaniyang
buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari
kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor
ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si
Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kayat siya ang karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tenyente at nagkunwarinng iaalok ang upuan. Pero,
tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan ng dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lmang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero,
kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing Huwag
mo akng alalahanin.
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni Padre Damaso, ang
ihain ang tinola. Paano puro po, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kaniya. Ang kay Ibarra
ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitn ang manok
para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malpit sa kinaroroonan niya.
Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitng tang nawala sa
Pilipinas. Bagama't, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kaniyang bayan. At sa halip,
siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang tong nakapagbalita tungkol sa
masaklap na sinapit ng kaniyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala
ng tenyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kaniyang
amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na
kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
"Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon," tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang
kaniyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya ang
ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng
bansang kaniyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa
kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, politika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at
kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lmang ang nakita o natutuhan ni
Ibarra, siya ay nag-aksaya lmang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lmang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lmang niya ang mga sandaling madalas
na pumunta sa kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapagkainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong
kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik
kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyang-diin niya na ang gayong
pagkilos ng binata ay tanda ng kaniyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na
ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapagaral sa Espanya.
Nang gabng iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at
leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salusalo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging
at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.
4: Erehe at Filibustero[3]
Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng
Binundok . Sa maraming tong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kaniyang
dinatnan.
Sa paggala-gala ng kaniyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kaniyang
balikat. Si tenyente Guevarra, na sumunod sa kaniya upang paalalahanan na mag-ingat din
sapagkat nangangamba siyang bak matulad siya (si Ibarra) sa sinapit ng kaniyang ama. Nakiusap
si Ibarra na isalaysay ng tenyente ang tungkol sa bhay ng kaniyang ama sapagkat tunay na wala
siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kaniyang ama sa kaniya may isang taon na ang nakakalipas.
Nagbilin si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya
makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kaniyang mga gawain.
Ganito ang salaysay ng tenyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.
Bagama't siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila. Ang
mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasam sa Espanya
ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang
buwan pa lmang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Padre Damaso ay nagkasira. Diumano, d'i nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa siya
ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan.
Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng "ba, be, bi, bo, bu" na labis
na ikinagalit nito. Pinukol ng kaniyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampal na
tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatyempo namang nagdaraan si Don Rafael.
Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa glit at si Don Rafael ang kaniyang
hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lmang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal.
Malala ang kaniyang pagkakabuwal sapagkat ang kaniyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato.
Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kaniya
ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kaniyang dibdib. Pinaratangan din siyang nagbabas ng
mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring
binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (tenyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na
tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abogadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang
lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malpit nang lumaya dahil
sa tapos nang lahat ang mga kasong ibinintang sa kaniya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban
na kaniyang dinanas ay hindi nakayanan ng kaniyang pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang bhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng
hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay ang tenyente. Inabot nito ang kaniyang kamay kay Ibarra at sinabing si
Kapitan Tiyago na lmang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng
kuwartel nang maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.
6: Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di-kaputian at may
bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 tang gulang. Maitim ang buhok, at kung
hinde lmang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalki.
Siya ang pinakamayaman sa Binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ariarian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna blang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong
hinihipan sa pagpintog ng kaniyang yaman.
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensiyadong tao. Siya ay malakas sa mga tong
nasa gobeyerno at halos kaibigan niya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay
na kastila at hindi pilipino. Kasundo niya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan.
Katunayan, siya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kaniyang sarili. Ipinalalagay ng
balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lmang na nasa kaniyang silid ang lahat
ng mga santo at santong sinasamba katulad nina Sta. Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio de
Padua, San Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang
banal na mag-anak.
Para kay Kapitan Tiago kahit na ano ang itakda ang mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuripuri. Dahil sa kaniyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod blang gobernadocillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kaniyang sinusonod. Sipsip din
sya sa mga tong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi
siya mayroong handog na regalo.
Si Kapitan Tiago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa Malabon. Dahil sa
kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag-aral. Naging katulong at tinuruan siya ng isang paring
dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siyay mag isang nangalakal. Nakilala niya si Pia
Alba na isang magandang dalagang taga-Santa Cruz. Natulong sila sa paghahanap-buhay hangang
sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang
kura na si Padre Damaso. Naging kaibgan din nila ang pinakamayaman sa boung San Diego - si
Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. dahil sa anim na taon ng pagsasma sina Tiyago
at Pia at hindi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San Pascual Baylon at Sta.
Clara at sa Nuestra sr de Salambaw.
Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay nag-iihi, gayuman nagiging masakitin si Pia, nang siya ay
magdalantao. Pagkapanganak niya siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag-anak sa binyag at
ang anak in Pia ay pinangalanang Maria Clara blang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi
sa Obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-aruga kay Maria. Lumaki
siya sa pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel, kaniyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si Maria, nang siya'y ipinasok sa Beaterio de Sta. Catalina. Luhaan siyang
nagpaalam kay Padre Damaso at sa kaniyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra,
pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na maski nagkalayo ang kanilang mga
anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag-iisahing dibdib. Ito
ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng mga
kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan.
Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo
namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang
bahay roon ay malpit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiago si Maria na sa pagkukuha ng kaniyang mga damit ay magpaalam na
siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa beaterio.
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang
tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan
siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng
kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong
Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming
magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria
ay laging nasa kaniyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at
paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan
siya ng kaniyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling
pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kaniyang ina si Ibarra. Dahil dito si
Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kaniyang tampo nang lagyan ni maria ng
sambong sa loob na kaniyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kaniyang kalupi ang isang papel at
ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas
naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kaniya ni Ibarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kaniyang mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya
anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang
mapaglingkuran niya ang kaniyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan
ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang
pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria.
Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin.
Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra
na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon
ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiago at inutusan na magtulos ng
dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina Mahal na Poong San Roque at Mahal na Poong San
Rafael.
8: Mga Alaala
Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila.
Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kaniyang kahapisang nadarama. Sa
pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kaniyang nahihimlay na diwa ang isang
alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibatibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga
bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga
karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit
sa dalawang bilanggo rin ay kaniyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kaniyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong
Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya
ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga
pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring
nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Padre Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong
noon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si
Ibarra.
Napadaan din siya sa Fabrica de Tabacos de Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging
kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang
amoy ng tabako.
Nang madaan siya sa Jardin Botanico saglit na napawi ang kaniyang mga magagandang gunita.
Pumasok sa kaniyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito
upang iyon ay malasin. Itinoon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na
naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kaniyang naging guring pari
bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito
ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan
upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas
upang humanap ng ginto. Kung kayat nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan
upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).
Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa ibat ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o
higit pa.
Bago umalis si Padre Sibyla, naibalita rin niya na ang tenyente ay hindi rin nagsumbong sa KapitanHeneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Padre Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong
pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Padre Damaso ay napalipat pa sa higit
na mabuting bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Padre
Damaso. Sinisi ni Padre Damaso si Kapitan Tiago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya
ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kaniya sapagkat siya ang inaama ni
Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay
Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
kaniyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.
Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng
mga intsik.
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay
napaiyak sa kaniyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa
makasalubong niya si Padre Salvi na nakabaston na may puluhang garing.
Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Padre Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot
at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Padre Salvi. Tinanong ni Ibarra si Padre Salvi kung bakit
nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kaniyang ama. Sumagot si Padre Salvi na hindi siya
ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.
16: Sisa
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San
Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero,
si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras
din bago narating ang kaniyang tirahan mula sa kabayanan.
17: Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kaniyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga
guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba
siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto
siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento
si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas ina, na huwag sabihin kanino
man ang dahilan ng kaniyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog
siya sa puno.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng
dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng
sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang
nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na
sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama
tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang
kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.
Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin
ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa
kaniyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang
napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kaniyang sinabi kung ano ang
balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa
pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin
siyang pastol ng kaniyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra
na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.
ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa
ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at
guro.
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kaniyang ginawa, madaling natutuhan ng
mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Padre Damaso sa pagsasabing ang wikang
kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan
ay tagalog.
Ipinaris pa siya ni Padre Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit
nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kaniyang mga estudyante. Labag man sa kaniyang
kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Padre Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng
wikang kastila oara sa kaniyang oansariling interes.
Sobra ang pakialam ni Padre Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa
pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kaniya ang pagagmit ng pamalo saspagkat
mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kaniyang kalooban, sumunod din siya saspagkat
mismong mga magulang ay napahinuhod ni Padre Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo,.
Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at
bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kaniyang tinuturuan. Sa kaniyang pagbabalik,
nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Padre Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang
isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila.
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango
sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling
ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang
guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na
kaniyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente mayor.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng
dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.
Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung
kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.
Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa
kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si
Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kaniyang-ulo.
Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya
na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.
Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang
lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kaniya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang
tulong nito tungkol sa kaniyang problema sa asawa at mga anak.
At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.
23: Pangingisda
Madilimdilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang
babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay
mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga
bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara,
alpa,akurdiyon at tambuli.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at
Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay
binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang
kanilang kuwentuhan.
Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil
dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang
pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo
ang mga dalaga.
Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may
matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito
ay si Elias.
Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi
nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang
mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.
Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda.
Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero,
pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si
Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria
Clara sapagkat ang mga dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.
Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may
tangang gulok. Pamayamayay lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni
Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kaniyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kaniya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga
magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari
ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.
24: Sa Gubat
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang kaniyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdakay nilamutak ang
liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kaniyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di-kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa
mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala
ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra
nang hindi siya makikita nito.
Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga
ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama
nito tungkol sa sa kaniyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat Padre
Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni
Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Padre Salvi. Naging
maigting ang pagtatalo nina Padre Salvi tt Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang
mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kaniyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na
siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdakay nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong
biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay
siya sa kaniyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: "Ang
pangarap ay nanatiling pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong
ng Kapalaran.
Mula sa kaniyang bulsa, inilabas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang
kaniyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay
kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa
kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Padre Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking
Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nitoy pawang
kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang
pangahasan ang hindi kaniya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang
kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.
Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong
tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa
masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam
sa mga taong kaniyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng
mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umanoy nagtapon din sa labak sa
alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa
paligid. Magtatakipsilim na.
Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang
sinapit ng kaniyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kaniyang balak na papapatayo ng
paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kaniyang
mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng
naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.
Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga
halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay
yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak
na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay
isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang
mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay
sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat
sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi
kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong
iyon, upang hindi na muling makabangon.
Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang-tao
lamang ang pagtulong sa kaniya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa
kayamanan ng bayan.
Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding
mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang
binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula.
Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi
naman kastulad ng umusig sa jkaniyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang
kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.
27: Sa Takipsilim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiago ang pinakamalaki.
Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na
kaniyang mamanugangin. Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa
pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.
Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin
at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas
may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong
kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.
Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si
Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay
pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si
Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiago si
Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon
siyang hinihintay na bisita.
Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at
Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama
siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Simang.
Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay at pinuri
naman si Maria. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya
na sumama ito sa kaniya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa
monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang
ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi.
Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa
saliw ng kaniyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang
mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa
pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.
Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na
agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kaniyang mga kasama. Kinuha ng
ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kaniyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may
harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng
mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha.
Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin.
Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si
Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon
naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta.
Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol.
Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulangpalad.
29: Kinaumagahan
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling
narining ang tuong kampana at mga paputok.
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si
Pilosopong Tasio lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tenyente mayor. Sumagot ang
Pilosopo na Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan. Ang pagsasaya,
anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Filipo at sumang-ayon sa
pananaw na itoni Tasyo subalitwala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura.
Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng
mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.
Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre
Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya
natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat nakapagaral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing
nangangasiwa sa kumbento.
Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nagalmusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.
Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at
inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon
kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay
kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.
Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos
ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na
si Padre Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging
pangsimbahan.
Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Nakadungaw sa
bintana ang alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay hindi
bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kaniyang matuwid na pagkakatayo.
Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng
tala.
Ipinakita ng taong madilaw kay Nyor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong
ang kaniyang itinayo. Ito ay mayroong walong metro ang taas, nakabaon sa lupa ang apat na haligi.
Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kaya tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang
bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.
Tinignang mabuti ni Nyor Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na siyang
ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangganghanga si Juan
sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.
Sinabi ng taong madilaw kay Nyor Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don
Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo
at magbilad sa araw ang kaniyang mga tauhan;marunong ding gumising ng mga natutulog at
magpatulog ng gising.
Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng
bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin
aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa
almusal ay mga guro at mag-aaral.
Nagsimulang magbasbas si Padre Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-okasyon.
Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay
inilulan na sa isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na yari sa
tingga.
Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Ang lubid
ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng batogn na ilalapat sa nakatayong
bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga.
Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang alkalde. Pagdakay isaisa ng bumaba ang kura, mga prayle, mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiago para
sa pasinaya. Dahil sa biro nio Kapitan Tiago at amuki ng alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra.
Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba ang buong
balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang
nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay.
Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Itoy natabunan ng mga biga na nasa paanan ni
Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nyor
Juan. Pero, nakiusap si Iabarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si
Maria, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit.
Isa si Pilosopong Tasio sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang
simula.
35: Usap-Usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San
Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat
na kung naging matinpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin
na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na
dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kaniyang ama. Dahil sa maagap na
pagsansala ng kaniyang itinanggi at minamahal na si Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na
kitlan hininga si Padre Damaso.
Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang
pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kaniyang ama. Nanindigan naman ang
kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang
ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga
taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.
Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan.
Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon
ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama. Sakmal naman
ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan
sapagkat bawat isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing
38: Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang
inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang
alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap
ng kaniyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan.
Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa
tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.
Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod
nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at
tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa
hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa
prusisyon.
Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San
Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen.
Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa
tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis
ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay
pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay
natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kaniyang
sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng
kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot
na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng Kapitan-heneral tungkol sa
imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.
sundalo na mapangasawa niya ang alperes na noon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan kung may
plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at may
ugaling Europeo.
nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari
ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Padre Salvi.
dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng
mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na
isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil
nahihya siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya,wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo.
Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at
tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot.
Sa una mabana ang singil. Lumalaon pataas ng pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala
ng mga Indio. Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kaniyang pagyaman. Ngunit,
nagsumbong ang mga tunay na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor.
Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilalat kababayan
subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.
Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Ilang araw ang
nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at
Batangas para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para
magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea.
Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas,
Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak
na tatawaging rebolusyunario. Ang kaniyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa
mga tarheta nito ang Donya Victorina de los Reyes de de Espadaa.
Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsiyami kayat wala
siyang magawa kundi ang manatili sa lupaing ito ng mga salvaje. Ang ginawa niya ay nagpatingin
sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.
Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kaniyang
ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi
ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at
kung minsan namay hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.
Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia.
Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala
siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya. Tunay na aminit hindi, siya ay Ander de Saya.
Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:Dr. DE ESPADAA,
ESPESYALISTA SA LAHAT NG URI NG SAKIT at ito ay ikinabit sa kaniyang bahay.
Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kaniyang mga ari-arian sapagkat
hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares
na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya.
Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang
pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina
ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng
iba pang nasa mataas na poder sa estado.
Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan-Heneral sa
kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang
magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Mari disin sanayy
nakadaupang palad nila ang Henerl.
Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang
kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng
agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may
hawak ng punpon ng azucena.
Naitanong naman ni Linares kay Padre Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong
sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni
Linares.
Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang
iniresetang gamot niya ay: Sa umaga ay liquen con leche, jarabe de altea at dalawang pildoras
ng cinoglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang
kaniyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.
Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa magandang mukha ni Maria nang
sabihin ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa
sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay
dumalaw nga kay Maria Clara.
Hindi pinansin ni Padre Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng
pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat namga gamot na gaya ng
pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay
Padre Salvi na gamutin ng kaniyang kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng alperes.
Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel
si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan nniya ng viatico kinabukasan
upang tuloy-tuloy na ang kaniyang paggaling.
Samantala, pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng
doktor ay itigil ito kaag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Silang kung hindi
sumulat si Ibrra. Sumagot si sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng arsobispo
ang kaniyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang pag-uusap sapagkat siyang pagpasok ni
Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di
nakapag tanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga
kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang malaking
kandila sa harap ng altar ng mahal na Birhen.
Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa
sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Padre Salvi,
ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan
na di nagtamo nag patawad.
kaniya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa,
marami siyang kaanib na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito ang bumubuo sa
kaniyang pangkat na pinamumunuan. At sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw
upang lumusob.
Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni Kapitan Pablo, siya man daw ay tulad nito na sa
pangambang makasugat nang walang kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para sa
kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali sapagkat
siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa. Nangako ang
matanda na hindi rin siya susugat sa sinumang walang kasalanan tulad ng ginawa nitong
pagkakasakit na naging sanhi ng kaniyang pagkakasugat at huwag lamang ang isang kuwadrilyong
tumutupad lang naman ng kaniyang tungkulin.
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa
isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal
na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral.
Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa
kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda.
Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kaniyang
lakad o pakikipag-usap sa binata (si Ibarra) sa loob ng apat na araw. Sa mga tauhan ng kapitan ang
kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang sagot. Kapag pumayag ang
binata, may maasahan at makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang
unang kasama niyang maghahadog ng buhay.
46: Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Ito ay nahahati sa
tatlong bahagi. May pasukan ito sa pinto na binabantayan ng isang babaeng naniningil ng bayad sa
pagpasok. Nakahanay naman sa magkabilang daraanan na mga tao ang mga tindera na nagtitinda
ng kung anu-ano na katulad ng pagkain, gamit na maliliit sa bahay, sigarilyo at iba pa. Kalapit ito ng
isang may kalakihan ding lugar na kinaroroonan ng mga tahur, magtatari at mga sobra ang hilig sa
sabong. Dito nagpapalipat-lipat nang mabilis ang kuwarta sa kamay ng mga tao at
pakikipagsunduan. Ang tawag sa lugar na ito ay ulutan. Ang ikatlong bahagi naman ng sabungan ay
tinatawag na ruweda. Dito dinaraos ang mga sultada. Makikita sa lugar na ito ang mga taong may
matataas na tungkulin, mayayaman, ang mga tahur at sentensiyador.
Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Nagtanong si Kapitan Basilio
tungkol sa manok na isasabong ni Kapitan Tiyago samantalang papasok ito sa sabungan na
kasunod ang dalawang alalay o utusan na may dalang isang lasak na manok at isang malaking
putting tinali. Bulik naman ang manok ni Kapitan Basilio. Nagkaroon muna ng batian tungkol sa
pagkakasakit ni Maria Clara, pagkaraan nagkasundo ang dalawa na paglabanin ang bulik at ang
lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy na kumalat ang paglalaban. Nagkaroon ng pustahan ang
mga sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula at llamado naman ang puti.
Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang
dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay
matamang pinagmamasdan ni Lucas.Pamayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay Lucas
at nakiusap na pautangin ito ng pera para may maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay may masaklap na
karanasan sa mga sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa palo ng mga ito.
Tinanong ni Lucas ang magkapitid kung payag na sila sa kondisyong kaniyang ibinigay. Ayaw ng
nakatatanda. Dahil dito, sinabi ni Lucas na kahit kilala man niya ang magkapatid na ayaw
ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang ama, hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang hindi
niya pag-aari. Ang pera, anya ay kay Don Cisostomo Ibarra. Gayunman, kung papayag sila sa
kanilang amuki, madali niyang mabibigyan ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kundi
lamang sa kanilang kapatid na babae ay matagal na siguro silang nabitay. Pero, sinagot sila ni
Lucas na mga nabibitay ay mga duwag lamang, walang salapi at mahihina at kung sakali ay malapit
lamang ang bundok.
Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na ilang sandali lang ay kapwa sugatan. Pero
matindi ang sa puti. May tarak ito sa dibdib samantalang ang sa pula naman ay sa pakpak lamang.
Gayunman, unang bumulagta ang puit na nagkikisay at sumunod naman ang pula na ipinipikit ang
mga mata. Ang nanalo sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo ang sumunod.
Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta disin sanay nanalo ng tig-P100 bawat
isa. Sa di kalayuan, nakita nila si Pedro, ang asawa ni Sisa na binibilangan ng pera ni Lucas. Naisip
nilang pumusta sa sususnod na laban.
Tiyempo namang ang isusunod na paglalabanin ay ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni
Kapitan Tiago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol sa kanilang kapatid na babae. Naisip nilang
walang mangyayari sa kanila kung kukunin nila ang inaalok na pera ni Lucas sapagkat si
Crisostomo ay kaibigang matalik ng heneral at kasama pa nito sa pamamasyal.
Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay binigyan ng tig- P30.00 sa
kasunduang sasama sila sa pagsalakay sa kuwartel. Kapag sila ay nakapagsama pa, tig-sasampu
uli sa bawat maisama nila. Kapag nagtagumpay sila sa gagawing pagsalakay, may tig-P100 at ang
mga kasama nila at sila naman ay tig-P200 ang tatanggapin. Tumango sila pareho sa lahat ng
kondisyon. Kaagad na tinanggap ang perang hinihingi nila. Tinagubilinan ni Lucas ang magkapatid
na kinabukasan ay darating ang mga sandatang padala ni Ibarra. Sa ikawalo naman ng gabi sa
makalawa ay kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap ng utos. Ito lamang at
naghiwalay na silang tatlo. Tuloy ang sabong.
Sapagkat ang duwag ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin pa ng Donya. Dahil sa narinig
nagpahatid si Maria sa kaniyang silid.
Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan nila ang kuwenta sa
paggagamot kay Maria at itoy umaabot sa kung ilang libong piso. Naiwan naman si Linares na nasa
gipit na kalagayan.
48: Hiwaga
Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at
Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiago upang ibalita na siya ay hindi
escomulgado at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura
at nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay
Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kaniyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares.
Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra.
Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na
nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay
nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra
samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap
nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay waring napapatda at
hindi makapagsalita.
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kaniyang diipinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang
sa kaniya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kaniyang labi. Malungkot
si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw. Tumango ang dalaga. Umalis si
Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kaniyang isip. Sa paglakad
niya, humantong siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nyor Juan at mangagawang
dinatnan niyang abalang gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat
ipangamba sa kaniya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na eskomulgado. Pero, tinugon siya ni
Nyor Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang lahat ay pawang
eskomulgado.
Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa
pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kaniya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra
si Nyor Juan na kunin at ipakita sa kaniya ang talaan nito ng mga obrero upang kaniyang tignan.
Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais
niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay ng lawa
sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra
nang makitang papalapit na sa kanila si Nyor Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang tignan ng
binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong si Elias.
ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas
na nagiging punot dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.
Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama.
Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kaniyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng
salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kaniyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang
magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat
kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.
Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na
masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama
upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin
ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kayat kailangan ang kaparaanang
marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang
pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng
lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, itoy iniinis sa
pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang
guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw
magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa
pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang
pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula
personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga
kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding
pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang
pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero,
sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring
pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga maykapangyarihan.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi
napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay
Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang
pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.
Sa loob ng tatlong araw inaasahan kong malaman sa yo kung ikaw pinatay ng alferez o ikaw sa
kaniya ayoko lumampas pa ang isang araw na wala ang hayop na yan sa kaniyang parusa kung
lumampas ang taning at di pa hinahamon mo siya sasabihin ko ke Don Santiago na ikaw
kelanman di naging segretaryo ni Canobas ni makipaginuman sa Heneral arseo Martines
sasabihin ko ke Clarita na lahay ang bola at di ikaw bibigyan ko ni isang kusing pa kung
hahamunin siya pangako sa yo lahat ng ibbig kaya tinggnan natin kung hahamunin mo
pinagpapaunako sa yo na alang nang paluggit at dahildahilan.
Iyong pinsang maal kang buompuso
Victorina de los Reyes de De Espadaa
Sampaloc lunes I ka 7 ng Gabi."
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit
sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang kaniyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang
na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Dumating si Padre Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa
sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion kay Ibarra kasabay ng
kaniyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kauniti. Tanging
ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Padre Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi
kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at
nagtungo ito sa silid kasama si Victoria.
Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya
Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Padre Salvi ay buong lugod
na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito.
Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang upang itanong kung lumapit kay Sinang
upang itanong kung galit sa kaniya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na
siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di
nagluwat, umalis na si Ibarra.
sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya
umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman.
Nang gabing iyon dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinaguusapan nila ang
tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng
tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani
Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang
saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang
kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa
kaniyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.
54: (Pagbubunyag)[7]
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik
sa kaniyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas
na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya
Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng
kura na naninira sa kaniyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat.
Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman
ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kaniya na nagsabi sa
kaniya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na
paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil
na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga
kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang
sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakinikinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni
Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad
naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad
ang nakatakdang paglusob at batay sa kaniyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad
sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan
nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng
sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa
kaniya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kaniyang
nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto
ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si
Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan
ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid
kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa
mga mahahaagang papeles at dokumento.
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang
sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kaniyang angkan, ang kaniyang nuno,
si Balat, kapatid na babae at ang kaniyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag
isang duwag. Labis na pangingipospos ang kaniyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang
balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa
kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero
lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga
kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya
sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang
larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan
niya ito nga mga gas at saka sinilaban.
Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng
walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang
directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero
sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang
nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang
mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.
pagtatanong sa kaniya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo
ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan.
Sinabi niyang noong lamang niya nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng
dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa
bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga
naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay
ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong
nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang
binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kaniyang kamatayan. Walang
makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang
balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan
ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng
hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman
ay ang isa pang bilanggo.
Ang pangalan di-umano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay
upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa
naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.
58: Isinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel
at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palubhasa wala
silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak
na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kaniyang silid at ayaw daw itong
makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin
ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak
ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kaniyang anak
na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal
niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na
kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman
ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang
suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nyor Juan ay nakaluksa na
sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga
kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero,
ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa
paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay
mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kaniyang
asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita
naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si
Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kaniyang pagkakakulong.
Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay naka gapos na
mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang
kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap
ng isang mukhang kaibigan.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala
ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng
abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa
utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan.
Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kaniya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kaniyang
pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati ang kaniyang
mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat
mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kuwento ni Elias tungkol sa
babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto
ay parang biglang naglaro sa kaniyang pangitain.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan
Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kaniya. Doon nya
nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang
kinabukasan.
Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod
at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin ang papalaong kariton na sinakyan
ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol
patay na si Tasyo sa may ointuan ng kaniyang bahay.
Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at
mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pagaalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging
napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob
ang mga indiyo kayat di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong
paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang
itong kuta na gagamitin niya sa kaniyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang
isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng
brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita.
Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng
pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang
mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay
kasama sa mga inimbita.
Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang
kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at
pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kaniyang
inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi
si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal.
Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at
yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga
mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni
Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Padre
Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kaniyang kasal kay Linares
at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang
sinumang lalaking kaniyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kaniya,
ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Padre Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kaniyang sinabi, kaya humingi ito
ng tawad sa kaniya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang
kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Padre Damaso na sakbibi ng
lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa.
Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na
nangangailangan ng kaniyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang
dinaranas ni Maria.
63: Nochebuena
May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang
bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa
pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa
ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok,
gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang
naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si
Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng
matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may
dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain
pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay
magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng
pindang na usa para sa kaniyang inang si Sisa.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga
ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya
ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit
na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasiglasigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang
mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.
Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit
hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang
magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang
pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kaniyang ina. Paika-ika niyang
tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng
walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa.
Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina,
pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa
pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng
matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio.
Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong
niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng
kaniyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa
ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina,
kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kaniyang taynga sa dibdib ni Sisa.
Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kaniyang ina. Buong higpit na
niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina.
Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kaniya. Tumango si
Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.
Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa
halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay
ng kaniyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan.
Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may pun ng
balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pagaaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari
ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong.
Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya
ay babawian ng buhay nang 'di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kaniyang
minamahal. Sa mga mapalad, huwag lmang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim
ng gab. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.
Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga
na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang
gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.
64: Katapusan
Magmula nang pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. 'Di
nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya
ay nakitang bangkay sa kaniyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sam ng loob o bangungot
ang sanhi ng kaniyang ikinamatay.
Sa kabilng dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan
pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis
na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.
Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitn Tiago ay dumanas ng
sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat nang husto, naging mapag-isip at nawalan
ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na
umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lmang mabuhay mag-isa. Ang
lahat ng mga santo at santang kaniyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kaniyang
inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing
takipsilim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napabayaan niya
ang kaniyang katawan at kabuhayan. Ang kaniyang dting marangyang tahanan ay mayroong
nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao.
Wala ni isa mang nakakaalala sa kaniya, siya na isang tanyag at dting iginagalang.
Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo
niyang siyay taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya
pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag blang doktor para manggamot.
Wala na rin siyang ngipin.