You are on page 1of 5

GODINEZ, KRISTINE CAMILLE C.

BSNA 2A

Bonifacio: Ang Unang Pangulo

Mapapansin na lagi na lamang binibigyang atensyon ang tungkol sa buhay ni


Doktor Jose Rizal. Iyon naman ay dahil siya ang ating pambansang bayani. Ngunit,
paano naman ang iba nating mga bayani? Tila hindi na ito napapansin ng ibang mga
tao. Aking napapansin na lagi na lamang ang pamabansang bayani ang kanilang
pinakapaboritong bayani dahil ang talambuhay lang nito ang tinaguriang pinakasikat o
masasabing alam ng nakararami. Ang pelikula na ito ay isang magandang hakbang
upang lubos nating makilala ang buhay ng ibang bayani partikular na ang tunay na
buhay ng Supremo ng Katipunan, si Andres Bonifacio.
Nagsimula ang kwento sa pag garote sa tatlong paring martir na sina Padre
Gomez, Burgos at Zamora o kilala sa tawag na GomBurZa noong ika-17 ng Pebrero,
1872. Pagkatapos nooy bumalik sa kasalukuyang panahon kung saan may tatlong
estudyante na bumisita sa Museo ng Katipunan. Nagbalik sa nakaraan at noong ika-3
ng Hulyo, 1982, may pagpupulong na nagaganap na pinapangunahan ni Doktor Jose
Rizal at sinasabi niyang ang La Liga Filipina raw ay ang isang mapayapang paraan
para raw makamit nila ang hustisya. Pagtapos ng nasabing pagpupulong, nagpakilala si
Andres Bonifacio kay Rizal.
Sinabi ni Andres ng isang gabi habang natutulog ang kanyang mga kapatid,
balang araw daw ay di na nila kailangang yumukod sa mga Espanyol at sila raw ay
magiging malaya. Maya mayay may kumatok sa kanilang pintuan at sinabi sa kanya na
nalaman daw ng mga Kastila ang tungkol sa La Liga at pinadakip daw si Rizal.
Pumunta si Andres sa kulungan at sinabi na itatakas daw nila si Rizal ngunit tumanggi
siya. Hindi raw sa ganoong paraan ang gusto nito.
Nagpulong sila nang nadakip si Rizal at nagsagawa sila ng bagong samahan na
magbubuklod sa mga taong bayan at lalaban sa mga Espanyol. Nais nila ang tunay na

kalayaan at wala na raw ibang paraan kung hindi ang himagsikan. Mapanganib ang
kanilang tatahakin ngunit kailangan nilang gawin iyon para sa inaasam nila ang
kalayaan. Tinawag nila itong KKK o ang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan.
Dumating ang araw kung saan nagtagpo ang landas nina Andres Bonifacio at
Gregoria de Jesus o Oriang. Hanggang sa isang araw, habang sila ay naglalakad, may
nasaksihan sila na isang karumaldumal na pangyayari kung saan may isang trabahador
na humihingi ng sahod sa prayle dahil sa may sakit daw ang anak nito. Walang
maibigay ang prayle at nagmakaawa ang trabahador hanggang sa binaril itot namatay.
Nagkaroon ng galit sa pusot isipan ni Oriang dahil sa kalupitan na ginawa ng prayle.
Nais niyang magkaroon ng hustisya sa kanyang kapwa Pilipino dahil sa pagmamaltrato
ng mga ito. Doon sinabi ni Andres na mayroon daw silang kilusan na magpapatigil sa
kalupitan ng mga Espanyol. Gustong sumali ni Oriang sa nasabing samahan at sinabi
niyang marunong daw syang lumaban kahit siya ay babae. Ngunit, hindi pumayag si
Andres dahil ayaw niya raw na mawalan pa ng iniibig.
Sa loob ng tatlong taon, halos tatlong daan pa lamang ang kanilang mga
miyembro sa buong bansa. Nabagabag si Andres sa pangyayaring ito. Sinabi sa kanya
ng ibang mga kasapi na siya dapat ang manguna sa panghihikayat. Hanggang sa
napansin niya ang pagtitinginan nina Teodoro Plata at ng kapatid niyang si Nonay.
Gusto raw nila ang isat isa at hiningi ni Teodoro kay Andres ang kamay ng kanyang
kapatid. Pumayag naman si Andres dahil doon daw sasaya ang kanyang kapatid. Nang
sumunod na mga araw, hiningi naman ni Andres ang kamay ni Oriang sa kanyang tatay.
Noong unay hindi ito pumayag dahil mason daw si Andres, pero kalaunan ng kanilang
pag-uusap, pumayag din ito. Nagpakasal sila at naging kasapi na ng Katipunan si
Oriang.
Pagkaraan ng ilang araw, si Andres kasama ang dalawang kasapi ng Katipunan
ay pumunta kung saan ginarote ang mga paring martir. Kinwento nya kung paano nya
nakita ang mga pangyayari nang araw na iyon. Pagkatapos nitoy dumating ang araw
kung saan nakapiring ang mga mata ni Emilio Aguinaldo at may tinanong sina Emilio
Jacinto at Andres sa kanya at naging kasapi na siya ng kilusan.
2

At ang kwentoy nagbalik sa kasalukuyang panahon at pinag-usapan ng mga


estudyante na traydor daw si Bonifacio at biglang sumingit ang tagapangasiwa ng
museo at sinabi na mali raw ang mga nakasulat sa mga libro ng kasaysayan.
Nagbalik ang istorya sa nakaraan kung saan may pinakalap na dyaryo sa mga
tao na pinamagatang Ang Kalayaan kung saan pinapaabot ng Supremo ang kanyang
adhikain para sa kalayaan na kinakamtan ng bawat Pilipino at para manghikayat na rin
ng mga sasapi sa kilusan. Di nagtagal, nakatunog ang Gobernador Heneral at ang
punong prayle tungkol sa kininilos ng mga Indio. Marami raw sumasali sa mason at
kailangang maunahan daw ito ng Gobernador Heneral bago sya maunahan ng mga ito.
Pagkatapos nitoy pinakita ang mga suliranin na naranasan ng Supremo.
Nagkaroon ng malaking sunog sa Tondo kung saan sila nakatira at ilang buwan
pagkatapos ng panganganak ni Oriang, binawian din ng buhay ang kanilang sanggol.
Sa di inaasahang pangyayari, may isang Katipunero na may asawang madre
ang nagsabi tungkol sa rebolusyon na pinaplano. Nabahala ang kanyang asawa sa
maaaring maganap kaya iniutos nito na sabihin daw sa mga opisyal na Kastila.
Pumunta ang mga sundalong Kastila sa lugar ng pinag-iimprentahan nila. Nakita ng
pinuno ang mga pangalan na kasapi ng samahan. Pinapatay nito ang ibang mga
kasapi. Bago patayin ay pinapaamin sila pero walang umamin ni isa.
Nakita ni Andres at ng ibang kasamahan nito na may nakabigti sa lugar ng
kanilang pinag-iimprentahan. Kaya naman pinatawag niya ang konseho para mapagusapan ang nangyaring iyon. Noong ika-29 ng Agosto, 1896, may naganap na
pagpupulong sa lugar ni Tandang Sora. Ito ang (Unang) Sigaw sa Pugad Lawin o yung
tinatawag na Cry of Ballintawak kung saan pinunit nila ang kanilang mga sedula.
Nagsisilbi iyon na winakasan na nila ang ilang daang panahon na pananakop sa kanila
ng Espanya. Lalaban daw sila at magtatagumpay dahil sila daw ang anak ng bayan at
sa kanila raw ang lupang kanilang tinutuntungan. Sa pagpunit ng sedula,
nangangahulugan na kumalas na sila sa Kastila at Katipunan ang sinasabing naging
unang gobyerno. Higit pa rito, si Bonifacio ang tinuturing na unang pangulo.

Sa unang himagsikan, nagtagumpay sila. Dahil doon, marami ang sumapi sa


kilusan dahil nagbigay inspirasyon ito sa ibat ibang lalawigan. Ngunit, hindi laging
panalo ang kilusan. Nagkasunud-sunod ang pagkatalo ng Katipunan sa Maynila. Dahil
dooy may pagpupulong na idinaos si Emilio Aguinaldo sa kanyang mga kakampi at
sinabing di raw sila sang ayon sa pamamalakad ni Bonifacio kayat nagpasya sila na
magkaroon ng halalan at iimbitahan daw nila ang Supremo.
Ika-22 ng Marso, 1897, naganap ang Tejeros Convention kung saan may
pagpupulong na naganap. Sinasabing halos lahat daw ng sundalo ay nasa Maynila
kaya sunud-sunod na

raw na natatalo ang mga Katipunero. Napagpasyahan na

magkaroon ng halalan. Wala man si Emilio Aguinaldo sa nasabing pagpupulong, siya


ang nanalo bilang kanilang pangulo. Pangalawang pangulo na raw dapat si Andres
dahil siya ang pumapangalawa sa may pinakamaraming boto. Ngunit hindi pumayag si
Daniel Tirona, isang miyembro ng Magdalo. Kailangan daw ay marinig ang boses ng
nakararami kaya nagkaroon ulit ng halalan. Pagkatapos nooy si Mariano Trias ang
nanalo bilang kanilang pangalawang pangulo at direktor inteyor si Andres. Muling
nagreklamo si Tirona dahil di naman daw nakatapos ng abogasya si Andres at wala raw
syang pinag-aralan kaya hindi raw sya karapatdapat sa puwestong iyon. Nagalit si
Andres sa nangyari. Bilang Supremo, pinawalang bisa niya ang halalan. Hindi niya raw
tinataya ang buhay niya para magkaganoon sila at sinabi niyang hindi raw siya ang
kalaban.
Muli, nagpulong sila Aguinaldo kasama ang kanyang mga kakampi. Di raw
sumusunod si Bonifacio sa kanila at di raw nila matutupad ang kanilang balak. Dahil
doon, pinadakip ni Aguinaldo si Andres kasama ang kapatid nito na si Procopio.
Inakusahan ang magkapatid na nagbalak daw na pabagsakin ang pamahalaan,
paslangin ang pangulo at magdeklara ng himagsikan. Kaya dapat daw na parusahan
sila ayon sa kanilang ginawang paglabag sa batas.
Bumisita si Oriang sa kulungan at sinabing babalik daw ito bukas pagkagising ni
Andres. Nagmakaawa si Oriang na makausap si Emilio para sana palayain sila ngunit
tumanggi ito na kausapin siya. Nang gabing iyon, ika-10 ng Mayo, 1897, dinala silang
magkapatid sa Bundok Buntis. Sinabi ng isa na hinahatulan daw sila ng kamatayan at
4

napag-utusan lang daw sila. Doon, pinaslang na ang magkapatid at pinagtatadtad nila
ng saksak si Andres. At, muling bumalik sa kasalukuyang panahon ang kwento at
ipinakita na ibinahagi ng isa sa mga estudyante sa kanilang klase ang tunay na istorya
ni Andres Bonifacio.
Hindi ko lang nagustuhan sa pelikula ay yung hindi pagkakaroon ng
pagkakakilanlan ng mga tauhan. Sana man lang ay inilagay nila kung sino yung mga
taong nagsasalita. Isa pa yung bigla na lamang nawala si Doktor Jose Rizal. Akala ko
pa namay ipapakita yung namatay siya. Pero maganda naman ang kabuuan ng
kwento. Akala koy tutulugan ko lang ang pelikula dahil pinakaayaw ko sa lahat ang
kasaysayan. Hindi ginawang sobrang seryoso ang takbo ng kwento. May mga
pagkakataon na tatawa ka, maiinis, matutuwa, mamamangha, kikiligin at malulungkot.
Buhay ng mga Katipunero ang naging kabayaran para sa kalayaan ng bayan.
Itinaya ni Andres Bonifacio ang lahat para makamit natin ang kalayaan. Itinuring niyang
pamilya ang buong bayan. Nakakalungkot lang na lumalabas na siya pa ang naging
traydor. Sana na lamang ay marebisa ang mga libro ng mga kasaysayan at ipakita ang
mga totoong naganap sa buhay ng ating mga bayani.
Ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ay maituturing na isang magandang
pelikula. Makikita rito ang totoong istorya ni Bonifacio noong panahon ng mga Espanyol
at kung ano ang ginawa niya para makamtan ang ating inaasam na kalayaan noon.
Magandang alamin natin ang ating nakaraan dahil magiging malaking tulong ito para sa
kasalukuyang panahon.

You might also like