You are on page 1of 5

1.

KASTILA
2. KALIGIRANG KASAYSAYAN : Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga
Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong
1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador- heneral. At dito nagsimula ang
panitikan ng mga tao rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang
pagbabago hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa
tatlong dantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila.
3. MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA BUHAY NG MGA PILIPINO: ** mapalaganap ang
relihiyong Katolika Apostolika Romana, pagpapalawak ng kanilang hanapbuhay na
pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain ** si Villalobos ang nagpasya ng
ngalang Felipinas o Felipenas bilang parangal kay Haring Felipe II. Filipinas na
naging Pilipinas ** taong 1565 at 1873, nakilala ang mga pangalang Lakandula,
Magat Salamat, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang, Palaris, Manong Pule, atb. **
nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag **Naging gobernador si Jose Basco (1778).
**Si Claveria (1849), binigyang ng apelyidong kastila ang pamilyang Pilipino
4. **Instik, Hapon, Ingles nagtangkang lumusob at umagaw sa Pilipinas ** umunlad
ang kabuhayan dahil sa tuwirang pakikipagkumersiyo ng Espanya at Europa.
Nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor **nagbago ang anyo
ng kanilang pamamahay; nagkaroon ng mga bahay na tisa at bato ** magagandang
kasangkapan tulad ng piyano, muwebles at mga kagamitang pangkusina ** natuto
silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo at Papa **
bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro
5. 1. Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal 2. Panitikang
Rebolusyonaryo at Sedisyoso
6. TATLONG KATANGIAN NG PANITIKAN: 1. May sari-saring kaanyuan at
pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit, kurido, pasyon, duplo, karagatan,
kumedya, senakulo, sarsuwela, talambuhay, at mga pagsasaling- wika. 2. Ang
karaniwang paksain ay panrelihiyon. 3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad, o
halaw sa anyo, paksa, o tradisyong kastila.
7. MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO 1. Ang Alibatana
ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano. 2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang
makarelihiyon. 3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong
yaon. Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino. 4. Ang
pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi
ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro- moro at iba pa.
8. 5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa
ibang wikain. 6. Ang pagkakalathala ng ibat ibang aklat na pambalarila sa wikaing
Filipino tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya. 7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong
himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.
9. MGAAKDANG PANRELIHIYON

10. DOCTRINA CHRISTIANA -kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noon


1593, sa pamamagitan ng silograpiko. -Aklat ito nina Padre Juan de Placencia at
padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. -Naglalaman ng
mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong kasalanang mortal,
pangungumpisal at katesismo. -May 87 pahina lamang.
11. NUESTRA SENORA DEL ROSARIO -ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda
ito ni Padre Blancas de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng
Pamantasan ng Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga tanong at sagot
sa relihiyon.
12. BARLAAN AT JOSAPHAT Aral na Tunay na Totoong Pag-aacay sa Tauo, nang
manga Cabanalang Gaua nang manga Malaoualhatiang Barlaan at Josaphat (1780)
na batay sa mga Sulat sa Griyego ni San Juan Damasceno.
13. BARLAAN AT JOSAPHAT -ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa
Tagalog ni Padre Antonio de Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego. - Jacobo Biblio
(Latin), Baltazar de Santa Cruz (Kastila) - Ipinalalagay itong kauna- unahang
nobelang nalimbag sa Pilipinas. -isinalin sa salitang Iloko at sa anyong patula ni
Padre Agustin Mejia.
14. URBANA AT FELISA -aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang Ama
ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog.Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid
na sina Urbana at Felisa. Pawang nauukol sa kabutihang- asal ang nilalaman ng
aklat na ito, kayat malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang
panlipunan ng mga Pilipino.
15. -aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito tuwing
Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat (4) na bersyon sa Tagalog ang akdang ito, at ang
bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang
Padre Mariano Pilapil (1814) Gaspar Aquino de Belen (1704); Aniceto dela Merced
(1856); at Don Luis de Guian (1750 ). -Isinaalang-alang na pinakapopular ang
Version de Pilapil na may 8 pantig sa bawat taludtod, at 5 taludtod sa bawat
saknong. PASYON
16. 850 Ang tauo hanggang mayaman Marami ang kaibigan Cung mahirap na, I ang
buhay Di batiit, titigan 851 Gayon ngani itong mundo Magdaraya, t, walang toto
Parang lihis na totoo Pangimbolo, i, nanalo Sa calolowa nang tauo. PASYON
17. MGA DULANG PANRELIHIYON
18. PANUNULUYAN Dulang tinatanghal sa lansangan Paghahanap ng matutuluyan
nina Maria at Joseph sa Bethlehem Ang mga bahay sa paligid ang hinihingan ng
mag-asawa ng silid na matutuluyan
19. DALIT ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa
Birheng Maria. P. Mariano Sevilla (Tondo, Nobyembre 12, 1832) FLORES DE MAYO
20. DALIT Matamis na Birheng pinaghahandugan, Kamiy nangangako naman pong
mag- alay Ng mga girnalda bawat araw At ang magdudulot yaring murang kamay.

Tuhog na mga bulaklak sadyang salit- salit Sa mahal mong nooy aming ikakapit,
Lubos ang pag-asat sa iyoy pananalig Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig.
FLORES DE MAYO
21. SANTA CRUZAN ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng
pagdiriwang ng Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na
Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino.
22. SENAKULO isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo. Kadalasan ginaganap sa lansangan o sa bakuran ng simbahan.
23. SALUBONG Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong
Hesus at ni Maria.
24. TIBAG isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa
Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.
25. KOMEDYA/ MORO-MORO isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng
pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
26. KARILYO pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao
sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
27. SARSUWELA isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog,
may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa. Severino Reyes o Lola Basyang
28. DUNG-AW binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng
yumaong asawa, magulang at anak.
29. KARAGATAN Nanggaling sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa
karagatan, tapos nangakong papakasalan niya ang binatang makakakuha nito.
isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa
gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban
ng pag-ibig ng dalaga.
30. DUPLO larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang
paglalamay sa patay. Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay. Pagalingan
ito sa pagbigkas at pagdebate, pero kailangan may tugma / sa paraang patula.
Gumagamit ng mga biro, kasabihan, salawikain at taludtod galing sa banal na
kasulatan. BILYAKA at BILYOKO = DUPLERO
31. DUPLO vs. KARAGATAN KARAGATAN DUPLO Mas nauna Pinalitan ang karagatan
May matanda, babae at lalaki Madalas dalawang lalaki ang naglalaban May isang
paraan ng paglalaro Maraming ibat ibang estilo Parehong gumagamit ng kasabihan,
parabula at makulay na lenguahe, at kumuha ng taludtod galing sa panitikan. Dahil
dito, nakatulong sila sa pagunlad ng mga wikang Pilipino.
32. SAYNETE itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon
ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad
ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.

33. PANGANGALULUWA Kilala bilang Todos Los Santos Kaluluwa kaming tambing
Sa purgatoryo nanggaling Doon poy ang gawa namin Araw gabiy manalangin
34. Dulang Pangtanghalan o Entablado Senakulo Moro-moro Komedya
Karilyo Dulang Panlansangan Pangangaluwa Tibag Panunuluyan Salubong
Dulang Pantahanan Pamamanhikan Patung/Panubong Duplo Karagatan
Juego de prenda
35. AKDANG PANGWIKA
36. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala - sinulat ni Padre Blancas de San Jose at
isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.
37. Compendio de la Lengua Tagala - inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong
1703.
38. - kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na sinulat ni Padre Pedro de San
Buenaventura noong 1613. Vocabulario de la Lengua Tagala
39. - unang aklat na pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano
noong 1732. Vocabulario de la Lengua Pampango
40. - pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez
noong 1711. Vocabulario de la Lengua Bisaya
41. - unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.
Arte de la Lengua Bicolana
42. - kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez. Arte de la Iloka
43. MGA URI NG PANITIKAN A.PASYON inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay ,
sakit at pagdurusa ni Kristo. B. KOMEDYA/MORO-MORO- isang matandang dulang
Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang
panahon.
44. C. DALIT ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa
Birheng Maria. D. DUNG-AW binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng
bangkay ng yumaong asawa, magulang at anak. E. KARAGATAN isang larong may
paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at
kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng
dalaga.
45. F. DUPLO larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang
paglalamay sa patay. G. KARILYO pagpapagalaw ng mga anino ng mga pirapirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw. H.
SENAKULO isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.
46. I. TIBAG isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa
Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. J. SARSUWELA- isang komedya o
melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa

mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho,


pagkasuklam at iba pa.
47. K. KURIDO galing sa salitang Mehikanong corrido na ang ibig sabihin ay
kasalukuyang pangyayari (current event). Ito ay tulang pasalaysay na may sukat
na walong (8) pantig at pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
L. AWIT tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga
pangyayaring hango sa tunay na buhay.
48. M. PARABULA kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa
tao sa matuwid na landas ng buhay. N. KANTAHING-BAYAN (Folk Songs) ang
nilalaman ay nagpapakilala ng ibat ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at
ng mga kaisipan at damdamin ng bayan. O. SAYNETE itinuturing na isa sa mga
dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa
ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
49. MGA KANTAHING-BAYAN 1. Leron-leron Sinta = Tagalog 2. Pamulinawen = Iloko
3. Dadansoy = Bisaya 4. Sarong Banggin =Bikol 5. Atin Cu Pung Singsing =
Kapampangan
50. KAHALAGAHAN NG KANTAHING BAYANG PILIPINO Ito ay nagpapakilala na ang
ating diwang- makata ay katutubo sa ating lupain. Ito ay nagpapahayag na tunay
na kalinangan ng Pilipino Ito ay bunga at bulaklak ng matulaing damdaming
galling sa puso at kaluluwa ng bayan.

You might also like