You are on page 1of 4
NY Wyo Republika ng Pilipinas ) Lungsod ng Quezon, )S.S SINUMPAANG SALAYSAY AKO, si RONNIE PALISOC DAYAN, Filipino, 44 taong gulang, may asawa, naninirahan sa Brgy. Galarin, Urbiztondo, Pangasinan, matapos na makapanumpa nang naaayon sa saligang batas ng Pilipinas ay nagsasaad ng mga sumusunod: 1. Na pinanunumpaan kong totoo ang mga sinabi ko noong press briefing sa Camp_ Grame at sa House of Representatives sa Batasang Pambansa noong ika-22 ng Nobyembre na: a. Mayroon po kaming relasyon ni dating Secretary Leila de Lima na tumagal ng pitong taon. Nagsimula po ito noong ako ay nagtrabaho sa kanya bilang driver-bodyguard sa kanyang law firm noong 2007. b. Na humingi ako at ang pamilya ko ng tulong kay Senator De Lima ngunit hindi niya sinagot ang aming mga text sa kanya. c. Na tumanggap po ako ng pera noong 2014 mula kay Kerwin Espinosa (‘Kerwin’) para kay Senator De Lima. d. Wala pong nagbigay ng proteksiyon sa akin, wala din pong nagtago sakin at wala rin pong nagkupkop sa akin. Basta jung lupa na pinagtayuan ng bahay-kubo ko doon ay pag-aari ng tiyuhin ng asawa ng pamangkin ko, e. Ang naging habulan po namin ng mga pulis ay umabot ng humigit kumulang 15 kilometro. Umabot po ako hanggang bukid kung saan namaga na po ang aking mga paa dahil sa arthritis at napaupo na lang po ako. Nagpahuli na talaga ako. 2. Una ko pong nakilala si Atty. Leila De Lima noong nag-apply ako bilang driver- security ni Ma'am sa law office nila sa Panay Avenue, Quezon City noong taong 2007. Totoo pong nagkaroon kami ng relasyon ni Ma'am at nagsimula po ito noon ding 2007, mga two to three months pa lang ako sa law office niya. Alam po ng pangalawang anak ni Ma'am ang aming relasyon. Alam din po ni Ma‘am fa may asawa po ako ng mga panahong iyon. Kasal na po ako since 1991, noong ako ay nag-apply bilang driver-security ni Ma'am sa kanyang law office. 3. Kayalt noong siya ay lumipat sa Commission on Human Rights noong 2008 ay kasama din ako bilang close-in security. Nangungupahan po ako sa BF Road sa Brgy. Holy Spirit, Commonwealth noong panahong iyon samantalang si Ma'am ay sa Timog pa nakatira. Nung nasa Commonwealth pa ako, nagpupunta-punta na rin siya sa tinitirhan ko pero madalang lang, tuwing Sunday lang po. 4. Sa Department of Justice (DOJ), ako rin po ang naging close-in security ni Secretary De Lima. Mula taong 2010, noong nagsimula na si Senadora De Lima sa DOJ at lumipat na siya ng tirahan sa Parafaque, ay nagsimula na po kaming magsama. Meron po akong natanggap na pera mula kay Kerwin Espinosa para kay Secretary De Lima. Mga five times po. Ang perang ibinibigay sa inaabot sa akin, nasa paper bag na mali, hindi ko na po binibilang at hindi na rin sinasabi ni Kerwin kung magkano yun. Basta, “efo na yung para kay Ma’am’. Siya mismo ang nag-aabot sa akin, kinukuha ko, nilalagay ko sa harap ng upuan ng sasakyan. Hindi ko po alam kung magkano yung laman nung binibigay sakin na paper bag kasi hindi ko lang po sinisilip, sinasalat ko po. [ina tas cabte nemmeoraneartyasake tunang beses po ay noong buwen ng August 2014, yng pangalawa ay nung © Sabor Sot Yun pong tatlong hu ay noong Neveriber 2014. Yung panghull po ay e2 Baguio kam nag-abuan sa parking lt ng Atexanda Residence Kuna ‘saan naka check-in si Kerwin. Dumating si Kerwin doon ag November 19, . Neg-meet kam, Kesama nasi Ma'am, Novernbor 22, 2014 tunang apat na pagkikita namin ni Kerwin ay sa Mall of Asia (MOA) at yung 7 Janghul a sa Baguo naman po. tine axt na lang ako i © sinasabihan ako nl Ma'am, ‘punta ka sa ganito, magkikita kayo ult ni ano” ... ganun. Mag-ise lang po ako kapag mini-meet ko po si Kerwin. Si Kerwin po mismo ang nag-aabot hung pera, At inaabot ko ang mga ito kay Ma’am pagdating sa bahay sa mismong kuwarto. Automatic na po yan kasi pag mga ganung ... parang masasabi natin na sikreto, hindi ko na inaakyat sa office niya. Sa bahay na lang, 8. Minsan noong humingi ako ng pera kay Ma‘am, kumuha na lang siya roon sa pinaglagyan niya ng paper bag. Sabi ko, magde-day-off na ko, wala akong pera. | Magbibigay siya, P25,000,00 to P30,000.00, First time ko na ma-meet yung si Kerwin nung una naming pagkikta. Di ko pa alam ang pangalan niya noon, na siya pala yung si Kerwin, namukhaan ko lang. Napatunayan ko po na siya si Kerwin nung nagkatanungan na kami ng pangalan 88 pangalawang beses naming na pagkikita. Kasi parang nagdududa siya, eh, na kung yung perang binibigay sa akin, kung nakakarating’ba kay Ma'am. Una siyang nagtanong, ‘anong pangalan mo, Sir?’ ‘Ako yung si Ronnie Palisoc Dayan,’ sabi ko. ‘ikaw, Sir?’ ‘Ako si Kerwin, kasi ilang beses nag-meet na tayo, hindi pa tayo nagkakilala,’ sabi ko sa kanya... sabi niya sa akin. Siya ang unang hag-open na magkakilalahan kaming dalawa, 10.Noong Secretary of Justice si Ma'am, may mga ilang pagkakataon po akong kasamang bumisita sa National Bilibid Prison. Pag pumupunta kami, noong, nang beses, pangalawang beses at pangatlong beses, sumasama ako sa loob. Noong mga ilang beses na, bihira na akong sumama sa lob. Ako na lang ang, naliwan sa sasakyan. Ang mga sumasama na sa kanya noon ay yuong ibang, close-in security niya na sina Joenel Sanchez, Joebert Emi, al yung kung tawagin namin ay Badong. Puro mga sundalo yung tatlo na iyan. Moa Presidential Security Guard sila, bigay ng Malacafang ‘yung mga security ni Ma'am. Marami sila, pero yung close in, apat lang kami, 'Pag day-off, palitan yung isa, palitan lang, 11, Nuong sinabihan po ako ng kapatid ko na meron siyang natanggap na Subpoena mula sa Congress, nag-text po ako sa anak ko, "itext mo nga si Madam,” “Tita Lai” kasi ang tawag nila sa kanya Ako ang tawag...ang Pagkakasabi ko sa kanila Madam ~"/-fext mo si Madam, kunin mo iyung opinyon nniya kasi dumating na iyung subpoena napirmahan ng Auntie mo Tita. Sabihin ‘mo a-attend ako," sabi ko sa anak ko. |-text mo iyan kasi tuwing nagte-text ako, hindi na siya nagre-reply kasi, eh, kaya itong mga anak ko ang pina-text ko. Ang reply niya sa anak ko, “huwag mo siyang pa-attend...huwag siyang umattend diyan, pagkakaguluhan lang siya diyan.” Sabi niyang ganun, ‘pagtatawanan lang kaming dalawa, magiging kahiya-hiya kami diyan na dalawa.” ‘12. Gustong-gusto kong attendan yung hearing pero ang sabi ni Ma‘am sa text niya ‘sa_aking anak na si Hannah Mae Dayan: “Pakisabi sa kanya magtago lang mung Siva... maglagatang-muna-cive. Kagagawan alyan nila Speaker Alvarez at dikta ni Digong. |gpipiyestahan lang siya at ig text po niya ay galing sa ‘umber na 09178422759 noong October 1, 2018 bandang 6:14 PM. Yung anak 2 tifjaxyoun § ko po yung nakakatext ni Ma'am. Nung pangalawa po, pina-text ko, pinatawagan ko, hindi na siya nagre-reply. Nag-decide na ako na magtago na kasi hindi na siya nakokontak, eh. Hindi na rin niya nirereplayan ang aking anak. 13, Nakilala ko po si Director Ragos nung siya ay nasa NBI pa. Ako po ang ginawa niyang tulay para tulungan siya ilapit kay Ma'am para sa promotion niya, Pero yun pong salaysay ni Sir Ragos na sinasabi niyang ako daw ang {umatanggap ‘ng 3 million, 5 million, 1.6 million na pera ay hindi po toto. Hindi po ako tumanggap kay Sir Ragos ng ganung halaga. Kung nakakabigayan man sila, dalawang beses. Sa unang beses, nakita kong nag-abot siya kay Ma'am ng, envelop, hindi ko rin po alam kung pera ang laman nun. Tapos sa pangalawang bigay niya kay Ma‘am, isang plastic na bag na may lamang parang kahon ng sapatos pero hindi ko alam kung ano ang laman nun kasi parang style sapatos: din ang laman kasi, Basta nakita ko lang na inabot ni Ragos kay Secretary De Lima nung time na yun. 14. Wala din akong nare-receive na anumang kulay na bag galing kay Ragos. Ang nakita ko nagbigay siya ng envelope kay Ma'am. Hindi ko alam kung anong, Jaman nun. 18.Tuwing December 0 kung may kainan dun sa bahay nina Ma‘am, ang gumagastos niyan ay si Mr. Ragos. May tinatawag si Ma'am kasi na panata tuwing December na magbigay ng mga canned goods, mga bigas, sabon, at mga groceries sa Bicol 16.Bago pumasok yung 2015 nagkakalabuan na kami ni Ma'am. Kesyo hindi na daw kami masaya sa pagsasama naming, lagi kasing bangayan, at laging nag- aaway kami. Kaya nung nabalitaan ko na yung isang hagad niya, na ang pangalan ay Warren Cristobal, ang bagong boyfriend niya, parang nasampal ko siya ng bahagya si Ma'am. Sabi ko, “Uubusin mo yata kaming mga security mo, ah.” Kaya simula noong January bihira na akong pumasok sa DOV, bihira na akong sumama sa kanya, at nag-stay ako sa Pangasinan. Tapos nag-text siya, “pumunta ka sa Maynila, may pipinmahan ka. Kasi hindi ka pumapasok, sumugsuweldo ka,” sabi niya, Sabi ko, “/sang beses lang ako sumuweldo nitong January, nung 16 lang. _Nung 30 hindi na ako sumuweldo. Wala nang pumasok sa ATM ko.” Kasi sa ATM ang suwelduhan namin. Tapos, nung pumunta na ako, resignation na. Sabi ko kay Ma'am, “pinagre-resign mo na ako na parang nagpapalipas lang ako ng sama ng loob sa Pangasinan” “Nakakahiya kasi,” sabi niya, “at saka fama na rin ito para iwas gulo.” Okay, para wala na ngang talagang gulo. Ayaw ko ng gulo,” sabi ko. Pinirmahan ko yung resignation letter mga katapusan ng February 2015 — kung baga, pinuwersa niya akong mag- resign 17.Si Jonel Sanchez po nakilala ko dahil close-in security din siya ni Ma’am. Hindi ko po kilala si Rodolfo Magleo, si Engelberto Acenas Durano, si Jovencio Ablen at si Renante Diaz. Si Herbert Colanggo kilala ko lang po sa pangalan pero hindi ko pa nakikita sa personal. 18. Tungkol naman po sa bahay sa Pangasinan na regalo daw ni Ma’am, ang totoo ay noong 2007, humingi ako kay Ma'am ng P120,000.00, pambili nung lupa. Sa Pagtayo ng bahay, nasa P800,000.00 ang nanggaling sa ipon ko at yung P2,000,000.00 galing kay Ma‘am. 19. Si Kerwin Espinosa, hindi ko nga alam na druglord nung nag-aabutan kami, ang alam ko dun engineer siya. Kaya sabi ko ito siguro iyung engineer na sinasabi ni Ma'am. Pero ang sabi ni Ma'am may nagbigay pa nga ng Starex sa kanya, isang engineer daw. Sabi ko sa kanya, “Bago na naman iyung sasakyan niyo, 3 Ma‘am, ha?" Ang sagot niya, “oo, bigay ng ... supporters ko.” Tapos may bago siyang Fortuner na puti, nung tinanong ko, sabi niya ay bigay ni engineer iyan. 20.Kusa at malaya ko pong ginawa ang salaysay na ito. Wala pong pumilit sakin o nanakot na lagdaan ang salaysay na ito. BILANG PATUNAY, ako ay lumagda sa ibabaw ng aking pangalan ngayon ika- 24 ng Nobyembre, 2016. oat IM RONNIE PALISOC DAYAN Lagda Pinarmahan sa harap nila . m0. nonty dh DAYAN HANNAH! YAN ‘ASAWA, NAK SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN sa harap ko ngayon ika-24 ng Nobyembre, 2016. Pinatutunayan ko na ang nagsalaysay ay aking nasiyasat at ako ay may sapat na paniniwala na siya ay kusa at malayang nagsalaysay. ern 2, ATTY. CHy ER idee arte 2 ree GON, Book No; ‘ir. RRNA higt ese les Series of 2201 M0 AF Rael stone 37: Rollo Aromey Na 6 IBP No 1437515 34.16, Oucon Ca PTR No. 2614190 atectoeeen MCLE Compliance No Wonrgne

You might also like