You are on page 1of 4

Mga hakbang sa pagbasa Ayon Villa Fuerte, et. al.

(2005)
A.

Hakbang Sikolohikal ng Pagbasa

Ayon sa simulain ng teoryang sikolohikal, ang teksto, pasalita man o hindi ay walang taglay na
kahulugan. Ang isang teksto ay nagbibigay ng direksiyon sa tagapakinig o tagabasa kung paano bubuuin
ang kahulugan nito mula sa dating kaalaman o background knowledge na tinatawag ding iskema. Ang
dating kaalamang ito ay hindi lamang basta o nananatiling nakaimbak sa ating utak, bagkus ang mga ito
ay patuloy na ginagamit sa pag-uugnay na ating mga makabagong karanasan o kaalaman. Patuloy ang
mga iskemang ito na nadaragdagna, nalilinang, napapunlad at nababago (Galang et. al., 2007).
Kailangan din sa pagbasa ang interaksyon ng mag-aaral o mambabasa at ng teksto. Kadalasan,
pagkatapos magbasa ay nakakalikha ng mga makabuluhang Gawain sa pagsasalita at pagsulat. Maaari
ring pagkatapos ng magbasa ng isang mag-aaral, maganyak siyang magsulat ng mga iba-ibang akda tulad
ng kuwento, dula, tula o ng sarili niyang pagwawakas para sa mga kuwento at mga dula na malimit
niyang basahin.
B.

Interaktibong hakbang ng pagbasa

Ang konsepto ng interaktibong pagbasa ay ang ugnayan ng manunulat at ng mambabasa. Paano


kaya inuunawa, tinatanggap, o maaaring inilapat sa aktuwal na naranasan ng mga mag-aaral o mambabasa
ang mga kaisipan, kaalaman o impormasyong nais tukuyin o ilahad ng awtor sa teksto. Sa interaktibong
pagbasa, natututo ang mga bata o mag-aaral na magpahayag ng sariling ideya at umunawa sa ideya ng
kapwa (Villafuerte 2004).
Tandaan na ang pag-unawa pinakapuso ng interaktibong pagdulog sa pagbasa na may mga
prosesong pinagdadaanan at kung ano kaagad ang kinalabasan.
Ayon kay Galang et. al (2007), ang pagkakaroon ng isang sapat na pag-unawa sa proseso ng
pagbasa ay napakahalaga sa isang manunulat at mambabasa. Ito ay magdudulot ng pagkakaunawaan sa
pagitan ng dalawang nabanggit.
Ibat-ibang teorya sa prosesong sikolohikal ng pagbasa:
1. Teoryang Bottom up
Binibigyang-diin ng teoryang ito na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat
na simbolo upang maibigay ang kaakibat nitong tunog. Ang pagkatuto sa pagbasa ay mag-uumpisaa sa
pagkilala ng mga titik o letra hanggang sa salita, parirala o pangungusap patunogo sa talata bago
maibigay ang kahulugan ng binasang teksto. Samakatwid ang unang hakbang upang makilala ang mga
nakalimbag na anumang simbolo ng binabasang teksto tulad ng mga letra na siyang bumubuo ng mga
nakasulat na salita.
Ayon kay Badayos (1999), ang isang taong umaayon sa pananaw ng bottom up ay naniniwala na
ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga salita,ang teksto ang pinakamahalagang salik sa pagbasa.

Lahat ng mga kaalamang matutuhan ay nanggagaling sa pagbasa sa tekstong napiling basahin.


Maibibigay ang kabuuang kahulugan ng tekstong binasa sa huling bahagi nito. Ang pag-unawa sa binasa
ay nagsisimula sa teksto patungo sa tagabasa na kung saan ang teksto ay ang bottom at ang tagabasa ay
ang up.
2. Teoryang Top Down
Kung ang teoryang bottom up ay nagsisimual sa teksto patungo sa tagabasa, ang top down
naman ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo sa teksto (down) sapagkat ang dating
kaalaman o prior knowledge ang nagpapasimula ng pagkilala niya sa teksto. Habang nagbabasa ang isang
indibidwal, itoy nakikipag-usap sa mak-akda sa pamamagitan ng teksto kung kaya masasabing ang
tagabasa ay isang aktibong indibidwal sapagkat gamit niya ang dating kaalaman. Upang lubos na
maunawaan ang teoryang ito, tunghayan ang tatlong impormasyon ayon kay Badayos (1999).
Impormasyong semantika pagpapakahulugan sa mga salita at pangungusap.
Impormasyong sintaktik (istruktura ng wika) tungkol sa pagkakaayons at istruktura ng wika.
Impormasyon Grapho phonic tungkol sa ugnayan ng mga letra at mga tunog ng wika kasama
rito ang impormasyon tungkol sa pagbabaybay na naghuhudyat ng kahulugan.

3. Teoryang interaktibo (interactive)


Sa ilang mga eksperto sa pagtuturo ng proseso ng pagbasa, hindi raw sapat na ang teoryang
bottom up at top down lamang ang gagamitino bibigyang-pansin. Mas makatutulong daw nang malaki sa
mga tagabasa kung pagsasamahin o gagamitin nang sabay ang dalawang teorya, bottom up at top down,
para lalong maging epektibo ito. Dahil dito, isinilang ang teoryang interaktibo. Ibig sabihin hindi lamang
ang teksto ang bibigyang-atensiyon, kasama na rin dito ang pag-uugnay ng sariling karanasan at pananaw
o dating kaalaman.
Mga bahagi ng proseso ng pagbasa
1)
2)
3)
4)
5)
6)
7)

Sensory matukoy ang simbolong nakikita.


Perseptwal matukoy ang kahulugan ng kayariang panggramatika ng mga salitang nakasulat.
Sekwensyal matukoy ang pagkasunod-sunod ng pagbasa
Pag-uugnay makilala ang pagkakaugnay ng simbolo sa tunog ng salita sa kinakatawan nito.
Pangkaranasan maiugnay ang mga salita sa tiyakang karanasan upang mabigyan kahulugan.
Pag-iisip gumawa ng hinuha at mapaphalagahan ang binasa.
Pagkatuto maalala ang natutuhan sa nakaraang karanasan at maiugnay ang bagong ideay at
konsepto.
8) Pandamdamin maisaalang alang ang sariling interest/kawilihan, saloobin at pagpapahalaga sa sarili
na nakaaapekto sa gawaing pagbasa. Ayon kay Frederick Mc Donald, ang gawaing pagbasa ay isang
kasanayang nangangailangan ng komplikadong prosesong kognitibo, pansaloobin at kasanayan. Ito ay
ang integrasyon ng mga aspekto sa proseso sa pamamagitan ng matamang pagsasanay.

METAKOGNITIBONG PAGBASA

Ang pag-unawa sa binasa ayon kay Badayos (1999), ay mas mainam na bigayang-diin bilang
isang proseso at hindi isang produkto. Bilang isang proseso, ang tuon sa mga pagsusuri sa mga sagot sa
pag-unawa ay kung paano nabuo ang mga kasagutan. Ito ay isang mabisan paraan kung paano
matutulungan ang mambabasa para maunawaan ang akdang binasa. Pumapasok na rin ito sa larangan ng
metakognisyon.
Ano ang metakognisyon? Ito ay tumutukoy sa ating kamalayan sa mga proseso ng pag-iisip
habang tayoy gumagawa ng pagpapakahulugan (Brown, 1985). Ang mga ebidensiya sa mga kakayahang
metakognitibo ay ang pagmomonitor o ang pagwawasto sa sarili tulad ng mapanuring pagbasa,
pagpapatunay sa mga hipotesis at pagtatanong sa sarili (Badayos, 1999).
Ayon kay Villafuerte (2005), ang metakognisyon ay may dalawang dimensiyon:
Ang kaalaman uko sa sariling kaugnayan sa mga kailangan sa pagsasagawa ng gawaing pagbasa.
Pagmomonitor sa sarili.
Mga hakbangin sa pagbasa ayon kay Person (1963)
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay
nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Itoy nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung
ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa. Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng
impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984).
Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan
ang binasang teksto. Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad. Ayon sa dating
pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang pananaw
naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o
tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng mambabasa
ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang
pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan.

Takdang-aralin
Sa
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik

Ipinasa ni: Rico S. Tabu-ao


Ipinasa kay: G. Henry E. Manlugon

B-12

You might also like