You are on page 1of 4

Sagot sa sulat ni Eman

Bienvenido Lumbera
Noong 1976, tatlong tulang Ingles ni Eman Lacaba, pinamagatang ang
ipinaabot niya sa mga kaibigan at kasama sa kalunsuran mula sa
kabundukan ng Davao.

Mula sa kabundukan ng Davao


Palihim na bumaba ang sulat mo
Dala ang balita na ang makatang hababuhok
Bihis-hippie, anak-bulaklak,
Nagbanyuhay sa kaingin at niyugan
Kapiling ng masang magsasaka,
Hawak ay aramlite at, paminsanminsan,
Ang bolpen,
Nakikipamuhay sa mga inapi,
Nakikilaban para sa
pinagsasamantalahan.
Alam mo ba,
Lumigwak ang kapeng umaaso,
Nagbuhol-buhol ang trapik sa Mabini.
May nagdaraang jeepney,
Bumara sa lalamunan ng radyo
Ang mga salitang bayad na ni Marcos.
Nilindol ang Ermita ng mga gunita:
Ng pagkabahala dahil ang mga buhol
Ng palad ng mga palaboy sa siyudad,
Tila di kayang kalagin
Ng alinmang diyos.
Sa Makati, napagkit yata
Ang cursor ng mga computer
Na kumukuwenta sa tubo ng mga
multinasyonal,
At ayaw magsalita ng telepono,
Ayaw mag-flush ang mga inidoro.
Mga propesor at estudyante sa Diliman
Na ang mga dila at bolpen ay pinitpit
Ng pangamba at pagsususpetsa,

Dinalaw ng pagkabalisa
At sa klasrum, nadurog ang chalk
Na gumuguhit sa pisara,
Sa halip na Disiplina,
Ang tumitik ay Makibaka.
Noon iyon sa Metro Manila.
Sa Tagbilaran City ngayon, sa Bohol,
Sa tabi ng dagat na gabit araw
May halumigmig na iwinawasiswas ang
hangin,
May kalipunan ng mga kabataan,
Mga manunulat na katulad mo noon
Binabalikan nila ang mga tinig
Na noo'y hindi dininig,
Sinusuyod ang kakahuyan
Ng mga lumang panulat
Upang tuklasin ang mga sibol at ugat
Na humihingi ng alaga at lingap
Upang maitayo ang isang mabulas na
gubat.
Nang akyatin mo ang bundok,
May landas kang ibinukas
Tungo sa malayang bayang pinangapangarap.
Nagsanga-sanga ang landas ng gubat
At ang mga kabataang naghahanap,
May kanya-kanyang lakas,
May kanya-kanyang agimat,
Salamat sa pangarap mong pinasiklap.
Ang sinumang marunong maghanap,
May daratnan sa dulong ng landas

Pangarap mong pinakislap,


Susunding liwanag.

Soneto Erotico #69


Peter Solis Nery

Nalipat sila sa imo sang ila ginsiling nga ang gugma


Sang mga tigulang daw sa igi nga nagakamang
Tungod bisan linghod ka pa, pinalangga, masupog ka
Magkamang sa akon lawas, magkapyot sa akon dughan.
Paano ko itikwang ang habal nga paho nga nagapalapit
Sa nagaedad nga ginamos? Ang imo pagpaangga
Kasubong aslum sang bagnas nga paho nga
ginapakalabi
Sang sinamak labaw sa katam-is sang luto nga bunga.
Kon ang igi may gabi kag gata, luyag ko ikaw, palangga,
Ang hilaw nga paho nga ginpakamang sa akon ginamos;
Kon magbag-idanay kita, madamilan ko ang akon
kaaslum.
Indi gid ako mangindi sa gugma sang habal nga paho
Nga daw sa igi nga nagakamang sa akon, nga bisan
anhon
Sang tikwang, makapyot gid sa ginamos nga nabulanan.

You might also like