You are on page 1of 2

Janna Cathlyn Peren

Grade III St. Agnes

MARTSA NG SILANGANG
MINDORO
I

Kaming mga Mindoreo


May talinong taglay
Panahon namin ay laging nakatuon sa
kabutihan
Ang pangarap na kapayapaan at mga
kasaganaan
Sa Oriental Mindoro
Dito lamang matatagpuan.
II. Chorus:
Kaya mga kababayan
Laging itanim sa pusot diwa
Ikaw, akoy Mindoreo
Pinagpala ng Maykapal
Mindoreo, isang sulo sa tagumpay
ng bayan
Sulong ipakita, ipadama at ipahayag
Pagmamahal sa Diyos at sa bayan
Mabuhay ka Mindoreo.
III
Ang aming lalawigan
Lalawigang minamahal
Kaming mga anak mo
Pagkakaisa ang hangad
Ang ugali nating marangal
Ay sa kapwa ipadama
Iyan ako ang Mindoreo
Ang Mindoreo ay ako.
IV. Repeat Chorus
VI
Pagmamahal sa Diyos at sa bayan
Mabuhay ka Mindoreo

OCCIDENTAL MINDORO
MARCH
Occidental Mindoro
Lalawigan kong hirang

Perlas ka sa kanluran
Lupat dagat yong kayamanan
Lalawigan pinagpala
Dayuhan ay humahanga
Sa gintong butil, hayop at isda
Chorus:
Alin pa kaya ditto sa lupa
Dayuhan ay naaakit na nga
Lahat ay sagana
Maging ilog, lawa at sapa
Kay tamis mabuhay
Sa baying minamahal
Tahimik ang ating buhay
Sa awa ng Maykapal
Repeat Chorus

MARINDUQUE MARCH
Isla kang hiyas ng bansa
Ganda moy bigay ni bathala
Mga dagat mot mga lupa
Sa yaman ay sagana
Ang iyong dagat ilog at kabundukan
Ay yaman ng kalikasan
Likha ng Diyos sa atin ibinigay
Ingatan ang karapatan
Halina at atin pagyamanin
Ang lupain ay ating bungkalin
Lakas talino ay ating gamitin
Nang umunlad ang bayan natin
Marinduque bayan nating minamahal
Pangakoy katahimikan
Ang sinuman sa iyo ay manahanan
Ligaya ang makakamtan
Sa pusot isip ng iyong mamamayan
Payabungin ang iyong yaman
Nang sumagana lalong dumakila
Ang marinduke aming mutya

SULONG ROMBLON
Composed by Dan Fabella,
Conducted by Marc Famini,
Performed by the Romblon Capitol
Chorale.

Janna Cathlyn Peren

Grade III St. Agnes

Sulong Romblon sa bawat mithiin


Ng isang tunay na pag-unlad
Bawat hakbang ay ating unahin
Ang kagalingan ng lahat
Sa puso ng arkipelago
Pintig ng pag-asa'y taglay
Sa lalawigang pulo-pulo
Pangarap ay mabubuo
Chorus 1
Mga dagat na sa ati'y naghihiwalay
Ay biyayang sa ati'y nag-uugnay
Lahat ng panahon ay maghahawak
kamay
Romblon Sulong sa tagumpay!
Chorus 2
Sa pagkakaisa't tulungan
Kaunlara'y makakamtan
Matatawid laot ng mga pagsubok
Sa gitna ng dilim at unos
Sulong romblon sa bawat mithiin
Ng isang tunay na pag-unlad
Pangalagaa't laong pagyamanin
Kultura't mga yamang likas
Salita man nati'y iba-iba
Sa pangunawa'y nagkakaisa
Sabay-sabay na maglalayag
Sa isang masaganang bukas
Repeat Chorus 1 and Chorus 2
Sulong Romblon Sulong! 3x

PALAWAN MARCH

Tindig mga kaibigan


tayo ay umawit at magbigay galang.
Lahat nating panauhin
batiing malugod at pasalubungan.
Nitong awit na matimyas
hindi kumukupas magpakailan pa
man.
Nang dito sa atin ay mawiwiling
tunay
At di na malimot ang Palawan.
Chorus:
Ang lahat ng hirap ay hindi alintana
Makapiling ka lang kahit sandal sinta
Lalo nat kung kayakap kita
II
Giliw, halinat umindak,
Paa ay ihakbang kamay ay ikumpas,
Himig ng tugtog ay sundan
Ating ipagdiwang
Panauhing lahat
III
Ganyan ang nais ko sinta
Siglay walang bawamagpakailan pa
man
Nang dito sa atin ay mawiwiling
tunay
At di na malimot ang Palawan
IV
Mga pusong naririto
Ang pinanggalingan ibat-ibang dako
Wika ay magkakaiba maging sa ugali
Maging sa pagsinta, ngunit iisa ang
layon
Iisa ang tukoy ang diway iisa
Tulungang umunlad
Mga nayot bayan tanghaling dakila
Ang Palawan(3x)
Repeat chorus

You might also like