You are on page 1of 1

ABSTRAK

Pamagat:

Hagbong: Naglahong Kultura ng Lukbanin

Mananaliksik:

Castro, Klian
Crusem, Theresa Danica G.
Lasi, Abigail P.
Padua, Shiela Mae C.
Ronquillo, Emmanuel R.
Ros, Chesca Charis L.

Gurong Tagapayo: Rene P. Zubieto

Ang pangunahing layunin ng pagaaral ng ito ay malaman ang naidulot at saloobin ng mga
taal na lucbanin sa Hagbong bilang nawalang kultura sa Lucban. Sampung taal na Lukbanin, na
may edad na apatnaput lima, ang naging kalahok sa pag aaral na ito. Ginamit ng mga
mananaliksik ang makapilipinong pamamaraan katulad ng pakikipagkwentuhan at pagtatanungtanong upang makalap ang ninanais na datos. Napagalaman na ang hagbong ay produkto ng
pagiging masiyahin ng Lucbanin at saiya rin ay nagdudulot ng galak sa mga nakaranas nito. Ang
mga mananaliksik ay nagmungkahi na mapalalim pa ang pag - aaral ng sikolohiya ng kultura sa
lokal na bayan ng Lukban, magkaroon pa ng higit na pag aaral ukol sa mga naglahong kagawian
sa bayan ng lukban at magising nawa ang kamalayan ng mga kabataan sa mga nawalang kultura
sa kanilang bayan.
Mga Susing Salita: Hagbong, Kultura, Lukbanin

You might also like