You are on page 1of 11

Script for Cantata

*Lights on *
OPENING:
Little Angels : Genesis 3:15, Phil. 2:5-8 and Roma 4:1
Action Song:
Hush! theres a baby
POEM with the little angels and Sunday School kids

*lights off after kids presentation*


*Lights on to the choir*
Song: Go Change the World
All Choir : with Ate Netnet
*Lights off after*

Projector:
Scene 1 : The Prophecy

*Lights on to the narrator*

Ate Rona:
Mahigit na dalawang libong taon na ang nakararaan
Ang pagsilang ng sanggol na Mesias ay hinulaan
Sa pamamagitan ng mga propetang pinili at kinasihan
Itoy nakatala sa aklat ng Diyos sa Banal na Kasulatan.

Itoy ipinahayag ng Diyos sa Genesis 3:15 pa lamang


Pagkatapos na ang unang tao sa utos ng Diyos ay sumuway
Ang binhi ng babae ang syang dudurog sa ulo ng kaaway
Ang tinutukoy ay si Jesus, na sisilang pagdating ng araw
Si Isaias ay humulang isisilang sa mundo ang Mamamahala
Siyay Makapangyarihang Diyos, Tagapayong Kahanga-hanga
Siya ang Prinsipe ng Kapayapaan, at Walang hanggang Ama
Bagamat Siyay tao lamang, ito ang itatawag sa Kanya.
Ang lahat ng mga hulang ito sa tamang panahoy natupad
Sa Galacia kapitulo apat, talatang apat ito ang nasaaad
Nang dumating takdang panahon, sinugo ng Dyos ang Kanyang
Anak
Ang buod ng kasaysayay pakinggan, sa inyoy aming ilalahad
*Lights off*
Projector:
The Angel and Mary
*Lights on to narrator*

Ate Leonie:
Doon sa lugar ng Nazaret ng Galilea ay mayroong naninirahan
Jose at Maria ang pangalan, silang dalawa ay magkasintahan
Ang dalawa ay nakatakda na sanang magpakasal
Subalit dumating ang pangyayaring hindi nila inaasahan
*Enter Mary and Angel*
Isang araw habang nasa kanyang silid si Maria
Dumating si anghel Gabriel,ito ang bati sa kanya
*lights on to the angel*
Lem:

Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos, ang sa kanyay winika


Sumasaiyo ang Panginoon itoy dapat mong ikatuwa
Ate Leonie:
Sa bating gayon si Maria ay labis na nagulumihanan
At dahilan sa biglang pangyayaring ito na di inaasahan
Ang dalagay natakot, siya ay labis na naguluhan
Ano ang ibig sabihin nito, hindi niya maunawaan
Kayat sinabi sa kanya ng anghel
Lem:
Sapagkat ikaw Maria ay lubos nakinalulugdan ng Diyos
Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki pagkatapos
Siyay banal at tatawagin mo ang kanyang pangalang Jesus
Makinig ka Maria at ito ay iyong pakatatandaan
Magiging dakila Siyat tatawaging Anak ng Kataas-taasan
Ang trono ng Kanyang amang si David sa Kanyay ibibigay
Siyay maghahari sa angkan ni Jacob magpakailanman.
Ate Tin:
Paano ito mangyayari? Samantalang wala pa akong asawa, ako ay
dalaga?
Ate Leonie:
Sa isang normal na taong katulad niya ito ay lubhang kakaiba
Di pa sya natabihan ni Jose, malinis ang kanyang konsyensya!
Lem:
Liliman ka ng Diyos, at bababa sa iyo ang Espiritu Santo
Kayat Banal at tatawaging Diyos ang ipanganganak mo
Sapagkat posible sa Diyos, ang anumang imposible sa tao
Mapangyayari Niya ang lahat ng bagay, basta Kanyang ginusto
Katulad ni Elizabeth (at ni Zacarias) na iyong kamag-anak
Bagamat baog sa kanyang katandaan siya ay magkakaanak

Ate Leonie:
Sa anghel ay nawika ni Maria nang maunawaan nya ang lahat
Ate Tin:
Akoy alipin ng Panginoon, ang iyong sinabi sa kin naway matupad.
*Light off*
Projector:
Scene 3: Joseph and the Angel
*Lights on*
Ate Cris:
Lumipas ang mga araw, nabalitang si Maria ay nagdadalang-tao
Bago nakasal ay nakarating ito kay Jose na kanyang nobyo
Sa pag-aakalang nagtaksil ang nobya, binalak niyang hiwalayan ito
Ipinasya niyang gawin ito ng lihim dahil syay isang maginoo
*Enter Joseph and Angel*
Samantalang ang mga bagay na itoy kanyang pinag-iisipan
Nagpakita ang isang anghel ng Diyos, kanyang napanaginipan
*Lights off*
*Lights on to stage for nativity scene*
Pilar:
Jose huwag kang matakot na si Maria ay pakasalan
Ang lahat ng Itoy nangyari upang matupad ang hula sa Kasulatan
*Lights off*
*lights on*
Ate Cris:
Nang dahil sa pananampalataya sila ay kapwa sumunod
Pinakasalanni Jose si Maria ayon sa pinag-uutos ng Diyos
Ngunit hindi nya ito tinabihan hanggang maipanganak si Jesus
Si Emmanuel na ang ibig sabihiy kasama natin ang Diyos!
*Lights off*

*Lights on to Mary and Joseph*


Mary and Joseph Duet
*Lights off*
Projector:
Scene 4: The Birth
*lights on to the narrator*
Ate Lisa:
Sumapit ang pagkakataong habang si Maria ay kagampan
Sa Roma ay nagpalabas ng utos si Emperador Augusto Cesar
Kailangang magpatala ang lahat ng kanilang mamamayan
At upang mapagbayad ng buwis ang lahat nyang nasasakupan
*Enter Mary, Joseph and Baby Jesus*
Bilang pagsunod sautos ay umuwi sina Jose at Maria
Sa bayang sinilangan nila,doon sa Betlehem ng Judea
Kaya buhat sa Nazaret Galilea ay naglakbay sila
Buhat sa bayan ni Haring David ang lahing pinagmulan nila
Habang silay naroroon ang kagampang si Maria ay nagsilang
Dahilan sa wala ng bakanteng lugar sa mga bahay panuluyan
Kulungan ng mga hayop ang nagsilbi nilang tirahan
Kaya ang sanggol na si Jesus ay inihiga sa isang pasabsaban
*Enter Sheperd and Angel*
Nang gabing si Jesus ay isilang may mga pastol sa parang
Silay nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga kawan
Isang anghel ng Panginoon ang sa harap nilay biglang lumitaw
Nang gabing si Jesus ay isilang may mga pastol sa parang
Silay nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga kawan
Isang anghel ng Panginoon ang sa harap nilay biglang lumitaw
Sa buong paligid ay nagliwanag kaya silang lahat ay nahintakutan

*Lights off*
*lights on to the Angel and Sheperds*
Althea:
Huwag kayong matakot.
Pagkat Mabuting Balita ng kagalakan ang sa inyoy aking dala
Sapagkat isinilang ang Cristong Tagapagligtas ng inyong sala
Siyay nababalot ng lampin at sapasabsaban ay nakahiga
*lights off*
*Lights on to the narrator*
Ate Lisa:
Pagkasabing ganito ng anghel ang malaking hukboy lumitaw
Sila ay nagpupuri sa Diyos doon sa sangkalangitan
Ganito ang saad
*Lights on to the little Angels*
Little Angels:
Papuri sa Diyos doon sa kaitaasan,
At sa lupay kapayapaan sa mga taong Kanyang kinalulugdan.

Ate Lisa:
Nang makaalis na ang mga anghel, mga pastol ay nag-usap-usap
Sila ay nagpunta sa Betlehem, ang sanggol ay hinanap
Nang matagpuan nila ang bata, kay Joset Mariay inilahad
Ang tungkol sa sanggol, ayon sabi ng mga anghel sa kanilay
ipinahayag
Nagtaka ang lahat tungkol sa kanilang kwento at salaysay
Natanim din ito sa isipan ni Maria at kanyang pinagbulay-bulay
Lumisan ang mga pastol na nagpupuri sa Dios, sa Kanyang
kadakilaan
Dahil sa narinig sa mga anghel at dakilang bagay na nasaksihan
*Lights off*

*Lights on to Choir*
Song:
Glory, Glory
*Lights off*
Projector:
Scene 5: The Wise Men
*Lights on to the Narrator*
*Enter Mary, Joseph and Baby Jesus*
Ate Clarissa:
*Lights on while entering: Star & Wisemen *
Lumipas ang panahon, humigit kumulang ay dalawang taon pababa
Ayon sa paglitaw sa silangan ng isang maningning na tala
Ang mga pantas sa Betlehem ay nagpunta upang sambahin ang bata
Itoy ating mababasa at sa Mateo dos, disisais ito ay nakatala
Sa Jerusalem ang mga pantas buhat sa silangan ay dumating
Upang ang isinilang na Hari ng mga Judio ay kanilang hanapin Anila,
Emman:
sapagkat ang Kanyang tala sa silangan ay nakita namin
Kayat kami ay naparito upang ang Hari ay aming sambahin.
*Lights off*
*Exit Wisemen*
*Lights on to the Narrator*
Ate Clarissa:
*Enter Chief Priest and Herod*
Nang dumating ito sa pandinig ni Herodes. naligalig ang hari
Kayat tinipon niya ang mga saserdote at eskriba siya ay nagsuri
Upang alamin kung saan ipinanganak ang hinahanap na Hari
Ito ang kanyang nabatid sa Mikas singko dos ganito ang sinasabi

*lights off
*Lights on to the Chief Priest and Herod*
Ethan:
Ang Hari po ay magmumula sa Betlehem ng Juda
Ito ay sang-ayondawsanasasaad sa hula ng mga propeta
Bagamat ikaw ang pinakamaliit sa buong Juda, Betlehem Epafrata
Ang maghahari sa buong Israel ay sa iyo magmumula
*Lights off*
*Lights on*
Ate Clarissa:
Matapos mabatid ni Herodes ang mga katotohanan
Pinatawag niya ng lihim ang mga pantas at pinagbilinan
*Lights off*
*Enter Wisemens*
*Lights on to the Choir*
Song:
King Jesus is His Name
*Lights off*
*Lights on to Herod and Wisemen*
Herod:
Humayo kayo at kung ang sanggol ay inyong masumpungan
Balikan ninyo ako upang Siya ay masamba ko rin naman
*Exit Wisemens*
*lights off*
*Lights on to the narrator*
Ate Clarissa:
Lumakad na ang mga pantas at silay muling pinangunahan
Ng napakaningning natalang nakita nila sa silangan
Hanggang tumigil ito sa tapat ng isang bahay hindi sa sabsaban
Kung saan si Maria at si Jesus ay 2 taon nang naninirahan

Gayon na lang ang galak ng mga pantas ng makita ang tala


Pagpasok ng bahay nakitang kapiling ng kanyang ina ang bata
Siyay kanilang sinamba at sa harap Niyay nagpatirapa
Ang dalang ginto, mira at kamangyang kay Jesus inialay nila.
*lights off*
*Enter Wisemens, Mary, Joseph and Baby Jesus*
*Lights on to the choir*
Song:
Praise the Lord! Ye Heavens Adore Him
*lights off*
*Lights on to the wisemens*
KC:
Ang mga regalong ito ay may mensaheng ipinapahayag
Ang gintoy si Jesus ay Dakilang Diyos at Hari ang isinasaad
Kamangyan namay nagsasabing Siya ay Tagapagligtas

Daniel:
Mira naman para sa atin Siyay namatay at naghirap
Kamangha-manghang ang lahat ng ito sa buhay Niyay natupad
*Lights off*
*Lights on to the Narrator*
Ate Clarissa:
Pabalik sana sila kay Herodes ng sabihan sila ng Diyos sa panaginip
*Lights off*
*Lights on to the Nativity stage and Angel*
Trisha:
Ang sanggol ay balak patayin ng haring si Herodes.
*Lights off*
*Lights on to the Narrator*
Ate Clarissa:

Kaya bilang pagsunod sa Diyos,mga pantas ay di na bumalik


Imbis na bumalik sa hari, silay nagpunta sa Egipto sa halip
Sa galit ng Hari pinatay mga sanggol idad dalawa pababa
Ayon sa pagkabatid ng hari nang lumitaw ang tala
Sa gayon natupad ang kay propeta Jeremias na hula
Ang malakas na taghoy ng mga ina ay narinig sa Rama
*Lights off*
Projector:
Scene 6: JESUS
*Lights on to the Narrator*
Ate Wilma:
Pagdating ng 8 araw ay tinuli, Jesus ang ipinangalan
Ito ay bilang pagsunod,sa hinihingi ng Kautusan
Kasama ng magulang, sa patnubay ng Espiritu, batay binasbasan
Isinagawa ito ni Simeon, na sa Mesias ay matagal na naghintay

Si Jesus ay lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod


Ang buhay Nyay kaaya-aya sa harapan ng tao at Diyos
Sa idad 12, sumamba sa templo sa Jerusalem ay pumasok
Kasamay mga guro ng Kautusan, tanong nila lahat ay nasagot
Siyay nagpabautismo, tinukso ngunit walang kasalanan
Naglingkod sa mga tao, ang Salita ng Ama ay ipangaral
Ang Kanyang pagkain ay ang pagsunod sa Kanyang kalooban
Binigyan Niya tayo ng buhay na ating pamamarisan
Bagamat Siya ay Diyos Siyay nagkatawang tao
Namuhay natulad ng isang alipin, nagpakababa oo
Hanggang ang buhay Niyay nagtapos sa krus ng kalbaryo
Upang tubusing lahat ang kasalanan ng buong mundo
Ang buod ng kasaysayan ng Paskoy kaligtasan ang hatid
Para sa makasalanang taong kay Jesus ay mananalig
Subalit sa mga di maniniwalat mabubuting gawa ang ipipilit

Tiyak sa kabilang buhay ay magsisisit ngipiy mangngangalit.


Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanglibutan
Kayat ang Bugtong Niyang Anak sa mundoy ibinigay
Upang sinumang sa Kanyay mananalig di tutungo sa kapahamakan
Kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan.
*Lights off*
*Lights on to Choir*
Go Change the World
*Enter all Cast*
*Lights On*
End
To God be the Glory!

You might also like