You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Laguna
PACITA COMPLEX SENIOR HIGH SCHOOL
School Year: 2016-2017

Pagbasa ng Sulating
Pananaliksik
(Pagbasa at Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik)

Ipinasa kay:
Gng. Rezalie Nepomuceno
Ipinasa ni:
Denus, Matthew Nazarel
Baitang at Seksyon: 11 Archimedes

Pagbasa at Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Pamagat ng Binasang Tisis:
Mga Epekto ng Pagkakawatak-watak ng Pamilya sa Pag-aaralng mga Estudyante
sa Kursong Teknolohiya sa Medisina ngUniversity of Perpetual Help DJGTMU
Mga Mananaliksik:
Belizon. Justine Krizha
Catindig, Geramay
Mondejar, Ana Marie
Narvasa, Jemma Lyn
Ollero, Mitchell Collen

UNANG HAKBANG:
Saang kabanata mo natagpuan ang konklusyon?
Natagpuan ko ito sa Kabanata 5 / Ikalimang kabanata
Ilang bilang mayroon ang natuklasan?
Mayroong limang bilang na natuklasan ang mga Mananaliksik
Ilang bilang mayroon ang suliranin?
Mayroong apat na suliranin

Anong hipotesis/Asumpsyon ang kanyang tinugon? (Isulat)


Ang kanilang pananaliksik ay walang hipotesis.
Sa pananaliksik na ito, layon ng mga mananaliksik na malaman ang mga epekto
ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng kursong
Teknolohiya sa Medisina ng University of Perpetual Help Dr. Jose G. Tamayo
Medical University. Ang mga resultan at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay
magiging kapaki-pakinabang para sa mga sumusunod:
Mga Apektadong Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong sa
mga mag-aaral kung papaano nila haharapin ang mga epekto ng pagkakawatakwatak ng pamilya at kung paano nila malalagpasan ang mga ito. Ito rin ay
makapagbibigay sa kanila ng mga karagdagang impormasyon at gayon din sa
kanila pang mga gagawing mga pag-aaral. Maaari rin nila itong gamitin sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay para na rin maging aktibo sila
pagdating sa usaping ito.
Mga Magulang. Ang mga magulang dapat ang gumabay at mag-aruga sa kanilang
mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pamilyang payapa at masaya.
Ngunit sa mga pagkakataong hindi maiiwasan gaya ng paghihiwalayan, ang

Pagbasa at Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


bawat panig ng magulang, ay nararapat na maging responsable sa paggabay,
pagpapayo at pagmumulat sa kanilang mga anak sa mga ganitong sitwasyon.
Mga Guro. Ang mga problemang pinagdaraanan ng isang kabataang nagmula sa
isang sirang tahanan ay malaki ang nagiging epekto sa kanilang pagkatao. Sa
pag-aaral na ito, mas mauunawaan ng mga guro ang mga dahilan at senyales
kung bakit nagkakaroon ng mga di mabuting pag-uugali ang mga apektading
mag-aaral. Maaring gamitin ang pag-aaral na ito upang magabayan sa mga
kinahaharap na sulianin ang kanilang mga mag-aaral.
Mga Mananaliksik at Mamababasa. Magsisilbi itong gabay at makapagbibigay ng
impormasyon at inspirasyon sa mga pinagdadaanan ng mga mag-aaral na
nanggaling sa nagkawatak-watak na pamilya. Ito ay magsisilbing paalala upang
pasalamatan ang Panginoon at ang kanilang mga magulang sa pagmamahal at
pagbibigay ng sitwasyong higit na nakabubuti kaysa mga apektadong mag-aaral.

IKALAWANG HAKBANG:
May kaugnayan ba ang ginamit na panimula (Introduksyon) sa mga natuklasan at
naging konklusyon ng pananaliksik? Magbigay ng puna:
Akin pong nabasa ang pananaliksik at sa aking palagay, mayroong kaugnayan
ang kanilang introduksyon sa kanilang mga natuklasan at binuong konklusyon.
Para sa akin, napakaganda ng kinalabasan ng kanilang pananaliksik. Para sa
akin, mas maganda kung mas dinamihan pa nila ang kanilang respondents
dahil kakaunti lamang ang kanilang respondents na binigyan ng survey form.
Ngunit kahit ganoon, maganda parin ang kinalabasan ng kanilang pananaliksik
dahil nakita sa mga resulta ng kanilang pananaliksik ang kasagutan na kanilang
hinahanap.

Ang kaligirang kasaysayan ba ay nagbigay ng sapat na dahilan kung bakit


kinakailangang pag-aralan o talakayin ang paksang sinasaliksik?
Opo, naunawaan ko nang husto ang kanilang kaligiran ng pananaliksik. Sila ay
nagbigay ng sapat na dahilan kung bakit kinakailangang pag-aralan o talakayin
ang paksang sinasaliksik. Base sa aking nabasa, nakita ko ang mga dahilan ng
kanilang pananaliksik.

Ang bawat suliranin ba ay natugon ng bawat natuklasan sa ikalimang kabanata?


Sa aking pagsusuri, masasabi ko na may mga suliranin na hindi gaaong
natugunan ng mga mananaliksik. Nakita ko na hindi nasagot ng mga
mananaliksik ng maigi ang tanong na Anu-ano ang mga epekto ng
pagkakawatak-watak ng pamilya sa sikolohikal na pananaw ng mga mag-aaral?

Pagbasa at Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


dahil wala silang nilagay na sa kanilang mga natuklasan patungkol sa istado ng
mentalidad ng mga mag-aaral na kabilang sa broken family. At sa kanilang
suliranin na Anu-ano ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung
paano nila nalalampasan ang mga epektong dulot ng pagkakawatak-watak ng
pamilya?, Malabo ang kanilang pagkakalahad ng kanilang kasagutan dito. Sa
tingin ko ay hindi nila nasagot ang katanungan na iyon.

Aling bilang ng suliranin ang hindi natugon ng natuklasan (isulat kung mayroon)
Bilang dalawa (2) at apat (4).
2. Anu-ano ang mga epekto ng pagkakawatak-watak ng pamilya sa sikolohikal na
pananaw ng mga mag-aaral?
4. Anu-ano ang mga paraan ng mga nabanggit na mag-aaral kung paano nila
nalalampasan ang mga epektong dulot ng pagkakawatak-watak ng pamilya?

Alin ang mga natuklasan (Kabanata 5) ang wala sa suliranin ng pag-aaral? (isulat kung
mayroon)
Natuklasan sa pag-aaral na ito na may 54.84% at 45.17% ng mga ama at ina ng
mga respondente ay lokal na manggagawa. Nakita rin ng mga mananaliksik ang
makabuluhang resulta sa edad ng mga magulang nang sila ay mag-asawa.
Lumalabas na halos kalahati o more or less 50 % ng mga magulang na nauwi sa
hiwalayan ay nagpakasal sa edad na 18-25 taong gulang. At makikita rin sa mga
resulta ng mga mananaliksik na 80.65% ng kabuuang sampol ay mayroong edad
na pito (7) hanggang labingdalawang taon (12) noong maghiwalay ang kanilang
mga magulang.

Nasagot ba sa kabanata 5 ang hipotesis o asumpsyon ng pag-aaral? Kung hindi, alin sa


mga hipotesis ang hindi natugunan?
Walang hipotesis ang pananaliksik na ito ngunit nasagot naman ang mga
asumpsyon na mayroon ito.

IKATLONG HAKBANG:
Anong pamamaraan ang ginamit sa pananaliksik?
Ang pag-aaral na ito ay naisagawa sa pamamagitan ng paghango sa mga
primarya, sekondarya at elektronikong hanguan. Ang mga datos na nakalap ng
mga mananaliksik ay mula sa mga sarbey-kwestyoneyr na sinagutan ng
tatlumput isang (31) na respondent mula sa University of Perpetual Help- Dr.

Pagbasa at Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Jose G. Tamayo Medical University. Ito ang nagsilbing primaryang hanguan ng
pag-aaral na ito. Nangalap ang mga mananaliksik ng mga impormasyon, artikulo
at akda na nagmula sa mga pampublikong pahayagan at ang mga ito ang
nagsilbing hanguan ng kanilang sekondaryang pag-aaral. Nangalap din sila ng
mga impormasyon, mga pag-aaral at mga literatura sa internet at ito naman ang
nagsilbing hanguan ng kanilang elektronikong pag-aaral.

Anong instrumento sa pananaliksik ang ginamit?


Gumamit ang mga mananaliksik ng Survey Questionnaires o sarbeykwestyoneyr. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang
kasangkapan para mangalap ng datos at impormasyon. Gumawa ang mga
mananaliksik ng mga katanungang rumeresponde ukol sa sinumiteng pag-aaral
at binigyang kasagutan naman ang mga ito ng mga mag-aaral na nasa kursong
Teknolohiya ng Medisina sa paaralang University of Perpetual Help - Dr. Jose G.
Tamayo Medical University, Bian, Laguna.

Ilan ang kabuuang populasyon na tumugon sa pananaliksik?


Mayroong tatlumput isa (31) na respondents ang tumugon sa kanilang
pananaliksik.

Anu-anong pormula ang ginamit para sa komputasyong istadistika? (isulat sa kahon)


dami ng respondenteng sumagot sa partikular na tanong
100=
kabuuang dami ng mga respondente

IKAAPAT NA HAKBANG:
Ano ang ginamit na tulong viswal sa paglalahad ng mga datos?
Sila ay gumamit ng Talahanayan at Tsart.

Mayroon bang talata na nagpapaliwanag ng bawat detalye na nakapaloob sa mga


tulong viswal (talahanayan, grap, tsart)?
Mayroon pong talata na nagpapaliwanag patungkol sa tulong viswal.

Pagbasa at Pagsuri ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Mayroon bang talata na nagsusuri sa kinahinatnan ng mga datos batay sa mga nauna
nang pag-aaral (sa kabanata 2) o kayay mga teorya o prinsipyo na galling sa mga
awtoridad?
Sa aking pagsusuri, wala akong nakita na talata na nagsusuri sa kinahinatnan
ng mga datos batay sa mga nauna nang pag-aaral (sa kabanata 2) o kayay mga
teorya o prinsipyo na galling sa mga awtoridad.

Mayroon bang talata na nagbigay ng interpretasyon sa mga datos batay sa


isinagawang pagsusuri?
Mayroon po akong nakita na talata na nagbigay ng interpretasyon sa mga datos
batay sa isinagawang pagsusuri.

IKALIMANG HAKBANG:
May kaugnayan ba ang mga naging interpretasyon ng datos (kabanata 4) sa bawat
konklusyon ng binasang pananaliksik?
Sa aking pagkakaintindi sa konklusyon ng pananaliksik na ito, nakita ko na may
kaugnayan ito sa mga interpretasyon ng datos.

Ang mga naging rekomendasyon ba ng pag-aaral ay nakabatay sa interpretasyon at


pagsusuri sa mga datos na inilahad sa kabanata 4?
Sa aking nakita, hindi nakabatay sa interpretasyon at pagsusuri sa mga datos
na inilahad sa kabanata 4. Sa aking nabasa, nakita ko na ang kanilang inilagay sa
rekomendasyon ay hindi tunay na rekomendasyon. Sila ay nag lagay muli ng
konklusyon at nagsabi lang ng mga patungkol sa pagiging magulang. Walang
inilagay na rekomendasyon ang mga mananaliksik para sa mga magtutuloy pa ng
kanilang pag-aaral.

You might also like