You are on page 1of 6

TEKSTONG IMPORMATIBO

( Ang mga Produkto ng Pilipinas)


Mapalad ang bansang Pilipinas sapagkat pinagkalooban ito ng Manlilikha ng
mayamat masaganang lupain.
Isang bansang agrikultural ang Pilipinas. Nangangahulugang walumpung bahagdan
ng mga Pilipino ay nabubuhay at umaasa sa pagsasaka. Bigas ang pangunahing
pagkain ng mga tao subalit mayroon ding mais na ipinanghalili bilang kanilang
pangunahing pagkain. Gitnang Bisaya,Mindanao at Lambak ng Cagayan ang
pangunahing tagaprodyus ng mais. Itinuturing namang Kaban ng Bigas ng
Pilipinas ang Gitnang Kapatagan sapagkat dito nagmumula ang pinakamaramit
pinakamalaking ani ng bigas sa buong bansa.
Maliban sa bigas at mais,marami ring tanim na puno ng niyog sa bansa. Ito ang
dahilan kung bakit nangunguna ang Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at
langis.Kabilang din sa mga iniluluwas ang produktong abaka,tabajo,asukal at ibat
ibang prutas gaya ng pinya,mangga,saging,at marami pang iba.
Hindi bat dapat ipagpasalamat ang mga biyayang ito na handog ng Diyos?
Gagawa ang mga mag-aaral ng isang tal;a ng impormasyon ukol sa pinabasang
texto. Pagkatapo, tutukuyin nila ang mga bahagi ng texto batay sa nabasa.

TEKSTONG DESKRIPTIBO

May Ginto sa Kapaligiran


Tumingin sa paligid. Tumingala sa kalawakan. Damhin ang hanging dumadampi sa
balat. Tingnan ang lupang tinatapakan. Pansinin ang lawak at masasabing
Kayganda ng kapaligirang ipinagkaloob ng Maykapal sa kanyang nilikha!
Malalawak ang kabukiran, kagubatan at karagatang nagtataglay ng makukulay na
kaanyuan. Paraisong kaysarap tirahan!
Hindi mapipigilan ang mabilis na pag-inog ng mundo. Mabilis din ang pagdami ng
kanyang nilalang na may taglay na talinong paunlarin ang buhay. Hindi tumigil sa
paghanap ng mga paraan upang mailagay ang buhay sa magandang kalagayan.
Lingid sa kaalaman, nabulabog ang kalikasan. Sa mga interaksyong nagaganap,
napipinsala ang pisikal na kapaligiran. Oo ang tahimik na biktima. Hindi ito
kataka-taka Nilikha ang kapaligiran upang magsilbi at mapakinabangan ng tao.
Masdan ang kapaligiran. Ang mga bukiring malalawak ay lumiliit na dahil sa mga
gusaling itinayo. Maging ang halaman at hayop ay naaapektuhan ng mga
pagbabagong ginagawa ng tao sa kanyang paligid.
Maliwanag sa atin ang katotohanang ang kapaligiran ay para sa tao at ang tao ay
para sa kapaligiran. May tungkulin ang taong pangalagaan ang mga ito para rin sa
patuloy niyang kapakinabangan.
Dahil sa mga pang-aabuso at kapabayaan sa kapaligiran, nagiging sanhi ito ng
pagkamatay ng ibat ibang bahagi ng kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit may
polusyon ng hangin, tubig at lupa sa maraming lugar sa daigdig.
Ang polusyon ay nagdudulot ng ibat ibang uri ng sakit. Palasak na senaryo ngayon
ang maraming taong naoospital. Hindi tuloy nagiging epektibong mamamayan.
Nakapipinsala rin ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda kayat
nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.Maraming senaryo na tayong nasaksihan kung
paano nilapastangan ang paraisong kaloob ng maykapal. Napaluha na rin tayo sa
mga nasabing senaryo.Magkatuwang ang tao at kapaligiran sa pagkamit ng
kaunlaran. May kakayahan ang taong harapin ang suliranin at kakayahang lumutas
sa mga suliranin sa kapaligiran. Pagyamanin at di patayin ang likas na yamang
kaloob ng Diyos sa atin. Laging isaisip may ginto sa paligid na dapat pahalagaan

Tekstong Persweysiv
MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA

Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon.


Dahilan kung bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternatibong
mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga
proyektong pangkaunlaran. Kayat hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating
Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa
pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa ibat ibang bansa
na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapaguwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng lokal
na industriya.
Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang privatization na nagpasok ng
malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang
Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.
At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng
pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX
LAW.
Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging
maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga
luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang
ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car,
advertisement, real estate at iba pa.
Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng
mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at
jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang taxation at masugpo
ang tax evasion na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.
Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman
nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad.
Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at
maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga
Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating
mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana
nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.
Tangkilikin natin ang VAT!

TEXTONG NARATIVE
Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria
Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng

hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag
nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito. Si Maria ay
isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas
ng mga alon, simula noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng magisa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at
nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa
kanya. Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria.
Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla
dahil sa tinig ni Maria.
Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring
Alon na kumain sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero
hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya ng napakalaking
alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng
buong mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang
tumigil ang Haring Alon.
Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya
ininda ang hampas ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay
huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na muling humampas
ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at
pangamba sa kanilang puso.

TEKSTONG ARGUMENTATIV
Smoking Kills, Di Nga Ba ?
Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang
istik ng sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse

pataas ang naninigarilyo. May malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa


obserbasyong ito, "Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?".
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong
panay buga ng usok mula sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng
pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila
nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at
nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang
nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy
na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng
lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga adik sa
sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy
silang nagpakalulong sa paghithit sa mga ito. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4,
800 na kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69 dito ay maaaring magdulot ng
kanser. Isa ring katotohanan na mas maagang namamatay ang mga naninigarilyo
kaysa sa mga hindi gumagamit nito pero maaari pa ring maapektohan ang mga
taong ito kung makakalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo. Maaari pa ring
malagay sa bingit ng kapahamakan ang mga tao kahit hindi sila humithit ng
sigarilyo.Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo natin ay lulong sa
paggamit ng sigarilyo at hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat
sana'y modelo ng bansa. Nakikita naman nating may aksyong ginagawa ang
pamahalaan ngunit parang kulang pa ang pagpapaalala nila sa mga tao. Kailangan
nilang mas pag-igihin ang pagmungkahi ng mga solusyon at pagsasabatas ng mga
ito upang supilin ang adiksyon ng mga tao sa sigarilyo. Kailangan nilang mas
maghigpit para makasigurong ligtas ang mamamayang Pilipino mula sa mga
negatibong epekto ng paninigarilyo. Walang anumang kapaki-pakinabang sa
paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin siguro ang pagkilos at kooperasyon ng
mamamayan at hindi lamang tuluyan na iasa sa pamahalaan ang paghahanap ng
solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas mapapabilis ang pagwakas sa
masamang epekto ng paninigarilyo, kung sisimulan ng mga "smokers" ang
pagbabago at pag-eensayo ng kontrol sa sarili

TIPS PARA MAKA MOVE ON


1. Isa sa mga pinakamahirap gawin ngunit epektibo ay ang pagputol sa komunikasyon
na nag-uugnay sa iyo sa kanya. I know that this is a torture pero sa simula lang ito.
Makikita mo rin ang benefits nito in the long run. Ano bang mga bagay ang nagkokonek

sa iyo sa dating kasintahan? Friend mo ba siya sa facebook, mas maiiging burahin na


siya sa iyong friend's list. May cellphone number ka pa ba niya at mga messages sa inbox
na naka-store? Burahin mo na ito. Magpalit ng sim card kung kinakailangan. Anumang
nag-uugnay sa iyo sa kanya, kung nais mo talagang makapag move on nang mabilisan ay
maaga pa lang ay putulin mo na.
2. Huwag nang ipilit pa ang hindi na pwedeng mangyari. Ihinto mo na ang ilusyon na
minsan kahit isang lingo ay pwede pa kayong magkasama o mag stroll sa mall o mag
date kaya sa paborito ninyong restaurant. Isipin mo na lang, may dahilan kung bakit
kayo naghiwalay, at may mabigat na rason kung bakit ito nangyari. Kung nais mo talaga
siyang kalimutan, higit mong isipin ang mga pangit na nangyari sa inyo sa nakalipas
kaysa sa mga matatamis na alaala kasama siya.

3. Hindi naman talaga madaling gawin ito nang mag-isa, kaya't simulan mong
makisalamuha sa iyong mga kaibigan, makipag bonding sa iyong mga kapamilya at
simulang muling maghanap ng mga bagong makikilala. Malay mo isa sa mga bagong
kakilala na ito ang maging bago mong pag-ibig. You can never tell. Ngunit sa kabilang
banda ay iwasan mo ang mga kaibigan o kakilala na nag-uugnay sa iyo sa dating
kasintahan. Maaari kasing tuksuhin ka nilang muli na balikan ang dating bf/gf, hindi
sila makakatulong sa iyo at ito ang dapat mong tanggapin.

4. Magsimulang mag-enjoy, magliwaliw, humanap nang mga pagkakaabalahan. Kahit


nga sa bahay lang ay marami kang magagawa, maglinis, magluto at tumulong sa inyong
family business kung mayroon man. Keep yourself busy at the same time enjoy your new
life.
5. At dahil nga gusto mo nang makalimot. Subukan mong baguhin ang iyong looks. Try
to re-invent yourself. Hindi lang artista ang meron nun pati rin mga broken-hearted. Sa
mga lalaki, pwede mong subukan na magpa kalbo o magpahaba ng buhok, depende
kung anong bagay sa iyo. Pwede mo ring subukang baguhin ang estilo ng iyong
pananamit. Dati ka bang emo? Bakit hindi mo subukang i-try ang plain and smart look.
Sa mga babae, pwede kang magpaputol ng buhok kuing babagay sa iyo, mag work out,
mag diyeta at iba pang magbibigay enhancement sa iyong physical looks. Your new look
represents your new life. Sa bagong buhay magsisimula ang bagong pag-ibig.
Sabi Nga...
Hindi nga ganun kadali ang makalimutan ang nakalipas lalo na't kung nagdulot ito sa
iyo ng saya, ligaya, tamis at inspirasyon. Ang mahalaga naman ay naghanap ka ng
paraan para makalimot at sumubok kang harapin ang bagong buhay sa positibong
paraan nang wala siya.

You might also like