You are on page 1of 75

TSAPTER 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Introduksiyon
Isa sa mahalagang pagbabago ngayon sa Edukasyon ng Pilipinas ay
ang midyum na pagtuturong gagamitin sa mga paaralan. Sapagkat opisyal nang
ipinahayag ng Kagawaran ng Edukasyon ang inisyatibong Mother Tongue
Based-Multilinggual Education (MTB-MLE) sa pamamagitan ng sirkular ng
Kautusang Pangkagawaran Blg.74 s.2009, binigyang halaga nito ang paggamit
ng unang wika (mother tongue) sa pagtuturo ng mga asignatura lalo na sa preschool at unang tatlong baitang sa elementarya.
Dahil dito ipinahayag ng edukasyon ang karagdagang pitong wika sa
labindalawang kasalukuyang wikang ginagamit bilang opisyal na midyum ng
pagtuturo para sa una hanggang sa ikatlong baitang na mga mag-aaral. Ang
mga lokal na wikang ito ay gagamitin sa pagtuturo sa mga bata sa mga
pampubliko at pribadong paaralan sa ilalim ng programang K-12.

Ito ay sa

paniniwalang ang batang tinuruan ng unang wika ay natuto nang hindi


naaapektuhan ang kakayahan sa pagkakatuto

ng Ingles sa mas mataas na

grado.Higit ding matatag kaysa mga batang hindi gumagamit ng kanilang mother
tongue-based multilingual education (MTB-MLE). Kaugnay nito, iminungkahi ng
Kawanihan ng mga Paaralang Bayan na seryosong isaalang-alang ang paggamit
ng unang wika bilang midyum ng pagtuturo (BPS Bulletin No. 9, s.1955).
Ayon kay Orata (1953) ang batang natuto ng kanyang leksiyon sa Ingles
ay pautal-utal, paulit-ulit at pabulong-bulong para lang maipahayag ang gustong

sabihin sa isang banyagang wika. Para sa mga masuwerteng natuto rito, kung
kaya hindi humihinto sa pag-aaral. Ito rin ang dahilan kung bakit ang limitadong
pag-aaral ng mga bata, lalo na ng mga magulang at pangkalahatang teoritikal na
karakter ng edukasyon sa Ingles sa Pilipinas na nagsisilbing sanhi upang ang
mga taga-probinsiya ay manatili sa pagiging makaluma at mapamahiin.
Ang mga mag-aaral ay dapat magsimula ng kanilang pag-aaral sa
pamamagitan ng unang wika, dahil ito ang pinakanaiintindihan nila, at ang
pagsisimula ng kanilang pag-aaral sa katutubong wika ay mag-uugnay ng
tahanan at paaralan.

Sa paggamit ng unang wikang natutuhan ng bata sa

paaralan ay madali ring magagamit sa loob ng tahanan. Higit sa lahat, ang mga
magulang ay nasa tamang posisyon upang maunawaan ang mga problema sa
paaralan, at sa ibang kaparaanan sila rin ay nakakatulong sa paaralan sa
edukasyon ng bata. Ang maaga at epektibong pagsasanay sa unang wika ay
magsisilbing tulay sa iba pang wika sa daigdig.
Bagaman nagkaroon ng seryosong pag-aaral at pagsasaalang-alang sa
ibat ibang opinyon at resulta ng mga eksperimento bago ang pinal na desisyon
sa patakaran sa paggamit ng unang wika bilang midyum ng pagtuturo sa
mababang grado, ito ay pinasimulan nang walang anumang paghahanda tulad
ng paghahanda ng kagamitang pampagtuturo at pagsasanay sa mga guro.
Sa madaliang implementasyon ng patakarang ito, ayon kay Sibayan
(1966,) maaaring nagkamali sa pag-unawa o interpretasyon ang mga
tagapamahala ng paaralan dahil kung babasahing mabuti aniya, ang seksiyon 10
ito ay naglalahad na ang paggamit ng unang wika ay ipapatupad lamang ng

Lupon ng Pambansang Edukasyon bilang isang patakaran at ang mga awtoridad


ng paaralan ay hinihikayat lamang na magsagawa ng mga praktikal na hakbang
para sa implementasyon nito at hindi ang nagmamadaling paglundag sa Sistema
nang walang anumang paghahanda. (Vega, 2010)
Ganito rin ang iminungkahi ni Dekano Francisco Benitez sa ilan sa
ipinalabas niyang editoryal; binigyang diin niya ang pangangailangan ng
pananaliksik bago ang pagpapatupad ng anumang pambansang patakarang
pangwika (Bernabe 1986). Isa sa pangunahing tagapagsulong ng pagtuturo ng
mother tongue/inang wika sa komunikatibong klasrum ay si David Atkinson
(1987, sa Muncio et al, 2014). Tinukoy niya ang metodolohikal na agwat sa
literatura na gamit ng mother tongue/unang wika.Ang pananaw na ito ay resulta
ng kanyang personal na karanasan bilang guro at hindi resulta ng komparatibong
kaalaman o karunungang natamo ng mga mag-aaral sa ibat ibang paaralan.
Habang tumatagal ang programang MTB-MLE, darating ang pangangailangang
kinisin pa ang mga kaayuan ng gramatika at sintaktikal na pag-aanalisa sa mga
wikang kanilang ginagamit sa pagtuturo sa lumalawak na paggamit nito sa
akademya. Pinatutunayan ng mga senaryong ito na kailangan ang isang sistema
ng regular na pagmomonitor sa kalagayan ng pag-unlad ng wika sa
pamamagitan ng pag-aanalisa sa kung paano ito ginagamit ng karamihan.
Samantala, ang Cebuano na kung tawagin ng mga katutubong
tagapagsalita ay Sugbuanon ay ang ikalawa sa pinakamalaking wika na
sinasalita sa Pilipinas na may humigit kumulang na 20 milyong mga nagsasalita
nito bilang kanilang unang wika at 11 milyong mga nagsasalita nito bilang

kanilang pandagdag na wika. Sa isla ng Cebu, itinuturing na lingua franca o


pangunahing wika ng katimugang Pilipinas (at dahil dito ay tinatawag ito bilang
Visayan, Visaya o Bisaya). Bilang ika-47 na nangungunang wika sa mundo, ito
ay isang laganap na wika sa Pilipinas na mapapatunayan ng dami ng mga
migranteng pangkat-etnikong Pilipino na nagsasalita nito, pati na rin ang mga
dayuhan sa ibat ibang bahagi ng mundo. Ito ang nag-udyok sa mananaliksik na
aralin ang sintaks ng Cebuano.
Tutuunan ng pansin ang pagsusuring sintaktikal na ng wikang
Cebuano, ang payak na pangungusap at ang ayos ng pangungusap. Tutuklasin
ng papel na ito ang ayos ng pangungusap gayundin ang kayarian ng
pangungusap at ang pagbabalangkas ng mga ito.
Batayang Konseptuwal
Ang pag-aaral na ito na tungkol sa sintaktikal na analisis ng wikang
Cebuano batay sa mga pangungusap na hinango ng mananaliksik sa mga
nobela ng Bisaya magasin ay nakapokus sa Ayos ng Pangungusap, Tungkulin
ng

Pangungusap,

Kayarian

ng

Pangungusap,

at

Pagbabalangkas

ng

Pangungusap ayon kina Panganiban (1970), Santiago (1991), Garcia (1999), at


Resuma (2002).
Binigyan diin ni Panganiban (1970, Tanawan et al, 2007) na ang pagsusuri
ay pagbasag o paghihiwalay ng mga bahagi at sangkap ng bagay na sinusuri
upang mapag-aralan at maunawaan ang tungkulin ng bawat bahagi o sangkap;
a) ayon sa ganang sariling kahalagahan; b) ayon sa kaugnayan ng isat isa o ng
bawat isa sa ibang kaalaman ng bahagi o sangkap; c) ayon sa kaugnayan ng

bawat bahagi o sangkap sa kabuuan (Tanawan et al, 2007). Isinaalang-alang ng


pananaliksik na ito ang pagsusuri sa mga sumusunod: 1) Ayos ng pangungusap,
kung saan may dalawang ayos ang pangungusap, ang di-karaniwan o
karaniwang ayos; 2) Tungkulin ng pangungusap, na tumutuon sa apat na
tungkulin ng pangungusap ang paturol, pautos, patanong at padamdam; 3)
Kayarian, ang pangungusap ay may apat na kayarian payak, tambalan,
langkapan at hugnayan; 4) Pagbabalangkas, kung saan ay iginuhit larawan ng
pangungusap upang ipakita, sa biglang tingin ang mga pag-uugnay-ugnay ng
mga sangkap ng pangungusap.

Ayos ng Pangungusap
Dalawa ang ayos ng pangungusap sa wikang Filipino: Una, ang
Karaniwang Ayos kung saan ang pangungusap ay nauuna ang panaguri sa
paksa. Halimbawa, Masisipag at mababait ang mga anak ni Delia. Magagaling
silang magkakapatid. Pangalawa ay ang Di-karaniwang ayos o kabalikan kung
saan ang pangungusap ay nasa kabalikang ayos kapag nauuna ang paksa sa
panaguri. Ginagamitan ito ng panandang ay. Halimbawa, Ang mga anak ni
Myrna ay mababait at matatalino. Silang magkakapatid ay mayayaman.
Katutubo sa kayarian ng pangungusap na Tagalog (batayan ng Filipino) na
mauna ang panaguri sa paksa.

Mapapansing isa ito sa mga kaibahan sa

kayarian ng mga pangungusap na Tagalog sa Ingles. Sa Ingles, ang ayos ng


mga bahagi ng pangungusap ay simuno-panaguri. Sa Filipino, panaguri-paksa,
paksa-panaguri. (Santiago, 1991)

Ang ayos ng pangungusap na binabanggit dito, ang karaniwan at dikaraniwang ayos ay isa sa pokus ng pagsusuri. Bubusihing mabuti ang mga
pangungusap na taglay sa mga nobela kung nasa karaniwan o di karaniwang
ayos ang mga ito.
Tungkulin ng Pangungusap
Isa sa mga batayang ginamit ng mananaliksik sa kanyang pagsusuri ay
ang tungkulin ng pangungusap (Tanawan et al, 2007) na hinati niya sa mga
sumusunod: paturol, pautos, patanong, at padamdam.
Ang Paturol na pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan,
kalagayan, palagay o pangyayari kung saan ginagamitan ng bantas na tuldok.
Halimbawa, Magaganap ang eleksyon sa Mayo 9, 2016.

Nagbanta ng

pagwewelga ang mga miyembro ng MILF, MNLF, NPA at iba pang grupo kapag
dinaya sa pagkapangulo si Mayor Duterte. Patanong naman ang pangungusap
na nag-uusisa o nagtatanong, na sinasagot ng oo at hindi o kaya ay isang
impormasyon o pagpapaliwanag. Ginagamitan ito ng bantas na pananong (?) na
kalimitang ginagamitan ng salitang isang kataga o marker na patanong sa loob
ng pangungusap. Halimbawa, Nakabili ka na ba? Bakit mo siya iniwan? Ang
Pautos o Pakiusap ay pangungusap na nag-uutos o nakikiusap na karaniwang
nilalagyan ng kuwit kapag may tinatawag. Ginagamitan ng bantas na tuldok at
ang panlaping maki- at paki- ay karaniwang ginagamit upang magpahayag ng
pakiusap at paggalang. Halimbawa, Pakikuha mo ang mga bulaklak sa mesa.
Pumasok ka ng maaga. Padamdam, ito ay mga pangungusap na nagsasaad ng
matinding damdamin tulad ng sakit, tuwa, galit, at iba pa. Ginagamitan ito ng

bantas na padamdam (!). Halimbawa, Naku! Nahulog ang bata. Ito na ang
pinakamaligayang sandal sa aking buhay!
Pokus din ng pagsusuri ang tungkulin ng pangungusap: paturol, pautos,
patanong, at padamdam na siyang tutukuyin sa mga nobela ng Bisaya magasin.
Kayarian ng Pangungusap
Ang Payak na pangungusap ay binubuo ng isang buong diwa o kaisipan.
Maaaring ito ay may payak na paksa at payak na panaguri, tambalang paksa at
payak na panaguri, payak na paksa at tambalang panaguri, tambalang paksa at
tambalang panaguri na pinag-ugnay ng salitang at. Halimbawa, 1) Ang Marawi
City ay isang malamig na lugar. (payak na paksa at payak na panaguri) 2) Ang
mga magsasaka at ang mga guro ay nagkakaisa ng layunin. (tambalang paksa
at payak na panaguri) 3) Ang mga pulitiko ay nangangampanya at nanunuyo sa
mga botante. (payak na paksa at tambalang panaguri) 4) Ang mga mag-aaral at
ang mga guro ay nagtutulungan at nagkakaisa para sa kaunlaran ng paaralan.
(tambalang paksa at tambalang panaguri)
Tambalan ang pangungusap kung ito ay binubuo ng dalawa o higit pang
sugnay na makapag-iisa.

Maaaring ang mga sugnay ay magkatulong at

magkapantay o maaaring magkaiba.

Ito ay pinag-uugnay ng at, ngunit,

datapwat, subalit. Halimbawa, Si Errol ay sumasayaw a t si Sandra ay nanonood


sa kanya. (magkapantay); Ang mga guro ay nagbabakasyon ngunit ang mga
mag-aaral ay nahihirapang gumagawa ng kanilang proyekto. (magkaiba)
Hugnayan ang pangungusap kapag binubuo ng isang sugnay na
makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Ito ay pinag-uugnay

ng kung, kapag, samantala, habang, sapagkat, upang, nang, pagkat, dahil sa.
May paksa at panaguri subalit bahagi lamang ito ng pangungusap. Halimbawa,
Nasira ang kamera habang pinipindot ng dalaga. Kung mawawala ka sa piling
ko sinta, guguho ang mundo ko.
Langkapan naman ang pangungusap kung ito ay binubuo ng dalawa o
higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapagiisa. Halimbawa, Tataas ang grado mo at magkakaroon ka ng karangalan kung
mag-aaral ka nang mabuti. Nang pumunta kami sa Ifugao, si Erick ay nasa
palayan at si Dona ay nagluluto ng pagkain para sa tanghalian.
Itinuturing na kayarian ng pangungusap ang mga sumusunod: payak,
tambalan, langkapan, at hugnayan.

Sa konteksto ng sintaktikal na analisis

mahalagang masuri at maiugnay ang mga pangungusap na hango sa mga


nobela ng Bisaya magasin sap unto ng kayarian ng pangungusap.
Pagbabalangkas
Si Santiago (1991) sa kanya ang sintaksis o palaugnayan ay sistema ng
pagsasama-sama o pag-uuganay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng
pangungusap. Sa payak na paraan ay binigyang pokus niya ang ibat ibang
balangkas ng mga batayang pangungusap sa Filipino at kung papaanong ang
mga ito ay mapapalawak. Ang pangungusap ayon sa kanya ay isang sambitlang
may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig na ito ang nagsasaad na
naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang ipaabot sa
kausap tulad halimbawa ng, Nanay! Aray! May sunog! Umuulan. Halika.
Magandang umaga po.

Ipinaliwanag ni Santiago (1991) na ang mga pangungusap na binananggit


sa itaas ay mga panawag, naipapahayag na ng sambitlang ito ang nais ng
nagsasalita na tawagin ang kanyang ina. Ang sumunod naman na halimbawa ay
nagsasaad ng damdamin, sa sambitlang ito ay para na ring sinabi ng nagsasalita
ang Nasaktan ako. Ang sumunod na pangugngusap kapag narinig natin ay tiyak
na mauunawaan nating ang isang bahay o gusali, o pulutong ng mga bahay o
gusali ay nasusunog. Lahat ng pandiwang palikas o phenomenal ay mayroon
ding kasipang nauunawaan na. Walang sinumang nagsasabi ng Umuulan ang
kalikasan.

Kapag sinabi sa iyo ng isang tao ang pangungusap na ito, alam

mong pinalalapit ka niya sa kanya. Hindi na kailangan pang sabihin sa iyo ang:
Lumapit ka sa akin. Bawat bating panlipunang tulad nito ay nauunawaan na rin
ng pinag-uukulan. Ang halimbawang ito ay may kahulugang: Ikaw ay binabati ko
ng magandang umaga o Sumaiyo sana ang isang magandang umaga.
Sa makabagong paraan ng pagbabalangkas ayon pa kay Santiago
(1991), ang dalawang bahagi ng pangungusap ay maipakikita nang ganito:
Pangungusap

Panaguri

Paksa

Samantala ang transpormasyon namang nagaganap kapag ang karaniwang


ayos ay ginagawang di-karaniwang ay maipapakita sa sumusunod na balangkas.

Pangungusap

Pangungusap

10

Panaguri

Paksa
Panaguri

Paksa

ay

Kapag pinag-aaralan ang ibat ibang padron ng pagbabalangkas mula sa


mga dalubhasa sa wika, mababakas ang mga pagbabago nito. Nariyan ang
padron ni Panganiban (1970), Sebastian (1974), at Garcia na may kanyakanyang mga tuntuning sinusunod. (Tanawan et al, 2007)
Subalit binigyan pokus ng mananaliksik ang padron ni Garcia (Tuntunin sa
Pagpaparilala ng Wikang Filipino) sapagkat ito ang kanyang gagamiting modelo
sa pagbabalangkas ng kanyang datos. Ang padron ni Lydia Gonzales Garcia
ay sumusunod sa mga tuntuning dapat isaalang-alang sa pagpaparirala.
Nahahati ang kanyang padron sa mga pangungusap na di berbal o mga
pangungusap na walang pandiwa at pangungusap na berbal o mga
pangungusap na may pandiwa. Mas madaling maintindihan ang kanyang mga
tuntunin kung susundin ang sumusunod na mga pormula na nasa kaugnay na
literatura: (Tanawan et al, 2007)
Narito ang mga halimbawa una, sa Pangungusap na di-berbal
1. Pangungusap na binubuo ng panaguring pariralang pangngalan at
simunong pariralang pangngalan.

11

a. Si Jose ang doktor.


PP

PH

PH

Pn

Pn

Si

Jose

ang

doctor

Si Jose

ang doctor

Legend:
PP
P
S
PN

=
=
=
=

Pangungusap
panaguri
Simuno
(pariralang pangngalan)

M
Pn

=
=

Marker na si
(pangngalan na pantanging sin a Jose)

2. Pangungusap na may panaguring pang-uri at simunong pariralang


pang-uri
a. Masipag si Gloria.
PP
P

PU
M

PN
Pu

Pl

Pn

si

Gloria

s.u.

Ma-

sipag
Masipag

si Gloria

12

b. Mangagagamot si Ana.
PP
P

PN

PN

Pn

manggagamot

si

Manggagamot
3. Pangungusap

na

PN
Ana

si Ana

may

panaguring

pariralang

panghalip

at/o

simunong pariralang panghalip.


a. Sila ang magaganda.
PP
P

PH
M

PU
Ph

Pu
pl

s.u

sila
ang

ma-

Sila
ang magaganda

A. Pangungusap na Berbal

ganda

13

1. Pangungusap na walang kaganapan


a. Darating ako
PP
P

PD

PH

Pd
Asp

pl

s.u.

Asp

-um

dating

Ph

ako
ako

darating

2. Pangungusap na may kaganapan ng pandiwa


PP
P

PD

PN

Pd
asp

pl

asp- in-

s.u.
bili

ng

Pn

ka

ang

isda

pn

Ng ina
Binibili
1.) Gol pokus
2.) Actor Pokus

ng ina

ang isda

14

PP
P

PD

PN

Pd
asp

pl

s.u.

asp um-

kg

kuha

kl

kb

ng pn sa pn sa
ng salapi sa

Pn

ang

tatay

pn
bangko para sa anak

ang tatay

kumuha ng salapi

sa bangko

para sa anak

3. Instrumental Pokus
PP
P

PD

PN

Pd
asp

pl

K
s.u.

asp ipang-

ka
talop

kg
ng

ng
Ipanantalop

pn

Pn

ang

kutsilyo

ng pn

bata ng suha

ng bata

ng suha

ang

kutsilyo.
Narito ang isa pang padron sa pagbabalangkas na makatulong sa
malinaw na pagkakaunawa ng pangungusap.

15

1. Payak na pangungusap
Ang pangungusap ay nasa padron na tungkulin sapagkat ito ay
nagsasalaysay, payak na kayarian, nasa di-karaniwang ayos. Ang Baguio
City ay ang buong simuno at ang buong panaguri naman ay isang
malamig na lugar.

Ang payak na paksa ay Baguio City na isang

pangngalang pantangi ng isang lunan, isahan, walang kasarian at nasa


kasukulang palagyo bilang simuno. Ang ay ang pantukoy, isahan, at
nasa kaukulang palagyo.

Ang Baguio City ay isang malamig


na lugar.

ay

Bagui
o
ang

malamig +
na
lugar
Isa -na

Ang panaguri naman ay ay isang malamig na lugar. Ang payak na


panaguri malamig na isang pang-uring panlarawan, isahan, may lapi at may
pang-angkop na. Ang salitang isang ay ang naging panuring.

2. Tambalan Pangungusap
Ang nanay ay nagluluto at ang anak ay
tumutulong sa kanya.

16

Ang nanay ay
nagluluto.

nana
y
ang

ay

naglulut
o

ang anak ay tumutulong sa


kanya

anak
ang

ay

tumutulo
ng

sa

kany
a

Ang pagbabalangkas ni Garcia (Tanawan et al, 2007) na naunang


tinalakay ang siyang gagamiting modelo o padron ng mananaliksik sa kanyang
pagsusuri sa mga pangungusap na hango sa mga nobela ng Bisaya magasin.
Mapapansin ang dalawang kayarian ng pangungusap na binalangkas sa itaas,
ang payak at tambalang pangungusap.

Konseptuwal na Balangkas

17

Paglalahad ng Suliranin
Cebuano ang unang wika ng mga mag-aaral sa bayan ng Cagayan de
Oro na hindi nabibilang sa labindalawang pangunahing wika sa bansa na
binanggit ng labindalawang wikang nadagdag na ngayon ay umabot na ito sa
labinsiyam na wikain na siyang ginagamit na unang wika mula kinder hanggang
ikatlong baitang.Ibig sabihin na wala pang materyales o mga kagamitang

18

pampagtuturo na maaaring gagamitin ng mga guro sa Unang wika o Mother


Tongue sa nabanggit na wika.Malaking problema sa mga gurong nagtuturo ng
unang wika o mother tongue kapag walang kagamitang gagamitin nila sa
pagtuturo.Ito

ang

nakitang

suliranin

ng

mananaliksik

ng

kagamitang

pampagtuturo na gumagamit ng wikang Cebuano-bisaya. Ang mga tekstong


gagamitin ay layunin ng pananaliksik na ito na masuri ang sintaktikal na analisis
ng mga pangungusap na hango sa nobela ng Bisaya Magasin na siyang
gagamitin bilang hanguang materyal (source material) para sa sintaktikal na
analisis. Ang kinalabasan o resulta ng pag-aaral na ito ay gagamitin bilang
batayan sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo (instructional materials) para
sa asignaturang pangwika o panggramatika sa elementarya.
Tiyak na tutugunin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang ayos, tungkulin, at kayarian ng pangungusap na hango sa
mga nobela ng Bisaya magasin?
2. Paano binabalangkas ang mga pangungusap na hango sa mga nobela
ayon sa padron/modelo ni Garcia (berbal at di berbal)?
3. Batay sa kinalabasan, ano ang maaaring mabubuong kagamitang
pampagtuturong pangwika o panggramatika para sa elementarya?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang resulta ng pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong sa Batayang
kagamitang Pampagtuturo para ss K-12 na siyang gagamitin sa pagtuturo sa
mga mag-aaral upang bubuo ng isang makabuluhan at mabungang pangakademikong gawain.

19

Sa Tagapagtaguyod ng Edukasyon, makatutulong ito bilang pagkukunan


ng impormasyon sa kanilang pagsasagawa ng plano at pagpapatupad ng
kanilang kurikulum sa naayon sa pangangailangan, upang maigapay sa
pamantayang pandaigdig ang pagpapataas ng uri ng ating edukasyon sa
Pilipinas.
Sa mga tagapagmasid, ng mga guro makakatulong ito sa kanilang
pagsusubaybay sa lalong ikakabuti ng mga guro at mag-aaral.
Ayon kay Richards( 2000) malaki ang kaugnayan ng mahusay na kagamitang
pampagtuturo sa paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ang mga
kagamitang pampagtuturo ay pangunahing sandata ng guro upang mabisang
maihahatid ng maayos ang paksang ituturo.
Sinusugan naman ito ni Tomlinson( 2001) Binanggit niya na ang kagamitang
pampagtuturo ay marapat na nakatutulong sa paghubog ng kamalayang
Saklaw at Limitasyon
Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang sintaktikal na analisis ng wikang
Cebuano na hango sa mga nobelang inilatha ng Bisaya magasin mula
Nobyembre 18, 2015 hanggang Abril 16, 2016. Apat na bahagi ang kasangkot
sa pagsusuri: ang ayos, tungkulin, kayarian, at pagbabalangkas ng mga
pangungusap na hango sa mga nobela.

Ang pagbabalangkas ng mga

pangungusap na taglay sa mga nobela ay ayon sa padron/modelo ni Garcia


(berbal at di berbal).
Mga Terminong Ginamit
Binibigyang katuturan sa bahaging ito ang mga terminong ginamit sa pagaaral ayon sa teoretikal at sa pagkakagamit nito.

20

Ayos ng Pangungusap.

Katutubo sa kayarian ng pangungusap na Tagalog

na mauna ang panaguri sa paksa (Santiago 1991). Nagpapaliwanag ito na


sa loob ng pangungusap nauuna ang panaguri at sinusundan ng paksa o
kaya ay nauuna ang paksa kaysa panaguri.

Bisaya Magasin.

Ito ay magasin na lingguhang inililimbag na naglalaman ng

ibat ibang anyo ng panitikang Bisaya tulad ng kuwento, nobela at iba pa.
Wikang Cebuano ang naging midyum na ginagamit ng magasin na ito. Ito
ang hanguang datos ng pag-aaral.
Deskriptibong Pamamaraan. Isang imbestigasyon na naglalarawan at
nagbibigay kahulugan sa mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap;
mga gawaing umiiral; mga paniniwala at prosesong nagaganap; mga
epektong nararamdaman o mga kalakarang nadedebelop (Best 1976).
Di-karaniwang Ayos.

Ang ayos na nauuna ang paksa sa panaguri ay hindi

karaniwang ginagamit, masasabing ito ang di-karaniwang ayos ng mga


pangungusap sa Filipino ( Santiago 1991)
Sa pag-aaral na ito, ang mga di-karaniwang ayos ng pangungusap
ay pinagsama-sama at sinuri ang mga posisyon ng mga bahagi ng
pananalita sa payak na pangungusap sa di-karaniwang ayos.
Karaniwang Ayos. Una ang panaguri kaysa paksa. Sa isang taal na tagalog,
ganito ang karaniwang ayos ng mga pangungusap.

Masasabing

panaguri-paksa ang karaniwang ayos ng mga pangungusap (Santiago


1991).

21

Hugnayang Pangungusap.

Ang pangungusap na hugnayan ay binubuo ng

isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapagiisa. Ito ay pinag-uugnay ng kung, kapag, samantala, habang, sapagkat,
upang, nang, pagkat, dahil sa.

May paksa at panaguri subalit bahagi

lamang ito ng pangungusap. (Tanawan et al, 2007)


Sa pag-aaral na ito, ay isang uri ng pangungusap ayon sa kayarian
na siyang bahagi ng sintaktikal na analisis para sa datos ng kasalukuyang
pag-aaral.
Langkapang Pangungusap.

Ang pangungusap na langkapan ay binubuo ng

dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na


di makapag-iisa, ginagamitan ng kung at nang. (Tanawan et al, 2007)
Sa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa kayarian ng pangungusap na
siyang datos ng pag-aaral.
Nobela. Kathang isip na naglalarawan ng karanasan at katotohanan; kathang
isip na sumasalamin sa buhay.
Padron ni Garcia. Tinatawag din itong Tuntunin sa Pagpaparirala ng Wikang
Filipino kung saan nahahati sa mga pangungusap na di berbal o mga
pangungusap na walang pandiwa at pangungusap na berbal o mga
pangungusap na may pandiwa. (Tanawan et al, 2007)
Sa pag-aaral na ito tumutukoy sa pagbabalangkas na ginamit ng
mananaliksik upang maipakita ang paglalarawan ng mga pangungusap na
siyang datos ng pag-aaral.

22

Pagbabalangkas. Ang pagbabalangkas ay isang iginuhit na larawan ng


pangungusap upang ipakita, sa biglaang tingin ang mga pag-uugnayugnay ng mga sangkap ng pangungusap.

Ito rin ay isang madaliang

paglalarawan ng mga kalagayan sa pagsusuri ng pangungusap na ginawa


at nagsisilbing patnubay sa pagpapaliwanag ng pagsusuri, ngunit
kailanman ay hindi dapat iaplagay na mas mahalaga ito sa pagsusuri.
(Tanawan et al, 2007).
Sa papel na ito, ang pagbabalangkas ay isa sa mga bahagi ng
sintaktikal na analisis upang maipakita ng mananaliksik ang paglalarawan
ng mga pangungusap.
Pangungusap.

Ang pangungusap ay siang sambitlang may patapos na

himig sa dulo. Ang patapos na himig na ito ang nagsasaad na


naipahayag nan g nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang
ipaabot sa kausap. (Santiago 1991)
Sa pag-aaral na ito ang pangungusap ay tumutukoy sa datos ng
pag-analisa na hango sa Bisaya magasin.
Padamdam. Ito ang mga pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin
tulad ng sakit, tuwa, galit, at iba pa. Ginagamitan ng bantas na padamdam
(!).
Patanong.

Ito ang pangungusap na nag-uusisa o nagtatanong, na sinasagot n

goo at hindi o kayay isang impormasyon o pagpapaliwanag. Ginagamitan


ito ng bantas na pananong (?). Kalimitang ginagamitan ng salitang ban a

23

isang kataga o marker na patanong sa loob ng pangungusap. (Tanawan et


al, 2007).
Paturol.

Ito ang mga pangungusap na nagpapahayag ng katotohanan,

kalagayan, palagay o pangyayari, ginagamitan ng bantas na tuldok.


Pautos.

Isa ring pakiusap ang pangungusap na ito na nag-uutos na

karaniwang nilalagyan ng kuwit kapag may tinatawag. Ginagamitan ng


bantas na tuldok. Ang panlaping maki at paki ay karaniwang ginagamit
upang magpahayag ng pakiusap at paggalang.
Payak na Pangungusap. Ang payak na pasngungusap ay binubuo ng isang
buong diwa o kaisipan. Maaaring ito ay may payak na paksa at payak na
panaguri, tambalang paksa at payak na panaguri, payak na paksa at
tambalang panaguri, tambalang paksa at tamblang panaguri na pinagugnay ng salitang at.
Sa papel na ito, ang payak na pangungusap ay tumutukoy sa uri ng
pangungusap na isa sa mga bahagi ng sintaktikal na pag-analisa, hango
ito sa Bisaya magasin na siyang datos ng pag-aaral.
Sintaktikal na Analisis. Tumutukoy sa paraan ng pagsusuri o pag-analisa ng
datos na tungkol sa 1) ayos ng pangungusap (karaniwan at di karaniwang
pangungusap); 2) tungkulin ng pangungusap (paturol, pautos, patanong,
at

padamdam);

3) kayarian

ng

pangungusap

(payak,

tambalan,

langkapan, at hugnayan); at 4) pagbabalangkas.


Tambalang Pangungusap.

Ang pangungusap na tamblan ay binubuo ng

dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa. Maaaring ang mga sugnay

24

ay magkatulong at magkapantay o maaaring magkaiba. Ito ay pinaguugnay ng at, ngunit, datapwat, subalit. (Tanawan et al, 2007)
Wikang Cebuano. Ang Wikang Cebuano ay sinasalita ng tinatayang
25,000,000 katao sa bansa at bumubuo sa pinakamalaking wika sa
Kabisayaan. Karamihan sa mga tagapagsalita ng Cebuano ay
matatagpuan sa Cebu, Bohol, Siquijor, Biliran, Kanluran at Katimugang
Leyte, silangang Negros.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Sebwano4/15/2016.
Sa papel na ito, ang wikang Cebuano ang wikang midyum ng mga
pangungusap na hinango sa nobela na susuriin ng mananaliksik.

TSAPTER 2
KONSEPTUWAL NA LITERATURA AT MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
Tinatalakay sa bahaging ito ang mga literatura at pag-aaral na may
kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral. Tinatalakay sa kaugnay na literatura
ang mga teorya na may kinalaman sa sintaktikal na analisis pokus sa ayos ng

25

pangungusap, tungkulin ng pangungusap, kayarian ng pangungusap, at


pagbabalangkas. Sa kaugnay na pag-aaral
Mga Konseptuwal na Literatura
Sintaks sa Wikang Ingles (Radford 1980)
Lahat ng mga pangungusap na naka-estrukturang
herarkikal mula sa mga salita at parirala, at bawat component
ng mga salita at parirala ng isang pangugnusap ay nabibilang sa
tiyak nakategorya Radford (1980:55)
Sa lingguwistika, ang lahat ng lupon ng salita ay nauugnay sa isang
sistema. Mula sa pahayag ni Radford, tunay nga na ang mga salita ay may
kategorya kinabibilangan sa bahagi ng pananalita (part of speech). Ang lahat ng
morpema sa isang lupon ng salita mapa-pangnilalaman man o pangkayarian ay
maaaring tukuyin. Sa wikang Ingles ay may ang tinatawag na construction. Ang
construction ay maaaring parirala, sugnay o pangungusap na binubuo ng mga
morpema at ang bawat morpemang ito ay tinatawag na constituents.
Halimbawa nito ay ang pariralang ang magaling na bata, kung saan
maituturing itong isang construction sapagkat binubuo ito ng apat (4) na salitang
ang, magaling, na at bata na kung tawagin ay constituents. Sa madaling
sabi, ito ang magiging pormat sa gagawing pagpapakita ng morposintaktika sa
paksa ng isang pangungusap. Nararapat tandaan na ang construction ay hindi
lamang ekslusibo sa parirala kundi ito ay maaari rin sa tatlong mahahalagang
yunit: pangungusap, parirala at sugnay (makapag-iisa o di makapag-iisa).

ang
Construction
Constituents

magaling
bata

na

26

ang

magalin
g

na

bata

Pigura 1. Konstruksyon at konstituwents


Ang palaugnayang Ingles ay naaanyo sa dalawa, ito ang aktibong
pangungusap (active) at pasibong pangungusap (passive). Ang aktibong
pangungusap kung ihahambing sa wikang Filipino ay masasabing karaniwang
ayos ng pangungusap, samantala ang di-karaniwan naman ay ang pasibong
pangungusap. Ang mga pangungusap na ito nagdedetermina sa tinatawag na
deep at surface structure.
Ayon sa Britannica Encyclopedia, ang deep structure ay tumutukoy sa
lahat ng morpemang nabuo sa isipan at pinagbabatayan ng isang pangungusap.
Ang halimbawa nito ay, The man is wise. Mula sa pangungusap na ito ay
maaaring makabuo ng ibat ibang pangungusap bilang pagpaparami ng
kaisipang ipinapahayag. Kaya maaaring gawin ang ganitong mga pormasyon na
naderayb sa pangungusap halimbawa, Is the man wise?, Who is the wise?, The
man is really wise., The man wearing blue jacket is very wise., at iba pa. Ang
mga nabuong pangungusap na ito ay tinatawag na surface structure, na
nagsasabing ang konstruksiyon ay halaw sa isang konstruksiyon.
Alituntunin ng Estrukturang Nakapag-iisa
Lahat ng operasyong gramatikal ay itinuturing na nasa estrukturang
nakapag-iisa. Ang wika rin naman ay talagang may sistemang sinusunod at hindi
basta-basta nabubuo lamang.

Kung mapapansin, ang lahat ng salita ay

27

mayroong kategoryang kinabibilangan kaya naman ang bawat salita ay nakapagiisa.

Ibig sabihin maaaring ilagay ang isang salita sa ibang posisyon na

nananatili pa rin ang kontribusyon o kategorya nito sa loob ng pangungusap.


Subalit hindi nangangahulugang kahit saan na lamang ilalagay ang salita sa loob
ng pangungusap, kailangan pa ring isaalang-alang ang tungkulin o gamit nito sa
loob ng pangungusap. Halimbawa, ang pangngalan ay maaaring maging paksa
ng pangungusap subalit maaari rin itong ilagay banda sa bahaging panaguri at
maging saan man ito maaring ilalagay. Upang lalong maintidihan nang maaayos
pansinin ang halimbawang ito:
Gumawa ng patanong na pangungusap mula sa pasalaysay na pangungusap.
John can
1

lift

500

pounds.
5

Ang pangungusap na ito ay binubuo ng anim na morpema na nagsisilbing


constituents nito. Kung titingnan ang pangungusap, ito ay nasa anyong
pasalaysay na pangungusap. Kung iisa-isahin natin ang mga salita o morpema
sa loob ng pangungusap ay ganito, John-pangngalan, can-pantulong na
pandiwa, lift-ganap na pandiwa, 500-pangngalan, at pounds-pangngalan.
Mapapansin na mayroong mungkahi bago ang pangungusap isang sitwasyong
gawing patanong ang pangungusap gamit ang mga morpemang bumubuo rito.
Sa wikang Ingles ay nagagamit ang pandiwa bilang patanong kapag ito ay
inilagay sa unahan ng pangungusap. Kaya ito ay magiging
Tuntunin (Rule): Ilagay ang salitang can sa inisyal na posisyon.

28

Can John lift the 500 pounds?


Nang mailagay ang salitang can sa unang bahagi ng pangungusap ay
nagsasaad na ito ng patanong. Ang patern na 1, 2, 3 at 4 ay naging 2, 1, 3 at 4.
Nangangahulugan lamang na may kakayahan ang pandiwa na ilipat o ilagay sa
ibang sitwasyon ng pangungusap.

Bilang

Konklusyon, karamihan sa

palaugnayan/sintaks ng wikang Ingles ay maaaring maderayb sa ibang anyo.


Ang mahalagang batayan ay ang mga sumusunod: postulating parts of speech,
postulating the notion of subject, at reffering to the linear order.
Tatlong aspeto ng estruktura ng pangungusap
Ang linyar na pagkakaayos ng mga salita sa isang pangungusap. Ito
naman ay tumutukoy sa posisyon ng mga morpema na nakakagawa ng
kaisipang nauunawaan. Dito na papasok ang gampanin ng kung anong bahagi
ng pananalita ito nabibilang. Maaaring tingnan ang halimbawa na nagpapakita ng
ayos ng mga salita at kailangan lamang tandaan na sa Inlges ay mas bersatilo
ang pagpapalit ng pwesto ng salita.
Mga kategorya ng mga salita sa bahagi ng pananalita.

Ang bagay

namang ito ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita at kung ang salita ba ay


pangnilalaman o pangkayarian. May mga salita na magkakatulad ng baybay at
magiging magkakaiba lang ito dahil mapapansin sa posisyon sa pangungusap
kung paano ito gagamitin.
Pagpapangkat ng mga salita sa estruktural na constituents ng
pangungusap. Kapag ang palaugnayang Ingles ay tiningnan na sa aspeto kung

29

papaano titingnan ang sintaks nito ay gagamitin ang pinakapromeninente mula


sa malawak hanggang sa tiyak.
Mahalaga rin ang tatlong aspeto ng estruktura ng pangungusap ayon sa
modelong Ingles sapagkat umaayon din naman ang estruktura ng pangungusap
ng Filipino at wikang Cebuano sa koseptong ito. Sa sintaktikal na pagsusuri
bahagi ang mga kategorya o bahagi ng pananalita sapagkat ito ang nilalaman ng
pangungusap.
Samantala, sa malalim pang pagtalakay at pag-analisa ng sintaks, ang
tinatawag na bracketing at tree diagram at box diagram ay mga bagay na
nararapat malaman at pag-aralan lalo na sa pag-analisa ng pangungusap ng
alinmang wika. Mahirap wika nga ng iba subalit sa paglalarawan ng isang wika
ay nakakatulong ang ganitong paraan tungo sa pag-unawa ng isang
pangungusap.

Tunghayan ang ibat ibang notasyon sa estruktura ng

palaugnayang Ingles sa ibaba.

Ibat ibang notasyon sa estruktura ng palaugnayang Ingles

Bracketing vs. tree diagram vs. box diagram


S [NP, VP]

NP

VP

NP

VP

30

Ang tatlong halimbawang pagpapakita ng sintaks na paraan ay maaaring


alin sa tatlo. Kadalasan sa mga pag-aaral, ang tree diagram ang pinakagamitin
sa tatlo sumunod naman ang bracketing. Ang kahirapan naman sa box diagram
ay nakakaubos ng oras kung magpapakita ng maraming halimbawa na isang
sintaks ng konstruksiyon.
Halimbawa nito:
Payak

na

pangungusap

maikling

pangungusap

at

mahabang

pangungusap

S
NP

Aux

Art

VP

NP

Art
The

sun

will

dry

N
the

grapes

The sun will dry the grapes.

Ang pangungusap na ginamit ay halimbawa ng isang simpleng o payak


pangungusap. Ipinapakita ito sa paraang tree diagram at bracketing. Makikita na
ang pangungusap ay hinati sa tatlo. Ang unang bahagi ay ang Noun Phrase (NP)
na tumutukoy sa paksa, pangalawa ay pantulong na pandiwa (Aux) na nag-iisa
at Verb Phrase (VP). Ang NP naman ay binubuo ng pantukoy na The at
S ay ang will. Sa VP naman ay ang pandiwang
pangngalan na sun. Ang pantulong
NP

Aux

dry, pantukoy na The sa pangngalan na grapes.


Art

PP

VP
V

NP

PP
P
P

NP

Art

NP
Art
Art

31

The people in the room will move the desk into the hall.

Sa mahabang pangungusap na ito ay kagay ng nauna na binubuo ng


tatlong bahagi. Ang NP ay binubuo pantukoy na the, pangngalan na people,
pang-ukol na in, pantukoy na the, at pangngalan na room. Sa pantulong na
pandiwa ay nag-iisa ang will. Ang sa VP naman ay binubuo ng pandiwang move,
pantukoy na the, pangngalan na desk, pang-ukol na into, pantukoy na the at
pangngalan ng hall.

Relasyong nodes
Kapag ang mga dibisyon ng parirala ay nagsanga at ang mga sanga nito
ay ang tinatawag na daughter node at ang nasa itaas na node ay ang tinatawag
naming mother node. Kagaya ng makikita sa ibaba, na ang nakabilohaba ay ang
anak na noda at ang pinagmulan nito ay ang inang noda. Ang paliwanag na ito
ay nagpapakita kung saan nag-ugat ang isang salita. Para lamang itong pagaangkan.
VP
V

NP
Art

daughters of the same


mother node=sisters

32

Istrukturang Parirala ng Gramatika: mula sa tree sa pasulat na tuntunin


May paraan kung paano gumawa ng pagbubuod ng sa tree diagram
upang maipakita ang mga malinaw na paliwanang. Kagaya ng makikita sa ibaba,
ang phrase instructure ng the sun will dry the grapes ay may synopsis ng S na
binubuo ng NP, Aux at VP. Sa NP ay binubuo ng Art at N at sa VP ay V at NP.
Ang tuntunin na ito ay isang direksiyong maayos.
S
NP

Aux

Phrase

VP

structure

rules
Art
N
AUX VP

V
Art

NP
N

S
NP

ASrt

NP
N

Sulyap sa Estrukturang Pagpaparirala ng Gramatika

Nagsimula ang paglalarawan sa pagpaparirala gamit ang generative rule


na makikita sa generative grammar (ang generative grammar ay isang set ng
promal, isinasaayos na nakakabuo ng lahat at mahusay na ayos ng
pangungusap.) Ang gramar ay naglalarawan sa tacit o likas na kaalaman ng
isang tagapagsalita o tagapakinig sa kanyang wika. Malaki ang pribelehiyo ng
sintaksis sa gramatika dahil sa generative na konsepto subalit iniuugnay pa rin
ito sa ibang usapin sa estrukturalismo.
Estrukturang parirala ng NP (Noun Phrase)

33

Ang NP ay maaaring buuin ng maraming morpema gaya ng makikita sa


ibaba. Sa unang pangungusap na She is weird. ay binuo lamang ng isang NP.
Ang Mary is nice. ay binubuo rin ng isang morpema at ang kaibahan ng dalawa
ay ang una ay panghalip at ang pangalawa ay pangngalan. Ang The girl is nice.
at A big man walked along the river. ay mga pangungusap na binubuo naman
ng parirala. Ang pangungusap na mga kasunod ay binubuo ng mga paksa na
may pang-ukol.
Example: PS-rule for NP
[She] is weird.
[Mary] is nice.
[The girl] is nice.
[A big man] walked along the river.
[An even bigger woman] passed him by.
[Water in the basement] is a bad sign.
[The people in this room] are bored.
[All
the people
in this
room] are bored.
From
this data
we get:
[The
guy
who
I
saw
last
time] didnt show up.
- NP
N
[. . -.] NP
Art N
-

NP
NP

N PP
Art NPP
NP
(Q)
(Art)
(AP) N (PP) (S)
- NP
Quatifier Art
N
- NP
Art AP
N
Ang makikita
naman
itaas ay ang buod ng mga pangungusap na nakita
- NP
Artsa NS

sa isang larawang ipinakita. Bilang kongklusyon, masasabing mabuo sa isang


pariralang paksa ang quatifier article (pantukoy), AP (pariralang pang-uri), N
(pangngalan), at PP (pariralang pang-ukol).
Bahagi ng Pangungusap: Anyo at Gampanin
Different levels of description:
Form classes
Phrase level
relations)
NP, VP, AdjP, PP
Predicator (P),

Functional classes
Within clause (grammatical
Subject (S),
Object (O), [...]

Word level
N, V, Ajd, Adv, P
phrase

within

34

May ibat ibang lebel para sa paglalarawan ng konstruksiyon sa mga


pangungusap, parirala, sugnay, at salita. Batay rito, ito ay nahahati sa dalawang
klase. Ang una ay ang form classes at ang pangalawa ay functional classes. Sa
una ay binubuo ng lebel para sa parirala na maaaring maging NP, VP, AdjP at PP
at sa salita na maaaring maging N, V, Adj, Adv, at P. sa pangalawang klase
naman ay ang sugnay na maaaring paksa, panaguri, palayon at iba pa, at ang sa
loob ng parirala na maaaring maging turing, head at iba pa.
Sa usaping sugnay
The seven basic clause patterns:
Subject (S)
Predicator (P)
Object (O)
Complement (C)
Adverbial (A)

SP

(intransitive)
SPO (monotransitive)
SPO (ditransitive)
SPC (copular)
SPA (copular)
SPOC sa
(complex-trans)
May pitong pangunahing patern
pagbubuo ng sugnay. Ang
SPOA (complex trans)

Subject Predicator

(SP) ay nangangailangan lamang ng palipat na pandiwa. Ang Subject Predicator


at Object (SPO) ay gagamit lamang ng isang palipat na pandiwa. Ang SPO
naman ay maaari ring gumamit ng dalawang palipat na pandiwa. Ang SPOC ay
may palipat na marami sa kadahilanang maaaring maging tatlo hanggang apat
ang pandiwa. Ang mga pandiwang ito sa Ingles ay simple tense, perfect tense,
progressive tense at perfect progressive tense. Ang SPOC ay gaya rin sa SPOC.
Derayb na construction: mga transpormasyon

35

Ang Transpormasyon ay ang pagbabago ng posisyon ng constituents sa


construction. Kagaya ng nanbanggit lamang sa unahan maaaring magkaroon ng
maraming anyo ang isang pangungusap. At ang prosesong ito ay nahahati sa:
Input: Pangunahing estruktura
Output: dinirayb na estruktura
Gayunpaman, ang mga pagtalakay na ito tungkol sa transpormasyon ng
pangungusap na binubuo ng constituents sa construction ay mahalaga rin sa
pag-analisa

ng

mananaliksik

sapagkat

mayroon

ding

pagbabago

transpormasyon ang pangungusap sa Cebuano at Filipino.


Samantala, ang sintaks ayon kay (Garcia 1992 ) ay ang pag-aaral ng
istruktura ng pangungusap. Ang sintaks ng isang gramar ay malikhain at
sistematiko. Nakapagsasama-sama ang mga ispiker ng isang wika ng mga salita
para makabuo ng mga pangungusap. Sa pagbuo ng mga pangungusap,
kinakailangan ang tamang kombinasyon ng mga salita kung kayat mayroon
tayong gramatikal rul na tinatawag. Paano ba nalalaman na ang pahayag ay
nakasunod sa gramatikal na rul na ito?
Masasabing ang pahayag o pangungusap ay gramatikal kapag nakaayon
sa pamantayang pang-gramatika ang kombinasyon ng mga salita at kapag
tinatanggap ng mga taal ng ispiker na tama ito sa wika nila. Tingnan ang
halimbawa:
Binulsa ko ang mabangong bahay.

36

Bumulsa ko ang mabangong panyo.


Ibinulsa ko ang mabangong panyo.
Kung titingnan ang mga halimbawa sa itaas, ang unang pangungusap ay
walang nilabag na pamantayang gramatika, subalit wala itong kabuluhan. Ang
ikalawang pangungusap naman, bagamat may saysay o maaaring maintindihan,
lumabag naman ito sa pamantayang gramatika. Samantala, ang ikatlong
pangungusap ay katanggap-tanggap at walang nilabag na pamantayang
gramatika. Samantala, ang ikatlong pangungusap ay katanggap-tanggap at
walang nilabag na pamantayang gramatika.
Bagaman sinabing ang pangungusap o sintaks ay pinagsama-samang
mga salita o morpema, hindi pa rin pangungusap ang lahat ng sunod-sunod na
nagsasama-sama ang mga salita o morpema upang magpahayag ng isang
particular na kahulugan. Sa madaling salita, ang mga string o magkakasunodsunod na salitang lumabag sa pamantayang ito ay hindi gramatikal. Kaya kapag
alam natin ang isang wika, malalaman natin kung alingmga kombinasyon ng mga
morpema o salita ang sumusunod sa mga sintaktik na pamantayan nito at kung
alin ang hindi.
Sa pag-analisa ng sintaks, ang pinakapopular na dulog ay ang
transpormasyon ng mga sintaks, kung saan inaalam ang mga kategorya sa lebel
ng salita, maaaring leksikal (noun, verb, adjective, preposition, adverb) o
pantungkuling kategorya (determiner, auxiliary verb, conjunction, pandigri). Hindi
lamang madaling malaman ang katergorya ng mga elemento sa isang

37

pangungusap. Kaya naman, may mga krayterya sa pagtukoy ng kategorya ng


isang salita.
Ang kahulugan ng isang salita ay hindi palaging nagbibigay ng
maliwanag na palatandaan na kabilang nito, sa isang particular na kategorya.
Gaya ng sumusunod na halimbawa:
a. Maria found a toy. (Nakakita si Maria ng laruan.)
b. Maria toyed her hair. (Pinaglaruan ni Maria ang kanyang buhok.)
Sa pangungusap naman, ang pandiwang ambush/attack ay ginamit
bilang noun. Bagamat karaniwang ang mga verb ay mga salitang tumutukoy sa
mga aksyon, may ilang verb o pandiwa na pwede ring gamitin bilang mga noun o
pangngalan.
Ang isa pang krayterya sa pag-ala ng kategorya ng mga salita ay ang iba;t
ibang paraan ng paglalapi o inpleksyon. Halimbawa, hindi lahat ng mga
adjective ay nai-inflect gamit ang comparative er at superlative est, gaya ng
bader (mas masama) at badest (pinakamasama). Sa Filipino, mayroon tayong
pitong (7) uri ng paglalapi: ang unlapi (maganda), gitlapi (gumaganda), hulapi
(gandahan), kabilaan (kagandahan), laguhan (ipinagsumigawan), unlapi-gitlapi
(isinigaw), gitlapi-hulapi (sinigawan).
Kung mapapansin natin, ang salitang-ugat na sama ay nagkaroon ng
ibat ibang kategorya dahil sa ibat ibang panlaping ginamit rito. Nang gamitan ito
ng unlaping ma- ay naging maganda (adj.), nang gamitan ng gitlaping in- ay

38

naging gumanda (v), at nang gamitan ng abilaang ka- at an/han ay naging


kagandahan (n),
Ang mga pangungusap ay may herarkiya na istruktura na binubuo ng mga
grupo ng mga salita. Sa maliit na grupo ng mga salita na masasabing
nakapaloob sa herarkiya ng istruktura ng salita ay nakapaloob ang parirala o
phrase. Kung titingnan ang internal na istruktura nito, malalaman na ang mga
sangkap ay ang noun, verb, at iba pa.
Ang internal na istruktura ng mga sintaktik nay unit na kasama ang mga
noun, verb, adjective, at preposition ay ang head, specifier, at complement. Ang
specifier ay tumutulong para mas maging eksakto ang kahulugan ng head at
karaniwang minamarkahan ang hangganan ng parirala. Ito ay nasa kaliwa ng
head o simula ng parirala. Ang kategorya ng specifier ay nag-iiba depende sa
kategorya ng head. Ang determiner ang tumatayong specifier ng mga noun (the
car/nakatulog), habang ang salitang pandigri naman ang specifier ng mga
adjective at ng ilang preposition (very beautiful/napakaganda; almost in/halos
nasa loob). Kung gayon, hindi gramatikal ang pariralang gaya ng the describe
(det=V) at will description (oks+N) dahil hindi nakasunod ang mga ito sa
pamantayan gaya ng nauna nang sinabi. Ang dalawang elemento ng specifier at
head ang bumubuo sa PS o Phrase-Structure.
Ang head ng bawat phrase, bukod sa pagkakaroon ng specifier, pwede
ring magkaroon ng isang komplement. Ang elementong ito na pawang mga
parirala din ay nagbibigay impormasyon tungkol sa mga entity at mga lugar na
ipinahihiwatig ng kahulugan ng head. Halimbawa, ang pariralang will read the

39

newspaper (magbabasa ng dyaryo), ipinahihiwatig ng kahulugan ng verb na


may object na babasahin, the newspaper.
Kung susuriin ang parirala, ang will read ay isang VP dahil ang head nito
ay verb at ang specifier nito sa kaliwa ay isang oks v na will. Ang complement
naman ng verb na read ay NP kung saan binubuo ang complement na ito ng
determiner the at ng head na newspaper na isang noun.
Sa makatuwid, kung sa kaliwa ng head ikinakabit ang mga specifier sa
Ingles, sa kanan naman ikinakabit ang mga complement. Itinatakda ng
pamantayan sa estruktura ng parirala o PS-Rule ang posisyon ng mga specifier,
head, at complement sa ibat ibang uri ng mga parirala:
a. NP =(det) N (PP) . . .
NP

Det

girl

isang baba

b. AP = (oks) V (NP) . . .
VP
Oks

NP

May write a letter


maaaring sumulay ng liham

c. AP = (deg) A (PP) . . .
AP
Dig

40

Very
beautiful
napakaganda

d. PP = (deg) P (NP) . . .
PP
P

NP

in
the room
nasa kwarto

Mapapansin sa nakalahad na pamantayan na parehong opsyonal ang


mga specifier at mga complement. Samantala, pwedeng ilahat ang mga
pagkakaparehong ito sa tulong X kung saan ang head na X ay maaaring N, V, A,
o P. Ito ang XP-Rule na ams maikli kaysa sa apat na maunang ibinigay dahil
ginagamit ditto ang symbol na X.

XP
Specifier

Komplement

Head
Phrase Structure Template

Ang pangungusap ang pinakamalalking yunit ng sintaktik na analisis.


Binubuo ito sa pamamagitan ng p agsasama ng isang NP at VP. Tinatawag din
itong subject.
Pamantayan ng pangpangungusap:

S = NP + VP

Narito ang halimbawa ng analisis ng gramar sa istrukturang parirala (Phrase


Structure Grammar Analysis)

41

The boy will win the prize.


Det n oks v det n
S
NP

VP

det

oks

The

boy

will

win

NP
det

the

prize

Tuntunin (Rule): S = NP + VP
NP = det + N
VP = oks + V + NP

Ang pangungusap sa itaas ay ginamitan ng Phrase structure Grammar


Analysis. Nabuo ang mga nakasaad na rule sa pamamagitan ng pagususri sa
kategorya ng mga salitang bumubuo sa pangungusap. Kung babalikan natin ang
pamantayang itinakda ng PS-rule at iisa-isahan natin ang tamang kombinasyon
ng mga salita sa bawat parirala, mapapansin nating tama ang pagkakasunodsunod ng mga salita at masasabing gramatikal ito dahil sumusunod ito sa
pamantayang gramatika.
Batay sa sintaktik na analisa na Transformation-Grammar bumubuo ng
mga intermedyal nay unit ng istruktura na tinatawag na mga parirala, ang mga
salitang bumubuo sa isang pangungusap. Ang mga salita o isang pagtitipon ng
mga salita na nagbubuo ng mas malaking yunit, tulad ng parirala o pangungusap
ay tinatawag na constituent.
May mga test para sa istruktura ng parirala:
Ang substitute test, isang ebidensya na sintaktik yunit ang NP kung
pwedeng palitan ito ng salitang tulad ng isang panghalip. Ang movement test,
isang patunay na isang constituent tulad ng PP ay kung pwede itong ilipat bilang

42

isang yunit sa ibang posisyon sa loob ng pangungusap. Sa coordination test


naman, masasabing isang constituent ang grupo ng mga salita kung pwede itong
idugtong sa iba pang grupo ng mga salita sa pamamagitan ng pang-ugnay tulad
ng at o o.
Mga Tuntunin sa Pagpaparirala sa Wikang Filipino
Sa Filipino naman, may mga tuntunin din sa pagpaparirala na dapat
isaalang-alang. Mahalaga ang mga ito sa pag-analisa ng pangungusap na siya
ring gagamitin sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:
PP (pangungusap)
P (panaguri)
S (simuno)
P = PD/PN/PH/PU
Pd = asp. + pl + s.u
Asp. = asp/ asp/ asp
K = kg/kl/kb/kk/kd/ka/ki
Kg = ng+Pn
Kl = sa+Pn
Kb = para sa+Pn
Kk = dahil sa+ Pn
Kd = sa + Pn
Ka = ng+ Pn
Ki = sa pamamagitan ng+ Pn
Pn = M/M+Pn/Pn
M = ang, ng, sa, si, ni, kay
M(m) = ang mga, ng mga, sa mga, sina, nina, kina
Pn = tao, bata, lalaki, babae, atbp.
Pn = Lorna, Roberto, atbp.
Ph = M+Ph/Ph/Ph(m)/Ph(m)
Ph = ako, ikaw, siya
Ph = ito, iyan, iyon
Ph(m) = tayo, kami, kayo, sila
Ph(m) = ang mga ito, ang mga iyon, ang mga iyan
PU = M+Pu
PU = pl.+s.u
PU(m) = maramihan
Pl = ma-, pala-, mapang-, -an, atbp.
s.u. = ganda, buti, atbp.
S = M+PN/PH/PU+PD

43

Gagamitin ng mananaliksik ang mga tuntuning binanggit sa itaas sa


pagsusuri ng mga datos. Narito ang isa pang Pamantayang Pangpangungusap
sa Filipino:

PP = P+S

Kumain ang mga bata ng kendi.


1
2
3

PP

PD
Asp
asp

pl.

K
s.u

-um- kain
kumain

kg
m(m)

pn
pn

m(m)

pn

ng mga

kendi

ang

mga bata
1

ng mga kendi

ang

mga bata
TP : 1, 2, 3 = 1, 3, 2

Ang Sintaksis o Palaugnayan (Santiago 1991, 2003)


Sinasabing ang sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng
mga salita upang bumuo ng pangungusap ay tinatawag na sintaksis o
palaugnayan. Ang pag-uugnay-ugnay na ito ay napapaloob sa tinatawag na
pangungusap, isang sambitlang may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na

44

himig na ito ang nagsasaad na naipahayag na ng nagsasalita ang isang diwa o


kaisipang nais niyang ipaabot sa kausap. Inilahad din ni Santiago (1991) na ang
pangungusap ay binubuo ng panaguri at paksa subalit hindilahat ng pagkakataon
kumpletong maypanaguri at paksa ang pangungusap. May mga uri ang
panaguri, may panaguring pangngalan, panaguring panghalip, panaguring panguri, panaguring pandiwa, panaguring pang-abay, at panaguring pawatas o
batayan ng pandiwa.
Upang lalong maunawaan ang mga uri ng panaguri ayon kay Santiago ay
minabuti ng mananaliksik na mabigyan ang mga ito ng mga halimbawa.
Maipapakita sa pamamagitan ng mga sumusunod na balangkas ang mga uri ng
panaguri (predicate).
Ang unang balangkas ng pangungusap ay tungkol sa Panaguring
Pangngalan kung saan ang pangungusap ay pinangungunahan ng panaguri na
binubuo ng isang pangngalan, Luntiang rebolusyon, tunghayan ang halimbawa:
1. Panaguring Pangngalan
Pangungusap
Panaguri

Paksa

Pangngalan
Luntiang Rebolusyon

ang paksa ng

pulong
Ang pangalawang balangkas ay pangungusap na kung saan ay binubuo
ng isang Panaguring Panghalip, ibig sabihin, panghalip ang kayarian ng

45

panaguri, isang panghalip na Siya, na siyang itinuring na panaguri ng


pangungusap, tunghayan ang halimbawa.
2. Panaguring Panghalip
Pangungusap
Panaguri

paksa

Panghalip
Siya
Panaguring

ang puno ng departamento

Pang-uri

naman

ang

nasa

pangatlong

halimbawa, kung saan ang panaguri ay binubuo ng isang pang-uri


(adjective), ang halimbawa sa ibaba ay Mainam sa kalusugan, na isang
pang-uri sapagkat ito ay naglalarawan o nagbibigay turing sa salitang
kalusugan.
3. Panaguring Pang-uri
Pangungusap
Panaguri

paksa

Pang-uri
Mainam sa kalusuguan ang klima sa Pilipinas
Ang pang-apat na uri ng panaguri ay ang Panaguring Pandiwa,
nagsasaad ito na ang panaguri ay binubuo ng isang pandiwa, sa halimbawa,
makikita ang salitang Nagsasaka, na isang salitang nagsasaad ng kilos.
4. Panaguring Pandiwa
Pangungusap
Panaguri

paksa

Pandiwa
Nagsasaka

siya

46

Ang panlimang panaguri ay ang panaguring Pang-abay, binubuo ng isang


pang-abay ang panaguri sa pangungusap na ito tulad ng makikita sa ibaba sa
salitang Bukas, na isang pang-abay (adverb).
5. Panaguring Pang-abay
Pangungusap
Panaguri

Paksa

Pang-abay
Bukas

ang alis ng mga turista

Ang sumunod na uri ng panaguri ay ang pangungusap bilang 6, ang


Panaguring Pawatas, kung saan ang panaguri ay binubuo ng isang pawatas, sa
salitang Magbasa (ng komiks) sa pangungusap na ito ang siyang bumubuo ng
panaguri.
6. Panaguring pawatas o batayan ng pandiwa
Pangungusap
Panaguri

Paksa

Pawatas
Magbasa (ng komiks)

ang kinalilibangan ng

lola.
Ang mga halimbawang ipinakita sa mga tree diagram sa itaas ay
nagpapakita ng ibat ibang uri ng panaguri na ginagamit sa mga pangungusap.
Samantala inilahad din ni Santiago ang uri ng paksa. Tulad ng panaguri,
mauuri rin ang mga paksa, ayon sa kung anong bahagi ng panalita ang
ginagamit. Maipakikita ang mga sumusunod na balangkas ang mga uri ng paksa.
Tunghayan ang mga ito:

47

Ang unang uri ng paksa ay ang paksang Pangngalan, nangangahulugan


itong ang paksa (subject) ng pangungusap ay binubuo ng isang pangngalan
(noun), kaya kung titingnan ang paksa sa dayagram ay makikita ang salitang
pinuno na isang pangngalan.
1. Paksang Pangngalan
Pangungusap
Panaguri

Paksa
Pangngalan

Sumusulat ng talambuhay

ang pinuno

Sa ibaba ay ang pangalawang uri ng Paksa, ang paksang Panghalip, ibig


sabihin, ang paksa ng pangungusap ay isang panghalip (pronoun) kaya kung
titingnan ang halimbawa sa ibaba, ang salitang kami na isang panghalip ang
siyang paksa ng pangungusap.
2. Paksang Panghalip
Pangungusap
Panaguri

Paksa
Panghalip

ay delegasyon ng Pilipinas

kami

Ang ikatlong uri ng paksa ay tinatawag na Paksang Pang-uri, ditto, ang


paksa ng pangungusap ay binubuo ng isang pang-uri (adjective), kaya ang
halimbawa sa ibaba ay makikita ang salitang matatalino na isang pang-uri.
3. Paksang Pang-uri
Pangungusap
Panaguri

Paksa
Pang-uri

48

Hinahangaan

ang matatalino

Ang pang-apat naman na uri ng paksa ay Paksang Pang-abay (adverb),


dito makikita na ang paksa ng pangungusap ay binubuo ng isang pang-abay
(adverb) kaya ang pangungusap sa ibaba ay kakikitaan ng salitang dito na isang
pang-abay.
4. Paksang Pang-abay
Pangungusap
Panaguri

Paksa
Pang-abay

ay maghintay muna

Ang dito

Matutunghayan naman sa bilang 5 ang Paksang Pandiwa na uri ng paksa


kung saan ang paksa ng pangungusap ay isang pandiwa. Ang paksang ang
nananalangin ay isang pandiwa, subalit ang kanyang gamit sa pangungusap ay
bilang paksa ng pangungusap.
5. Paksang Pandiwa
Pangungusap
Panaguri

Paksa
Pandiwa

Huwag mong gambalain

ang nananalangin

Ang huling uri ng paksa ay tinatawag na Paksang Pawatas, dito, pawatas


na magtinda ang siyang paksa ng pangungusap.

Isang pawatas ang salita

subalit gumaganap ito na paksa ng pangungusap. Tunghayan ang halimbawang


ito.
6. Paksang pawatas o batayan ng pandiwa
Pangungusap
Panaguri

Paksa

49

Pawatas
Hilig niya

ang magtinda

Pinahahalagahan ng mananaliksik ang mga binanggit sa itaas tulad ng uri


ng panaguri at uri ng paksa sapagkat ang pagsusuring ito ay may kinalaman sa
mga pangungusap na hinango sa mga nobela kung saan ay may ibat ibang uri
ng paksa at panaguri rin.
Samantala, ang Kayarian ng Pangungusap ay tinatalakay din sa bahaging
ito ng literatura sapagkat batayan ito ng pagsusuri sa mga pangungusap na, dito
ibinabatay ang pag-analisa ng kayarian ng pangungusap.

Kayarian ng Pangungusap (Tanawan et al, 2007)


Inilahad ni Tanawan (et al, 2007) ang kayarian ng pangungusap gayundin
ang mga halimbawa nito. Napakahalaga ng pagtalakay na ito sapagkat sanligan
ito ng pagsusuri ng mananaliksik.
Payak na Pangungusap. Ang Payak na Pangungusap ay isang
payak na paksa at payak na panaguri. Tunghayan ang halimbawang ito:
Si Jose Rizal ay dakila.
Ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos sapagkat nauuna ang
paksa

kaysa

sa

panaguri.

Ang

pangungusap

ay

paturol

sapagkat

nagsasalaysay. Ayon sa kayarian, ang pangungusap ay payak sapagkat binubuo


ng isang sugnay na makapag-iisa. Bahagi ng pangungusap, Ang pangungusap
ay may dalawang bahagi ang paksa at panaguri. Ang buong paksa ay Si Jose
Rizal at ang buong panaguri ay ay dakila. Ang payak na simuno Jose Rizal

50

na isang pangngalang pantanging, nasa ikatlong panauhan, isahan kailanan,


panlalaki at nasa kaukulang palagya na ginamit bilang paksa ng pangungusap.
Ang pantukoy na Si ay sang panghalip panao. Ang salitang ay ang naging
tagapag-ugnay ng dalawang bahagi, ito ay isang pangawil. Dakila ang payak
na panaguri na isang pang-uring panlarawan, ang pinakaganapang pansimuno.
Tingnan naman ang Tambalang Paksa at Payak na Panaguri at ang
halimbawa,
Magkapatid si Pedro at si Juan.
Ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos. Ito ay paturol sapagkat
nagsasalaysay, nasa payak na kayarian sapagkat binubuo ng isang sugnay na
makapag-iisa. Ang buong paksa ng pangungusap ay Si Juan at si Pedro, at ang
buong panaguri ay ang magkapatid. Ang simuno ay tambalan, na pinag-ugnay
ng pangatnig na at. Ang simuno ay kapwa pangngalang pantangi, panlalaking
kasarian, ikatlong panauhan at nasa kaukulang palagyo. Ang salitang si ay ang
pantukoy na ginamit na isang panghalip panao, isahan kailanan.
Ang payak na panaguri ay ang salitang magkapatid, isang pangngalang
pambalana, may panlaping mag, dalawang kalilanan at gumanap bilang
kaganapang pansimuno.
Tambalang Pangungusap. Ang pangungusap kung ito ay binubuo ng
dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa. Maaaring ang mga sugnay ay
magkatulong at magkapantay o maaaring magkaiba. Tingnan ang halimbawa.

Si Errol ay sumasayaw at si Sandra naman ay nanonood sa kanya.

51

Ang pangungusap ay nasa tungkuling paturol sapagkat nagsasalaysay.


Tambalang kayarian ang pangungusap sapagkat binubuo ito ng dalawang
sugnay na nakapag-iisa at pinag-ugnay ng pangatnig na At. Ang dalawang
sugnay ay nasa di-karaniwang ayos sapagkat nauuna ang simuno sa panaguri.
Ang mga simunong payak na Errol at Sandra ay kapwa pangngalang
pantangi, at nasa kaukulang palagyo. Ang salitang si ay kapwa pantukoy na
isang panghalip, at nasa isahang kailanan. Ang ay ay panandang pangkayarian
na pangawil o pannadang pampredikeyt na tagapag-ugnay sa simuno at
panaguri.
Ang mga payak na panaguring sumasayaw at nanonood ay kapwa
pandiwa, imperpektibo, actor pokus at nasa tinig na tahasan ng pandiwa. Sa
ikalawang sugnay, ang panaguri ay may pariralang pang-ukol na sa kanya
bilang panuring ng pandiwa. Ito ay binubuo ng pang-ukol na sa at layon na
kanya na isang panghalip panao, isahan, ikatlong panauhan at nasa kaukulang
palayon bilang layon ng pang-ukol.
Sa tambalang pangungusap pa rin ayon kay Malicsi (2013), hindi gaanong
nagbabago ang estruktura ng mga pangungusap na pinag-uugnay, maliban sa
pagpapalit ng infinitibo sa aspekto sa ilang estruktura.
pangungusap, isang batayang

Sa hugnayang

pangungusap ang nagsisilbing matrix o

pundasyon, at ang ibang batayang pangungusap ay nagsisilbing insert o


paningit. Binabago ang estruktura ng insert para maipasok sa bahagi ang matrix
na wala pang morpema.

52

Pagbuo ng Hugnayang Pangungusap.

Hugnayan

ang

pangungusap kapag binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit


pang sugnay na di makapag-iisa.

Ito ay pinag-uugnay ng kung, kapag,

samantala, habang, sapagkat, upang, nang, pagkat, dahil sa. May paksa at
panaguri subalit bahagi lamang ito ng pangungusap.

Nasira ang kanyang kamera na pinindot ng dalaga.

Ang pangungusap ay nasa kayariang hugnayang sapagkat ito ay binubuo


ng dalwang sugnay, sugnay na nakapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa. Ito
ay hugnayan sapagkat magkaiba ang kaayusan ng dalawang sugnay. Ang
Nasira ang kanyang kamera ay sugnay na makapag-iisa, nasa karaniwang
ayos sapagkat nauuna ang panaguri kaysa paksa. Ang pangngalang kamera ay
payak na simuno, isang pangngalang pambalana ng bagay at walang kasarian.
Pantukoy ang salitang ang, isahan at nasa kaukulang palagyo. Ang panghalip
panao na kanya ay may pang-angkop na -ng. Ang ay ay isang pangawil
subalit di-lantad sa pangungusap. Nasira, ang payak na panaguri na isang
pandiwang katawanin, perpektibo, gol pokus at ansa tinig na balintiyak.
Ang ikalawang sugnay naman ay di-nakapag-iisa, may simuno at
panaguri. Ang buong paksa ng at ang buong panaguri ay pinindot ng dalaga.
Ang paksa ay payak na isang panghalip pamanggit na -ng, isahan, walang
kasarian, ikatlong panauhan at nasa kaukulang paari bilang panuring ng
pangngalang kamera. Ang +na ay pang-angkop na tagapag-uugnayt ng

53

sugnay na nakapag-iisa at di-nakapag-iisa. Ang salitang pininsot ay isang


pandiwang palipat, perpektibo, gol pukos, kaganapang tagaganap ng salitang
dalaga na isang pangngalang pambalana, isahan ang kailanan, pambabae,
payak at ansa kaukul;ang palayon. Bilang tagaganap ng pandiwang palipat at
may pang-ukol na ng.
Samantala, si Malicsi (2013) ay nagpahayag din tungkol sa pagbuo ng
hugnayang pangungusap.

Ang hugnayang pangungusap ayon sa kanya ay

binubuo ng dalawa o higit pang mga batayang pangungusap, kung saan ang isa
ay nagsisilbing matrix, at ang iba ay nagsisilbing insert.

Ang mga insert ay

nagbabago ng estruktura para maging pangngalan, pang-uri o pang-abay, at


maipasok sa matrix bilang bahagi nito.

Ipinaliwanag na sa pagtalakay ng

batayang pangungusap na may mga estruktura na dating itinuring na payak,


pero kapag sinuri ang kanilang semantika, lumalabas na higit sa isa ang
proposisyon. Itinuturing na batayang pangungusap ang estruktura na isa lang
ang proposisyon ang pag-uugnay ng dalawang bahagi ng pangungusap (ang
panaguri at simuno) na maaaring totoo o hindi at ang mga estruktura na higit
pa sa isa ang proposisyon ay hinahango sa pagsasanib ng mga batayang
pangungusap.
Langkapang Pangungusap.

Langkapan naman ang pangungusap

kung ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit
pang sugnay na di makapag-iisa.
Ang isang taon ay karaniwang nagtatagumpay at siya ay nagkakaroon ng
magandang buhay kapag siya ay matiyaga.

54

Sa pagsusuri ng langkapang pangungusap, isinisigaw ang pagbubukodbukod ng mga sugnay na tambalan at sugnay na hugnayan. Ang pangungusap
ay binubuo ng dalawang sugnay: pangulong sugnay, Ang isang tao ay
karaniwang nagtatagumpay siya ay nagkaroon ng magandang buhay na
pinag-ugnay ng pangatnig na at, at ang sugnay na pantulong, kapag siya ay
matiyaga. Sa unang sugnay, ay payak na simuno ay tao na isang pangngalan
na binibigyang turing ng pang-uring pamilyang na isa at inaangkupan ng ng at
ang pantukoy na ang bilang pananda sa simuno. Ang payak na panaguri
magtatagumpay ay isang pandiwa na nasa aspektong imperpektibo.
Sa ikalawang sugnay, ang payak na simuno ay ang panghalip na siya na
isahan at nasa unangpanauhan. Ang buong panaguri ay ay magkakaroon ng
magandang buhay na binubuo ng ay bilang pananda sa pang-uri
nagkakaroon na nasa aspektong imperpektibo at ang pariralang ng
magandang buhay nagsisilbing bilang layon, itoy binubuo ng pang-ukol na ng
at pang-uring maganda at pang-angkop na -ng.
Ang pantulong na sugnay ay pinangungunahan ng pangatnig na
hugnayang payak. Ang payak na simuno ay ang panghalip na siya. Ang
buong panaguri ay ay matiyaga. Ang ay ay gumaganap na pangawing
panaguring at ang salitang matiyaga naman ay isang panaguring na
gumaganap bilang kaganapang pansimuno.

55

Pagbabalangkas
Ang pagbabalangkas ay isang madaliang paglalarawan ng mga kalagayan
sa pagsusuri ng pangungusap na ginawa at nagsilbing patnubay sa
pagpapaliwanag ng pagsusuri, ngunit kailanman ay hindi dapat ipalagay na mas
mahalaga ito sa pagsusuri.

Ito ay isang mabisang paraan sa pagsubok na

pagsulat sa katumpakan ng pagsusuring isinagawa at sa pagbabalik-aral sa mga


sangkap ng pangungusap sa tulong ng mga bahagi nito, ang simuno o paksa at
panaguri. Sa pamamagitan ng mga guhit na pabalangkas binasag ang
pangungusap

sa

kanyang

mga

bahagi.

Laging

magkaagapay

ang

pagbabalangaks at pagsusuri dahil nagiging patnubay ito sa malinaw na


pagpapaliwanag sa pangungusap. (Tanawan et al, 2007)
Naniniwala ang mananaliksik na sa pagsusuri at pagbalangkas ay
wastong naipapahayag ang mga pangungusap.

Kung pag-aaralan ang ibat

ibang padron ng pagbabalangkas mula sa mga dalubhasa sa wika, mababakas


ang mga pagbabago nito. Tatalakayin pa rin sa bahaging ito ang ibat ibang istilo
ng pagbabalangkas ng mga dalubhasa sa wika upang maunawaan nang maigi
mula sa payak na pagbabalangkas hanggang sa malinaw na pagbabalangkas
tulad ng mga sumusunod:
Padron ni Panganiban
Ang kawastuhan ng balangkas ay dapat saluhin ng malinaw na
pangangatwiran sa pagsusuri. Dagdag pa niya marami ang nakatuklas na kapag
binalangkas

at

sinuri

ang

isang

pangungusap,

pangkaugnayan at pambalarila ay maaring matagpuan.

ang

mga

kamaliang

56

Sa panunuri ni Panganiban, ginamit niya ang malaking titik na E, bilang


batayang pardon. Ang unang guhit na pahalang ay ukol sa simuno, ang ikalawa
ay sa pangawing, at ang ikatlo ay sa panibagong guhit sa ilalim ng guhit ng
salitang tinuturingan. Ang batayang pardon ni Panganiban sa pagbabalangkas:
Simuno
pantukoy
panuring
pangawing

kaganapan
panuring

Ang balangkas na ito ay angkop sa kayarian ng pangungusap sa wikang


Filipino. Halimbawa:
bayan
Ang
ko
ay

dakila

Sinuri ni Panganiban ang halimbawa ng ganito: Ang pangungusap ay tuwod,


sapagkat ang simuno ay una kaysa panaguri, pasaysay sapagkat ito ay
nagsasaysay; payak, may isang simuno at isang panaguri.
Ang buong simuno ay Ang bayan ko at ang buong panaguri ay ay
dakila.

57

Ang simunong payak ay isang pangngalang pambalana bayan, ito ang


pinag-uusapan sa pangungusap; isahan ang pakahulugan, walang kasarian
sapagkat ito ay pook, nasa kaukulang palagyo. Ang pangngalang pambalanang
bayan ay binigyang turing ng pantukoy na pambalanang bayan at ang
panghalip na panaong ko na pansamantalang gumaganap ng tungkulin ng
pang-uri; kaukulang paari sapagkat nagpapahayag ng pag-aari.
Ang pinaka-pandiwa ay ang pangawing na ay. Ang kaganapang
pansimuno ay ang pang-uring dakila.

Padron ni Sebastian (1974)


Binigyan gdiin ni Sebastian n ang pagbabalangkas ay isang pagsusuring
psulat na nakatutulong sa malinaw na pagkakaunawaan ng pangungusap.
Dagdag

pa

pagpapaliwanag

niya

ng

na

Ang

balangkasan

pagkakaugnay-ugnay

ng

mga

ay

iang

salita

palarawang
sa

loob

ng

pangungusap.

Ito ang pardon ng pagbabalangkas na ginamit ni Seabastian sa panunuri

Simuno
Pantukoy
panaguri

ay

panaguri
panuring

58

Ang balangkas ay nahahati sa dalawa: ang simuno; at ang panaguri.


Ang lahat na nauukol sa simuno ay nasa isang bahagi lamang gayundin
ang nauukol sa panaguri.
A. Payak na Pangungusap
1. Payak na simuno at payak na panaguri
Halimbawa:
Si Randy ay nagbabasa ng aklat.
Randy

ay

nagbabasa

si

aklat
ng

2. Tambalang simuno at na panaguri


Halimbawa:
Magkapatid si Pedro at si Juan.
Pedro
si
at
(ay)

Magkapatid

Juan
si

3. Tambalang simuno at tambalang panaguri


Halimbawa:
Ang mga mag-aaral at ang guro ay nagtutulungan at
nagkakaisa para sa kaunlaran ng paaralan.
Mag-aaral

nagtutulungan

59
Ang mga
at

at
ay

guro
nagkakaisa
ang
para sa kaunlaran

B. Tambalang Pangungusap
Halimbawa:
Si Errol ay sumasayaw habang si Sandra ay nanonood sa kanya.

Errol

ay

nagsasayaw

si
habang
Sandra
si

ay nanonood
sa

kanya

C.Hugnayang Pangungusap
Halimbawa:
Ang isang tao ay nagtatagumpay kapag siya ay matiyaga.

Tao

ay nagtatagumpay

60
Ang
Isang

kanya
siya

ay matiyaga

C. Langkapang pangungusap
Halimbawa:
Ang kapayapaan ay matatamo at ang kaunlaran ay maghahari kung ang
sambayanan ay laging nagkakaisa.

Kapayapaan ay matatamo
Ang
At
Kaunlaran

ay maghahari

Ang
Kung
Sambayanan
Ang

ay nagkakaisa
laging

Padron ni Garcia (Tuntunin sa Pagpaparilala ng Wikang


Filipino)
Ang padron ni Garcia (Tanawan et al, 2007) ay sumusunod sa mga
tuntuning dapat isaalang-alang sa pagpaparirala. Nahahati ang kanyang pardon

61

sa mga pangungusap na diberbal o mga pangungusap na walang pandiwa at


pangungusap na berbal o mga pangungusap na may pandiwa.
Mas madaling maintindihan ang kanyang mga tuntunin kung susundin ang
sumusunod na mga pormula:
PP (Pangungusap) = S (Simuno)
PD (Pariralang Pandiwa) / PN (Pariralang Pangngalan) /
PH (Pariralang Panghalip) / PU (Pariralang Pang-uri)
PD = Pd (pandiwa) +/- K (kaganapan)
1
2
3
Asp = asp (perpektibo), asp (imperpektibo), asp (kontemplatibo)
pl = -um-, mag-, -in.hin, -an/han atbp.
s.u. = ganda, punta, basa, tingin atbp.
K = kg (kaganapang gol), kl (kaganapang lokatib),
kb (kaganapang benepaktib), kk (kaganapang kawsatib), kd
(kaganapang direksyunal), ka (kaganapang aktor), kp (kaganapang
instrumental).
Kg
= ng
+
Pn
kl
= sa
+
Pn
kb
= para
+
Pn
kk
= dahil sa
+
Pn
kd
= sa
+
Pn
ka
= ng
+
Pn
kp
= sa pamamagitan ng
+
Pn
PN
= M (market) / M
+
Pn
(pangngalan) / Pn (pangngalang pantanging-ngalan)
M
= ang, ng, sa, si, ni, kay
M
= ang mga, ng mga, sa mga, sina, nina, kina
Pn
= bata, lalaki, tao atbp.
Pn
= Norbert, Jane, Dolly, atbp.
Ph
Ph
Ph
ph
ph

=
=
=
=
=

M + Ph/Ph/Ph/Ph
ako, ikaw, siya
ito, iyan, iyon
tayo, kami, kayo, sila
ang mga ito, ang mga iyan, ang mga iyon

62

PU
=
Pu
=
Pl
=
s.u. =
pu
=
S (Simuno)

M
+
pl (panlapi)
+
pala-, mapang-, ma-, -an, atbp
ganda, ngiti, hinhin, atbp
maramihan
= PD/PH/PU/PN

Pu/Pu
s.u. (salitang-ugat)

Mga Halimbawa:
B. Pangungusap na di-berbal
4. Pangungusap na binubuo ng panaguring pariralang pangngalan at
simunong pariralang pangngalan.

c.

Si Jose and doctor.


PP

PH

PH

Pn

Pn

Si

Jose

ang

doctor

Si Jose

ang doctor

Legend:
PP = Pangungusap
P =panaguri
S =Simuno
PN= (pariralang pangngalan)
M = Marker na si
Pn
= (pangngalan na pantanging sina Jose)
d. Masipag si Gloria
PP
P

63

PU

PN

Pu
Pl

Pn

si

Gloria

s.u.

Ma-

sipag

Masipag

si Gloria

5. Pangungusap na may panaguri pariralang pang-uri at/o simunong pariralang


pang-uri.
e. Manggagamot si Ana.
PP

PN

PN
Pn
manggagamot

Manggagamot

PN

si

Ana
si Ana

6. Pangungusap na may panaguring pariralang panghalip at/o simunong


pariralang panghalip.

b. Sila ang magaganda.

PP
P
PH

S
PU

64
M

Ph

Pu
pl

s.u

ma-

ganda

sila
ang
sila
ang magaganda

Ang mga halimbawang naipakita sa unahan ay mga pangungusap na


gumagamit ng tinatawag na pariralang di-berbal ang mga pariralang pangngalan
o panghalip, pang-uri, pang-abay, pang-ukol at eksistensyal.

C. Pangungusap na Berbal, ito ay mga pangungusap na binubuo ng pariralang


berbal kung saan nararapat na balikan at talakayin ang tungkol sa pokus at
komplemento ng pandiwa.

Naiiba ang pandiwa dahil nababanghay ito,

nababago ang anyo batay sa aspekto. (Garcia, 1992)


4. Pangungusap na walang kaganapan
b. Darating ako

PP
P

PD

PH

Pd
Asp

pl

s.u.

Asp

-um

dating

Ph

ako
ako

65

darating

5. Pangungusap na may kaganapan ng pandiwa


PP
P

PD

PN

Pd
asp

pl

s.u.

asp-

in-

bili

ng

Pn

ka

ang

isda

pn

Ng
Binibili

ina

ng ina

ang isda

3.) Gol pokus


4.) Actor Pokus

PP
P

PD

PN

Pd

asp

pl

s.u.

asp

um-

kuha

kg
ng

kl

kb

Pn

ang

tatay

pn sa pn sa pn

ng salapi sa bangko para sa anak

ang tatay

66

kumuha ng salapi

sa bangko

para sa anak

6. Instrumental Pokus
PP
P

PD

PN

Pd

asp

pl

s.u.

asp

ipang- talop

Ipinantalop

ka

kg

ng

pn ng pn

ng

bata ng suha

ng bata

ng suha

Pn

ang

kutsilyo

ang kutsilyo.

Narito ang isa pang padron sa pagbabalangkas na makatulong sa


malinaw na pagkakaunawa ng pangungusap.
3. Payak na pangungusap
Ang pangungusap ay nasa padron na tungkulin sapagkat ito ay
nagsasalaysay, payak na kayarian, nasa di-karaniwang ayos. Ang Baguio
City ay ang buong simuno at ang buong panaguri naman ay isang
malanig na lugar.

Ang payak na paksa ay Baguio City na isang

pangngalang pantangi ng isang lunan, isahan, walang kasarian at nasa


kasukulang palagyo bilang simuno. Ang ay ang pantukoy, isahan, at
nasa kaukulang palagyo.

67

Ang Baguio City ay isang malamig


na lugar.

ay

Bagui
o
ang

malamig +
na
lugar
Isa -na

Ang panaguri naman ay ay isang malamig na lugar. Ang payak na


panaguri malamig na isang pang-uring panlarawan, isahan, may lapi at may
pang-angkop na. Ang salitang isang ay ang naging panuring.

4. Tambalang Pangungusap
Ang nanay ay nagluluto at ang anak ay
tumutulong sa kanya.

Ang nanay ay
nagluluto.

ang anak ay tumutulong sa


kanya

68

nana
y

ay

naglulut
o

ang

anak

ay

tumutulo
ng

ang

sa

kany
a

Ang mga halimbawa ng pagbabalangkas ng mga pangungusap na


ipinakita sa unahan ay mahalaga sa pag-aaral na ito sapagkat isa ito sa bahagi
ng pagsusuring sintaktikal. Layunin ng pananaliksik na ito na mapalalim ang
pag-analisa ng sintaks ng Cebuano sa pamamagitan ng pagbabalangkas.

Mga Kaugnay na Pag-aaral


Kakaunti lamang ang mga pag-aaral na may kaugnayan sa sintaktikal na
analisis kung minarapat niyang ilahad ang mga ito kahit papaano.
Sa pag-aaral ni Taher (2003) kanyang sinuri at inihambing ang limampung
(50) pangungusap na isinalin sa wikang Meranaw, Iranun at Ilud-Maguindanao,
nauri ito sa dalawamput limang (25) payak na pangungusap at dalawamput
limang (25) mga tambalang pangungusap. Natuklasan dito ang tatlong wikang
Danao ay mayroong pagkakatulad sa posisyong istruktura sa payak na
pangungusap na nasa di-karaniwang ayos ang wikang Tagalog, Meranaw,
Iranun, at Ilud-Maguindanao. Higit na mas marami ang magkakatulad na
istruktura sa payak na pangungusap sa karaniwan at di-karaniwang ayos. Sa
tambalang pangungusap naman, ang tatlong wika ay hindi halos magkatulad sa

69

istruktura dahil sa mga panandang ginamit. Malinaw sa pag-aaral na ito na


nauuna ang pandiwa o panaguri sa pangungusap, nasa karaniwang ayos.
Bagaman magkakaiba ang mga wikang ginamit sa pag-aaral ni Taher
malinaw na ipinakita na kahit magkakaiba ang posisyon ng mga panada na
sumusunod sa mga pandiwa sa loob ng pangungusap ay nasa karaniwang ayos
pa rin ito ng pangungusap. Pinahahalagahan ng mananaliksik ang pag-aaral ni
Taher sapagkat magpapatibay ito sa pagsusuri ng mananaliksik sa mga
pangungusap ng wikang Cebuano, na isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas.
TSAPTER 3
METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik
Ang metodolohiyang gagamitin ng pag-aaral na ito ay ang Pamamaraang
Deskriptib.

Ayon kay Best (1976) ang pamaraang deskriptib ay isang

imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa mga bagay-bagay


na may kinalaman sa mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap; mga
gawaing umiiral; mga paniniwala at prosesong nagaganap; mga epektong
nararamdaman o mga kalakarang nadedebelop. Lalapatan din ng Sintaktikal na
Analisis kung saan ilalarawan ang ayos ng pangungusap, tungkulin ng
pangungusap, kayarian ng pangungusap, at pagbabalangkas.
Instrumentong Ginamit

70

Ang mga pangungusap na susuriin ng mananaliksik ay hango sa mga


nobelang inilathala sa Bisaya magasin na lingguhang inilalathala simula
Nobyembre 18, 2015 hanggang Abril 13, 2016, narito ang mga pamagat ng
nobela at anib o kabanata:
Nob. 18, 2015

1. Ako, Ang Tawo -(Anib 29)


2. Tabok Sa Ikapitong Lawod-(Anib 69)

Disyembre 2, 2015

3. Ako, Ang Tawo- (Anib 31)


4. Tabok Sa Ikapitong Lawod-(Anib 71)

Disyembre 9, 2015

5. Ako, Ang Tawo- (Anib 32)


6. Tabok Sa Ikapitong Lawod-(Anib 72)

Disyembre 16, 2015

7. Ako, Ang Tawo- (Anib 33)


8. Tabok Sa Ikapitong Lawod (Anib 73)

Disyembre 23, 2015

9. Ako, Ang Tawo - (Anib 34)


10. Tabok Sa Ikapitong Lawod- (Anib 74)

Disyembre 30, 2015

11. Ako, Ang Tawo- (Anib 35)


12. Tabok Sa Ikapitong Lawod- (Anib 75)

Enero 6, 2016

13. Ako, Ang Tawo- (Anib 36)


14. Tabok Sa Ikapitong Lawod- (No issue)

Enero 13, 2016

15. Ako, Ang Tawo- (Anib 37)


16. Tabok Sa Ikapitong Lawod- (Anib 76)

Enero 20, 2016

17. Ako, Ang Tawo- (Anib 38)


18. Tabo Sa Ikapitong Lawod-(77)

Enero 27, 2016

19. Ako, Ang Tawo- (Anib 39)


20. Tabok Sa Ikapitong Lawod- ( Anib 78)

Pebrero 3, 2016

21. Ako, Ang Tawo (Anib 40)


22. Tabok Sa Ikapitong Lawod- (Anib 79)

71

Pebrero 10, 2016

23. Ako, Ang Tawo- ( Anib 41)


24. Tabok Sa Ikapitong Lawod- (Anib 80)

Pebrero 17, 2016

25. Ako , ang Tawo- (Anib 42)


26. Tabok Sa Ikapitong Lawod- (Anib 81)

Pebrero 24, 2016

27. Ako, Ang Tawo- (Anib 43)


28. Tabok Sa Ikapitong Lawod( Katapusang-anib)

Marso 2, 2016

29. Ako, Ang Tawo- (Anib 44)


30. Mga Buwak-Buwak Sa Kagahapon( Unang-anib)

Marso 9, 2016

31. Ako, Ang Tawo- (Anib 45)


32. Mga Buwak-Buwak Sa Kagahapon(Anib-2)

Marso 16, 2016

33. Ako, Ang Tawo- (Anib 46)


34. Mga Buwak-Buwak Sa Kagahapon(Anib 3)

Marso 23, 2016

35. Ako, Ang Tawo- (Anib 47)


36. Mga Buwak-Buwak Sa Kagahapon(Anib 4)

Marso 30, 2016

37. Ako, Ang Tawo- (Anib 48)


38. Mga Buwak-Buwak Sa Kagahapon(Anib 5)

Abril 6, 2016

39. Ako, Ang Tawo- (Anib 49)


40. Mga Buwak-Buwak Sa Kagahapon(Anib 6)

Abril 13, 2016

41. Ako, Ang Tawo- (Anib 50)


42. Mga Buwak-Buwak Sa Kagahapon(Anib 7)

Ang apatnaput dalawang (42) nobela ang siyang susuriin sa pag-aaral na ito.
Pamamaraan ng Pananaliksik

72

Ang sintaktikal na analisis na ito ay isang deskriptib na pamamaraan ng


pagsusuri kung saan gagamitin bilang datos ang mga pangungusap na hango sa
mga nobelang inilathala sa Bisaya magasin. Si Meriam (1988) ay nagbigay ng
opinion na ang isang pag-aaral na may kinalaman sa karanasan o opinion ng
manunulat at maituturing na highly theoretical, ang ganitong gawaing
pananaliksik ay hindi na nangangailangan ng tritment at instrumentong istatistikal
sa pag-aaral at pangangalap ng datos.
Sa proseso ng pagpili ng datos, ang mga pangungusap na taglay ng
bawat nobela ay pag-aaralan nang mabuti upang matukoy at lumutang ang mga
elemento ng sintaktikal na analisis: ayos ng pangungusap (karaniwan at di
karaniwan), tungkulin ng pangungusap (paturol, pautos, patanong, padamdam),
kayarian ng pangungusap (payak, tambalan, langkapan, hugnayan), at
pagbabalangkas (gamit ang pardon ni Garcia). Ang kinalabasan ng pag-aaral na
ito ay magsisilbing batayan para sa mungkahing prototayp na kagamitang
pampagtuturo para sa asignaturang pangwika/panggramatika.
Pamamaraan sa Sintaktikal na Analisis
Sa pagsasagawa ng Sintaktikal na Analisis, ang mga sumusunod na
hakbang ang siyang susundin. Ang mga magasing Bisaya na isang lokal na
magasin ay ikokolekta muna. Ikaklasipika ang mga nobelang nakapaloob sa
lingguhang Bisaya magasin. Pangalawa, ang bawat nobela ay pag-aaralan ayon
sa sintaktikal na komposisyon.

Ikaklasipika ang mga pangungusap na

nakapaloob sa mga nobela ayon sa ayos, tungkulin, kayarian ng pangungusap.


Isusunod naman ang pagbabalangkas sa mga piling pangungusap na taglay sa

73

mga nobela ayon sa padron ni Garcia na matutunghayan sa diskusyon ng


batayang konseptuwal ng pag-aaral na ito. At sa huli ang mga naturang
pangungusap na ito ay sasailalim sa pagsusuri at pag-interpreta.

MGA SANGGUNIAN
Aklat
Constantino, Gonzales, Ramos. Wika, Lingguwistika at Bilingguwalismo
sa Pilipinas. Manila: Rex Bookstore.
Gabriel, Rodrigo S. 2005. Wika Ko (Sining ng Komunikasyon sa
Kolehiyo). Marawi City: MSU UBC
Garcia, Lydia. 1992. Makabagong Gramar ng Filipino. Manila: Rex Book
Store.
Mabilin, Edwin R. et al. 2012. Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing
House,

Mag-atas, Rosario et al. 2008. Komuniskasyon sa Akademikong Filipino


(Filipino 1). Manila: Bookstore Publishing Corp.
Malicsi, Jonathan C. 2013. Gramar ng Filipino. Lungsod Quezon:Sentro
ng Wikang Filipino-UP Diliman.
Mirikitani, Leatrice T. 1972. Kapampangan Syntax. USA: University
Press of Hawaii.
Muncio, Elizabeth M. et al.2014. Makabagong Filipino sa Nagbabagong
Panahon. Quezon City: C & E Publishing.
Paz, Consuelo J. 1966. Morphology & Syntax of Tagalog Nounsand
Adjectives (MA Thesis, UP). Quezon City: The Archive.

74

Pesirla, Angel O. 1999. Manual on Theories of Literature and


Linguistics. Cebu City: Cebu Normal University.
Radford .1980.
Resuma, Vilma, M. 2002. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino:
Komunikatibong
Modelo. Unang Limbag.
Santiago, Alfonso 1991. Makabagong balarilang Filipino. Manila: Rex
Printing Company, I
Inc.
Santiago, Alfonso. 2003. Binagong Edisyon. Makabagong balarilang
Filipino. Manila: Rex
Printing Company, Inc.
Santos, Lope K. 1944. Balarila ng Wikang Pambansa. Manila: Surian ng
Wikang
Pambansa.

Schachter, Paul and Fe Otanes. 1972. Tagalog Reference Grammar.


Berkeley: University
of California.
Tanawan, Dolores S. et al. 2007. Istruktura ng Wikang Filipino.
Cabanatuan City: Jimcy
Publishing House.
Vega, Sheilee B. 2010. Ang Wikang Filipino Bilang Panlahat: Ang
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa Tungo sa Pagpaplanong Pangwika 1935-2010.
Komisyon sa Wikang Filipino.
Wiechmann, Daniel. 2007. Introduction to Linguistics II. Pdf.

Tesis
Pilapil, Edwin A. 1998. Discourse Analysis of Representative Editorials:
Basis for
Communicative Instructional Material Construction. Graduate
School, Cebu State College, Cebu City.
Taher, Morshidah B. 2003. Istrukturang Sintaksis ng Wikang Meranao,
Iranun at Ilud-

75

Maguindanao. Di-Nalathalang Tesis. Paaralang Gradwado,


Mindanao State University, Marawi.

Sangguniang Elektroniko
http://www.linguistics.ucla.edu/people/stabler/isat.pdf. March 4, 2016

You might also like