You are on page 1of 1

Saklaw At Limitasyon ng Pag-aaral

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri kung may pagpapahalaga ba ang mga
magaaral sa mga kaalamang pangkaligtasan lalot higit sa pagkakaroon ng kagamitang
pangkaligtasan (Survival Kit). Gayon din kung may nararamdaman silang pagpapahalaga sa
mga kaalamana at kagamitang pangkaligtasan mula sektor ng pamahalaan, paaralan o pamilya.
Ang mga palagay ng mga estudyante kung nakakakuha ba sila sa paaralan ng lubos na
kaalamang pangkaligtasan at ay isa sa mga tatalakayin sa pananaliksik na ito. Ang sulating ito
ay magbibigay diin sa pagmumungkahi na magkaroon tayo ng bukas at mapanuring isipan
tungkol sa pagpapalawak ng ating kaalamang pangkaligtasan lalo na sa pagkakaroon ng sarisariling survival kit. Susubukan suriin at ilahad ng sulating ito ang mga kinalaman ng kapaligiran,
kasanayan at kaisipan ng mga Pilipino tungkol sa mga kaalamang pangkaligtasan at survival kit.
Hanggang dito lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito at hindi na masyadong palalawakin pa.
Ang impormasyong nakalap ay ginamitan ng talatanungan, at pinagtibay ng mga impormasyon
na nakalap sa internet, aklatan, mga artikulong may relasyon sa paksang tinatalakay, at ilang
kaugnay na pamanahunang papel upang masuportahan ang mga nakolektang datos. Naniniwala
ang mananaliksik na angkop at tunay na napapanahon ang suliraning ito. Mainam na makaroon
ng ganitong klaseng pag-aaral upang mapunan at malaman ang sagot sa suliraning nararanasan
sa kasalukuyan.

ang pagkakaroon ng survival kit o lifeline kit. Bagamat hindi tuwirang sinasaad ng PNRC kung
anu ang laman ng isang survival kit o lifeline kit, nagbigay ito ng komprehensibong batayan at
struktura ng mga maaaring nakapaloob dito dahil nagbabago ang pangangailang ng bawat tao.
Ang survival kit ay dapat naglalaman ng lahat ng kakailanganin ng buong pamilya para
manatiling buhay sa loob ng 72 oras. Isinasaalang-alang lamang dito na makaligtas habang ikaw
ay naghihintay ng tulong o lumilikas. Kinakailangang nakahanda na ito sa lahat ng oras kahit na
sa unang senyales pa lamang ng sakunang paparating. Sa kabutihang palad ay maaari naman
itong gawin at buoin sa pamamagitan ng mga bagay na nakikita sa bahay at mabibili sa
malalapit na hardware, botika o pamilihan.
READ PAPER
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL
Mag-aaral
-Mamumulat ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng oras at panahon sa pag-alam ng mga
kaalamang pangkaligtasan na maaaring makapagligtas sa kanila at sa mga mahal nila sa
panahon ng sakuna.
Guro
.-Upang mai-ambag sa napakalawak na kaalaman ng mga guro ang mga resulta, datos at
kaalaman na maibabahagi ng pananaliksik na ito na maaari nilang magamit sa kanilang mga
aralin.
Mga Magulang.
-Upang magkaroon ng magandang samahan at pagkakabuklod ang mga magulang at mga anak,
dahil makikita nila ang sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa isat isa sa pamamagitan ng ganap
na pakikialam sa mga kaalamang makakapagligtas at mangangalaga sa isat isa.

You might also like