Professional Documents
Culture Documents
______________________________________________________
__
Filipino 20:
Pagpapahalagang Panliteratura
Ang Paglilitis ni Mang Serapio
______________________________________________________
___
IPINASA NINA:
FRANCA R. AZORES
LEAH BINOYA
MICAH ENERO
BSED 4
Hukom: Ano? Tapos na ba ang paglilitis? (Papalakpak nang dalawang beses ang
Ikalawang Tagapagtanong)
Unang Tagapagtanong: Oho. Inamin na niya na anak niya yung Sol na yun.
(Ibibigay ng isang bantay sa Ikalawang Tagapagtanongang isang kahon)
Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Ito ho ang kahon ng mga
instrumentong ginagamit namin sa pagpaparusa sa mga kasapi. (Habang
nagtatalumpati siya, maglalapg siya sa mesa ng martilyo, pait, malaking gunting,
tinidor, bambo, at balarawna kukunin niya mula sa kahon) Kahangahanga itong
federacion: ubod ng karunungan at pag-uunawa, sapagkat sa katotohanan ay
pagkakawanggawa ang mga parusa. Halimbawa, ang pagpipi o ang pagpilay kaya.
(Maglalapag siya ng bareta sa mesa) ipalagay nating bulag ang kriminal at
nakikinabang dahil sa pagkabulag niya, hindi ba tataas pa ang kita niya kung pilay
rin siya. Bulag na, pilay pa. At di lang siya ang makikinabang. Ang federacion din,
sapagkat tataas ang kanyang abuloy sa federacion. Yan ang tinatawag kong
maunawaing parusa: ang pinarurusahan at nagpaparusa ay kapwa nakikinabang.
(maglalabas siya ngicepick) (Sa Unang Tagapagtanong): Ito ho ang icepick.
Unang Tagapagtanong: (Kay Serapio) Ano? Handa ka na ba?
Serapio: Para sa ano?
Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag.
Serapio: Ha?
Ikalawang Tagapagtanong: Sa pagbulag. Madali lang. Sanay na itong guwardiya.
Unang Tagapagtanong: Alam niya kung anong parte ng mata ang dapat unang
turukin.
Serapio: Pagbulag?
Ikalawang Tagapagtanong: Huwag kang matakot.
Unang Tagapagtanong: Hindi ka matetetano.
Ikalawang Tagapagtanong: Sterilized itong icepick.
Unang Tagapagtanong: Dalhin nga ninyo siya rito. (Hihilahin ng mga bantay si
Serpio)
Serapio: Bat ninyo ako bubulagin?
Unang Tagapagtanong: Yan ang pamantayang parusa. (Tatangayin ng Ikalawang
Tagapagtanong ang mga instrumento ng parusa, ang malaking aklat, at ang
kwaderno. Malalaglag ang mga ito sa sahig.)
Serapio: Para sa ano?
Ikalawang Tagapagtanong: Para sa krimen mo.
Serapio: Krimen?
Unang Tagapagtanong: Huwag kang gumalaw masyado. (Bibigkasin nang sabaysabay ang mga sumusunod na talumpati)
Serapio: Bitiwan nyo ako! Bitiwan nyo ako! Bitiwan nyo ako! Nagsisinungaling
kayo.
Unang Tagapagtanong: Huwag mo kaming pagbibintangan. (Bubuhatin si Serapio
ng mga Bantay at ihihiga sa mesa. Hahawakan nila ang kanyang paat kamay.
Sisigaw at papalakpak ang mga pulubi.) Hawakan mo ang kamay niya! Hawakan mo
ang kamay niya!
Ikalawang Tagapagtanong: Ang ulo niya! Hawakan nyo ang ulo niya!
Serapio: Ano ba ang krimen ko? (Sandaling tigil)
Unang Tagapagtanong: Ang ano?
Ikalawang Tagapagtanong: Ano?
Serapio: Ang krimen ko, ano ang krimen ko?
Unang Tagapagtanong: Relaks lang, relaks. (Mananahimik si Serapio) O, ano ang
nais mong malaman?
Serapio: Ano ho ang krimen ko?
Unang Tagpagtanong: Ang krimen mo! Yun lang pala.
Ikalawang Tagapagtanong: Di mo sinabi agad. (Pupulutin niya ang malaking
aklat mula sa sahig)
Unang Tagapagtanong: Sigaw ka lang nang sigaw diyan. (titindig ang dalawang
tagapagtanong sa plataporma, bubuksan ng Unang Tagapagtanong ang malaking
aklat, at hahanap ng pahinang mababasa ang dalawang Tagapagtanong)
Ikalawang Tagapagtanong: Ang krimen ni Mang Serapio.
Dalawang Tagapagtanong:
Ang buhay ng taoy lansangan ng hirap;
ang mundoy daigdig ng kirot at dahas.
Pagsasalay sakit ng ating pagkatao,
Pag-aaruga ng bata ang krimen ni Mang Serapio.
Krimen mo mang Serapio!
Unang Tagapagtanong: At wika pa sa aming aklat:
Dalawang Tagapagtanong:
Bawal mag-aruga ng bata o asawa,
ang taunang kitay nawawalan ng pera.
Ikalawang Tagapagtanong: Totoo ha? May tatlong saksi kami ginoo,tatlong saksi
na nanubok sayo, araw, gabi.
Unang Tagapagtanong: Dalawang linggo silang nagbantay.
Ikalawang Tagapagtanong: Mga saksi sila sa krimen mo.
Serapio: Nagsisinungaling sila! Wala akong batang inaaruga.
Unang Tagapagtanong: Titignan natin.
Ikalawang Tagapagtanong: Lalabas din ang katotohanan.
Unang Tagapagtanong: Kung sila ang nagsisinungaling, sila ang paparusahan,
ngunit kung ikaw ang sinungaling (Sa mga Pulubi) Pumaritosa harap ang tatlong
saksi. (Titindig ang tatlong saksi)
Hukom: (Sa tatlong saksi) Kayo na naman?
Unang Saksi: Oho.
Hukom: Kayo na lang palagi ang nagpapabulag sa iba.
Ikalawang Saksi: Talagang ganyan ho ang buhay.
Ikatlong Saksi: Manananggol lang ho kami ng kalinisan nitong federacion.
Unang Saksi: Mga taga-patnubay ng kabutihan nitong lipunan.
Hukom: Kayo ba ang unang nagsumbong ng kanyang krimen?
Unang Saksi: Oho.
Hukom: (Sa mga manonood) Pues, ayon ho sa batas ng aming federacion, kung
mapapatunayan nila ang krimen ng nasasakdal, kanila ang lahat ng kasangkapan ni
Ginoong Serapio at diyes porsyento ng kanyang kinikita. (Lalakad ang tatlong saksi
sa plataporma. Dadaluhungin kaagad ni Serapio ang Ikalawang Tagapagtanong)
Serapio: Buwaya!
Unang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) hawakan ninyo siya! (Hahawakan ng
mga Bantay si Serapio at hihilahin sa sulok ng acting area sa gawing kaliwa ng lugar
ng mga Pulubi. Titindig ang mga saksi sa plataporma.)Bawal ditto ang kumilos nang
ganyan. Igalang mo itong hukuman ginoo. (Sandling tigil) (Sa Saksi)Ngayon, mga
ginoo nitong marangal na federacion, sabihin ninyo sa amin ang inyong nakita
kagabi.
Tatlong Saksi: Nakita namin siya, papauwing may dalang mamantikang supot sa
kilikili niya, at susulyap-sulyap sa kanat kaliwa, takot wari ko na makita siya.
Dalawang Tagapagtanong: Takot sa waring makita siya.
Tatlong Saksi: Sinundan naming siya hanggang sa bahay niya, nagsitago kamit
narinig namin siya. Heto na, Sol, kumain ka nat isuot mamaya ang damit mong
pula.
Dalawang tagapagtanong: Heto na, Sol, kumain ka nat isuot mamaya ang damit
mong pula.
Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio, pinagbibintangan kita ng krimen ng
pag-aaruga ng bata. Bubulagin ka ngayon din!
Serapio: yan ba ang inyong katibayan?
Ikalawang Tagapagtanong: Oo, masaya na kami.
Serapio: Kulang pa yang katibayan nyo.
Unang Tagapagtanong: At ano ang kakulangan?
Serapio: Si Sol, ang aking buhay na anak. Mga tanga ang espiya ninyo!
Unang Tagapagtanong: Huwag kang magsalita nang ganyan sa harap namin.
Ikalawang Tagapagtanong: Kamiy mga opisyal nitong Hukuman.
Serapio: Akala ninyo ay nahuli na ninyo ako, ano? Akala ninyo! (Sa tatlong saksi)
May isa ba sa inyong nakakita sa buhay na anak ko? Wala!
Ikalawang Tagapagtanong: Wala ba sa inyong nakakita sa anak niya?
Unang saksi: Narinig naman naming siyang nagsalita sa anak niya, gabi-gabi, sa
buong linggong nanubok kami. (Bibigkasin nang sabayang sumusunod na talumpati.
Lalapitan at kakausapin si Serapio isa-isa ang mga manonood.) At kaya namin alam
na alam ang mga sinabi niya ay sapagkat Serapio: Nagsisinungaling silang lahat! Nagsisinungaling silang lahat!
Nagsisinungaling silang lahat!
Unang Tagapagtanong: Ginoong Serapio!
Unang Saksi: Sapagkat gabi-gabi sa isang takdang oras ay naririnig namin siyang
paulit-ulit na nagsasabing, Heto na, Sol, kumain ka nat isuot mamaya ang damit
mong pula, at inuulit niya ito gabi-gabi.
Serapio: Nagsisinungaling sila! Nagsisinungaling sila nang maging kanila lahat ang
mga kasangkapan ko!
Ikalawang Tagapagtanong: Ngunit nakita ba ninyo ang anak niya?
Tatlong Saksi: Hindi.
Serapio: Ha!
Ikalawang Tagapagtanong: Kung nagsisinungaling kayo mapipipi kayo, mapipipi
kayo!
Unang Saksi: (Kay Serapio) Narinig ka naming nagsalita sa anak mo!
Serapio: Kung talagang buhay ang anak ko, dalhin nyo siya rito! Dudustain pa
ninyo ang alaala niya. Kailangan ba kayong makialam sa buhay ng may buhay?
Serapio: Huwag!
Unang Tagapagtanong: Wala kang kapangyarihan sa Hukuman ito, ginoo!
Serapio: Ngunit, akin yang baul!
Ikalawang Tagapagtanong: E, ano? E, ano?
Serapio: Huwag ninyong buksan yan!
Unang Tagapagtanong: Pigilin mo kami! Pigilin mo kami!
Serapio: Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo!
Ikalawang Tagapagtanong: (Sa mga Bantay) Hawakan ninyo siya!
Serapio: Ibubunyag ko kayo sa pulis! (Hihinto ang pagmamartilyo) Ibubunyag ko
kayo sa pulis! Ibubunyag ko kayo at ang inyong kalupitan! Ibubunyag ko ang inyong
pandaraya sa madla! Ibubunyag ko ang inyong pagmamalupit sa aming lahat;
ibubunyag ko ang inyong sadyang pagpapabaya sa mga matatandang kasapi!
Ibubunyag ko itong federacion sa pulis! (Katahimikan)
Hukom: (Hahampasin ng Hukom ang kanyang podium) Walang makakatulong
sayo, Ginoong Serpio, wala! (Kakaladkarin si Serapio ng mga Bantay sa patimogsilangang sulok ng acting area. Lumupagi si Serapio.) Ni ang pulis, ang pahayagan,
kahit sino man sa mundong ito. Ang mga hiyaw moy di maririnig; ang bawat kilos
moy mabibigo, walang papansin sayo. Dumaing ka pa, at bukas makalawa,
matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. (sa mga
pulubi) Tandaan ninyo yan! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa
federacion araw-araw. At ibibigay niyo ang perang iyan sa amin. At kapag hindi,
kung kayoy nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga mata; kung kayoy
nakakapagsalita, puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayoy nakakalakad,
babasagin naming ang inyong mga buto; at kung di pa rin ninyo susundin ang batas
na ito, ang bawat daliri ninyoy isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa
federaciong ito, ngunit kasapi na kayo hanggang kamatayan. Kamatayan lamang
ang makapaliligtas sayo kapag sumali ka sa federciong ito. Buksan ang baul!
(Patuloy na naman ang pagmamartilyo habang nagsasalita si Serapio. Dapat lunurin
ng mga hampas ng martilyo ang karamihan ng mga salita ng talumpati ni Serapio).
Serapio: Bale wala sa inyo ang laman niyan. Bale wala. Huwag na ninyong buksan.
Balewala sa inyo ang laman niyan. (sandaling tigil) Hindi naman ninyo
mauunawaan. Hindi naman ninyo mauunawaan. Kung tangkain kong magpaliwanag,
kung tangkain kong sabihin sa inyo kung bakit, hindi naman ninyo mauunawaan.
Pagtatawanan lamang ninyo ako. Anong masasabi ko sa inyo? (Sandaling tigil)
Nabubulok na kamay, nabubulok na balat, nabubulok na laman, nabubulok na ugat,
nabubulok na buto. (Masisira ang kandado; Katahimikan.) (Sisilip ang dalawang
Tagapagtanong sa baul. Titindig ang ilang Pulubi. Itataas ng unang tagapagtanong
ang isang manika.)
Unang Tagapagtanong: Manika? (tatakbo si Serapio at aagawin at hahagkan ang
manika)
pulubi ang manika sa Pulubing nasa likod ni Serapio. Uulitin itong laro ng Hipo-Sipa.
Biglang titigil ang mga Pulubit Tagapagtanong. Lalabas ang mga Pulubi. Aakapin ni
Serapio ang manika. Wala siyang imik.)
Guwardiya! Ilabas mo nga siya. (Kakaladkarin ng mga guwardiya si Serapio sa labas
ng silid. Aayusin ng mga Tagapagtanong ang kanilang mga kasangkapan.)
Hukom: Paminsan-minsan na lang itong mga paglilitis.
Ikalawang Tagapagtanong: Oo nga eh. Di tulad ng dati.
Hukom: Kelan pa ang susunod?
Ikalawang Tagapagtanong: Marso pa.
Hukom: Isa pang buwan. (Lalabas ang Hukom at Ikalawang Tagapagtanong;
Katahmikan.)
Unang Tagapagtanong: (Sa mga manonood) Umaasa kami na nauunawaan ninyo
kung bakit kami napilitang parusahan si G. Serapio. Tinuturuan niya ang mga
kasaping magkaroon ng mga haraya, ng mga pangarap, na di naman matutupad at
dadagdag lamang sa kanilang lumbay. Ang ginawa niyay nakasisira sa mga kasapi
nitong federacion. Tinutulungan lang naming sila nang parusahan namin si G.
Serapio. Sinusunod lamang naming ang mga batas nitong federacion. Ang ano
mang federacion ay nangangailangan ng kaayusan ng mga batas. Ang maninira
nitong kaayusan ay mapanganib. Ang ginawa ni Mang Serapioy salungat sa aming
mga batas. Ang ginawa niyay pulos malisya. Ipinagtanggol lang naming ang aming
kapwa tao. Itoy dapat ninyong lubos na maunawaan, lubos na maunawaan.
(Katahimikan.)
Nakita ninyo sila isa-isang nagsialisan. Babalik din sila. Babalik.
Alam niyo, nagkamali si G. Serapio nang sinabi niyang kamiy sadyang pabaya sa
mga matatandang kasapi. Ang mga matatandang kasapi, ang mga matatandang
pulubi, ang siya mismong ayaw mabuhay. Pilitin mo man sila, ayaw nilang kumain,
umiinom lang ng kaunting tubig araw-araw, sapagkat wala silang makita kundi
karimlan sa langit at hinihintay na lang nila ang pagdapo ni Kamatayan sa kanilang
durungawan. (Sandaling tigil.)
Bali-bali na ang aming pakpak. Wala sa amin ang lakas upang liparin ang
napakataas na pader na kongkreto. Marahil ay ibinitin na nga ni Mang Serapio sa
harap naming ang susi sa aming piitan, ngunit napakahirap hiwain ang sarilit ilahad
ang pag-ibig. Ang balon ay malalim, at sa kailaliman ang nasang lumipad at hanapin
ang sinag ng araw, ngunit ang gula-gulanit na diway mahinang wumawagayway
lamang. (Lalabas siya.)