You are on page 1of 4

DALUYONG

isang akda ni Lazaro Francisco

Suring Basa sa Filipino ni Christian Jewel Pascua, 10-Rizal

Si Lazaro Francisco na ipinanganak noong Pebrero 22, 1898 at namatay noong Hunyo 17, 1980,
ay pang-apat na anak nina Eulogio Francisco at Clara Angles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit
pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na haligi
ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino
(KAWIKA). Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang
Nagpatiwakal, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli
niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga nobela na talaga namang isinabuhay niyang
muli ang panitikang Pilipino at masasalamin din sa kanyang mga akda ang ibat ibang kultura at
tradisyon na tanging mga Pilipino lang ang mayroon.
Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Iginawad
sa kanya ang mga karangalang Patnubay ng Lahi ng Maynila. Dangal ng Lahi ng Lungsod ng
Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang Republic Cultural Heritage Award sa Panitikan.

TAGPUAN:
Sa Maruhat
Sa Siyudad
Sa Probinsiya
Sa Bukirin

MGA TAUHAN
LINO; dating bangkero ng isang hacienda, na nabigyan ng pagkakataong magmay-ari ng lupa sa
tulong ni Padre Amando
PADRE AMANDO: tumulong kila Lino; nagpanukala upang mawala ang tenancy system
MS. LORETO SANCHEZ: babaeng kumupkop kay Ernesto; punung-guro sa eskwelahan sa
Pinyahan.
BIDONG: kasintahan ni Huli; tagabantay ni Lino sa kanyang bukirin
ALING BARANG: ina ni Huli
HULI: kasintahan ni Bidong
ERNESTO: anak ni Lino sa pagkabinata
ALBINO: matalik na kaibigan ni Lino; tagabantay ni Don Tito sa kanyang sakahan
DR. BENIGNO (BENEG) SITYAR: anak ni Don Tito na tumatakbo sa pagkagobernador
SALINA, MINA, AT BEBA: mga kaibigan ni Ms. Sanchez
DIDANG: babaing taga-maynila na napadpad sa Maruhat at kasintahan ni Lino
ALING HUWANA: balong babae na kumupkop kay Didang
DON TITO: isa sa mga gahamang haciendero tumututol sa pagkabuwag ng tenancy system
ALING BASILIA: ina ni Ms. Sanchez at kapatid ni Padre Amando
ATTY. MARCELO LIGON: abugado ni Padre Amando

BUOD/BANGHAY:
Panimulang Pangyayari:
Umaga ng Mayo 21, 1955, habang nakaupo sa isang kareta sa ilalim ng punong kawayan ay
pinagmamasdan ni Lino ang kanyang bukid, na hinuhulugan niya taun-taon. Balo na siya at naisip na
ipamana niya ito sa kanyang anak na si Ernesto. Napagtanto niya na napakalaki pala ng kanyang
utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya, na sina Padre Amando, Ms. Sachez at Koronel Roda,
kaya naisip niya na tulungan si Koronel Roda na paibigin si Ms. Sachez upang makabayad sa
kabutihang natamo niya mula sa kanila.
Malapit sa bukid ni Lino ang bahay nina Huli, ang babaeng napupusuan ni Bidong. Sa
kasamaang palad, hindi naman boto ang mga magulang ni Huli kay Bidong dahil mahirap lamang siya.

Papataas na Aksiyon:
Samantala, si Padre Amamdo ay pinangunahan ang pagbuwag sa sistema ng pakikisama sa
sakahan o tenancy system. Maraming mga negosyate ang tumutol dito at isa na rito si Don Tito.
Isang umagang patungo siya sa bahay ni Ms. Sachez ay kanyang nasalubong ang kanyang
kaibigan si Albino, na katiwala ni Don Tito sa bakahan. Sinabi ni Albino na nais ni Don Tito na gawin
siyang katiwala ng kanyang asyenda. Maruhat at pinuno ng mga bodyguard ni Dr. Benigo Sityar, na
anak nito. Tinutulan ito ni Lino dahil sa nalaman niyang isa si Don Tito sa mga tumututol sa mga balak
ni Padre Amando.
Sa kanyang pagdadalaw-dalaw sa anak na si Ernesto ay kanyang nahalata na may pagtingin
din ito kay Ms. Sachez. Naisip niya na limutin na lamang ang pag-ibig niya rito dahil sa alangan siya
rito. Humanap siya ng ibang mapag-uukulan at ito ay kanyang natamo kay Didang isang dayo sa
Maruhat. Sa mismong araw ng kaarawan ni Ms. Sachez, natamo ni Lino ang kasagutan ni Didang.

Kasukdulan:
Pagkatapos nito, ay dumalas ang dalaw ni Lino rito. At sa bawat pagdalaw ng una ay unti-unti
naming naipagtatapat ang kanyang nakaraan. Tinanggap naman ito ni Lino ngunit ang babae na rin
ang nagsabing binibigyan niya ito ng hanggang Agosto 20 upang magbago ito ng pasya.
Samantala, parang nagpipiyesta ang mga tao sa pnyahan nang palagdain sila ni Padre
Amando sa kasunduan sa Pamumuwisan na simula ng pagbuwag ng tenancy system. Lubos naman
itong ikinaligalig ni Don Tito.
Sa minsang pagdalaw ni Lino kay Didang ay iniwanan niya si Bidong ng baril at sinabing
maging handa. Pagbalik niya ay hindi niya ito dinatnan dahil ito pala ay nangharang ng bus ang
nakuhang salapi ay ipinamigay sa mga dukha ng Maruhat. Hinangad ni Lino na mapagtakpan ito.

Pababang Aksiyon:
Sa kabilang dako, sa hangad na mapaglubag ang loob ni Don Tito at ang anak nito ay ibinigay
niya si Bidong bilang kapalit niya sa pagiging bodyguard. Nalalapit na noon ang Linggo ng Wika at
naghahanda ng palatuntunan si Ms. Sachez. Pinadalhan ni Ms. Sanchez ng imbitasyon si Lino sapagkat
mananalumpati ang kanyang anak na si Ernesto. Ngunit nakatanggap ito ng balita sa kanyang
kaibigang si Albino na nanganganib ang buhay ni Bidong.
Hindi na nakadalo si Lino sa palatuntunan. Sa halip ay hinanap niya si Bidong na tumakas sa
hacienda ni Don Tito. At nakita niya ang pagtugis at pagpatay sa kanya. Ang bangkay ni Bidong ay
dinala ni Lino sa simbahan at pinagpayuhan siya ni Padre Amando na huwag maghiganti.
Pagkatapos ng libing ni Bidong ay umuwi si Lino kasama si Albino sa kanyang bukid. At
kanilang nakita ang panununog na ginawa ng di kilalang mga tao. Tinugis nila ang mga ito.

Wakas:
Samantala, dahil sa pagpunta ni Lino sa usapan nila at nagpasya si Didang na lumisan na
lamang. Nang malaman ito ni Lino, ito ay kanyang sinundan ngunit hindi niya ito nakita.
Si Ms. Sanchez naman ay palala na ng palala dahil sa hindi niya pagkita kay Lino. Dahil dito,
hiniling ni Padre Amando na hanapin si Lino at sa kabutihang palad, bago mamatay si Ms. Sachez ay
kanyang nasilayan si Lino.

PAKSA:
Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga mayayaman,
ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mga ganid na tao
Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na kung
ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang
asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito
Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong
magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang
naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.

REAKSYON:
Gustong-gusto ko po ang kuwento dahil ito ay napapanahon at mukhang makatotohanan ang
mga kuwento niya. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari dahil inuulit ng may-akda ang ilang
tagpo nang sa gayoy ang ilang pangyayaring maaaring malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin
ng mga mambabasa at ito rin ang nagustuhan ko sa nobela.
Karapat-dapat itong irekomenda dahil mayroon itong magandang maituturo sa lahat ng tao.
Dahil pagnabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat
at ang tunay na diwa nito. Ako ay maraming natutunan sa aking pagbabasa dahil sa aking pagsusuri.
Mapapaunlad ko ang aklat na ito sa pamamagitan ng panghihikayat sa aking mga kaibigan,
kaklase, magulang, kapamilya, at sa mga kaibigan ng king mga kapamilya at magulang na basahin
ang nobelang ito. Kaya nais kong ipamahagi ito sa lahat ng sa gayoy maintindihan nila ang nais
ipahatid nito sa lipunan, Sa mga may kapangyarihan at sa mga taong naaapi. Ipapahiram ko rin itong
aklat na ito sa mga taong nais magbasa nito.
Napakabuti ng aklat na ito sa ating lahat. Dahil dito malalaman natin ang samotsaring mga
problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa atin kong paano ito
lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman man o mahirap, ang lahat ng
tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang kahirapan para maiahon ang sarili sa
kahirapan. Ang pag-ibig ang nag-uugnay sa dalawang taong nagmamahalan. Walang lihim na hindi
nabubunyag. Habang may Buhay ay may Pag-asa.

MGA BISA
BISA SA ISIP
Maraming bagay ang naging bago sa aking isipan o mga nalalaman ko na ngunit hindi ko pa
maintindihan. Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap sa mga
mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay sinasamantala ng mga ganid
na tao. Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng mga asyendero sa mga magsasaka na
kung ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga taong tumutulong upang maging maunlad ang
kanilang asyenda. Bagkus, dapat pa nilang turuan at tulungan ang mga ito Hindi tamang sabihin o
gawin na para makabayad ng utang na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o
damdamin. Sa kalagayan ni Lino, kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang
pagbigyan si Koronel Roda.

BISA SA DAMDAMIN
Ang naiwang bisa sa damdamin ko bilang isang mambabasa ay halu-halong damdamin mula sa
umpisa ng kwento hanggang sa wakas nito, at mula sa mga tauhang nagsiganap sa nobelang ito.
Paghanga kay Padre Amando sa kanyang pinakitang kabaitang loob na pagtulong sa mga magsasaka,
pagkainis kay Lino sa kanyang pagpili ng kanyang isipan kaysa sa kanyang nadaramang pagmamahal
kay Ms. Sachez, pagkagalit kay Don Tito dahil sa pagkagahaman nito at kasamaang loob nito at
malungkot sa nangyaring pagmamahal ni Ms. Sachez kay Lino.

TEORYANG GINAMIT:
REALISMO
Ipinakita ang pagiging makatotohanang paglalahad at pahlalarawan ng mga bagay, tao at lipunan.
Halimbawa ay ang paninilbihan sa mga mayayaman ng isang mahirap na tao.

KLASISMO
Sa nobela, mas ginamit ni Lino ang kanyang isipan kaysa sa damdamin ng kanyang pinasyang
iwasan si Ms. Sachez dahil sa naisip niyang alangan siya dito.

SIMBOLISMO
Gumamit ang may akda ng mga simbolismo tulad ng daluyong o malaking alon para magbigay
katanungan sa mambabasa kung paano magkakaugnay ang isang daluyong na ginamit bilang
pamagat ng nobela sa kwento ng nobela
Pinapakita ng isang daluyong ang isang patuloy na pag agos ng alon sa buhay ng isang tao. Hindi
kailanman humihinto o tumitigil ang pag alon nito, minsay mapanganib minsay hindi, minsay
mahina at minsay napakalakas

You might also like