You are on page 1of 2

Dagli

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kwento. Bagamat walang katiyakan ang
pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.

Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing
kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kwento. Kabilang sa mga kilalang manunulat ng dagli sina Iigo Ed.
Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio
Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.

Pinagmulan
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng
pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.

Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito
sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa
Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang
anyong prosa ngunit patula anghimig.

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong
sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat.

[baguhin]Katangian at anyo
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang Ang Dagling
Tagalog: 1903-1936 ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isangpatriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan.
Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang
mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.

Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa
maging nakakahong kwento sa mga tabloid o tampok na kwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa
pahayagan, at telebisyon. Aniya, natransform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong
pangalan at katawagananekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba paat lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento
sa media).

Dagdag ni Tolentino:

Mismong ang kasaysayan ang lumilikha ng porma ng panitikang magbibigay-representasyon sa kanya. Umaangkop ang dagli
o anumang stilo ng porma ng panitikansa politika ng panahon batay sa politikal na ekonomiya ng paglalathala. Kailangang
linawin ang porma at estiloang porma ay ang genre (tradisyonal na pagkakahati-hati at pagkatuto ng panitikan bilang prosa,
tula, at dula), samantalang ang estilo ay ang suma-total ng lahat ng kumbensyong ginagamit sa isang porma ng panitikan para

1
magkaroon ng kakaibang dating (effect) sa mambabasa. Tulad ng maraming estilo, ang dagli ay kwento pero ibang uri ng
kwento.

[baguhin]Ang dagli sa kasalukyan

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay
Dr. Reuel Molina Aguila, naunang magkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash
fiction na umusbong noong 1990s. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng mga magbabarkada kung kaya't
masasabing marami sa mga probinsya at malalayong lugar nagkaroon ng ganitong paraan ng kwentuhan.

Noong 2007, lumabas ang antolohiyang Mga Kwentong Paspasan na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011
naman nang mailathala ang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) ni Eros
Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang samut saring pangyayari sa lipunan sa paraang
madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika. Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksyon ng mga dagli
ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang
dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan Isang makabuluhang
kontribusyon ito sa panitikan ng bansa."

Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa
Ingles.

Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros:

"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.

"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.

"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.

"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

You might also like