You are on page 1of 4

DAGLI

DAGLI BLG. 1: PAHIRAM AKO NG LAPIS

Ikalawang araw ni Junjun sa Grade I, wala pa siyang kaibigan kundi ang katabi nyang si
Dingdong. Nagbigay si Teacher ng gawain na punuin ang kanilang papel, harap at likod ng
kanilang buong pangalan. Dapat walang space ang susunod sa ilalim, dapat maayos ang
pagsulat.

Nakalimutan pala ni Junjun ang kanyang pencil case na back to back with automatic magnet lock
system, nandun lahat ang kanyang lapis, mga pangkulay at pambura.

Naghanap na rin sya sa kanyang bag kung may naligaw na kahit isang lapis, pero wala talaga.
Paubos na ang kanyang oras, nangangalhati na ang kanyang mga kaklase sa pagsulat, maging si
Dingdong ay mapupuno na rin ang harapan ng papel ng kanyang pangalan.

Pahiram naman ako ng lapis, Dingdong halos magmakaawa ang batang si Junjun sa kaklase.

Wala! yung mga lapis ku nga di mo na sinasauli eh galit na sumagot si Dingdong habang
pinagpapatuloy pa rin ang pagsulat.

sige na sosoli ko din aman! lumiligid na ang luha ni Junjun

Yoko nga! Basta!, bahala ka! nakatingin na si Dingdong kay Junjun, gigil na hawak-hawak ang
lapis nyang medyo pudpod na.

WWWWaaaaaahhahhhaaahhhhhhhhhh, huhUUHUUHHHUUhhu!!!..

Napalibutan ng iyak ang buong classroom. Naging kulay pula ang papel ni Dingdong.

Umulit Sya, gamit ang bagong lapis. Si Junjun naman ang nangangalhati na sa pagsulat.

ANG BUHAY SA LOOB NG PAARALAN


Mkling kwnto
Simula nanaman ng isang napakagandang umaga , maganda ang sikat ng araw at parang
nagaanyaya ng magagndang bagay sa araw na ito. Ako ay isang estudyante sa isangLocal
government university , sa totoo lang hindi sa pagmamayabang isa akong iskolar, naalala ko pa
nga kung paano magmayabang ang aking ina sa aming mga tsismosang kapitbahay Ang anak
ko matalino yan laging kasama yan sa top 10 ng kanilang klase iskolar yan , sabi ng inay di ko
maiwasan mapangiti sa alaalang iyon sapagkat alam ko na kahit sa malilit na bagay
napapaligaya ko ang aking ina.

Karaniwan tumatagal rin ng halos labing limang minuto ang aking paglalakad papasok sa
unibersidad ngunit sa araw na ito inabot lamang ng sampung minuto ang aking paglalakad
nagmadali talaga ako dahil may pagsusulit kami sa araw na ito hindi ako dapat mahuli . Nang
makarating ako sa aming classroom matapos ng mahaba habang paglalakad sinalubong ako ng
mga estudydnteng nagkukumahog sa pagaaral naghahabol ng kahit konting oras upang
1
makapagpasok ng ilang impormasyon sa kanilang utak , napangiti ako sa sitwasyon nakita ko rin
ang pinakamatalino sa aming klase tahimik lang syang nakaupo sa sulok subalit mayat mayay
tumatayo na parang naiinip , bilib ako sa kanya pero di ko rin maiwasan na mainggit sa kanya
dahil panigurado sya nanaman ang pinakamataas sa pagsusulit ano nga ba yung tawag
dun effortless sa pagaaral ganun sya. Kahit kailan di ko sya nakikitang nagaaral o
nagkukumahog magreview ano nga kaya ang sekreto nya tulad rin kaya ng sa akin.

Hoy! Bakit nandyan ka pa darating na si mam ,nagulat ako sa pagtawag ng isa kong kabarkada
agad-agad akong naupo sa aking upuan kahelera ang aking mga katropa.

Handa na ba ang gagamitin natin, tanong ko sa aking katabi ang babaeng tumawag sa akin
kani- kanina lang . Oo handa na eto oh, sabay pakita sa akin ng isang maliit na papael na
punong puno ng sulat , maliliit na sulat na sadyang pinagsiksikan upang mapagkasya ang lahat
ng detalye patungkol sa nakaraan naming aralin. Ang bagay na ito nag magbibigay sa akin ng
mataas na marka , ang magpapanatili ng aking scholarship , ang magpaapligaya sa aking ina at
magpapaganda ng aking imahe sa lahat ng tao.

Dumating ang aming guro at nagsimula ang aming pagsusulit . Ang pagsusulit ay binubuo ng
dalawampung puntos. Isa dalawa..pasimple kong sinilip ang maliit na papel na nakatago sa
aking kandungan madali kong nasulat ang unang dalawang tamang sagot tatlo apatpatuloy
kami ng aking mga katropa sa pandaraya ngunit dagli rin kaming natigilan dahil nakita kong
bahagyang nakatingin sa amin ang aming guro nakahinga lamang ako ng maluwag ng makita
kong ibinaling na nya sa ibang direksyon ang kanyang paningin. Sa pangkahalatan naging
maayos ang aming operasyon iba talagang magtrabaho ang mga propesyonal na. Tulad ng
inaasahan perfect ang score ng pinakamatalino sa aming klase at ako kmi ng aking mga katropa
ay nakakuha ng labingsyam na puntos hindi na masama makakahalata naman ang lahat kung
perpekto rin

ang aming score . Binasa ng malakas ng aming guro ang puntos ng lahat at di nya maiwasan
pumalatak tuwing makakakita ng mabababang marka at kitang kita ko kung paanong ang mga
kanina lang ay nagkukumahog magaral ay nakakuha lamang ng pasang awa na marka , inikot ko
ang aking tingin sa aking mga katropa lahat sila ay nakataas ang

noo at puno ng pagmamalaki ang kanilang mga ngiti sayang saya sila sa pangangantiyaw
patungkol sa mga nakuhang puntos ng aming mga kaklase. Sa pagikot ng aking paningin nahuli
ng aking mga mata ang isang pares ng mata na sa akin nakatingin ang mata ng pinakamatalino
sa aming klase , nakita ko sa kanyang mata ang mensaheng ninanais nyang iparating pagkaawa,
kasiyahan at ang hindi ko mawaglit sa aking isipan panunumbat para bang sinsabi nya sa akin na
niloko ko lamang ang aking sarili at ang lahat ng tao na naniniwala sa aking galing at
katalinuhan.

Dagli kong inalis ang pagkakahinang ng aming mga mata para akong napapaso na di ko mawari .
Wala akong pakialam sa sasabihin nya o sa sasabihin nilang lahat hanggat di kami nahuhuli ng
aming mga guro patuloy pa rin namin itong gagawin , ang kultura ng pandaraya ay matagal ng

2
nangyayari sa kahit anong paaralan kayat bakit ako makukunsensya eto ang tinatawag
na survival of the fittest . Matalino ako sa sarili kong paraan kung hindi ba naman maiisip ko ba
ang ibat-ibang pamamaraan ng pandaraya na bumabagay sa ibat-ibang patakaran ng aming
mga guro. Ano ngayon kung niloloko ko ang aking sarili at sa sobrang pandaraya ko naiisip ko rin
na lahat ng ito ay realidad na nararapat lamang sa akin ang matataas na grado . Kaya kong
gawin ang lahat ang magsinungaling at mandaya wag lamang akong maalis sa pedestal ng
pagpapanggap na aking kinalalagyan, Kaya sa lahat ng tumutuligsa at nakikialam sa king
ginagawa eto lang ang masasabi ko nek! nek! nyo .

Kuwentong Paspasan: Ang Manunulat

Ang Manunulat
ni Johnjo Tuason

Naghanap ng kuwento ang Manunulat sa buong Maynila. Sumakay siya ng LRT sa Baclaran at
habang binabagtas ng tren ang ibabaw ng siyudad ay napansin ng Manunulat ang mga lumang
gusali at simbahan na katabi ng mga bangko, condo at shopping malls.

Wala siyang nakitang kuwento.

Napansin niya ang mga mosoleyong tsino sa Chinese cemetery at naakit sa mga puno ng
kalachuching hitik na hitik sa mga puting talulot.

Ngunit di pa rin siya nakakita ng kuwento.

Nakarating siya sa Kalookan at sumaglit sa Ever Gotesco para panoorin ang mga magsing-irog na
kumakain sa food court, ang mga tindera ng cellphone na nililigawan ng mga nagbebenta ng
DVD. Ngunit walang bagong salaysay na nabuo sa kanyang isip.

Kaya't tinamad ang Manunulat at sumakay muli ng LRT at bumaba sa may Malate. Nilakad ang
pasikot-sikot na mga tindahan, restawran at kapihan. Nagdesisyon siyang tumambay sa Baywalk
para manuod ng paglubog ng araw. Naupo siya sa tabi ng bronseng Ninoy Aquino at nilabas ang
ballpen at notebook. Ginuhit niya ng mga titik ang pagkalat ng kahel na liwanag sa kalangitan.
Naramdaman niyang kalahati ng kanyang mukha ay sinisinagan ng araw. Wala pa ring nabuong
kuwento pero natahimik ang puso niyang naghahanap.

Biglang dumating ang malaking tsunami, dinaganan siya ng malaking alon at hinila siya
papuntang laot. Nakapagtatakang walang natinag sa paligid. Tulala ang mga tao sa kalye sa
nangyari. Hindi umusad ang traffic sapagkat ang mga driver ay namutla sa takot. Parang nag-
commercial gap lang ang buhay.

Nasaksihan ng isang reporter ang nangyari at agad kinuha ang kanyang radyo.

"Ed, news flash," sabi ng reporter. "Meron akong kuwento!"

3
WAKAS

You might also like