Manlalakbay : Tanda, nakabalik na po ako. Pasensya na dahil ako
ay natagalan. Ano po ba ang inyong gustong ikuwento sa akin?
Nang tinanong ng manlalakbay kung ano ang ikukuwento ni
matanda, siya ay sinagot nito.
Tanda : Ang ikukwento ko sa iyo ay tungkol sa isang binatang
ubod ng kabutihan na nagbago. Isang binatang nagbago dahil kinain ng kasamaan.
Kinuha ng manlalakbay ang upuang malapit sa kanya.
Tanda : Handa ka na bang makinig sa aking kwento.
Manlalakbay : Handang-handa na po.
Tanda: Noong ay mayroong pamilya na...
Ang pangalan ng binatang tinutukoy ng matanda ay si Adolfo.
Siya ay ang bunso ng pamilyang Hitlero. Siya ay may mas matandang kapatid na babae na si Sarah. Ang kanyang ama ay si Jakiro at ang kanyang ina ay si Aleria. Ang kanilang mga magulang ay matanda na.
Isang araw habang nag aalmusal ang pamilyang Hitlero, may
gustong imungkahi si Adolfo sa pamilya.
Adolfo : Inay. Itay. Gusto ko sanang mag-aral ng kolehiyo.
Aleria : Saan mo naman gustong mag-aral ng kolehiyo? Wala
tayong paaralangang pang kolehiyo dito.
Adolfo : Sa Manila.
Sarah : Wag na Adolfo. Mapanganib ang Manila ngayon at baka
ano pang kaguluhan ang matatagpuan mo sa peligrosong lugar na iyon? Jakiro : Tumahimik nga kayong dalawa. Matanda na ang ating bunso at siya ay may karapatan na galugarin ang mundo. Sundin mo kung ano ang gusto ng iyong puso.
Adolfo : Salamat Itay.
Napatahimik na lamang sina Sarah at Aleria at natapos ang
kainan na matiwasay.
Kinabukasan ay pinuntahan nina Adolfo at Jakiro Padreng Alfredo
upang humingi ng payo.
Jakiro : Magandang umaga sa inyo padre.
Adolfo : Magandang umaga sa inyo padre.
Alfredo: Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Jakiro : Hihingi lang po sana kami ng payo niyo. Gustong-gusto ni
Adolfo na mag-aral sa Manila. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Alfredo: Ang Manila ay lugar ng kasamaan. Ito ay punong-puno
ng tukso at kasamaan. Dito na lang ang iyong anak upang mamuhay ng tahimik at malayo sa kasamaan.
Jakiro : Salamat padre.
Nalungkot si Adolfo.
Nag-usap ang dalawa habang naglalakad pa-uwi sa kanila.
Jakiro: Huwag mo na sigurong ipatuloy ang iyong kagustuhang
makapag-aral sa Manila. Narinig mo naman siguro ang mga sinabi ni Padre.
Adolfo: Itay, ang Manila ay may kabutihan din. Ito ay laging
pinupuntahan ng mga tao hindi lang sa trabaho pati rin ang tamis na ibinibigay sa mga mata kapag ikaw ay nandoon. At tsaka Itay, malaki ang sahod ko basta ako ay nasa Manila. Tutulongan ko ang ating pamilya sa pinansyal. At pangako ko sa iyo Itay, walang masamang mangyayari sa akin at higit sa lahat, hinding-hindi magbabago ang mabait na bunso niyo na si Adolfo.
Nabighani si Jakiro sa sinabi ng kanyang anak.
Jakiro : Pangako mo yan ha?
Adolfo : Pangako po.
Nagpasya ang buong pamilya na ipagpa-aral si Adolfo sa Manila.
Nagpaalam na si Adolfo sa kanyang pamilya at pumunta na
patungong Manila. Doon siya nakahanap ng unibersidad upang mag-aral. Siya ay nabighani sa kanyang mga nakita