You are on page 1of 2

PANGANGALAP NG DATOS

Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos

buhat sa mga aklat na may kinalaman sa kanilang paksa. Ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos

mula sa ibat-ibang websayt sa internet, ibat-ibang tesis na maaaring iugnay sa paksa at sa Silid-Aklatan mula

sa ibang kolehiyo ng PUP. Bukod sa mga nabanggit, ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos mula

sa mga taong ekspert o kaalaman sa paksang napili ng mga mananaliksik.

Matapos pagtibayin ang paksa, ito ang naging batayan ng mga mananaliksik para makabuo ng mga

talatanungan. Bumuo ng tatlong katanungan ang mga mananaliksik upang maging batayan ng magiging

kabuuan ng tesis.

Nang, mabalida, mabuo at pagtibayin ang mga talatanungan, ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang

mockey survey sa ______________ kung saan ang mga naging tagatugon ay ang mga mag-aaral sa unang taon.

Sa araw ng pagsasarbey, isa-isang tinungo ng mga mananaliksik ang mga silid ng bawat pangkat

(room-to-room), kung saan ang mga talatanungan ay ipinamahagi sa mga piling mag-aaral ng pangkat na iyon.

Ang mga talatanungan na agad namang sinagutan ng mga respondente ay agad ding kinuha. Ito ay

tinabyula(tabulated) para naman sa paglalahad, pagsusuri, at pagpapakahulugan ng mga datos.


KOMPUTASYONG ISTADISTIKAL

Ang pormula sa pagkuha ng bahagdan (frequency percentage) ang ginamit ng mga mananaliksik sa

pag-aaral na ito. Ito ang nagpakita at tumukoy sa pagkakaiba ng dami ng bilang(frequency) ng sumagot mula sa

pangkalahatang kasagutan ng bawat naging tagatugon.

f
P = ___________x 100

Kung saan:

P - ang bahagdan

f -ang frikwensi

n -ang kabuuang bilang ng populasyon

100 -ang istandard valyu na iminumultiplay mula sa nakuhang sagot


sa f at n.

You might also like