You are on page 1of 31

Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay


ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan
sa isip ng mga mambabasa.
Si Pingkaw
ni Isabelo Sobrevega

Naalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang


tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at
dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang
kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung
asul o berde. Malayo siya kaya't di ko Makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may
nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may
nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.
"Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may
itinatawing-tawing sa daga. "Sige nga, kumanta ka ng blak is blak."
"Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri.
"Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng pinakamalaki sa
lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni
Pingkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.
"Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayaw
na pinalilibutan si Pingkaw. Maya-maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at
nag-iiyak na parang bata.
"Huwag ninyo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor."
Patuloy pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.
Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't sumigaw ako
para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang pagtukso sa kanya."
Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan.
Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:
"Meyor, kukunins nila ang aking anak." Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May
koronel, may sergeant, may senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O
sige, hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak." Ngumiti siya sa akin. Inihele
ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-dali niya itong
pinulot at muling ibinalot sa lata. "Hele, hele tulog muna, wala dito ang iyong ina" ang
kayang kanta habang ang lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw. Natigilan
ako. At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang hindi pa
siya ganito.
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan
ng syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili.
Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -basag at
boses-lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan
kung dahil sa tila malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa
kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay ng basura.
Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno
ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa

1
gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito'y mga tira-tirang
sadinas, karne norte o kaya'y pork and beans, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at
kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa
kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit
magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng kundimang Bisaya.
Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang
kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito, dali-daling
nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung may
uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw
siya ng bitsukoy?
Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang nalaman ang
kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda na s'ya.
Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang
sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa
kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw ang
ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para
sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo iting
nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang
panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos
tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan
kung tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga
kapatid kaya kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalay
ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa napulot sa tambakan
katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang
gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may
pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na
tagabili.
Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang
makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man
lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. "Ang mga bata,"
nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina
ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, "hindi
kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa
magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa
iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob."
Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing
tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha
siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas
siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda.
Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta anf kayang
ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.
Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to
rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na
pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon.
Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng
mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang

2
nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga naganap; ang
pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino.
Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng
dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata.
"Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak,
sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi
naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago pa man
gumaling ang kanyang anak.
Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at
iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap.
Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking
pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang
tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating
pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang
mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan"
Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay.
Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng aking
kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding
galit ang aking nadama.
Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang
namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano
mang panis na kanilang nakain.
Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang
humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang
kailangan dalhin ang mga anak sa ospital. Walang nagdaraang mga saasakyan sa
kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa
bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp,
ayon sa katulong.
Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor.
Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.
Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang
bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa nalason.
Halos hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay
sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto
upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito ang
tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para
siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang hindi na ito humihinga. Umiiyak
siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang
dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit
wala kahit isa mang lumapiot upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng
kanyang mga anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.
Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital.
Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga
pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang
anak ni Pingkaw.

3
Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang
lumipas, sumunod namang namatay ang bunso. Nakarinig na naman ako ng kaguluhan.
Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong
bata.
"Hele-hele, tulog muna, wala dito ang iyong nanay" ang kanta niya, habang
ipinaghehele ang binihisang lata.

4
Nobela
Ang nobela ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

ANG AMA
Salin ni Mauro R. Avena
(Buod)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.
Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at
nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y
inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang
totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami
nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang
mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng
kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa
mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay
walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at
isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi
ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang
maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso
anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng
marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno
ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin.
Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain
ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito
umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at
kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila
kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong
pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa
malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na
masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi
sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga,
kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa
ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi
isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-
ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at

5
sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin,
pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga
binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba
at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang
sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-
makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na
malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa
gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan
nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay
parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na
sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon
ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa
tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa
kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing
at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin
ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata
na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw.
Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan
ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang
umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang
kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting
bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong
nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng
trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad
ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita
tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo,
isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli,
para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay
nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong
iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo
at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang
anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang
ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman.
Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata,
kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong
anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang
mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong
kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang
iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya
at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".

6
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong
siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang
perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya,
tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya
gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay.
Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng
tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli
ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may
mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang
mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang
mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata
kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na
siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman
ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh,
na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay
nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman
niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang
senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi


dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-
iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi
matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang
dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin
kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod
nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at
sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi
man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang


hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa
puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa
iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-
usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata.
Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit,
pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang
kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa
yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas
nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

7
Sanaysay
Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matatalinong pagkukuro.
Ito'y makatwirang paghahanay ng mga kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa
kanyang karanasan, kaalaman at haka-haka.

Munting Alaala
Ni Aura

Naiisip mo ba ang mga nangyayari sa bawat araw, nagtataka lang ako sa mga tao sa
tuwing pinagmamasdan ko sila mula sa aking kinalalagyan.
Sa dami ng kanilang mga ginagawa tila napakarami na nilang nalimutan mga bagay,
mga pinalampas na pagkakataon o oras.

Bakit nga ba tila masyadong masalimuot ang buhay ng tao, kaylan ka pa bang huling
umakyat ng bubong para matulog o para magpahangin, huling humiga sa isang
mahabang bangko at tumingala lamang sa langit habang pinagmamasdan ang mga ulap,
ang huling beses na naligo ka sa ulan o nagtampisaw sa baha, kaylan ka huling naupo sa
tabi ng kalsada habang katabi ang iyong mga kaibigan. Kaylan kayo huling kumain ng
mami sa kanto ng magkakasama, yung huling beses na dinalaw mo ang iyong
elementary school o high school, kaylan ka ulit bumalik sa dati nyong tambayan at
nagpalipas oras tulad ng dati nyong ginagawa, kaylan ka huling naglaro ng teks.
Masyado na bang marami ang mga bagay na hindi mo na nagagawa pero ano nga nga ba
ang pumipigil sa tao para magawa ang mga dati ay nagagawa nya?

Sa paglipas ng panahon naaalala mo pa ba ito o itinabi mo na rin tulad ng iyong mga


laruan, kaylan mo pa ba huling hinawakan ang paborito mong laruan, o binasa ang mga
secret notes sa likod ng mga school notebook mo, o tinignan ang mga matataas na grade
na ibinigay sayo ng teacher mo, bakit ba hindi na pwede pang ulitin ang mga gawain na
ito o bakit sa paglipas ng panahon ay unti-unti na ring nalilimutan ng tao ang mga
simpleng bagay na ito na dati-rati ay labis na nagpapasaya sa tao?

Gaano nga ba kadaling limutin ang munting kasiyahan na ito? totoo nga bang habang
tumatanda ang tao ay nawawala na rin ang kakayahan niyang maligayahan sa mga
munting bagay. Gaano na nga ba kalaki ang mundong ginagalawan mo ngayon o
pakiramdam mo lamang ay malaki ito. Nakalimutan na ba nga tao ang mga
kaligayahang inihain sa kanila ng kalikasan, at lumikha sila ng maliliit na mundo sa
gitna nang napakalaking mundong ito,.

Naniniwala lamang ako na ang mundo ang syang umiiwan sa kalikasan pero kaylan man
ay hindi iiwan ng kalikasan ang mundo.

8
Talumpati
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Muling Maging Dakila


Ferdinand Marcos

Sa araw na ito, animnapu't siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang
bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang bala ng diktador
ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang
bagong bansa.

Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at Africa. Ito ang
ating bansa. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan sa isang rehiyong matatag;
kung saan balota, at hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran at mga partido.

Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos bilang mga
halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan? Sapagkat
itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa Asya na taglay
lamang ang tapang, talino at kabayanihan.

Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito'y mahalaga pa rin.
Kailangang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas karaniwang
panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran - sa pamamagitan ng
pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan. Sapagkat ngayon, tila
nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal at tapang.

Maari pang muling maging dakila ang bayang ito. Paulit-ulit kong binabanggit ito. Ito
ang aking pinaniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na tayo'y magtulungan upang
isakatuparan ang ating panalangin. Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng
bawat salinlahi ang sariling kasaysayan. Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila.
Tangan ang lakas ng loob at kahusayan, kailangang isulat natin ang atin.

Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako niyo ito. Samahan niyo ako sa pagkamit ng
pangarap ng kadakilaan.

9
Talambuhay
Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao. Bagaman maaring iugnay ang nilalaman nito sa mga pangyayaring humubog
sa kasaysayan ng mga lahi o lipunan, nahahangganan ang sakop nito ng kapanganakan
at kamatayan ng paksa nito. Ito ay dahil ang pangunahing tuon ng talambuhay ay ang
paksa nitong tao, na siyang higit na binibigyang-pansin kaysa iba pang mga bagay.

Narito ang maikling talambuhay nang sikat na Pinoy na si President Corazon Cory
Aquino.
Si Corazon Aquino ay pinanganak noong January 25, 1933. Siya ay naging Presidente ng
Pilipinas at sikat na tagapagtanggol ng demokrasya, kapayapaan, karapatang pambabae
at kabanalan. Naglingkod sya bilang ika 11 na presidente ng Pilipinas mula 1986
hanggang 1992. Sya rin ang kauna-unahang babaeng president ng Pilipinas at ng buong
Asya. Namatay sya dahil sa colon cancer noong August 1, 2009.
Ipinanganak si Corazon Cojuangco sa isang mayaman na pamilya sa probinsya ng
Tarlac. Nagaral sya ng kolehiyo sa St. Vincent College sa New York City noong 1954 pero
hindi na sya nagpatuloy sa pag-aaral para magpakasal sa kanyang kasintahan na si
Benigno Simeon Aquino, Jr, na noon ay aktibo na sa politika. Nagkaroon ng limang
anak si Ninoy at Cory. Si Ninoy, na naging aktibo sa paglaban kay Ferdinand Marcos, ay
ikinulong ni Marcos sa loob ng walong taon (1972 hanggang 1980). Noong ma-exile si
Ninoy, sumama ang kanyang pamilya sa kanya sa United States. Pagbalik ni Ninoy
noong 1983, sya at pinatay at ito ang nagpasimula ng pagbagsak ng administrasyong
Marcos.
Noong magdeklara ng eleksiyon para sa presidente si Ferdinand Marcos noong
February 1986, si Corazon Aquino ang naging opisyal na kandidato ng oposisyon.
Inilabas ang resulta ng eleksyon kalaunan at pinroklamang natalo si Cory ni Marcos.
Pero ito ay nilabanan ng oposisyon at sinabi na may nangyaring malawakang dayaan sa
eleksyon. Pumanig ang mataas na myembro ng militar sa kampo ni Cory at eto na ang
nagpasimula ng Edsa Revolution. Noong Feb. 25, 1986, sabay na pinroklamang
presidente si Cory at Marcos. Pero sa araw ding iyo ay lumipad na palabas ng Pilipinas
ang kampo ni Marcos.
Sanay ay inyong malugod na naunawaan ang maikling tala ng buhay ng ating Corazon
Aquino.

10
Mito
Ang mito ay mga kwento tungkol sa bathala, diosa, hari o mga reyna.
Ito ay tungkol din sa mga pinagmulan ng isang bagay o pangyayari.

Ang Mito ng Prinsesang Urduha

Smple lamang ang istoryang ginawa ni Regalado. Itinampok ang unang tagpo na
nagkakasayahan ang mga lakan, gat, at lakambini, dahil isinilang na ng reyna ang
tagapagmana ng korona o kaharian. Ngunit nang lumabas ang hari sa silid, ibinalita
niyang hindi lalaki, bagkus babae ang kanilang anak ng reyna. At yamang babae ang
kaniyang anak, ang hari ay naipit sa pagpapasiya kung ililigaw sa gubat o itatapon sa
dagat ang sanggol, alinsunod sa bulong ng kaniyang mga tagapayo, dahil walang
karapatang mamuno ang babae sa kanilang lipi at lalaki lamang ang kikilalaning
tagapagmana.

Nabagabag ang hari, na hindi matanggap ang kapalaran, at kaya ipinatawag niya
kinabukasan ang isang pitho upang hulaan ang magiging kapalaran ng kaniyang anak
na si Urduha. Ayon sa hula ng matanda, si Urduha ay magiging kilabot na mandirigma
na magpapalawak at maghahatid ng kasaganaan sa buong kaharian, at magpapasagana
ng ani sa mga bukirin.

Dalawampung taon ang lilipas at magkakatotoo ang hula. Si Urduha ang humaliling
pinuno ng kaharian, at nag-uwi ng maraming tagumpay sa pakikidigma. Nagdiwang ang
kaharian sa bagong tagumpay ng prinsesa, at dumalaw pa sa kaniyang kaharian ang
ibat ibang sugo mula sa ibang bansa. Ngunit sa kalagitnaan ng pagsasayay nabulabog
ang palasyo. Nahuli ang isang tiktik (i.e., espiya), ani Gat Payo, at iniutos ng prinsesa na
iharap sa kaniya ang maysala.

Ngunit bago naganap iyon, binagabag ng isang panaginip si Urduha. Napanaginipan


niya ang isang binatang makisig at matikas ang tindig, at may kung bato-balani itong
nagpatibok ng kaniyang dibdib. Nabulabog ang pandama ng dalaga, at sa unang
pagkakataon ay napaibig sa lalaking naghari sa kaniyang guniguni. Ikinuwento niya sa
kaniyang mga abay na sina Dayama at Abdulia ang panaginip ngunit wala silang
naisagot sa kaniyang pagkabahala. Nasabi lamang ng mga binibini kay Urduha na siya
ay nagsisimula nang umibig, tulad ng ibang babae. Nang iharap ng mga kawal ang
nabihag na tiktik, lalong nagulantang si Urduha dahil kamukha ng lalaki ang lalaki ng
kaniyang panaginip.

11
Ginawang alipin ang bihag, na nagngangalang Salim, alinsunod sa utos ni Urduha.
Isang umaga, habang namimintana at umaawit sa balkon ang prinsesa ay napukaw ang
pansin ni Salim. Iniwan ni Salim ang kaniyang ginagawa sa halamanan, at sa himig ng
aria ay isinalaysay ang kaniyang tunay na layon sa kaharian ng prinsesa. Nais umanong
ipaghiganti ng lalaki ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na tinudla ng palaso.
Matamang nakinig ang prinsesa at natuklasan pa niyang si Salim ay mula sa liping
maharlika.

Bumaba sa hardin ang prinsesa. At doon, inalayan siya ng bulaklak ni Salim. Napakislot
si Urduha. Nang sandaling iyon, nakita sila ni Vladimir, na isang binatang maharlikang
nais mapangasawa si Urduha. Kinausap pagkaraan ni Vladimir si Urduha, at sinabing sa
pag-aasawa nauuwi ang lahat. Ngunit matigas ang wika ng dalaga, at tumugong ang
pakakasalan lamang niya ay ang lalaking tatalo sa kaniya sa pananandata. Walang
makapangahas makapanligaw kay Urduha, dahil ang babaey mahusay makipaglaban, at
may hukbong binubuo ng mga piling mandirigmang kapuwa lalaki at babae.

Nahati ang isip ni Urduha kung ano ang gagawin kay Salim. Napapaibig siya sa lalaki, at
ang lalaking itoy espiyang dapat hatulan ng kamatayan, alinsunod sa kaugalian ng
kaharian. Dumating ang sandaling pinalalagda kay Urduha ang kautusang magpapataw
ng parusang kamatayan kay Salim. Ngunit tumanggi si Urduha at winikang lihis ang
hatol at dapat baguhin. Hindi pinatay si Salim, at sa halip ay hinayaan itong makauwi
sa pinagmulang kaharian. Inihatid ni Urduha si Salim hanggang pantalan, at pagkaraan
ay nalugmok sa pagdadalamhati. Sa kabila ng lahat, napukaw ang loob ng prinsesa sa
matapat na paninindigan para sa sariling bayan.

Melodramatiko na ang ganitong opera, at humahangga sa sentimentalismo, na tila


gasgas na tagpo sa telenobelang Marimar. Sa naturang paghalaw, ang istoryay waring
hinugot mula sa ibang bansa, isinalin sa wikang Filipino, at ang Filipinas ay nagkaroon
ng masalimuot na kahariang kaiinggitan ng mga bansang may gayunding tradisyon.
Pinananaig sa dula ang damdamin, at kahit si Urduha ang nagpasiya sa pagpapalaya ng
binatang si Salim, ang nasabing dalaga ay naging bihag naman ng kaniyang damdaming
nagbubukas ng personal na pagmamahal. Ngunit ang masaklap sa dula, hindi nga
nagapi si Urduha sa mga digmaan ay magagapi naman siya ng tunggalian ng isip at
damdamin para sa bayan, sa isang panig, at para sa sarili, sa kabilang panig.

Ano ang mapupulot natin sa maalamat na Prinsesa Urduha? Na may kakahayan tayong
mga Filipino na lumikha ng sarili nating mito. Gayunman, ang nasabing mito ay hindi

12
dapat mabilanggo sa panahong midyibal at pagpapalaganap ng mga paniniwalang hindi
na angkop sa ating panahon, kalagayan, at kaligiran. Ang mito natin ay maaaring
ngangayunin at dinamiko, at dapat umuurirat sa mga baligho nating pananaw,
paniniwala, at kaugalian imbes na umangkat lamang tayo sa ibang bansa ng mga
pananaw, paniniwala, at kaugalian nito. Ang bagong mito ng Filipino ay dapat
makapagpalago ng ating pagkatao at kabansaan, at bumigkis sa ating sari-saring
pangarap para tayoy umangat, sumulong, umunlad.

Alamat
Ang Alamat ay sulating pampanitikan na nagsasaysay ng pinagmulan ng isang tao,
pook, bagay pangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng pantasya o pangyayaring hindi
kapani-paniwala at salig sa kathang isip lamang. Ang Alamat ay nagtataglay ng
magagandang aral sapagkat ang layunin ng manunulat ng alamat ay hindi lamang ang
magbigay aliw sa mambabasa kundi higit sa lahat ay magturo kahalagahan ng
pagtatamo ng mabubuting asal.

Alamat ng Pilipinas
(Ang Kuwento kung paano nagmula ang Luzon, Visaya at Mindanao)

Noong mga sinaunang panahon, may isang burol sa Ilocos na kung saan may
naninirahang higanteng mag-asawa na ang pangalan ay Angalo at Angarab. Sa sobrang
laki at bigat ng mag-asawa ay nagagawa nilang payanigin ang lupang sa tuwing sila ay
naglalakad. Nang panahong yaon, ang Pilipinas ay hindi pa isang pulu-pulong lupain,
bagkus ay isang malawak na kalupaan na sakop ng Hilagang Borneo.

Isang umaga, napagpasyahan ng dalawang higante na kumuha ng kabibe sa lugar na


ngayon ay kilala bilang Sulu. Sa kanilang pangunguha ng kabibe doon, napansin ng
mag-asawa na ang mga kabibe ay mayaman sa perlas at tuwang-tuwa nilang tinipon ang
mga iyon upang iuwi sa kanilang bahay.

Nang nasa daan pauwi na ang higanteng mag-asawa, pinagtalunan nila kung sino ang
may karapatang magmay-ari ng mga nagkikislapang perlas. Sinabi ni Angarab na siya
ang may karapatang umangkin sapagkat siya ang unang nakatagpo nito at tumangging

13
ibahagi ito sa kaniyang asawa. Sinabi naman ni Angalo na siya ang nagmungkahi na
pumunta sa lugar na iyon kaya siya ang mas may karapatan sa mga perlas na kanilang
nakuha. At doon na nga nauwi na pag-aaway ang pagtatalo ng dalawang higante.

Sa sobrang poot ni Angalo ay nagpapadyak ito habang nagsisisigaw. Dahil dito ay


natibag ang lupang kinatatayuan niya at ito ay bumuka. Ang burol at bundok ay pawang
nangaguho. Ginantihan din naman ni Angarab ang asawa at siya ay nagsisigaw at
nagpapadyak din na dahilan upang lalo pang gumuho ang mga bundok at magkahati-
hati ang lupa. Tumindi pa ang kanilang bangayan nang magbalibagan sila ng piraso ng
lupa. Ito ngayon ang naging dahilan ng pagkakaroon ng iba't ibang pulo ng Pilipinas at
ang malalaking tipak na kanilang inihagis ang naging pulo ng Luzon, Visayas at
Mindanao.

Balita
Ang balita ay anumang pangyayaring hindi karaniwan, isang ulat na hindi pa
nailalathala tungkol sa ginagawa ng tao na inaakalang pananabikan, maiibigay mabatid
at mapaglilibangan ng mambabasa, nakikinig o nanonood.

Umbagerong Ama Pinabulagta ng Anak


Ni Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) Updated December 30, 2011 12:00 AM

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines Dahil sa pagtatanggol sa kanyang ina na


ginugulpi, nagawang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng 29-anyos na anak ang
sariling ama kamakalawa ng gabi sa Barangay Palani sa bayan ng Baluc, Masbate.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Ramon Bucala, 55, habang tugis naman ang
suspek na si Barangay Kagawad Bernardino Bucala, 29.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang marinig ng suspek ang pag-aaway ng kanyang mga
magulang sa loob ng kanilang tahanan kung saan binalewala nito ang pag-away.

Nauwi naman sa gulpihan ang sumiklab na komprontasyon ng mag-asawa kung saan


nasaksihan naman ng suspek.

Dito hindi na mapigil ng suspek ang sarili kaya kaagad na pinaputukan ng ilang ulit ang
kanyang ama.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos bumulagta ang duguang biktima.

14
Editorial

Mahalaga ang editoryal sa alinmang pahayagan. Ito'y naglalaman ng isang masusing


pagbibigay ng kuru-kuro o pala-palagay sa mahahalaga at napapanahong isyu.
Naglalayon itong magpabatid, magbigay ng kahulugan, at makalibang. Ang sumulat ay
nagbibigay ng kuru-kuro alinsunod sa patakarang pinaiiral ng patnugutan. Kailanman,
ang editoryal ay hindi namumuna o nanunuligsa upang makasira kundi upang
magkaroon ng pagabbago.

Editoryal - May pag-asa sa kabila ng trahedya


(Pilipino Star Ngayon) Updated December 25, 2011 12:00 AM Comments (1)

TINATAYANG 45,000 katao na naapektuhan ng baha sa Cagayan de Oro at Iligan cities


ang magpapasko sa evacuation centers. Bukod sa bilang na yan, nasa 266,000 pa ang
nasa ibang temporary shelters sa labas ng evacuation center. Lahat sila ay doon
magpapasko. Wala silang ibang mapupuntahan. Nawasak ang kanilang mga bahay at
naanod ang mga gamit sa bahay. Ang mas masakit, marami pa sa kanilang kaanak ang
hindi pa nakikita at pinaniniwalaang patay na. Mahigit 1,000 katao na ang patay dahil
sa baha na dinulot ng bagyong Sendong noong nakaraang Biyernes. Marami sa mga
namatay ay tinangay nang malakas na agos ay tinangay sa dagat. Tinatayang 30,000
bahay ang nawasak.

Pero sa kabila nang naranasang trahedya, nakasilip pa rin sa kanilang mga mukha ang
pag-asa. Marami sa kanila ang nakangiti at tila walang bakas nang dumaang trahedya.
Naranasan man ang hagupit ni Sendong malaki ang paniwala nilang makababangon
sila sa sinapit at makakapagsimulang muli. Maitatayo nila ang nawasak na bahay at
makabibili ng mga bagong gamit.
15
Kahit nawala dahil tinangay ng baha ang parol o Krismas Tri na dekorasyon ngayong
Pasko, tuloy pa rin ang pagdiriwang nila ng kapanganakan ng Mananakop. Kahit
karamihan sa kanila ay hindi makaawit ngJoy to the World, nasa puso pa rin nila ang
pag-asa na maibabalik ang nawala sa kanilang ari-arian at kabuhayan. Malaki ang
kanilang paniwala na makakamtan ang kanilang pinapangarap.

Kahit ang mga nawalan ng asawa, anak, apo, magulang at iba pa ay unti-unti na ring
natatanggap ang malagim na pangyayari. Kahit pa napakasakit nang nararanasan nila
ngayon dahil sa biglaang pagkawala ng mga mahal sa buhay, hihilom din ang natamong
sugat. Sa nangyaring pagsubok, lalo pa silang titibay at haharapin ang iba pang laban sa
kanilang buhay.

Nawalan man sila, patuloy pa rin ang buhay at ang Pasko na ipinagdiriwang ngayon ay
maghahatid ng panibagong pag-asa. Maligaya pa rin ang Pasko sa kabila ng trahedya.

Tulang Pasalaysay Epiko

Ang tulang pasalaysay ay naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring mahahalaga sa


buhay. Ito ay may tatlong uri ang epiko, awit at kurido, at balad.

Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at


pagtatagumpay ng pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang
natatanggap. Ang mga nagsulat nito ay naglayong gamitin ito sa ritwal.

Ang Pagbabalik

Babahagya ko nang sa nooy nahagkan,


Sa mata koy luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siyay iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siyay nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, akoy makabagtas


Pasigaw ang sabing, Magbalik ka agad!
Ang sagot koy Oo, hindi magluluwat!
Nakangiti akong luhay nalaglag...
At akoy umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang pusot naiwan ang kabiyak;

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,


At ang buwan namay ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,

16
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubot mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naroong tahanay kumatok,


Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, Pusong naglalagot,
Mamatay kung akoy talaga nang kulog!

Nang kinabukasang magawak ang dilim,


Arawy namimintanang matay nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Akoy nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko nat sa irog dadalhin.

At akoy umuwi, taglay ko ang lahat,


Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko nat panghandog sa liyag;
Nang akoy umalis, siyay umiiyak...
O, marahil ngayon, siyay magagalak!

At akoy lumakad, halos lakad takbo,


Sa may dakong amiy meron pang musiko,
Ang aming tahanay masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao...
Salamat sa Diyos! ang nabigkas ko,
Nalalaman nila na darating ako.

At akoy tumuloy... pinto ng mabuksan,


Matay napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi Irog ko, paalam!

17
Tulang Patnigan Balagtasan

Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng


pangagatwiran at matalas na pag-iisip.

Balagtasan

ARAL AT LIGAW

DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?


Mula sa panulat ni:
RAFAEL A. PULMANO

LAKANDIWA

Isang mapagpalang araw ang malugod na handog ko


Sa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundo
Mayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyo
Apurahang naghahanap ng sagot sa tanong na 'to:

DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA:


ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba?
Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas na
Ipahayag ang katwiran nang marinig ng balana.

DAPAT

18
Ako'y isang mag-aaral na nasa hustong gulang na
May isip na tumutuklas at may pusong sumisinta
Pag-aaral, panliligaw, magsabay man di problema
Kaya dapat ang syang panig na handa kong ibandera.

HINDI DAPAT

Bilang ama ng tahanan, kung ako ang tatanungin


Pag-aaral ang sya munang nararapat atupagin
Saka na ang panliligaw, hindi dapat pagsabayin
Ang panig na igigiit sakali at palahukin.

LAKANDIWA

Tuloy, kayo'y magsituloy upang ating umpisahan


Ang tagisan ng talino sa larangan ng katwiran
Ang panig ng DAPAT muna una nating pakikinggan
Salubungin nating lahat ng masiglang palakpakan!

DAPAT (Unang Tindig)

Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng Maykapal


Magkasamang nilangkapan ng damdamin at isipan
Kung di dapat pagsabayin ang mag-aral at manligaw
Sana'y isip na lang muna ang sa tao'y ibinigay.

Sa tahanan una munang namumulat sa pag-ibig


Ang sanggol na laging kupkop ng ina sa kanyang dibdib
Bago pa man makagapang, magsalita, magkaisip
Dama na ang pagmamahal ng magulang at kapatid.

Sa eskwela hinuhubog, pinapanday ang isipan


May subject na Health at P.E. para naman sa katawan
Mayroon ding Social Studies at iba pang pagsasanay
Upang maging mamamayang responsable sa lipunan.

Kumpleto ang kurikulum upang tayo'y makumpleto


Sa paglago ng isipan, katawan at pagkatao
Kapag ang crush, o puppy love, o ang pana ni kupido
Ay dumating, bahagi yan ng dapat na ikatuto.

Kaya kung ang estudyante ay pumorma at manligaw


Walang dapat ipagtaka pagkat ito ay normal lang
Ang binatang umiibig, ang dalagang minamahal
Ganado at inspirado sa kanilang pag-aaral.

19
LAKANDIWA

Napakinggan nating lahat ang katwirang pumapanig


Na DAPAT daw pagsabayin, pag-aaral at pag-ibig
Sunod nating tatawagin upang dito'y humagupit
HINDI DAPAT, salubungin ng palakpak na mainit!

HINDI DAPAT (Unang Tindig)

Sinasabing mas madali sa tao ang maging henyo


Matapos na magkamali at magbunga ng di gusto
Sa pangaral ng magulang na noon ay sinuway ko
Mapait na kapalaran ang inaning pagkabigo.

Pagtuntong sa kolehiyo, sa kaklase'y nahalina


Mas maraming oras kaming ginugol na magkasama
Sa halip na makatapos ay maagang nag-asawa
Kaya high school diploma lang ang pwede kong iparanya.

Ngayon hirap na maghanap ng trabahong papasukan


Hirap akong matutustusan ang gastusin sa tahanan
Kung sana ay inuna ko sa halip na panliligaw
Ay nag-aral nang mabuti, mas malapit ang tagumpay.

Kabataang mag-aaral, isipin ang kasabihan


Hindi pwedeng magkasabay na sambahi't paglingkuran
Ang dalawang panginoon: ang puso at ang isipan
Mabuti pang pag-aaral na muna ang katutukan.

Ganito ang natutuhan sa minsang pagkakamali


Ngunit kayong di pa huli, wag sayangin ang sandali
Pag-aaral ay tapusin, panliligaw ay madali
Lalo't ikaw'y tagumpay na't limpak-limpak ang salapi.

LAKANDIWA

Nakatapos ang unang round nitong ating balagtasan


Na kapuwa nakatindig ang dalawang naglalaban
Hahayaan ko na silang magpambuno't magkagatan
Kababayan, isa pa ngang masigabong palakpakan!

DAPAT (Ikalawang Tindig)

Sa katalong nagkamali ng landas sa murang edad


Nanligaw at nag-asawa at maagang nagkaanak
At ngayon ay nangangaral upang kami'y di matulad
Ang tangi kong masasabi ay marami pong salamat.

20
Mag-aral at mag-asawa, mabigat ngang pagsabayin
Ngunit tila lumilihis yata kami sa usapin
Kaya upang di malito, akin munang lilinawin
Panliligaw at di kasal ang paksa ng away namin.

Pag-aaral, panliligaw, kahit ito'y magkasabay


Di masama hangga't kaming kabataang nagmamahal
Ay marunong na magdala, responsable, may paggalang
May ambisyong makatapos, at may basbas ng magulang.

Pag-aaral, panliligaw, kapag sabay na nagtagpo


Maski harangan ng tabak ay tiyak na mabibigo
Higpitan man ng magulang at bantaan ng paghinto
Tatakas at magtatanan, magkikita nang patago.

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Salamat din sa katalong niliwanag itong paksa


Panliligaw nga't di kasal ang usapin mula't mula
Ako lang ay nag-apura, prusisyong kayhaba-haba
Sa simbahan din ang tuloy, inunahan ko nang kusa.

Alalaon baga, kapag sinabay sa pag-aaral


Iyang gawang panliligaw, ang tuloy din ay sa altar
Kaya upang makaiwas sa di-planong kalagayan,
Pag-aaral muna sana ang unahin, bago ligaw.

Totoo ngang inspirasyon ang katipang iniibig


Ngunit ito'y totoo rin: pag sya'y laging nasa isip
At sa kampus ng eskwela hanggang labas ay kadikit
Mga leksyon at assignments ang tuluyang nawawaglit.

Ang magulang na kawawa at subsob sa hanapbuhay


Nangungutang ng pang-tuition, pambaon sa araw-araw
Umaasang anak nila ay gagradweyt balang araw
Iyun pala'y winawaldas ang oras sa panliligaw.

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang hirap sa gumagawa ng mali at nagsisisi


Ginagawang pamantayan ang nangyari sa sarili
Gayong noong kabataan siya mismo ay rebelde
At hindi nya alintana ang magulang na nagsabi.

Mangyari nga'y noon, ngayon, at hanggang sa hinaharap,


Hindi pwedeng magkabula ang sinulat ni Balagtas

21
Pag pumasok daw sa puso ng sinuman ang pagliyag
Masunod lang ay sukdulang hahamakin lahat-lahat.

Sa halip na kabataang mag-aaral ay pigilin


Sa pagligaw na lalo lang sasadlak sa panggigigil
Bakit hindi na lang sila pabayaang balansehin
Ang kaway ng karunungan at ang tibok ng damdamin?

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang sariling karanasan ay akin at akin lamang


At di layong ipanggiit na sukatan ng sinuman
Binabanggit ko lang rito sa pag-asang kapulutan
Ng aral at halimbawa ng musmos pang kabataan.

Pagmasdan mo ang paligid, talamak ang kahirapan


Karaniwang ugat nito'y kawalan ng hanapbuhay
Ang totoo ay marami ang trabahong naghihintay
Ngunit ito'y nakalaan sa may college diploma lang.

Di hadlang ang kahirapan kung hangad ay edukasyon


Di sagabal ang itsura o ang utak na mapurol
Subalit ang panliligaw na kapatid ng bulakbol
Maternity sa halip na college degree ang katugon!

DAPAT

Panliligaw samantalang nag-aaral ay maganda


Kapwa namin natitimbang ugali ng isa't isa
Kung kami ay maka-gradweyt, magtrabaho, mag-asawa
Sa pagharap sa dambana, walang puwang ang pangamba.

Ang manligaw samantalang nag-aaral ay tama lang


Pagkat minsan lamang kami dadaan sa kabataan
Aanhin ang kayamanan sa oras ng katandaan
Kung kulubot na ang mukha't walang gustong magpaligaw?

HINDI DAPAT

Maganda nga kung gagradweyt muna bago mag-asawa


Ngunit ating nababatid na di ganyan ang resulta
Maraming di makahintay sa pagmartsa nang may toga
Dahil labis na nabuyo, sa damdamin nagpadala.

Ang ganito'y maaaring iwasan kung panliligaw


Ay di muna isasabay samantalang nag-aaral
Prayoridad ang syang susi sa pangarap na tagumpay

22
Tagumpay na ihahandog sa katipang naghihintay.

DAPAT

Katipan ay nakahandang maghintay sa pagtatapos


Ngunit iyang panliligaw ay di dapat ginagapos
Walang taong nag-aaral na ang puso'y di tumibok
Hindi pwedeng paghintayin ang pag-ibig pag kumatok.

HINDI DAPAT

Ang mag-aral at manligaw kung parehong pagsabayin


Mahahati ang atensyon dahil kapwa agaw-pansin
Kung mabigo sa pag-ibig, baka ikaw pa'y maglasing
Mauuwi lang sa wala ang pangarap at mithiin.

DAPAT

Mas mabuti ang umibig at mabigo kahit minsan


Kaysa hindi nakaranas na umibig kahit kaylan!
HINDI DAPAT

Ang lahat ay may panahong kanya-kanyang nakalaan


Panahon sa pag-aaral, panahon sa panliligaw!

DAPAT

Ang mahuli sa pantalan, ang daratna'y baling sagwan!

HINDI DAPAT

Ang lumakad nang matulin, malalim kung masugatan!

DAPAT

Dapat silang magkasabay!

HINDI DAPAT

Dapat silang ipagbawal!

LAKANDIWA

Tumigil na kayong dal'wang umuusok na ang tuktok


Sumapit na ang sandali upang tayo'y magkatapos
Igagawad ko ang hatol, ngunit bayang nanonood,
Palakpakan muna natin ang makatang nagpanuntok!

23
Sino'ng dapat na tanghaling kampeon nitong balagtasan?
Walang dudang kapwa sila magagaling mangatwiran
Kaya itong aking pasya: Sila'y patas, tabla lamang
Muli nating paulanan, malutong na palakpakan!

Tulang Pandamdamin

Mahimig , may musika at tumatalakay sa marubdob na damdamin . Nasa kategorya nito


ang awiting bayan , soneto,.elehiya dalit , pastoral at oda.

Doon Sa Dalampasigan

doon sa dalampasigan, kitay hinintay.


tahimik na nakatanaw sa kawalan..
hindi mawaglit sa isip ang yong pagkawala..
ako bay maghihintay sa wala?

doon sa dalampasigan, kitay hinintay


kung saan ang mga mangingisday dumadaong..
pagkatapos manghuli ng malalaking isda..
iniisip pa din, maghihintay ba ako sa wala?

doon sa dalampasigan, kitay hinintay


kung saan ang mga batay naliligo

24
kung saan akoy kinakawayan nila
kung saan iniisip: naghihintay nga ba ko sa wala?

doon sa dalampasigan, kitay hinintay


kung saan luha koy pumuno sa dagat,
kung saan ang yakap mo aking nadadama
kung saan, hinintay kita sa wala.

doon sa dalampasigin, kitay hinintay


dapat ko ng harapin ang realidad.

doon sa dalampasigan, tumayo na ako.


kinampay ang kamay, paalam na sayo.

Oda

Ito ay nagpapahayag ng isang papuring isang panaghoyo ng iba pang masiglang


damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.

25
AKO PALA ITONG ILILIBING NINYO!

Ang nilalang na sumakabilang buhay


Saan paroroon at saan hihimlay?
Ang kaluluwa bang maitim ang kulay
Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay?

At ang kaluluwa ng buting nilalang,


Pinto ba ng langit ang bukas na daan?
Sino ang hahatol, magbibigay puwang?
AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang?

Nagising akong puno ng pag-asa,


Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga,
Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa,
Igting ng paligid ang bumulaga!

Ngunit ano itong nangyari sa amin?


Magulo ang tao, parang sa may piging,
Aba at nabigla, nagkaduling-duling,
Ako pala itong inyong ililibing!

26
Elehiya
Ang Elehiya ay isang tulang nagpapahayag ng damdamin o paggunita sa isang nilalang
na sumakabilang-buhay na.
Paalam Aming Tita Cory
orihinal na tula ni Shen para kay Cory

Lumuluha habang nagsusulat


Sa di maipaliwanag na dahilan
Pinipigil man ang maungkat
Masakit na katotohanan ang laan

Patay ka na nga o aming Ina


Ina ng Demokrasya ng Bayang Pilipinas
Pagmulat sa amin ang pamana
Pagmamahal mo sa amin ay tunay na wagas

Mula sa simpleng buhay


Tinahak mo ang buhay ng buong tatag
Nanindigan ka para sa aming buhay
Upang kami rin ay maging matatag

Ang iyong inspirasyon aming dadalhin


Habang ang bansang ito ay lumalaban
Ang iyong ala-ala aming mamahalin
Habang kami ay patuloy na sumasagwan

Paalam na aming Tita Cory


Nawa ay patuloy mo kaming bantayan
Paalam na aming Tita Cory
Tandaan mong di nasayang ang iyon binitawan

27
Soneto

Itoy tulang liriko na binubuo ng labing-apat (14) na taludturan na hinggil sa damdamin


at kaisipan. Itoy nakikilala sa matinding kaisahan ng sukat at kalawakan sa nilalaman.

Ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan. Itoy
kailangang may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan. Ito ay
naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Sa unang walong taludtod ay inilalahad ang
diwa, paghanga man o talinghaga, at sa huli naman ang karagdagan o anumang
kapupunan sa ikabubuo ng tula.

Halimbawa ng Soneto:

May pinahirapang puso ng pag-ibig,


Dahil sa paghanap ng isa pang puso,
Ang pusong nakitay katulad ng langit,
Magandang-maganda puso ng pagsuyo,
Ang dalawang pusoy masayang nabuhay,
At sa psoy hindi na raw magtataksil,
Naniwala silang ang pagmamahalan.
Pag likas at wagas ay walang kahambing,
Bubuyog at kamyay laging nag-uusap,
Laging nagsasalo sa dusat ligaya,
Sapagkat ang kamyay langit ng pagliyang,
Ang bubuyog namay puso ng pag-irog,
Ang puso ng taoy ligayang may dusa,
Di lahat ng pusoy laging maligaya.

28
Dalit

Ang dalit ay ang mga tulang tungkol sa pagpupuri sa diyos at kung minsan ay may
kasamang mahalagang aral sa buhay...

Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod,
apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Halimbawa:

Tunay na Estudyante

Nag-aral siyang pilit


Nang karangalay makamit.
Buong buhay syang nagtiis.
Makapagtapos ang nais.

Ang pera niyay tinipid,


Sa guro ay di sumipsip.
Markang mataas, nakamit:
Tagumpay nga ang kapalit.

29
Awit
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang
bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang
tradisyonal na dulong tugma ay isahan.

Awit Ng Manlalakbay

ni Jose Rizal

Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,


Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;
Abang manlalakbay ay wala nang liyag,
Layuin, kalulwat bayang matatawag.

Hinahabul-habol yaong kapalarang


Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asay kung nanlalabo man,
Siyay patuloy ring patungo kung saan!

Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,


Silangat Kanluray kanyang nililipad,
Mga minamahal ay napapangarap,
Gayon din ang araw ng pamamanatag.

Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,


Siyay maaaring doon na mamatay,
Limot ng daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang kapayapaan!

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,


Ibong naglalakaby sa buong daigdig,

30
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
Na sa kanyang puso ay lumiligalig.

Kung sa mga tanging minahal sa buhay


Siyay magbalik pa pagdating ng araw,
Makikita niyay mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga kaibigan.

Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,


Sa sariling bayay wala kang katalik;
Bayaang ang puso ng ibay umawit,
Lumaboy kang muli sa buong daigdig.

Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?


Ang luhang inyukol sa iyoy tuyo na;
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundoy nagtatawa.

31

You might also like