You are on page 1of 12

THE HOME OF BAMBOO

WEAVERS
Motto: Bang Gara Aba!
Bayan ng Famy
Ang famy ay ang pang-apat na Distrito ng laguna at ang ikalimang
klase ng bayan sa laguna. Ito ay matatapuan sa hilagang-silangan ng
lalawigan ng Laguna.

Dami ng Tao
Ayon sa 2010 census may kabuuang 15,021 ang naninirahan dito.

Sukat o Laki
Ito ay may kabuuang sukat na 3,297 milya kwadrado na
naghahanggan sa bayan ng Real, Quezon sa Silangan, Siniloan,
Mabitac at Sta. Maria sa Kanluran.

Ikinabubuhay
Turismo, paggagawa ng bilao, pagtatanim, pagkakaingin at
pagtitinda.

Pinagmulan ng Pangalan
Ang pangalan ng Famy ay nagmula sa apelyido ng ina ni Emilio
Aguinaldo na si Trinidad y Famy.

Ang bayan ng Famy ay nahahati sa 20 mga barangay:

Asana (Pob.)

Bacong-Sigsigan

Bagong Pag-Asa (Pob.)

Balitoc

Banaba (Pob.)

Batuhan

Bulihan

Caballero (Pob.)

Calumpang (Pob.)
Kapatalan

Cuebang Bato

Damayan (Pob.)

Kataypuanan

Liyang

Maate

Magdalo (Pob.)

Mayatba

Minayutan

Salangbato

Tunhac

Alamat ng Famy

Calumpang ang tawag noong panahon ng mga Espanyol sa isang


baryo ng Guiling-guiling na mas kilala ngayong Siniloan.Pinaninirahan
ito ng mga pamilya na kung saan ang kanilang mga ninuno ay
naniniwalang ang lugar na ito ay pinamumugaran ng mga espiritu.

Dati ito ay isang lugar na magubat na sakop ng Siniloan, na


pinamumugaran din ng maraming maiilap na hayop na tulad ng baboy-
ramo,usa,alimos, at iba pa.Sinasabi ng mga panahong iyon ay may
isang pangkat ng magkakahoy na taga-mabitac ang nagtungo sa lugar
na ito upang kumuha ng isang kahoy na angkop na gawing imahen ng
isang santo.Sila'y nakatagpo ng isa ay ito'y kanilang pinaghati na ang
bawa't putol ay kayang hilahin ng isang kalabaw.Sa kanilang pag-uwi,
napadaan sila sa isang malagong puno ng Calumpang at sapagkat
kainitan ng araw noon, nahikayat silang magpahinga sa malamig na
lilim ng malagong punong ito.Pagkalipas ng ilang sandaling
pamamahinga, siningkawan nilang muli ang kalabaw at nagsimula
silang lumakad.Kalayo na unang pangkat na may pahila ng isang putol
nang mapansin nilang hindi na kaya ng kalabaw ang kaniyang hilang
kahoy.Napilitan silang kumuha ng isa pang kalabaw upang katulungin
ngunit naging tatlo,apat,lima hanggang naging sampo ang mga
kalabaw na humihila ay hindi parin natinag ang kahoy sa kinatatayuan
nito.Ang kababalaghang ito'y nagdulot ng takot at agam-agam sa mga
magkakahoy, kaya't sila'y nagpatuloy sa kanilang pag-uwi na taglay
ang unang putol at iniwan ang pangalawa sa lilim ng puno ng
Calumpang.

Ang pangyayaring naganap sa mga magkakahoy ay parang apoy na


kumalat sa mga kamugong nayon.Ang balitang ito ang nagbunsod sa
ilang mga tao upang lumikas at manirahan sa lugar na ito sa
kadahilanan ding maaari rin silang maprotektahan ng mga espiritu na
naroroon.Sinasabing mga magbubukid na mga taga-Tanay,Rizal.

Noong panahon ng Rebolusyonaryo, ang mga mamamayang lalaki


ng Calumpang ay nagkaisa upang labanan ang mga Espanyol para
makuha o mapanalunan nila ang baryo na nakahiwalay sa bayan ng
Siniloan.Taong 1898,Hen. Emilio Aguinaldo, Presidente ng bagong
Republika ay idineklara ang Calumpang bilang isang bayan.At bilang
parangal at pasasalamat ay binigyan nila ng bagong pangalan ang
bayang ito.Tinawag nila itong Famy na kinuha sa pangalan ng mahal
na ina ni Emilio Aguinaldo na si Trinidad y Famy.

Himno
Sa kandungan mo bayan, Payapa ang buhay
Lahat ay maligaya At nasisiyahan.
Sa silong ng iyong langit na kay ganda
May hatid na tuwa Ang bawat umaga.
Kaming mga anak mo, Sayo'y lumiliyad
Na handang maglingkod Sa iyo ng tapat
Kung sayo ay mayroong nais na humamak
Lingkod mo bayan ko, kaming mga anak mo.

(Chorus)
Bayan ko, bayan ko ang lagi ng pangarap
Naming iyong mga anak, ang iyong pag unlad
Kami lagi'y magsisikap, upang tanghalin kang ganap
Bayan ko, bayan ko, ikaw ay mahal naming
Kahit kami'y mga dukha, may dangal na angkin.
Oh bayan ko umasa ka, pangalan mo'y magniningning 2x
Oooooh. Bayan koooo

Kawayan Festival

Ang Famy Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Agosto. Nitong


taong 2016 ay ipinagdiriwang nila ang ika-106 ng Famy Day.

Kung saan nagkakaroon sila ng patimpalak tulad ng street


dancing na ang karaniwang mga kalahok ay mga mag-aaral na
nagmula sa Famy National high School..

Sila ay mayroong tinatawag na Kawayan Festival, ito ay


ginaganap sa mismong araw ng Famy Day. Tinaguriang The Home of
Bamboo Weavers ang Famy dahil ang famy ay birtwal at agrikultural
na komunidad na matagal ng nabiyayaan ng masaganang kalikasan.
Ang nakapalibot na palayan at ang parang walang katapusang
laylayan ng puno ng mga buko sa sierra madre ay nagtataglay ng
harmonidad sa pagitan ng mga taong bayan at ng masagang
kapaligiran.

Ilang mga Kainan sa Famy Laguna

Paviola Kiosk and Caf Juros Pizza House

Milagrosa Restobar
Km. 79

Jumongs Grill
SPECIALTIES

UBE HALEYA
Famys Secret Specialties : Ube Haleya, ay masarap na inihain
kasama ang ibat ibang kakanin tulad ng suman, butchi, pitsi pitsi at
kalamay na nagpapagana ng matamis na panlasa.

Sinusong Wika ng Bayan ng Famy


1. Balong- nakababatang kapatid
2. Salukot- salakot
3. Malukong- mangkok
4. Kokote- utak
5. Bangbang- kanal
6. Labong- kawayan na nakakain
7. Patangnanan- sangkalan
8. Sintunis-kalamansi
9. Apalya- ampalaya
10.Bibingkang Itlog- abnoy

MORCON
ADOFINA, JOSE RONALDO

ALBERTO, RYECCA MARTINE

CHUA,REGINE M.

CORTEZ, MIKAELA

CORTEZ, EVANGELINE

PRINCIPE,DHANA ELYSHA

RAMOS, ELISHA

SAN JOSE, KYLA MAE


BAMBOO MAT
WEAVING

Dahil sa masaganang
puno ng kawayan sa
bayan, ang bamboo
mat weaving ay naging
isa sa mga maunlad na
industriya ng famy at isa
rin sa magagawang
alternatibong
pagmumulan ng kita maliban sa

Pagsasaka.

GIFTED WEAVERS na gumagawa ng trays na gawa sa kawayan sa


iba't ibang hugis at laki.

Resort
SAN SEBASTIAN PARISH

You might also like