Professional Documents
Culture Documents
suri ng
Peniku
lang
Arellano University
Elisa Esguerra Campus
Jose Rizal High School
Senior High School Department
School Year 2016-2017
Pagsusuri
ng
Penikulang
Magnifico
Ipinasa ni :
Lydia S. Ela
STEM 5P
Ipinasa kay :
I. Pamagat
Magnifico
II. Mga Tauhan
Jiro Manio
Siya si Magnifico (Pikoy) ang pangunahing tauhan sa kwento na namulat sa kahirapn samurang edad. Isang
bata na magalang, masunurin ngunit mahina sa klase.
Lorna Tolentino
Siya si Edna ang ina ng pangunahing tauhan na walang trabaho.
Albert Martinez
Ang ama sa pelikula na si Gerry na isang kontraktwal na pilit gusting tapusin angisang rubics cube.
Danilo Barrios
Ginampanan niya ang karakter ni Miong ang matalinong nakakatandang kapatid ni Pikoy na natanggalan
ng scholarship dahil sa barkada.
Gloria Romero
Si Lola Magda, ang lola ni Pikoy na may stomach cancer at diabetis.
Isabella De Leon
Ang bunso sa magkakapatid na may cerebral palsy
Mark Gil
- Si Mang Domeng Bus driver na lihim na minamahal ni Cherry Pie.
Ton-Ton Gutierez
- Ang may-ari ng paggawaan ng muebles na pinagtatrabahuhan ni Albert at ama ng kalaguyo ni Danilo
Nagsimula ang dagok sa kanyang pamilya ng magkasakit ang kanyang lola na dinagdagan pa ng
pagkakatangal ng iskolarship ng kanyang kuya na siyang tanging inaasahan ng ama na mag-aahon sa kanila sa
kadukhaan. Laging naririnig ni Magnifico ang pagtatalo ngkanyang mga magulang lalong-lalo na tungkol sa
gagastusin kung sakaling papanaw na ang kanyang lola. Sa sobrang
kahirapan at sa pagnanais na makatulong, gumawa ng maraming preparasyon si Magnifico para sa
pagpanaw ng kanyang lola. Siya, kasama ang kanyang kaibigan, ay gumawang ataol at nag-ipon ng pera upang
ipambili ng bulaklak sakaling mamatay ang kanyang lola. Naging mabigat din para sa pamilya lalong-lalo na kay
Magnifico ang kapatid na may kakulangan sa pag-iisip. Naglaan siya ng panahon at oras upang matiyagang
alagaan at turuan ang kapatid. Sa paglipas ng mga araw, natutunan nito angilang salita tulad ng nanay at tatay na
bahagyang inibsan ang kalungkutan ng pamilya.
Bukal sa puso ni Magnifico ang kabaitan at pagtulong. Lahat ng tao ay nasasalamin ang kanyang kabutihang
taglay kahit na ang babaeng itinuturing ng lahat sa kanyang lugar na masungit. Ngunit isang araw,sa pagpunta niya
sa bahay ng isang lalaki upang kuhanin ang sasakyang digulong para sa lola ay nasagasaan siya ng humahagibis na
sasakyan na nagwakas sa kanyang magandang buhay. Lahat ng preparasyon na kanyang inihanda para sa burol ng
kanyang lola ay naging pangunahing pundasyon sa kanyang libing. Maraming tao ang dumalo sa burol at tila bagang
nagluksa ang buong bayan sa pagpanaw ng isang batang lubos nagpabago sa buhay ng bawat isa.
b. Tagpuan
c. Suliranin
d. Mga kaugnay na pangyayari o Mga pagsubok sa paglutas ng mga Suliranin
e. Wakas
Isinilang ang isang bata sa isang ordinaryong pamilya. Pinangalanan s'yang 'magnifico"
(Jiro Manio) hango sa isang mahikero sa perya. Normal lang ang buhay nila bagamat mahirap. Nagsimula ang
suliranin ng pamilya nung magkasakit ang lola (Gloria Romero) ni Magnifico. Na diskubreng meron s'yang sakit sa
lapay. Nakadagdag pa sa suliranin ng pamilya ang pagkatanggal ng kanyang kuya (Danilo Barrios) sa scholarship sa
Maynila at ang kanyang kapatid (Isabelle de Leon) na special at di makapagsalita. Si Magnifico, sa kanyang murang
edad ay unti-unting namulat ang isipan sa kahirapan ng buhay.Madalas niyang naririnig ang kanyang magulang
(Albert Martinez at Lorna Tolentino) nanag-aaway dahil sa kahirapang dinaranas ng kanilang pamilya, lalo na ang
gastos sa nalalapit nakamatayan ng lola niya. Dahil dito, humanap ng paraan ang batang Magnifico upang
makabawas sa kanilang problema. Nagtanong tanong sya kung gaano ba kalaki ang ginagastos sa pagpapalibing.
Dahil sa mahal ng kabaong, gumawa na lang siya gamit ang mga sobrang kahoy mula sa lilukan ng kaibigan ng
kanyang ama (Tonton Gutierez). Inilingid nya ito at tangingkaibigan nyang matalik (Joseph Robles) ang nakakaalam
sa kaniyang plano.Gumawa siya ng paraan upang masulusyunan ang problema ng pamilya at inasikaso ang
lahat ng detalye sa kamatayan ng lola.
V. Paksa o Tema
a. Ipinakita sa pelikula na ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa gulang o edad. Ang Pagtulong ay dapat
manggaling sa puso na walang hinihintay na anumang kapalit.
b. Ipinakita rin na ang pagmamahalan ay hindi masusukat sa estado ng pamilya. Maging mayaman man o
mahirap, ang pagmamahalan ay siguradong magbibigay ng kaliwanagan sa isang pamilya.
c. Masasalamin din ang kalagayan ng karamihan sa mamamayang Pilipino. Makikita sa pelikula ang
kahirapan na kahit sa kasalukuyan ay tinatamasa ng bansa.
d. Makikita rin na ang kabutihan ay sinusuklian din ng kabutihan.
Kung anuman ang iyong pundasyon nasinimulan, ito ay magbibigay ng bunga na gaya ng iyong itinanim
d. Set Design
Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang lugar, na sa Laguna, at tagpuan. Akma ang mga itsura ng mga
tagapagganap, kanilang kasuotan at kagamitan na nagpalitaw ng panahon, kapaligiran at katauhanghinihingi ng
realidad ng dulang pampelikula
1. Tauhan
2. Istorya o Kuwento
3. Diyalogo
4. Titulo o Pamagat
5. Sinematograpiya
6. Tema o Paksa