You are on page 1of 1

Alberta Santos (Wifes Testimony)

Noong September 10 taong 2016 kasama kong nagpunta ang aking asawa na si
Arnulfo Santos sa simbahan ng Sto.Domingo para umattend ng meeting ng
Samahan ng Senior Citizen ng Simbahan dahil may project kaming inaasikaso para
sa darating na undas. Umalis kami ng bahay ng aking asawa pagkatapos
magtanghalian ng bandang ala una ng hapon. Dumating kami sa simbahan ng 2:30
dahil medyo trapik. Pagdating naming pumirma muna kami para sa attendance.
Natapos yung meeting ng bandang ala singko. Matapos ang meeting diretso kaming
umuwi ng bahay at dumating kami ng bandang ala sais y medya.

Noon namang October 8 taong 2016 matapos kaming kumain ng agahan kasama ko
si Arnulfo pumunta ng simbahan ng Sto. Domingo para magsimba. Umalis kami ng
bahay ng bandang 9:30 ng umaga para sa samba ng alas onse. Matapos ang misa
kumain kami sa Jollibee sa Araneta Avenue. Pagkatapos naming kumain, ipinatawag
kami ng head ng lay minister na si Raychelle Guno para tumulong sa pagaayos sa
meeting. Hindi na kami umuwi sa Tondo dahil tuwing ikalawang sabado ng buwan
meron kaming meeting sa simbahan.

Higit sa lahat, ang aking asawa ay isang mabuting tao at hindi magagawang
manggahasa. Isa pa, ang aking asawa ay matanda na at mayroon na siyang sakit
na Erectile Dysfunction dahil rin doon ay malimit na kaming magtalik.

You might also like