You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )

xxxxxxxxxxxxxxx )

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si xxxxxxxxxxxxxxxx, may asa, xxxxxxxxx) na taong


gulang, kasalukuyang naninirahan sa xxxxxxxxxxx, pagkatapos
makapanumpa nang naaayon sa batas, ay malayang
nagsasalaysay NA:

1. Ako ay isang drayber ng pampasaherong jeepney na may


rutang xxxxxxxx;

2. Si xxxxxxxxxxxxxxx ay isa sa aking mga kasamahan na


drayber din ng pampasaherong jeepney;

3. Noong xxxxxxxxxxxx taong kasalukuyan, kagaya ng


pangkaraniwang araw, ay nakapila ako sa paradahan ng
mga jeepney na biyaheng xxxxxxxxx sa xxxxxxxxxxx

4. Noong mga humigit kumulang xxxxxxxx ng hapon ay


nakita kong dumating si xxxxxx lulan ng kaniyang
pampasaherong jeepney;

5. Mga limang metro lamang ang layo ko mula sa kaniyang


pinagparadahan;

6. Pagkaparadang pagkaparada pa lamang ni xxxxxxx, hindi


pa siya nakakababa ng kaniyang jeepney, ay nagulat ako
nang may biglang humuli sa kaniyang mga pulis;

7. Hindi ko alam kung anong nangyari sapagkat kakarating


pa lamang niya noon at ang unang sumalubong agad sa
kaniya ay ang mga pulis na humuli sa kaniya;

8. Matapos noon ay pilit siyang ibinaba ng mga nasabing


pulis mula sa kaniyang jeepney at saka isinakay sa
kanilang serbis;

9. Nalaman ko na lamang mula sa mga tao roon sa lugar na


ang dahilan daw ng paghuli kay xxxxxxxxxx ay sa xxxxxx,
ngunit hindi ako makapaniwala sapagkat mahigit
sampung taon ko nang kakilala si xxxxxxxx at alam kong
naghahanap buhay lamang siya bilang isang drayber ng
pampasaherong jeepney kagaya ko;

1
10. Wala akong nakitang anumang transaksyon na naganap
sa pagitan ni xxxxxxxx at ng sinuman noong araw na siya
ay hulihin, kaya laking gulat ko na lamang ng siya ay
hulihin;

BILANG KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumalagda


xxxxxxxxxxxxxxx, sa xxxxxxxxxxxxx.

xxxxxxxxxxxx

Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT PINATOTOHANAN.

xxxxxxxxxxxx

You might also like