You are on page 1of 24

EPEKTO NG PAKIKIPAGRELASYON SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG MGA

MAG-AARAL NG UNANG TAON SA KOLEHIYO:

TAONG PANURUAN 2014-2015

PAMANAHONG PANANALIKSIK NA IPINASA KAY PROF. YOLANDA C. DAPITAN


SA ASIGNATURANG INSTRUKTURA NG WIKA

FRANCIS DAVE S. RESPICIO BSED II-FILIPINO

Mananaliksik

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY

Kampus ng Kalamansig
TALAAN NG MGA NILALAMAN:

I. INTRODUKSYON

II. DEPINISYON NG MGA SALITA

III. LAYUNIN

IV. KAUGNAY NA LITERATURA

V. METODOLOHIYA
DISENYO NG PANANALIKSIK
RESPONDENTE

VI. RESULTA NG PAG-AARAL

VII. BUOD

VIII. KONKLUSYON

IX. REKOMENDASYON

X. LISTAHAN NG SANGGUNIAN

XI. SURBEY- KWESTYONER


I. INTRODUKSYON:

Ang pakikipagrelasyon ay isang interaksyon sa ating kapwa na kung saan ipinapadama

ng isang indibidwal ang kanyang saloobin na gusto nitong ipahayag. Sa pamamagitan nito,

maipalabas natin ang ating emosyon, may mapagsabihan tayo ng ating mga problema,

mababahagian ng ating karanasan at makapagpapahayag ng sariling opinion sa bawat isa. Alam

natin na ang lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang

kapwa. Nakadepende na ito sa isang indibidwal kung paano niya pahalagahan ang nasabing

sitwasyon.

Ayon kay Hongco 2001, ang pakikipagrelasyon ay hindi isang propesyon at sa halip ay

isa lamang itong pamamaraan kung paano natin masusukat ang ating kakayahan at silbi bilang

tao, kung paano mas magiging malawak at makabuluhan ang pananaw natin sa buhay. May mga

alaala ang bawat pangyayari na nagiging dahilan para higit pang magkaroon ng katuturan sa

buhay.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matukoy ang ibat ibang pananaw ng mga

mag aaral na nasa unang taon na kumukuha ng kursong edukasyon sa pakikipagrelasyon at ang

magiging epekto nito sa akademikong performans. Ito ay magsisilbing gabay ng mga mag aaral

upang mas lalo nilang maintindihan kung ito bay mayroong maidudulot na kabutihan sa

kanilang pag aaral. Ito din ay naglalayong malaman ang mga epekto ng pakikipagrelasyon sa

pag-aaral ng mga estudyante. Malaki ang papel ng kabataan sa usaping ito at mas nararapat

lamang na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang saloobin patungkol sa usaping ito. Sa

pananaliksik na ito malalaman, maunawaan, masasagutan, at matugunan ang katanungan ukol sa

pakikipagrelasyon ng mga kabataan at epekto nito sa akademikong performans.


II. DEPINISYON NG MGA SALITA
Upang mas maging madali ang pagkaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng aking

pananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na mga salita batay sa kung paaano

ginagamit ang bawat isa sa pamanahong pananaliksik.

Adolescence ay ang pagbibinata o ang pagdadalaga ng mga tao. Tumutukoy din ito sa kabataan

at kasibulan.

Intimacy ay matalik na pagkakaibigan o pagkikilala; matapat na pagpapalagayang loob

Romance pag-iibigan, pagmamahalan, at romansa

III. LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay linaw sa mga dahilan ng pakikipagrelasyon ng

mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Ang pag-aaral din ito ay naglalayong makatulong

sa mga mag-aaral kung papaano nila haharapin at malagpasan ang mga epekto ng

pakikipagrelasyon sa kanilang akademikong performans. Ito ay makapagbigay sa kanila ng mga

karagdagang impormasyon ukol sa pakikipagrelasyon. Ito rin ay naglalayong masagot ang mga

sumusunod na katanungan:

a. Ano ang propayl ng mag-aaral ayon sa kasarian at edad?

b. Bakit maraming kabataan ang nakikipagrelasyon?

c. Anu-ano ang mga positibo at negatibong naidudulot nito sa mga mag-aaral?

d. Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral?


IV. KAUGNAY NA LITERATURA

Marami nang mga dalubhasa ang nag-aaral hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga

kabataan. Sa kabilang banda, marami parin ang hindi nakakaunawa at nakakaintindi sa tunay

nitong kahulugan at kung papaano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Marami din sa atin

ang nagkakaroon ng miskonsepsyon sa pakikipagrelasyon.

Ayon kay Steinberg (2002), mahalaga na magkaroon ng distinksyon sa pagitan ng

sexuality at intimacy kung ito ay ginagamit sa pag-aaral ng adolescence at kapag ginagamit sa

sekswal at pisikal na aspeto. Samakatuwid, ang intimate na pakikipagrelasyon ay isang

emotional attachment sa pagitan ng dalawang tao na may pakialam sa isat isa; at ang

pagkakaroon ng parehong interes at mga paborito. Kung kaya, ang dalawang indibidwal ay

maaaring magkaroon ng isang intimate relationship kahit na walang sekswal na ugnayan. Sa

kabilang banda rin naman ay maaari silang magkaroon ng sekswal na ugnayan kahit na walang

intimate relationship.

Ayon kay Avelino et al. (1996), may mga bagay na dapat gawin para magkaroon ng

magandang pakikipagrelasyon.(1) kung wala kang magandang sasabihin sa iyong kasintahan,

mabuting wag ka nalang magsalita; (2) tuparin ang mga pangako; (3) igalang ang iyong

kasintahan; (4) magkaroon ng interes sa iyong partner;(5) maging masayahin; (6) maging bukas

sa mga posibilidad;(7) hayaan ang inyong sarili na sabihin ang tunay na nararamdaman; (8)

huwag saktan kailanman ang iyong kasintahan;(9) panatilihin ang pagiging malambing at (10)

maging palatawa.
Ayon kay Chad Lester M. Hongco (2001), ang pagkakaroon ng relasyon ng isang

estudyante ay may nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung ang kabataan ay masyadong

nalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang mag-aral ng mabuti o minsan nakakalimutan na

talaga nila ang pag-aaral. Nawawalan na sila ng oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol ang

sarili sa kanilang karelasyon. Dahil sa pagkakaroon ng karelasyon, madami tayong makukuhang

epekto lalung lalo na sa pag-aaral.

Ang pagkakaroon ng karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakakabuti din. Kung

minsan, ikaw ay nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral, dahil dito nagagawa mo ng

husto ang iyong pag aaral. Kung ang karelasyon mo ay masipag mag-aral, tiyak na ikaw ay

sisipag rin sa pag-aaral. Hindi naman sa lahat ng oras ang isang karelasyon ay nakakasama sa

pag-aaral, sila din ang nagbibigay ng inspirasyon ay determinasyon sa isang estudyante na

galingan sa kanilang pag-aaral. Nakakatulong din ang isang relasyon sa paraan na maibigay natin

ang ating sariling motibo na maipabuti ang pag-aaral.

Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999), lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na

pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga

problema, mababahagian ng ating karanasan at makapagpahayag ng sariling opinion. Marahil na

ang pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga kabataan para sa lubusan nilang makilala ang

kanyang sarili at maipahayag ang sarili nilang damdamin.

Ang pagkakaroon ng isang relasyon ay hindi naman gaano nakakaapekto sa pag-aaral,

depende na ito sa estudyante kung paano niya pahalagahan ang kaniyang pag-aaral, may

karelasyon man o wala. Ang importante ay mabalanse ang oras ng pag-aaral sa iba pang gawain.
Basta kaakibat lang ang pagiging determinado at masunurin sa pag-aaral ang isang estudyante,

tiyak na wala siyang problema sa pag-aaral kahit na may karelasyon.

Ayon sa pagsusuring ginawa ng Unibersidad ng Pilipinas (2002), pababa nang pababa

ang edad ng mga kabataang pumapasok sa isang relasyon. Karamihan sa kanila ay mga

estudyante. Subalit tama ba na pagsabayin ang pag-aaral at pakikipagrelasyon? Ang pagsasabay

ng pag-aaral at pakikipagrelasyon ay mahirap. Nangangailangan ito ng matinding pagbubulay-

bulay. Lalo na kung ang estudyante ay hindi marunong mamahala sa kanyang emosyon at 'di

kayang pagsabayin ang pag-aaral sa pag-ibig. Sapagkat minsan ang pagkabigo sa pag-ibig ay

nakasisira ng pag-aaral. Sa kabilang banda mayroon din naman itong naidudulot na kabutihan--

ito ay ang inspirasyon at kaligayan sa pag-aaral. Hindi naman masama ang pumasok sa isang

relasyon subalit dapat na mas bigyang-halaga pa rin ang pag-aaral dahit dito nakasalalay ang

iyong kinabukasan. Dapat ring isaalang-alang ang pagbabalanse sa dalawa upang magkaroon ng

mas mabuting resulta. Huwag mong hayaang masira ng pakikipagrelasyon mo ang iyong pag-

aaral. Huwag mo rin namang pigilan ang sarili mong magmahal. Dapat ay maging balanse ang

dalawang ito.

Ayon kay Ramon Carlos (2008) sa kanyang blog entry, naaapektuhan lamang ng

pagiging in a relationship ng isang tao ang mga mahahalagang bagay na lubos niyang

kailangan sa pang-araw-araw bilang isang indibidwal. Tinukoy niya ang mga negatibong epekto

ng pagkakaroon ng lovelife sa buhay ng isang estudyante. Una sa lahat, maaapektuhan nang

malaki ang kanyang pag-aaral. Gaya nga ng nabanggit ko kanina, imbes na ituon natin ang 100%

na atensyon natin sa pag-aaral ay nalilihis tayo at mas napagtutuunan natin ng pansin ang ating

mga kasintahan. Imbes na mag-aral tayo nang mabuti at mailaan natin ang ating oras sa pag-aaral

ay mahahati ito kung sakaling may mga kasintahan tayong nangangailangan din ng ating
atensyon. Dahil dito, mahahati ang ating oras at maguguluhan ang ating isipan kung alin sa

dalawa ang uunahin.

Malaki ang posibilidad na dahil dito, mawawalan tayo ng pokus at maaaring bumaba ang

ating mga grado. Pangalawa, maaapektuhan din ang ating mga bulsa. Ang ating allowance ay

para sa ating pansariling gastos sa paaralan. Ang perang ibinibigay sa atin ay galing sa dugot

pawis ng ating mga magulang. Binibigyan nila tayo ng pera upang makabili ng mga

pangangailangan natin sa paaralan gaya ng mga school supplies at pagkain. Kung may

kasintahan tayo, malaki ang posibilidad na mabubutas ang ating mga bulsa lalong-lalo na para sa

mga lalake. Paano? Alam naman natin na ang karaniwang paraan upang maipakita ng isang

lalake ang kanyang pagmamahal para sa isang babae ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga

materyal na bagay gaya ng tsokolate, bulaklak, stuff toy at iba pa. Kaya nga hindi biro ang

pumasok sa isang relasyon kung alam naman natin na hindi pa handa ang ating mga bulsa.

Ang pakikipagrelasyon ay parang lesson plan: mayroong Objectives (may cognitive,

psychomotor at affective), may Subject Matter, may Procedure (preparation, review, motivation,

discussion at generalization), may Evaluation at syempre, dapat may Agreement din.

I.Objectives

May dahilan kung bakit nating gustong makipagrelasyon. Meron din Bloom's Taxonomy

ang panliligaw. :) unahin natin ang Cognitive. Sa cognitive, pwede nating sabihin na 'kilalanin

ang gustong ligawan o kilalanin ang iyong manliligaw'. Oha, nagawan natin ng connect. Sa

affective naman, 'unawain ang bawat isa at makibahagi rin ang bawat isa sa ikakaunlad ng

kanilang relasyon. : 3 Ang psychomotor naman, makagawa ng payapang relasyon sa isa't-isa'.


II.Subject Matter

Nalaman na natin ang dahilan, ngayon naman ay kung sino ang gusto mong ligawan o

manligaw sa'yo. Sa Topic, i-state ang pangalan ng babae o lalaki. Sa Reference ay kung sinu-sino

mo nalaman ang tungkol sa kanya o siya mismo ay pwede mo ilagay. Pages naman ay hanggang

saan ang kaya mong tiisin sa kanya. Huli naman ay Materials, kung anu-ano ang gamit na

ginawa mo para mapasagot mo siya o ginawa niya para masagot mo siya.

III. Procedure

Dumako naman tayo sa procedure. May 5 (May 3 o 4) subparts ang procedure. Unahin

natin ang preparation, dito ay gumawa tayo ng paghahanda natin gaya ng: prayer (pagdasal natin

na sana ay pansinin tayo ng mga nililigawan natin o sana naman ay maayos ang ipakita sa'tin ng

mga manliligaw natin), greetings ay dito magbabatian kayo gaya ng 'Hello, e0w pfuh, good

morning, etc.', checking of attendance naman ay pagcheck ng kanyang presensya, kung lutang ba

siya o hindi o kaya naman, okay ba suot niya o sa'yo din, checking of assignment ay pagche-

check ng dating gawain o whatsoever. In short, wala ako maisip para sa checking of assignment.

Dumako naman tayo sa Review, babalikan ang mga usapan tungkol sa mga ex's nila at siyempre,

nakaka-disappoint 'yun. Iisipin natin na kinukumpara kayo sa mga naging ex niyo pero hindi

natin alam na ito ang paraan para ipakilala mga sarili nila sa inyo. Paano 'yun mawawala, dun

natin tatalakay sa susunod kung paano maiibsan 'yun. Dumako naman tayo sa Motivation, eto na

ang sinasabi ko kung papaanong maiibsan ang pagka-badtrip sa review. Dito ay nagkakaroon sila

ng interes sa isa't-isa. Kumbaga appetizer bago muna ang main course. Sumunod naman ang
discussion, sa semi-detailed at brief lesson plan, walang response ang estudyante. Tangi ang

teacher lang ang may sasabihin. Sa detailed, pareho sila.

Sa halip na teacher's and student's activity, gawin natin ay Boy's activity at Girl's activity. Dito

ilalahad ang sasabihin ng bawat isa, kahit anong conversation ay pwedeng ilagay. Kumbaga,

malayang paghahayag.

Sa huling parte ay ang Generalization, dito naman isusuma lahat ng natutunan nila sa isa't-isa.

Kung anuman ang napag-usapan nila o kahit ano in short.

IV.Evaluation

Kala niyo, sa school lang may ganito, sa pakikipagrelasyon ay meron rin. Kaso pwede

siya subjective o objective. Subjective with terms of writing an essay all about him/her.

Objective naman ay pamimili ng mga options, mapa-multiple choice man, mapa-true or false,

mapa-matching type man o di kaya identification or completion.

V. Agreement

Eto naman ang mga task na kailangan mong gawin sa bahay at pagkatapos ng date niyo o

kung anuman. Eto ang posibleng itanong:

1. Siya na ba para sa 'kin?

2. Anu-ano naman ang mangyayari bukas?

3. Ganun pa rin ba siya? O pwede rin na round 2 ng date niyo o pag-level up ng relationship

niyo.

Ang pakikipagrelasyon ay hindi biro. Dapat pinagpaplanuhan at pinag-iisipan kung tama

ba ang iyong desisyon. Hindi ito na parang laro na kung saan, 'pag ayaw na ay pwedeng umalis o

iwanan lang na parang wala.


(Posted by cephaliasmoments at 2:05 AM Tuesday, August 10, 2010)

V. METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay ginawa sa paraang surbey at isinagawa sa disenyo ng

pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik gamit ang talatanungan na may pitong bilang

upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo sa

pakikipagrelasyon at magiging epekto nito sa akademikong performans. Isinagawa ang

pananaliksik sa loob ng Sultan Kudarat State University kampus ng Kalamansig. Ang mga mag-

aaral na kasama sa pagsagot ng sarbey ay kasalukuyang may mga karelasyon at nag-aaral sa

Sultan Kudarat State University kampus ng Kalamansig. Gamit ang disenyong deskriptib-

analitik, ang mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa sampung (10)

mag-aaral. Lima (5) sa kanila ay babae at lima (5) din sa kanila ay lalaki na parehong nasa unang

taon sa pagkuha ng kursong edukasyon.

Ang pagbibigay ng talatanungan ay magsisilbing datos sa pananaliksik na ito upang

mabigyan ng katibayan ang mga impormasyong nakalap hinggil sa suliranin ng paksang

isinasaliksik. Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti ng mananaliksik na mangalap

ng mga impormasyon sa mga mag-aaral ng unang taon sa kolehiyo na nagkaroon ng karanasan

sa pakikipagrelasyon. Kumuha din ng mga impormasyon sa internet.


RESPONDENTE

Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa unang taon sa

kolehiyo. Ang mga respondente ay kumukuha ng kursong edukasyon ng kasalukuyang semester

sa Unibersidad ng Sultan Kudarat kampus ng Kalamansig. Ang mga respondente ay nahahati sa

dalawa batay sa kanilang kasarian. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay sampu (10).

Lima (5) sa kanila ay babae at lima (5) ay lalaki. Samakatuwid, mayroong pantay na paghati sa

mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Gumamit ang mananaliksik ng random sampling

upang magkaroon ng pantay na representasyon ng bawat grupo.

VI. RESULTA NG PAG-AARAL

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

Grap 1
Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Edad:

3.5
3
2.5
2
1.5
1
0.5
0

Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng respondente ayon sa kanilang edad na kung


saan may tatlong (3) bilang ng sumagot ang nasa lalaki at mayroong tatlong (3) bilang din ang
sumagot sa babae sa edad na 16 taong gulang. May dalawang (2) bilang ng sumagot ang nasa
lalaki sa edad na 17 taong gulang at may dalawang (2) bilang din ang sumagot sa babae sa edad
na 19 taong gulang.

Grap 2
Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Kasarian:
6
5
4
3
2
1
0
Lalaki Babae

Ipinapakita sa grap 2 ang distribusyon ng mga respondente batay sa kanilang kasarian na

kung saan nagkaroon ng pantay na bilang ang respondente. Sa sampung (10) respondente, lima

(5) sa kanila ang babae at lima (5) din nman ang lalaki.

Grap 3:
Panahon na Nagsimulang Makipagrelasyon ang mga Respondente:
6
5
4
3
2
1
0

Sa sampung (10) respondente, lima (5) sa kanila ang nagsabi noong 1 st at 2nd year H.S sila

nagsimulang makipagrelasyon. Tatlo (3) naman sa kanila ang nagsabi noong 3 rd at 4th year sila

nagsimulang makipagrelasyon at dalawa (2) naman sa kanila ang nagsabing sa kolehiyo na sila

nagkaroon ng karelasyon.

Grap 4
Oras na Ginugugol ng mga Respondente Para sa Kanilang Karelasyon:
4
3
2
1
0

Tatlo (3) sa sampung respondente ang nagsabi na hindi hihigit sa dalawang (2) oras ang

kanilang ginugugol para sa kanilang karelasyon. Isa (1) naman sa kanila ang nagsabi na tatlo (3)

hanggang limang (5) oras ang kaniyang ginugugol para sa kaniyang karelasyon. At anim (6)

naman sa kanila ang nagsabi na limang (5) oras o higit pa ang kanilang ginugugol para sa

kanilang karelasyon.
Grap 5
Pananaw ng mga Res pondente sa Positibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon:

8
6
4
2
0
Inspirasyon makilala ang sarili

Pito (7) sa sampung respondente ang nagsabi na inspirasyon ang positibong maidudulot

ng kanilang pakikipagrelasyon at tatlo (3) naman sa kanila ang nagsabing mas makilala nila ang

kanilang sarili sa pakikipagrelasyon.

Grap 6

Pananaw ng mga Respondente sa Negatibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon:


4.5
4
3.5
3
2.5
2
1.5
1
0.5
0

Tatlo (3) sa sampung respondente ang nagsabing distraksyon ang negatibong maidudulot
ng pakikipagrelasyon. Isa (1) naman sa kanila ang nagsabing walang negatibong maidulot ang
pakikipagrelasyon. Dalawa (2) naman sa kanila ang nagsabing aksaya lamang ng panahon ang
pakikipagrelasyon at apat (4) din sa kanila ang nagsabing nababago ang kanilang sarili sa
pakikipagrelasyon.

Grap 7
Mga Dahilan Kung Bakit Nakikipagrelasyon ang mga Respondente:
Grap 7: Mga Dahilan kung bakit nakikipagrelasyon ang Respondente:
4.5
4
3.5
3
2.5
2
1.5
1
0.5
0

Dalawa (2) sa sampung respondente ang nagsabing dahil sa udyok ng kaibigan ang

dahilan ng kanilang pakikipagrelasyon. Tatlo (3) naman sa kanila ang nagsabing nagmamahalan

ng tuna yang dahilan ng pakikipagrelasyon. Apat (4) naman sa kanila ang nagsabing gusto lang

nila ng may karanasan sa pakikipagrelasyon at isa (1) naman sa kanila ang nagsabing naaawa

lang siya sa kanyang minamahal.

Grap 8
Pananaw ng mga Respondente sa Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Kanilang Pag-aaral:
3.5
3
2.5
2
1.5
1
0.5
0

Tatlo (3) sa sampung respondente ang nagsabing nagkukulang ang kanilang oras sa pag-

aaral ang maging epekto. Tatlo (3) din naman sa kanila ang nagsabing hindi sila nakagagawa ng

kanilang gawaing bahay ang maging epekto. Isa (1) naman sa kanila ang nagsabing matataas ang

kanyang nakukuhang marka ang maging epekto at tatlo (3) din naman sa kanila ang nagsabing

walang epekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag- aaral.

VII. BUOD:

Batay sa resulta ng pag-aaral, nagkaroon ng pantay na bilang ang mga respondente ayon

sa kanilang kasarian at karamihan sa kanila ay nasa labing-anim na taong gulang na nagsimulang

nakipagrelasyon. Napag-alaman na may ibat ibang dahilan kung bakit nakikipagrelasyon ang

isang mag-aaral na siyang nakakadudulot ng positibo at negatibong epekto ito sa kanilang

akademikong performans sa paaralan. Ito ang naging dahilan ng pagbaba ng kanilang marka at

nagiging kulang ang kanilang oras sa paggawa ng mga proyekto at mga gawaing bahay.
VIII. KONKLUSYON:

Batay sa inilahad na mga datos, ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na

konklusyon:

a. Nakikipagrelasyon ang mga mag-aaral dahil sila ay tunay na nagmamahalan at gusto nila ng

karanasan na maari nilang magamit sa kanilang pagtahak sa landas na kanilang napili.

b. Ang pakikipagrelasyon ay nagdudulot ng parehong positibo at negatibong epekto sa mga mag-

aaral na nasa kolehiyo. Ito ay may malaking epekto sa kanilang pag-aaral.

c. Ang positibong epekto ng pakikipagrelasyon sa mga mag-aaral ay ang pagkakaroon nila ng

inspirasyon. Ang negatibong epekto naman ng pakikipagrelasyon ay ang distraksyon sa kanilang

pag-aaral at maging sa pagbabago ng kanilang sarili. Subalit, tiyak namang maiiwasan ang

negatibong epekto nito kapag nabalanse ng dalawang tao ang kanilang sitwasyon.

d. Ang epekto naman ng pakikipagrelasyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay ang kawalan ng

sapat na oras na iginugol sa kanilang pag-aaral. Karagdagan, hindi sila nakakagawa ng gawaing

bahay para sa kanilang pag-aaral.

IX. REKOMENDASYON:

Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng

mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga mag-aaral na kasalukuyang nasa isang relasyon, kinakailangan na maging

maingat tayo sa bawat desisyon na ating ginagawa. Kung alam nating hindi magiging mabuting

impluwensya ang ating mga karelasyon, kailangan na natin itong tapusin.

b. Para naman sa mga wala pang karanasan sa pakikipagrelasyon, hindi ito malaking kawalan sa

inyong pagkatao. Ito ay hindi magiging sukatan ng kaligayahan ng ating buhay.


c. Para sa mga magulang, kahit na nasa wastong edad ang ating mga anak, dapat nating tandaan

na kinakailangan parin nila na magkaroon ng gabay na magtuturo sa kanila lalo na sa paghubog

nila sa kanilang sarili.

X. LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN:

AKLAT
Bernales, Rolando A. et al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik. Malabon City, Philippines: Mutya
Publishing House. 2009

INTERNET

www.google.com

Pakikipagrelasyon/slideshare.com

Pakikipagrelasyon. pdf

www.abante.com.ph
XI. SARBEY- KWESTYONER:
Pangalan: _________________________ Kurso: ____________ Petsa: _________
Edad: __________ Taon/seksyon________________
Relihiyon: __________________ Pamantasan na pinapasukan: _________________

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may
pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot.

1. Edad: ( ) 16 taong gulang ( ) 17 taong gulang ( ) 18 taong gulang ( ) 19 taong gulang


( ) 20 taong gulang ( ) 21 taong gulang

2. Kasarian: ( ) Babae ( ) Lalaki

3. Kailan ka nagsimulang makipagrelasyon?

( ) Grade school ( ) 3RD at 4TH Year H.S


( ) 1st at 2nd Year H.S ( ) Kolehiyo

4. Ilang oras ang ginugugol ninyo sa isat isa?

( ) di hihigit sa 2 oras ( ) 5 oras o higit pa


( ) 3-5 oras

5. Ano sa palagay mo ang naidudulot na positibo ng pakikipagrelasyon?

( ) inspirasyon
( ) kasiyahan habang kami ay magkasama
( ) mas makikilala ko ang aking sarili
( ) may makakasama sa pangangailangan
( ) paghahanda para sa aking kinabukasan
( ) others: _________________________

6. Ano sa palagay mo ang naidudulot na negatibo ng pakikipagrelasyon?

( ) distraksyon ( ) aksaya ng panahon


( ) dagdag gastos ( ) nababago ang aking sarili
( ) walang negatibo ( ) others: _______________
7. Bakit mo naisipang makipagrelasyon?

( ) dahil sa udyok ng kaibigan/ barkada ( ) gusto ko lang ng karanasan


( ) para maging sikat ako ( ) kasi maganda o gwapo siya
( ) nagmamahalan kami ng tunay ( ) naawa lang ako sa kanya
( ) others: __________________

8. Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa iyong pag-aaral?

( ) nagkukulang ng oras sa aking pag-aaral


( ) hindi nakakagawa ng mga gawaing bahay/ proyekto
( ) may tumutulong sa paggawa ko ng mga gawaing bahay
( ) matataas ang aking marka dahil may inspirasyon ako
( ) walang epekto
( ) others: ____________________________________

You might also like