You are on page 1of 2

Bahagi ng pananalita

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part
of speech), o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong
kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihingbahaging
panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa
pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging
panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope
K. Santos (kilala rin sa tawag na Balarilang
Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng
pananalita. Ang mga ito
ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantuk
oy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam.
Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940
matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel
Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang
pambansa (na kilala na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat
ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang
Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang
Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G.
Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi
ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng
pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitng pnghalil sa
pangngalan.
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o
nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa
isang pangngalan sa iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging
nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang
nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection;
mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin)
sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong
Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam
ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may
matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong
tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit
pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon
na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang
lingguwistiko. Ito ay
ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pan
g-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.

You might also like