You are on page 1of 3

Noong bata ako, pinangarap ko maging milyonaryo.

Ang mabili lahat ng gusto ko, ang makapagpagawa


ng mansyon na may pul, at syempre malibot ang buong mundo. Akala ko noon kung mayaman ka,
mareresolba lahat ng problema mo. Ngunit habang lumalaki ako ay nagkakaroon ako ng kamalayan
tungkol sa mga isyung panlipunan. Nakilala ko sina Erap, Binay, Enrile at syempre ang mga Marcos.
Lahat sila pinangarap maging mayaman gaya ko at kita naman natin na nakamit nila iyon. Marahil noong
7- taong gulang pa lang ako ako na walang kamuang-muang sa mga isyu na napipiligid sa akin ay baka
naging idolo ko pa sila. Pero ngayon, masasabi ko na kung may isang bagay na wala sila, iyun ay
parangal. Napatanong ako sa sarili ko kung tama bang layunin sa buhay ang maging mayaman
pagkatapos ko sila nakilala. Hindi naman sa sinasabi ko na pag mayaman ay masama na agad ngunit
kung ito lamang ang layunin mo ay minsan napapawalang bahala mo na ang moralidad mo para lang
maabot ito. Kaya ngayon hindi na yaman ang nais kong makamit kundi parangal. Paano nga ba mabuhay
ng marangal?

Nabubuhay ka nang marangal kung gumagawa ka ng tama kahit walang nakatingin. Minsan mga tao
gagawa ng tama dahil may kapalit itong gantimpala, gaya lamang ng mga politico na sobrang taimtim
magdasal pag sa harap ng kamera ngunit kurakot naman o mga estudyante na sasali sa isang kawanggawa
para lamang sa grado. Minsan kapag sinasabi rin ng aking mga Kristiyanong kaibigan na gumagawa sila
ng tama para makapunta sa langit. Para sa akin, makasarili ito. Sabihin natin na balang araw, napatunayan
na wala ang tinatawag nilang afterlife.Magiging rason na ba ito para gumawa ng mali? Magiging
marangal ka kung gagawa ka ng tama dahil ito ay tama, hindi dahil ito ay may kapalit.

Para sa akin, nabubuhay rin ka ng marangal kung kaya mong ipaglaban ang tama kahit na hindi
sumasang-ayon ang iba. Minsan mas madali na lang sa tao ang sumang-ayon sa popular na opinyon para
lang matanggap ng ibang tao. Kapag pinili mo ang tama, tinatawanan ka, minsan sinasaktan ka pa.
Naalala ko ang kaklase kong si Andie noong ako ay sa ikatlong taon ko sa hayskul. Habang kami ay
nagkaroon ng pagsusulit sa aking Ingles na asignatura, halos buong klase ay nagkopyahan ng sagot sa
katabi. Sa sumunod na araw, nalaman ng aming guro na may kopyahan na nangyari ngunit ang nahuli
lang ang aking tatlong kaklase dahil magkakapareho sila ng mali. Handa na sana ang guro namin noon na
isumite ang kanilang pangalan sa aming punong-guro. Ngunit para kay Andie, hindi ito makatarungan.
Lahat daw kami ay nangopya ngunit bakit ang mga nahuli lang ang mapaparusahan? Maraming nagalit.
Natutunan naman daw nila ang leksyon nila bakit sila rin ay mapaparusahan? Ngunit hindi siya nagpadala
sa kanila. Pinuntahan pa rin niya ang aming guro at sinabi ang totoo. Hanggang sa dulo ng semestre ay
ipinagkait sa kanya ang pagpili sa tama, pati kaibigan niya ay iniwan siya. Ngunit ako naman ay
nagkaroon ng respeto sa kaniya. Tunay na kahanga-hanga ang taong naniniwalang hindi bale na mag-isa
bastat siya ay marangal.

At panghuli, nabubuhay ka ng marangal kung pinapaglaban mo ang mga inaapi sa lipunan. Maraming tao
lalo na ang mga pribilehiyo ang madaling makapagbingtang sa mga mahihirap na ang sitwasyon nila ay
kasalanan nila. Ngayon rin ay napapanahon ang isyu tungkol sa extrajudicial killings na nagaganap sa
ilalim ng administrasyon ni Duterte. Tinatrato ang mga mahihirap ngayon bilang mga hayop na pwede
lang patayin basta-basta imbes na bigyan sila ng oportunidad para makaahon sa buhay. Sa aking opinyon,
ito ay makasarili at hindi maka-tao. Kahanga-hanga sa akin ang ilang mga tanyag na tao kagaya nila Leni
Robredo, Ninoy Aquino at Andres Bonifacio dahil kahit na may opsyon sila na piliin ang mas
komportableng buhay na walang kaaway o nakukuhang banta sa mga oposiyon pinipili pa rin nila ang
lumaban. Marangal iyon dahil kahit buhay ang kapalit ng kanilang ginagawa mas malaki pa rin ang
halaga ng pasyon nila para ipaglaban ang mga inaapi.

Base sa mga nabanggit ko, mukhang mahirap ang maging marangal. Inaamin ko na kahit ako minsan ay
gumagawa ng desisyon na hindi masasabing marangal. Ngunit ang importante ay sa huli kung may
nagawa ka man na bagay na hindi mo masasabing marangal, dapat tatanggapin mo ang magiging
kinahinatnan ng mga aksyon mo at gamitin mo itong leksyon para mabatid kung paano ba ang tama at
marangal na pagkilos sa susunod. Kung dati ay pangarap ko na maging mayaman, ngayon masasabi ko na
mas may kabuluhan ang mabuhay ng marangal..

Nicole Elise Baysa Pangkat 1: Uno


2015-08446 Philo 10-WFU1; 10-11:30 am
Pagkatapos ng pilosopikal na diskusyon kasama ng aking mga kagrupo, masasabi ko na may dumagdag
sa kaalaman ko sa buhay na may dangal. Napagtanto ko sa aming diskusyon na walang obhektibong
kahulugan ang buhay na marangal. Maaari na sa isa, ang isang aksyon gaya ng pagbebenta ng katawan sa
iba para sa pamilya ay marangal, ngunit para sa iba naman ay hindi. Ang aming debate tungkol dito ay
dulot ng aming kaibahan sa paniniwala sa kung paano masasabang moral ang aksyon o hindi. Ilan sa amin
ang nagsabi na bastat ang aksyon mo ay nagdudulot ng positibong epekto sa iba masasabi na marangal
ito ngunit ayon naman sa ibang miyembro, dapat ang tinitidnan naman ay ang pamamaraan ng gawain.
Mayroon naman ibang nagsabi na dapat binibigyang-pansin ang masasabi ng ibang tao sa mga aksyon mo
ngunit para sa ibang miyembro kung sa tingin mo kinakailangan na gawin ang isang aksyon para sa
ikabubuti ng iba, ay maituturing ka pa rin na marangal na tao. Hindi ko masabi na may mas tamang
perspektibo sa kung ano magdidikta kung moral ba ang aksyon o hindi dahil para sa akin, nakadepende
ito sa konteksto ng nagawang aksyon pati na rin sa mga values na pinagkasunduan ng isang lipunan.

Sa nangyaring pilosopikal na diskusyon, mabibigyan ko ang sarili ka ng grado na 10 dahil ako ay


aktibong nakilahok. Nakinig ako ng mabuti sa mga ibinahagi na aking mga kagrupo, at para sa mga punto
na aking mga kagrupo na hindi ako sumasang-ayon, ipinahayag ako ang aking mga tanong at opinyon
laban dito sa paraan na hindi nakakasakit sa aking mga kagrupo. Naniniwala rin ako na ang aking mga
ipinahayag ay lohiko at maykatiwiran, at ito ay nakatulong sa pagdaloy ng aming diskusyon

Anano, Marie: 10

Binigyan ko si Marie ng 10 dahil kahit kaunti lang ang naibahagi niya ay lohikal pa rin ang kaniyang mga
argumento at magaganda ang kanyang mga tanong.

Barbero, Lara: 10

Binigyan ko si Lara ng 10 dahil magaganda ang kanyang ganting-matwid sa mga argumento ng isa
naming kagrupo at mahusay siya magtanong.

Bote, Joseph: 9

Binigyan ko si Joseph ng 9 dahil magaganda at lohikal ang kanyang mga argumento ngunit mas maganda
kung mas ipinaliwanang pa niya ng maiigi ang kanyang mga punto, at mas maganda rin kung may
naitanong siya sa mga miyembro.

Caadan, Clarissa: 10

Binigyan ko si Clarissa ng 10 dahil ang kanyang mga argumento ang siyang nagbigay-daan sa aming
pilosopikal na diskusyon. Ang aming naging debate ay lumibot sa kanyang argumento, at maayos niyang
naisagot ang mga tanong ng mga miyembro sa kanya.

Castillo, Jasmine: 10

Binigyan ko si Jasmine ng 10 dahil mahusay syang tagapamagitan sa aming naging debate, at naging
maayos ang daloy ng diskusyon dahil sa kanya. Nakapagbigay rin si Jasmine ng mga lohikal na
argumento ukol sa paksa at mahusay rin ang kanyang mga tanong.

You might also like