You are on page 1of 5

Rehiyon

VIII
Silang
ang
Visaya
s
Heograpiya at
Kultura ng
Silangang
Kabisayaan
REHIYON VIII SILANGANG VISAYAS
I. Lalawigang bumubuo
Biliran Naval
Hilagang Samar - Catarman
Hilagang Leyte Tacloban City
Kanlurang Samar - Catbalogan
Timog Leyte Maasin
Silangang Samar Borongan
II. Pisikal na Katangian
Bundok Cancajay pinakamataas na bundok sa Rehiyon VIII.
Ang Samar ay maburol at kulang sa kapatagan. Hindi malawak
ang taniman kaya ang mga tao ay may ibang pinagkakakitaan.
Napaliligiran ng mga katubigan na sagana sa mga yamang-dagat
ang mga pulo ng Rehiyon VIII. Malaki ang naitutulong nito sa
kabuhayan ng mga Waray(tawag sa mga taong nakatira sa
Samar at Leyte)
III. Hanapbuhay, Produkto, at Industriya
Pagsasaka pangunahing hanapbuhay ng mga taga-rehiyon.
Kabilang sa kanilang mahahalagang pananim ay ang palay, tubo,
mais, niyog, abaka, tabako, gulay, at kape.
Pangingisda nakapangingisda ang mga tao sa Golpo ng Leyte,
Kipot ng San Bernardino, at iba pang look sa rehiyon.
Paglalala gumagawa ang mga tao dito ng makukulay at
magagandang banig na yari sa tikug. Gumagawa din sila ng
kasangkapang yari sa kawayan at yantok.
Pagpapastol nakatutulong din sa kabuhayan ng mga tao sa
rehiyon ang pag-aalaga ng baka at manok.
Pagtotroso
Pagmimina nakakukuha ang mga tao sa mga minahan ng
ginto, tanso, pilak, carbon, at bakal.
IV. Katutubong Paniniwala
Ang personipikasyon ng mga pwersa ng kalikasan at ang
pagtatakda ng sagradong espasyo ang bumubuo sa katutubong
pagsamba. Kinikilala ang mga diwata bilang mga diyos at ang
mga umalagad bilang mga ispirito ng mga yumaong kamag-
anak.
Karaniwang kinakabit ang diwata sa siklo ng buhay. Nariyan ang
pagsasatauhan ng hangin para sa mabuting panahon, at ng ilog
para sa maalwat na paglalakbay. May mga bukod ring saklaw
gaya ng mga sakit sa mata sa ilalim ng diwatang maraming mata
Dalikmata, at paghahatid sa mga kaluluwa sa kabilang buhay sa
ilalim ni Magwayen.
Tinatawag at inaalayan (maniwata) ang diwata at umalagad
para sa mabuting kalusugan at masaganang buhay. Nagtatakda
ang gayon ng isang katanggap-tanggap na kaayusan.
Ang tao ay binubuo ng katawan at kalag, ang ispirito na
humihiwalay sa katawan sa panaginip, pagkawala ng ulirat, o sa
pagkuha ng nagkagustong diwata. Ang pagkawala ng kalag ay
kamatayan.
Ang gampanin ng babaylan.
namumuno sa pagsamba
tulay ng mga taong humihiling at humihingi ng tawad sa
mga ispirito
ang manggagamot para sa mga sakit na buhat ng mga
ispirito
Sa Panay, nagtitipon ang mga babaylan kada pitong taon
upang magsagawa ng ritwal para patibayin ang
sansinukob. Ang mga sakripisyo at alay ay ginagawa sa
tabi ng batis. Karaniwang nagtatagal ang ritwal ng pitong
araw at isinasagawa sa mga bundok ng Tubungan sa liblib
ng Iloilo.
Ang mga tamawo ay mga ispiritong nakikipamuhay sa mga tao
naninirahan sa mga malaking bato o sa puno ng lunok
(balete) nang tulad ng sa mayayamang tao
ang makasisira ng tirahan nito ay binibigyan ng sakit na
pasok, na magagamot lang ng babaylan
binabato nang malakas ng tamawo ang tao ng mga di
makitang bagay na bumabaon at nagpapasakit sa laman
kapag umibig ang mga tamawo, may panunuyo
(yanggaw) kung ng pagkain na kapag kinain ay
ginagawang tamawo ang tao.
May paniniwala sa kabilang-buhay at paggalang sa yumao na
makikita sa mga ritwal at paniniwala sa patay. Ang mga bangkay
ay inaayusan at pinababaunan bilang paghahanda sa
paglalakbay sa kabilang-buhay. May mga tradisyon rin para sa
panahon ng pagluluksa.
paggamit ng langis, asin at ugat upang ma-embalsamo ang
katawan (hal. lagundi, alagao)
pagpuno sa mga siwang ng katawan gamit ang dagta ng
buyo o mga kasangkapan
paglalagak sa ipil na longon bago ilibing sa yungib,
dalampasigan o isla
kung ang namatay ay datu, nagsasakripisyo rin ng alipin,
karaniwang katiwala ng datu
paglalabas ng binhi upang di madungisan
pagtatapos ng pagluluksa ay hinuhudyat ng balo
(paghahandog ng alak sa mga kaalyado, pag-awit ng
mandirigma ukol sa tagumpay)
Kinikilala ang buwaya bilang Lolo na inaalayan bago bumagtas
ng mga ilog upang maging ligtas ang paglalakbay.
Estetika at modifikasyon ng katawan
ang ngipin ay may kulay (dahil sa nganga) at di pantay
upang mabukod sa ngipin ng mga hayop.
hinuhulma ang ulo ng mga sanggol upang lumapad ang
mukha at umatras ang noo

V. Magagandang Tanawin at Makasaysayang Pook


Red Beach makikita sa baybayin ng Leyte at naging
makasaysayang dahil sa pagdaong ni Heneral Douglas
MacArthur.
Pryce Mansion (Tacloban, Leyte) nagsilbing bahay at
himpilan ni MacArthur nong nasa Leyte siya.
Buga-Buga Hills(Leyte) naging himpilan ng mga Hapones
noong panahon ng digmaan.
Pulo ng Limasawa isa sa mga naunang pulo na pinuntahan ni
Magellan nang siya ay nakarating sa Pilipinas.
Sohotan Natural Bridge National Park (Samar) tumpok ito
ng mga kuweba at bangin na karaniwang binibisita ng mga
turista.
Talon ng Casyawan(Biliran)
VI. Kilalang Tao
Imelda Romualdez-Marcos ang asawa ng dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos. Siya ay ipinanganak sa Tacloban, Leyte.
Jaime C. De Veyra ay isinilang sa Tanauan, Leyte. Isa siyang
manunulat, iskolar, at pulitiko. Siya ay naging kauna-unahang
Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa.
Vicente Lukban ang namuno sa mga gerilyang sumalakay sa
mga Amerikanong sundalo sa Balanggiga, Samar.

You might also like