You are on page 1of 1

Zion-Grace C.

Rosareal Grade 9 - Pythagoras

Mga Uri ng Maikling Kwento

1. Kwentong Nagsasalaysay Ang uring ito ay walang katangiang nangingibabaw,


timbang na timbang ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagamat masaklaw,
maluwang ang pagsasalaysay bagamat hindi apurahan.

2. Kwentong Makabanghay kapag ang pagkakabuo ng pangyayari ang mahalaga.

3. Kwento ng Tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga


tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa; kapag ang tauhan ang nangibabaw sa katha.

4. Kwento ng Katutubong Kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga


pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.

5. Kwento ng Madulang Pangyayari binibigyang diin ang kapana-panabik at


mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

6. Kwento ng Pakikipagsapalaran nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng


kwento sa halip na sa mga tauhan sa kwento. Ang kawilihan ay nababatay sa
pagsusubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng tauhan.

7. Kwento ng Kababalaghan pinag- uusapan ang mga salaysaying hindi kapani-


paniwala, kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan. Karaniwang likha ng
mayamang guni- guni ng may-akda ang ganitong uri ng kwento.

8. Kwento ng Katatakutan naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.


Damdamin, sa halip na ang kilos, ang binibigyang-diin sa uring ito. Pinupukaw ang
damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan.

9. Kwento ng Katatawanan Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa


mambabasa. May kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga pangyayari
sa uring ito.

10. Kwento ng Pag-ibig ang diwa ng kwento ay tungkol sa pag-ibig ng pangunahing


tauhan at ng kanyang katambal na tauhan.

11. Kwentong Pangkapaligiran kung ang paligid o isang namumukod sa


damdamin ang namamayani; kwentong karaniwang ang paksa ay mahalaga sa lipunan.
Ito rin ay kadalasang patungkol sa kwentong tumatalakay sa kalikasan.

12. Kwentong Pampagkakataon itoy kwentong isinulat para sa isang tiyak na


pangyayari gaya ng pasko, bagong taon at iba pa.

13. Kwento ng Talino ang kwentong ito ay punumpuno ng suliraning hahamon sa


katalinuhan ng babasa na lutasin. Ang may-akda ay lumilikha ng masuliraning
kalagayan sa simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang
oras ng paglalahad. Ang umaakit sa mambabasa ay ang pagkakabuo ng balangkas.Ang
ganitong uri ng kwento ay walang tiyak na katapusan.

14. Kwento ng Sikolohiko/Pangkaisipan ipinadarama sa mga mambabasa ang


damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng
maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan. Sa kwentong ito, sinisikap na pasukin ang kasuluk- sulukang pag-iisip ng
tauhan at ilahad ito sa mambabasa.

You might also like