You are on page 1of 2

Hindi madali sa isang bansang nahulog sa kahirapan ang bumangon at

umangat kasama ng ibang mayayamang bansa sa mundo. Maraming mga suliranin


ang kinakaharap ng mga bansa ngayon at hindi nawawala ang Pilipinas doon.
Kung i-aasa lamang natin ang lahat ng pagbabago sa ating bagong pangulo, paano
kaya tayo makakatayo sa kahirapang ito?

Madugong digmaan sa Vietnam, pag-aagawan ng teritoryo sa Scarborough


shoal, at pagbabago ng depenisyon ng hustisya sa bansang Islam - ito ay ilan
lamang sa mga patunay na ang pagtatamo ng pandaigdigang kapayapaan ay isang
napakamahirap na gawain para sa mga lider.

Subalit alam nating lahat na ang krimen at kawalan ng hustisya ay dahil sa


mahinang pag-unlad ng mga bansa. Kung kayat hanggat na mabibigyan ang mga
tao ng kanyang pangangailangan, mas bababa ang mga kaso ng krimen at
korupsyon. Ang matagumpay na pag-angat mula sa kinagisnang kahirapan ay hindi
lamang responsibilidad ng mga lider kundi responsibilidad din ito nating mga
mamamayan at bilang isang kabataan.

Dahil na rin sa maliit lamang ang maaring kitain ng mga skilled workers dito
sa bansa natin, napipilitan sila na mangibang bansa upang matustusan lamang ang
lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa mga sitwasyong ito, mas higit na
nababawasan ang mga skilled workers na kailangan nga ating bayan. Sa halip na
Pilipinas sana ang makinabang sa mga talent at kakayahan ng mga mamamayang
Pilipino, ibang bansa pa ang nakikinabang dito.

Hindi man nangunguna ang Pilipinas sa pinakamayamang bansa sa mundo,


binayayaan pa rin tayo ng mga yamang likas na kailangan ng panahon natin
ngayon. Kung kayat darating ang panahon na ang mga likas na yamang ito ay tayo
na ang aangkat at kakailanganin na rin ng mundo sa wakas ang bansang Pilipinas
iyon lamang kung wala nang mag-aagaw pa sa teritoryo ng pilipinas kagaya ng pag-
aagaw ng China sa Scarborough shoal.

Noon, hindi man laganap ang paghuhuli ng mga persona na kabilang sa mga
gumamit o nagtutulak ng droga sa nakaraang administrasyon, hindi pa rin
maipagkakaila na maraming tao ang nalululong sa bisyong ito. Mabuti na lamang at
simula noong umupo sa pagkapangulosi Gin. Rodrigo Duterte,kasama ang buong
pwersa ng PNP, ay napupuksa na unti unti ang drog sa pilipinas. Unti unti na ring
tumutigil ang mga kaso ng drug-trafficking sa mga menor de edad.

Ang isang bansa na kinabibilangan ng ilang milyong tao ay hindi makakatayo


kung hindi makikiisa ang lahat. Hindi lamang ang pangulo natin ang kailangang
kumilos tayo rin. Dahil ang tunay na pag-angat mula sa kahirapan ay wala sa
kamay ng binoto nating mga kandidato - sila ay nandiyan lamang upang ipamahala
ang kailangan ng kanilang mamamayan. Makakaangat lamang ang Pilipinas kung
tayo lahat ay magsisikap na tumayo sa pagbabago hindi lamang para sa ating mga
sarili ngunit pati na rin para sa ating bayan.

You might also like